Chereads / A not so Magical Love Story / Chapter 4 - Chapter 4: Date

Chapter 4 - Chapter 4: Date

Nagising na lang ako sa puting kwarto. Teka, asaan ako? Napaupo ako sa kama at kasabay 'nun ay pagsakit ng aking ulo. Shit.

"Gising na po pala kayo" Sabi ng isang babae na nakauniformeng puti. Nasa ospital nga ako.

"Tatawagan ko lang po yung Guardian niyo at ipapaalam na gising na kayo" She bid goodbye at mabilis na umalis.

What happened to me? Wai-, Naalala ko si Zac! tama si Zac. Gabi 'nun at may sumusunod sakin at niligtas ako ni Zac then at his house. Yung bata na nagpalutang ng baso. Si Jabee? Zabi? Gabby?. Then my head hurts again. Shit.

"Hey, What happened?" Dad just walked in and asked.

"I can't remember" I lied. Baka sabihin niyang baliw ako. Expecting from Papa ipaparehab niya agad ako.

Na discharge na ako sa Ospital at sinalubong agad ako ni Lora sa skwelahan. Nagtatanong kung anong nangyayari. I can't tell her so I lied, again.

Naging mailap si Zac sa akin. Kahit nasa iisang building lamang kami. Naging busy ang lahat dahil paparating na ang exams. Review dito Review doon. Lahat ng pwesto. I need to get my seat back.

Natapos 'din ang buwan at lumabas ang resulta ng Exam. I regain my seat.

Natuwa naman sa akin si Lora. I am happy. Yet, parang may kulang. Later that Day nakita ko sa Zac kasama si Gabby, I guess.

"Hey" I said casually.

"Zhavi want to say something?" Zac said. Oh, Zhavi, right.

"Sorry po" Sabi niya at yumuko.

"No worries, kalimutan mo na 'yun" Then her face lighten up. She smiled so am I.

"Can we go on a Date?" Zhavi said.

"I'm in"

***

"Princess buy me that bear" She said then giggles. Turo niya sa isang game at ang prize ay isang stuff toy.

"Okay, wait for me"

"Kuya magkano bala?" It's a shooting game. Kahit 'di ako ganoon kagaling ay gagawin ko pa 'rin para kay Zhavi.

Sinubukan kong tamaan pero hindi ko talaga ito matamaan. Nang panghuling bala ko na ay natamaan ko ang isang target.

"Yey" Zhavi giggles.

"Miss, kailangan matumba hindi matamaan" Sabi ni Manong.

"Ay,ang duga naman 'nun kuya eh mukhang matibay yung mga target eh"

"Kung ayaw mo sa iba ka maglaro" Pagsusungit nito.

"Princess can I play?" Zhavi said.

"Okay" Sabi ko at binayaran para sa mga bagong bala.

Halata naman na maduga ang laro. Kung hindi lang dahil sa premyo ay walang maglalaro nito.

Sunod sunod pinakawalan ni Zhavi ang mga bala at lahat ng tamaan niya ay tumba. Kahit ang may-ari ay nagulat. Karma.

Hindi lang isang stuff toy ang nakuha ni Zhavi kundi Lima. Ginamit niya ata yung kapangyarihan niya.

"Princess, I'm hungry"

"Tara sa food court tayo at siguradong andon na ang kuya mo" I said then she smiles. "Bakit nga pala Princess tawag mo sa 'kin?" I asked.

"Well you look like one po eh" sabi niya at ngumiti. Kahit ako napangiti. Kahit halos isang araw ko pa lang siya nakakasama ang gaan na agad ng loob ko sa kanila.

Nakita agad namin si Zac at may mga pagkain na sa table. Tahimik kaming kumain habang sinusubuan ni Zac si Zhavi minsan ng Fries. Habang ginagawa niya 'yun ay nakatingin ako, ang cute lang kasi niya.

"Uhm, Princess you have something in your lips" Zhavi said.

Walang ano ano ay pinunasan ito ni Zac na siya namang kinabigla ko. Parang nagslow-motion ang paligid. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Umupo na siya at nagpatuloy sa pagkain at nginitian ako.

Habang ako ay nakatingin lang sa kaniya. Ba't ang bilis ng tibok ng puso ko? Am I falling fo Zac?

A/N:

Happy 800 reads!. What do you think about this chapter? I comment mo na!