"Kunin mo nga 'yung cellphone ko sa kwarto ko!" Pabulyaw na sabi sa akin ni Aivan.
Naka-higa siya sa pahabang sofa habang nanunuod ng basketball sa telebisyon. Kakauwi ko lang galing sa eskwelahan pero — ito kaagad ang naabutan ko.
"Hindi mo na ako naririnig, Avygail huh?! Sinabi ko... Kunin mo 'yung cellphone ko sa kwarto!" Paulit na sigaw sa akin ni Aivan.
Kapag wala sila Daddy at Tita Cassandra ay ganyan lagi si Aivan sa akin. Lagi niya akong inuutusan, minsan pa nga ay hindi ko na kayang gawin ang ipapautos niya.
Pag-akyat ko sa 2nd floor ng bahay ay dumiretso muna ako sa kwarto ko, at doon ibinaba ang bag ko. Mabilis akong nagpalit ng damit at pagkatapos ay saka ako pumunta sa kwarto ni Aivan.
Sa ilalim ng unan niya ay nakita ko ang cellphone niya. Doon ko kasi madalas na makita ang cellphone niya sa tuwing pinapalinis niya sa akin ang kwarto niya.
Mayroon namang maid sa bahay, pero sa tuwing wala sila Daddy at Tita ay ako ang ginagawang katulong ni Aivan.
Bitbit ko ang cellphone ni Aivan, at nang makababa ako ay agad ko 'yong iniabot sa kanya.
"May assignment ba tayo sa Trigonometry, huh?" Tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nakatingin lamang sa iPhone niya.
Parehas kaming Grade 10 at sa kasamaang palad ay kaklase ko pa siya. Kaya araw-araw na nasa kalbaryo ang buhay ko.
Kanina, nag-cutting na naman siya sa last subject namin na Trigonometry. Lagi niya namang ginagawa iyon kapag gusto n'ya o di kaya naman ay kapag wala sa Pilipinas si Daddy at Tita Cassandra.
"Oo 'yung tungkol sa spherical and—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil may kausap na siya sa cellphone niya.
"What the hell is your problem Aliana? Sinabi ko na sa'yong wala nang tayo! Hindi mo ba naintindihan 'yon?...... One night stand lang iyon!... Pwede ba?? Wala nga kasing tayo! Huwag kang mapilit!" Sabi niya at muntik na akong mapatalon sa gulat nang hampasin niya ang sofa.
"Shet si Aliana! Sinabi na ngang 'break na kami' tapos nagpupumilit na naman!" Aniya at saka ibinaba ang cellphone, "Badtrip ampucha!"
Natauhan na lamang ako nang bigla niya akong sigawan, "Ano pang ginagawa mo sa harapan ko? Umalis ka nga!"
Lagi siyang high blood sa akin, lalo na kapag wala sila Daddy at Tita. Simula palang noong nakilala niya ako ay alam kong masama na ang loob niya sa akin. Simula pa lang naman ay ramdam kong ayaw niya sa akin, alam ko naman iyon.
Hindi ko naman siya tunay na kapatid. Alam kong anak ako ng nagngangalang Arianne na kahit kailan ay hindi ko pa nakikita at kahit nakakausap man lang sa telepono. 'Yung totoong Daddy ko naman ay hindi ko naman alam ang tunay na pangalan, at hindi ko rin siya nakikita.
Fifteen years old na ako at magsi-sixteen na sa susunod na tatlong buwan. Mas matanda nga lang ng isang buwan sa akin si Aivan.
Sobrang laki ng pasasalamat ko kay Daddy Blake at Tita Cassadra, kahit na hindi ko sila tunay na pamilya ay pinaramdam pa rin nila sa akin na anak nila ako — kaya sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanila dahil kung wala sila ay siguro hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka nga sa kalsada nga ako natutulog ngayon, kung hindi nila ako nakilala.
Dinala ko ang hapunan ko sa kwarto ko. Kailangan ko kasing mag-umpisa sa gagawin kong assignment sa Trigonometry. Medyo mahirap rin kasi iyon kaya kailangan ko nang gawin ngayon habang kumakain.
Habang gumagawa ako ng assigment at narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi na ako nagtaka pa nang makita ko si Aivan na feeling boss na naman habang dire-diretsong nahiga sa kama ko.
Ganyan naman siya lagi, feeling niya ay kanya 'yung kama ko. Kapag naman sinusuway ko siya ay kagi niyang sinasabi sa akin na...
"Baka sabihin mo na naman, na bawal akong humiga sa kama na to ah? Baka nakakalimutan mo. Ako ang may ari ng hinihigaan mo." Sabi niya.
Pasimple na lamang akong napa-iling at hindi na siya pinansin. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko habang gumagawa ng assignment.
Habang nag-sosolve ako ng problem narinig ko ang ingay mula sa cellphone niya. Akala ko nanunuod lang siya ng kung ano sa youtube pero nang marinig ko ng maigi. Puro ungol.
