KASALUKUYAN: TAONG 2066
Ang tawag sa aming pamahalaan dito ay "ang Systema". Sila ang may hawak ng lahat nang makikitang bagay dito sa aming siyudad. Ako nga pala si "Skylr" na labing anim na taong gulang. Kakaiba yung name ko diba? Ito kasi yung ipinangalan sakin ng aking mga magulang eh. Si "Ash" naman ang aking batang kapatid na labindalawang taong gulang. Nakatira kami sa isa sa tatlong siyudad na nananatiling buhay pa dito sa mundo. Sa labas ng siyudad, wala ka raw makikita kundi patay na lupain at nakalalason na paligid. Pero ano kaya ang itsura nito? Napakaistrikto kasi ng systema eh. Sa ngayon, sira na kasi ang lahat. Oo, sira na nga ang lahat. Hindi kasi kinaya ng ating planeta ang mga bagay na ginawa ng mga tao dati. Nalanta ang mga puno't halaman, natuyo ang dagat, namatay ang mga hayop, at nalason ang hangin. Tao rin pala ang may kasalanan at kagagawan ito ng lahat. Paano ba kami nabuhay sa ganitong sitwasyon? Ang Systema ang gumawa ng paraan. Sila ay binubuo ng tatlong miyembro o mga taong may pinkamataas na posisyon dito maliban sa mga nagtatrabaho para sa kanila sa loob ng punong tanggapan. Silang tatlo ang gumawa ng mga imbensyon at teknolohiya upang mabuo at maging matatag ang siyudad na ito. Sila ang umaksyon at gumawa ng solusyon upang hindi mawala ng tuluyan ang mga tao dito sa mundo. Isang imbensyon nila ay nakagawa sila ng proteksyon na pumapalibot sa buong siyudad. Ito ay isa sa pinakamahalagang imbensyon na ginawa nila at pumapangalawa naman ang malaking pader na pinapalibutan ang buong siyudad dahil tumutulong itong dalawa sa paghihiwalay ng loob at patay na labas. Kahit nakagawa sila ng ganitong siyudad o artipisyal na tirahan, hindi pa rin lahat ng tao sa mundo ay na isalba. Ang kapasidad ng isang siyudad ay umaabot sa sampung libo. Mayroong tatlong siyudad edi nasa tatlumpung libong tao ang natitira. Ang ibig sabihin nito ay ganoon karaming tao ang naninirahan at kumakapit pa rin sa buhay kahit na mahirap ito. Maraming tao ang tumatawag sa kanila ng "bayani" o "tagapagligtas" dahil nakatulong sila sa lahat ng taong nais pang mabuhay.
Nagising ako mula sa malalakas na sigawan ng mga tao sa labas ng aming tahanan. Wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa labas pero minsan wala rin naman akong pake alam (mood rn) kaso syempre, alam mo na, na-curious ako dahil din sa malalakas na sigawan. Paghawi ko ng kurtina sa may bintana, nakita ko ang mga tao na nagpoprotesta dahil sa isang bagay na hindi ko pa alam. Itinaas nila ang malaking papel at iwinawagayway nila ito at ang sabi "ITIGIL NA ANG KANILANG PAGPASOK DITO!" Sino? Ano kaya to? Minsan, hindi ko rin naman kasi tinitignan kung ano yung mga balitang nangyayari dito eh. Napa isip tuloy ako kung mahalaga ba yun o wala lang talagang magawa yung mga taong iyan. Ano, bagong isyu nanaman?! Lumabas ako ng aking kwarto at bumaba ng hagdanan patungo sa unang palapag ng aming bahay. Pumunta ako sa sala at nakita ko si mama at Ash na pinapanood yung mga nagaganap na balita ngayon sa "holographic na telebisyon". Hala! Paano na iyan? Tanong ni mama na parang kinakabahan. Ano kayang meron dyan sa balitang iyan? Itinanong ko kay Ash. Si tatay pala nagtatrabaho ngayon sa isang kumpanya. "Tila may mga taong narescue raw sa labas ng siyudad, halos dalawang libong tao. Ina-alam pa ng mga awtoridad kung paano sila nabuhay. Pero hinayaan ng Systema na manirahan muna sila dito kahit na punong puno na ng tao ang ating siyudad". Sagot ni Ash. Ito pala yung sinasabi ng mga nagpoprotesta kanina, sila pala yun. Sa tingin ko dapat ilipat sila ng siyudad, wag lang dito kasi ang dami na ng tao and yung "isang anak na polisiya" nga hindi minsan ,nasusunod eh pero buti nalang pumayag ang Systema na kapag may dalawa o higit ka ng anak sa kasalukuyan, puwede ito pero kapag magkakaroon ka pa lang ng anak, isa lang dapat.
Yung mga pangunahing pangangailangan ng mga tao dito sa amin siyudad ay limitado. Isa iyan sa dahilan kung bakit hindi dapat sila dito muna manirahan. Pero di naman ako sang ayon sa pag papa-alis sa kanila. Lahat naman ay deserbing na mabuhay eh. Sinasabi ko lang naman yung mga totoo at maaari rin kasi ito maka-apekto sa lahat. Ang siyudad na ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga "Advance na teknolohiya". Itong mga bagay na to ang nagpapadali sa trabaho ng mga tao araw-araw. Kapag tinignan mo itong siyudad na ito sa itaas, parang hugis bilog ang disenyo. Ito ay nahahati sa tatlong seksyon. Ang una ay sa "outer part" na kung saan naka palibot ang malalaking pader na naghihiwalay ng loob at labas. Pangalawa ang "gitnang parte" na kung saan dito mo makikita ang halos lahat ng natitirang bagay, atraksyon, mga bahay, gusali at iba pa. Ang huli ay ang "core" na kung saan matatagpuan ang Infrastraktura ng Systema.
Habang ako'y pabalik ng aking kwarto, tumunog ang aking selpon pati na rin kay mama at Ash at ito ay isang "kakaibang mensahe" galing sa Systema.
HA?!