Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

QUICK TRANSMIGRATION: SYSTEM FOR WICKED WOMEN

espiegle
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5.6k
Views
Synopsis
Mapanlinlang. Matigas ang puso. Masama ang Ugali.. Ngunit, Ubod ng Ganda! Sa isang kumpas ng mga kamay ay nakatali na s'yang bigla sa isang System. Bilang parusa ay kailangan n'yang Gawin at Pagtagumpayan ang bawat misyon, At kung s'yay mabibigo— Hindi na s'ya muli mailalalang bilang isang tao! Kailangang akitin ang Masungit at Walang pusong CEO? Okay! Bigyan ng anak ang Demonyitong Mafia Boss? Okay! Mahalin s'ya ng baliw na Doktor? Okay! Bring it on! Kayang kaya yan lahat ni Nieves. Ang hindi lang n'ya kaya, Bakit tila pa-intense ng pa-intense ang mga lalaking ito pagkatapos ng isang gabing pag-iibigan? Bakit patagal ng patagal? Bakit kailangang bigyan s'ya ng mga pasa, At paalala ng isang ma-aksyong gabi!? “System, P*nyetang Nanay mo! P*nyeta ka! H*yop! Wala kang Puso!” Pagmumura ni Nieves sa kawawang system. “At ano yung mga reward mo? ‘Aphrodisiac Smell’, ‘Extra Juicy’, ‘Pasikip ng Pasikip’!? ANG LALASWA!” System: Dahil sa tulong ko Host, Hindi malabong labingdalwa ang magiging anak mo, Bawat mundo! Praise me instead! .. Gustong magwala ni Nieves.

Table of contents

Latest Update1
PROLOGO5 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGO

Nakabibighaning alindog ang taglay n'ya; Nieves Reyna— Ang babaeng Nakasulat na ang Buhay sa Kasaysayan at Hinding hindi maaring mabura at Makalinutan.

Sino ba ang maaring makalimot sa isang babaeng katulad n'ya? Maganda. Mapusok. Mapanganib. Pinaguusapan, At Pinagkakaguluhan ng panahon n'ya. Isang dalagang ubod ng rikit, Wala s'yang kapantay.

Ngunit Lapastangan ang kan'yang puso. Ginamit n'ya ang angking Ganda upang pabagsakin ang isang Imperyo, at makaganti sa Haring pumatay sakan'yang pamilya.

Sa talino n'ya y tinrato n'yang laro ng chess ang mga pangyayari. Isang larong nakasalangalang ang Milyong Milyong Buhay; Mga kalalakihang handang magbuwis ng buhay sa ngalan n'ya.

PINARUSAHAN S'YA

Naglaho s'ya ng parang bula pagkatapos n'yang magamok at pabagsakin ang Hari.

Sa isang malinis at puting espasyo ay nahanap ni Nieves na nakatayo s'ya. Isang Robotic voice ang umalingawngaw sa paligid.

[System: Malugod na Pagbati, Ako ang iyong System na Nagngangalang W. Ikaw ay Si Nieves Reyna, Hindi ba?]

"Depende kung sinong nagtatanong." Deadpan na saad ni Nieves, At iginala ang mga mata sa puting lugar.

[System: Ubo.. Nagtataka ka siguro kung sino ako, At bakit ka naririto, Hindi ba?]

"Hindi naman. Pinuno mo na ang utak ko ng Impormasyon tungkol sa'yo." Ngumiti si Nieves. "Ikaw ay isang System, At nasa mga kamay mo ang mga kapalaran ko.. Kung may kamay ka man.. Mayroon kang mga misyon na ipapagawa sa'kin, At kailangan kong Tuparin ang mga 'yon. May karampatang reward ang bawat Misyon na makakatulong sa'kin. Tama ba?"

[System: Tumpak! Alam mo na rin siguro ang maaring mangyari sa'yo kapag hindi mo natupad ang misyon Hindi ba?] Madali lamang palang paalalahanan ang bagong Host n'ya, Ani ng system sa isip.

"Pag nabigo ako ay maglalaho ako ng tuluyan, Ng walang pagasang mamuhay muli bilang isang tao." Tumango si Nieves, At sumeryoso ang mukha.

[System: Tama ka dyan, Ms. Host. Ngunit nakasisiguro ako sa'yo, Na magiging madali lamang para sa'yo ang mga misyon. Isa pa't, Wala pang natatalo sa unang pagsubok!]

"Ngayon, Sabihin mo sa'kin kung anong Misyon ko."

Masunurin na System si W, Kung kaya't ginawa agad nito ang pinaguutos ni Nieves. Sa isang iglap ay mayroon ng makapal na librong nasa kamay ni Nieves.