Nang hindi na ako makatiis, ay saka ko na siya niligon. "Gumagawa ako ng assignment ko. Pwede bang doon ka nalang sa kwarto mo?"
Hindi naman niya ako pinansin, mas inaasar pa niya ako dahil mas nilakasan pa niya 'yung volume ng cellphone niya.
"Gawin mo na lang din 'yung sakin." Sabi niya.
"Sabi ni Ma'am, bawal daw magpakopya."
"Bakit? Hindi naman niya alam na papakopyahin mo ako ah? Huwag ka ngang maarte diyan, Avygail. Baka nakakalimutan mo, ako ang boss dito."
Simula nang magkakilala kami ni Aivan. Wala akong natatandaan na nagka-usap kami ng maayos. Lagi na lang na ganiyan. Laging pagalit, laging pautos, o laging nagbabanta ang boses niya.
Ako naman ay walang magawa dahil ayoko namang patulan ang mga kalokohan niya. Ayoko na ring palalain 'yung sitwasyon naming dalawa.
Pagkatapos kong kumain at gumawa ng assignment ko— pati kay Aivan ay saka ko niligpit ang mga pinagkainan ko, pero letche lang ang iniwang kalat ni Aivan sa kama ko.
Punong-puno ng plastik ng mga chichirya, chocolate at ilang mga pop corns. Nakakinis naman! Hindi na talaga ako papahingahin ng lalaking iyon!
Tatlong araw pa ang hihintayin ko para dumating sina Daddy at Tita Cassandra, kapag kasi nandito sila ay hindi ako mautusan at pagmukhaing kawawa ni Aivan.
Kinaumagahan, paggising ko ay nag-almusal na muna ako, alas diyes pa naman 'yung pasok ko kaya mahaba-haba pa ang oras ko ngayon. Hindi ko na naabutan si Aivan dahil ang alam ko, kapag tuwing Wednesday ay may practice siya sa basketball niya. Varsity Player kasi siya sa school namin.
"Kumain ka na ng almusal mo, Avy." Sabi ni Yaya Coreen nang makita ko siya sa may kusina. "Inubos ni Aivan 'yung paborito mong Bacon kaya, nagprito na lang ako ng hotdog para sa'yo."
Kahit kailan talaga ang Aivan na iyon! Pati ba naman 'yung paborito kong Bacon, papatulan niya!
"Sige po, Salamat po Yaya." Sabi ko sa kanya.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako ng saglit at pagkatapos ay naligo na ako. Maaga pa naman kaya may time pa akong mag-review sa science dahil may quiz kami mamaya.
"Avygail, 9:30 na. Hinihintay ka na ni Ryan sa labas!" Sabi sa akin ni Yaya habang nasa labas siya ng kwarto ko.
Inilagay ko na ang reviewer ko sa bag ko, "Opo, Yaya."
Si Kuya Ryan nga pala ay Driver namin. Siya 'yung naghahatid at nagsusundo sa akin lagi-lagi, pero kung minsan ay hindi na ako nagpapahatid at sundo. Minsan kasi ay sumasakay na lang ako sa jeep.
Pagdating ko sa school, 9:50 AM. Mabuti naman at hindi ako na-late. Habang naglalakad ako patungo sa building namin, ay may kumalabit sa akin.
Paglingon ko ay si Lizette lang pala, Kaklase at kaibigan ko, Kapitbahay rin namin siya ni Daddy noong masa may Malate pa kami nakatira. "Avy.. 'Nae-excite na ako sa field trip! Oh my gosh!"
Napangiti ako, pinayagan na rin kasi ako nila Daddy na sumama sa field trip namin sa Subic.
"Matagal-tagal pa naman 'yan, 2 months pa hihintayin natin."
"Kahit na! Gusto ko kayang ma-experience na pumunta sa Subic na kasama 'yung mga classmates ko."
Pagdating namin sa classroom, naabutan naming magulo, maingay at wala pang teacher. Nakita ko rin ang grupo nila Aivan na nagtatawanan sa may bandang likuran ng classroom.
Agad kong iniwas ang tingin ko nang mapabaling ang tingin niya sa akin.
"Ang ganda at ang bait talaga ng kapatid mo, Pre." Sabi ni Eric na classmate namin.
Hindi ko na pinansin pa ang pinag-uusapan nila at umupo na kami ni Liz sa pwesto namin, pero sa lakas ng mga boses nila ay hindi ko pa ring maiwasang mapakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Huwag kang magkakagusto sa isang ampon, Eric. Pabigat nga 'yan sa bahay, at saka anak 'yan ng malanding babae. Lahi ng mga walang kwenta."
Copyright © 2017 IHeartThisGuy (Niño Noel)
All Rights Reserved
Hi guys! I just want to inform na automatic MUTE po ang gagawin ko kung magcomment kayo sa stories ko kasama ng ibang characters or authors na hindi naman involve sa mga akda ko. Please do have some respect naman. Salamat!