Binasa ito ni Nieves. Ang istorya ay tungkol sa babaeng nagngangalang Victorina Lazaros. Isang babaeng lumaki sa hirap, Ngunit kalaunan ay nalamang isa pala s'yang tagapagmana ng mga Campos. Ang mga Campos ay isa sa pinaka-mayamang pamilya sa Syudad B. Mula sa isang simpleng dalaga ay naging Bilyonarya ang babae sa isang iglap. Naging sensasyon din ang babae sa Media, At mabilis na umakyat ang pangalan sa mga usap-usapan sa sosyal na pagdiriwang.

Iniwan ni Victorina ang pamilyang kumupkop sakan'ya at lumipat sa Syudad B. Tinanggap s'ya ng mga Campos ng bukas na bukas ang mga bisig. Mahal na mahal s'ya ng mga Magulang n'ya, At pati Lolo n'ya ay s'ya ang paboritong Apo. Paano naman ito matatanggap ng ibang mga Kamag-anak ni Victorina? Na mawala ang pabor ng pinaka haligi ng pamilya nila sa kanilang mga sarili, At mga anak?

May ibang mga mapangahas at pinlanong i-frame ng dalaga. Sa tulong na rin ng mga Admirers na nakapaligid kay Victorina, Ay nalulusutan n'ya ang bawat plano, At nananatiling walang galos ang reputasyon ng babae.

Mas lalong naging Katangi-tangi si Victorina. Umani s'ya ng maraming papuri dahil sa kagandahan, At sa katalinuhan. Lalo s'yang binigyang importansya ng kan'yang Lolo Jo.

Sa inggit at inis ay pinlano ng Isa sa mga pinsan n'ya na si Sylvia na lasunin si Victorina. Ngunit dahil sa mga attempts sa kan'yang buhay ay mas naging alerto ang babae. Natuto itong lumaban. Pinalitan n'ya ang inumin na dapat ay sakan'ya; Ngunit ipinakita n'yang 'ininom' n'ya ang tsaang may lason, alinsunod sa plano ni Sylvia. Nagpanggap rin s'yang nanghihina, At kinailangang isugod sa Hospital.

Tuluyang gumalaw, At nagplano ng sunod na hakbang ang mga manliligaw ng babae. Umatake rin ng pailalim si Liam Jimenez; CEO of Jimenez shipping lines, At pinahirapan n'ya ng lubos si Sylvia at ang pamilya nito sa isiping Nilason ng babae ang minamahal n'yang si Victorina. Nagsilbi itong banta, At paalala sa kung sino man— Na si Victorina ay hinding hindi pwedeng kantiin, Sapagkat sakan'ya ang babae.

Simula noon ay wala ng nagbalak na kalabanin si Victorina. Masyadong maraming makapangyarihang personalidad ang nasa sa likod ni Victorina, Na hindi nila kayang kalabanin. Dahil sa takot na maging pangalawa sila kay Sylvia, Hinayaan na lang ng mga kamag-anak ni Victorina ang pagpasok nito sa pamilya ng mga Campos.

Hindi naglaon ay si Victorina nga ang pinangalanang Tagapagmana ng Campos Winery. Bukod pa rito, Pinakasalan s'ya ni Liam Jimenez, At namuhay sila ng mapayapa at masaya bilag mag-asawa.

Padabog na isinara ni Nieves ang libro. Bilang isang Mapanlinlang na Babae —Sa nakaraan n'yang buhay— ay nakita na n'ya agad na may mali kay Victorina. Simula pa lamang Sa pagiwan nito sa pamilyang nagaruga sakan'ya, at sa maraming Tagapagtanggol ng babae.

Malansa.. Amoy isda.

"At sino naman ako? Huhulaan ko. Iyong Sylvia Campos na anti-bida." Pangaalaska ni Nieves kay W. Kontrabida naman talaga ang Role n'ya, Hindi ba?

[System: Maggaling kang manghula, Ngunit hindi tama!]

Gustong manapak ni Nieves. Pinagloloko ba s'ya ng W na 'to? Kahit na hindi n'ya nakikita ang boses na 'yon, Ay ipapakita n'ya ang galing n'yang mangbugbog.

[System: Ikaw si Wynter Campos. Anak ni Peter Campos, At Eureka Campos. Hindi ba't napakasaya, Host?!]

Wynter Campos? Napaka-malas. Iniikot ni Nieves ang mga mata. Unang pagkakataon, Ngunit isang walang kwentang minor character agad ang natapatan n'ya.

Higit pa sa wala itong linya, Ay isang beses lamang itong Binanggit sa Libro. Ito ay nang sakn'ya mapunta ang lasong nararapat kay Victorina. Ng pinagpalit ng babae ang tsaa, Ay kay Wynter napunta ang Inumin. Dehado agad ang babae. Nanghina at Naging sakitin, At naging miserable ang buhay dahil sa inuming 'yon.

P*nyetang Victorina! Bakit kasi hindi na lang nito tinapon ang inumin? Nandamay pa! Gustong magmura ni Nieves.

Hinayaan lamang ni Victorina na mangyari ang lahat ng 'yon. Kung hindi pa ito senyales na walang pake ang dalaga kundi sa sarili n'ya lamang, Ay ewan na lang talaga ni Nieves.

Hindi na ito karapat-dapat pagtuunan ng pansin ngayon. Wala pa s'ya sa nasabing mundo. Iniiukit ni Nieves sa kan'yang puso ang ginawa ni Victorina sakan'ya— Kay Wynter, at pinangakong ipaghihiganti ang Dalaga.

"W, Handa na ako." Untag n'ya kay W.

Napatigil si W sa pagiikot ng pwet n'ya. [System: Hingang malalim, Aalis na tayo!]

Wala naman s'yang choice, Kung kaya't huminga s'ya ng malalim at hinayaang magrelax ang katawan n'ya. Sa isang iglap ay naramdaman n'ya ang malambot na kama sa kan'yang likod.

Napamulat ang kan'yang mga mata. Nakita n'ya ang puting kisame, at mamahaling chandelier. Napatayo s'ya, At ang unang ginawa n'ya ay naghanap ng salamin.

Bilugang mga mata ang tumitig sakan'ya pabalik. Bahagyang namumula ang pisngi ng dalagang nasa salamin, porselana at maputi ang kan'yang kutis, makapal na pilik at matangos na ilong. Maayos din ang hubog ng katawan ng babae, At masasabing 'petite' s'ya kahit papano. Napanguso lamang si Nieves sa kan'yang hitsura.

Kung tutuusin ay napaka-ganda na ng hitsura n'ya ngayon, Ngunit bilang s'ya si Nieves Reyna— Isang saksakan ng gandang nilalang, ay Pasado lamang ang hitsurang ito sakan'ya.

Wala pa sa kalingkingan n'ya si Wynter. Gusto n'yang magreklamo. "Hoy W! Asan ang mukha ko? Ang katawan ko? Bakit ganito ang hitsura ko?! Wala naman to sa usapan ah?"

Napamulat si W. [System: Host! Hindi ko pwedeng ibigay sayo ang dati mong Hitsura.. nagaalala akong sirain mo naman ang Mundong ito. Ngunit, H'wag kang magalala! Kapag na-upgrade mo na ang System, Ay babalik ka sa normal!]

Napakurap-kurap si Nieves. "Tatandaan ko yan, W.. Oo nga pala, Anong misyon ko?"

[System: Host, Simple lang ang gusto ni Wynter. Mabuhay ng matagal, At pasayahin ang mga magulang n'ya..]

Nakinig si Nieves kay W, At tumango. [System: At Makapag-asawa ng lalaking Gwapo na magiging proud ang magulang n'ya!]

Nasamid si Nieves sa huling sinabi ni W. "Gosh! Ilang taon lang ba tong si Wynter? Kaka-diese otso pa lang, Asawa agad!" Bulong ni Nieves sa sarili, at umiling.

Ngunit hindi s'ya nagprotesta, At inilagay ang lahat ng ito sa mental note n'ya. Simple lamang ang nais ni Wynter. Nakakapagtaka dahil sa marangyang pamilya lumaki ang babae, Ngunit wala itong ambisyon na Maki-agaw sa kayamanan ng pamilya n'ya.

Simple Minded.. Magkalayong magkalayo sila ni Nieves. Ni hindi nga maipagsasama ang salitang Nieves at Simple e. Ni sa pagpapalaki sa kan'ya ay wala ring Simple.

Pagkamatay ng mga magulang n'ya, Naging miserable ang buhay n'ya. Naging Parusa rin ang kagandahan n'ya, At nagdagdag ito sa kalbaryo ng buhay n'ya ng tinangka s'yang ibenta ng tiyahin n'ya sa mga Estrangherong balak s'yang gawing isang parausan.

Mabuti na nga lang at nakatakas s'ya. Sa pagtakas na 'yon ay Nakilala n'ya si Rowan— Ang matandang kumukpkop at nagtrain sakan'ya upang maging isang armas na walang makakatalo.

Doon nagsimula ang Ambisyon n'yang Gumanti. Gamit ang pundasyon na tinuro sakan'ya ni Master Rowan, Ay masusi n'yang pinlano ang bawat hakbang patungo sa inaasam na paghihiganti.

Sa isang banda, Hinahangaan ni Nieves si Wynter. Hindi naging baluktot ang pagiisip ng Dalaga. Kahit papano ay hindi ito nabahiran ng Maka-mundong kasalanan, At nanatiling mapagmahal lalo na sa mga magulang n'ya.

"Para sayo, Wynter." Bulong ni Nieves sa sarili. Nabuo ang determinasyon sa kan'yang mga mata. "Para sa'kin.. Para sa'tin."