Chapter 4 - Chapter Three

"KATERINA, sister ng papa ko."

"K-kailan pa?"

"Kailan? What?" Tumaas ang isa nitong kilay.

"Kailan pa nasa Amerika ang iyong tiya?"

"I don't know, and besides, why are you so interested to know about it?"

"A, wala. Curious lang."

"Bakit?" Suminghal ito.

"Wala nga. Ano nga palang ginagawa mo rito? Saan ka galing? Paano mong nalaman ang lugar na ito?"

Tumawa ito. Lalong tumingkad ang maganda nitong mukha dahil sa nakangiting mga mata't nasisiyahang reaksiyon. Lalong lumalim ang biloy nito kapag tumatawa ito. "I got lost. Do you come here often? Just by yourself? Do you have a girlfriend?"

Naudlot siya sa gagawin sanang pagsagot dahil sa huli nitong tanong. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Oo, at private property ito, hindi mo ba nabasa, no entry, sabi."

"Where? I didn't see any sign." Nagpalinga-linga ito upang hanapin ang signboard.

"Sige na, puwede ka nang umalis." Muli niyang ipinagpatuloy ang pagtali sa mga lubid.

"Already? I just came here?"

Hindi siya umimik, baka sakaling umalis din ito kapag hindi niya ito pinansin. Ngunit ganoon na lamang kanyang pagkagulat nang basta na lang itong lumapit sa kanya, halos idikit ang mukha sa kanyang mukha. Iniatras niya ang sarili, at dahil biglaan, nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig.

Tila siya isang palabas na nakatutuwa dahil sa paghagalpak nito ng tawa. "Are you alright? Here, I'll help you up." Iniabot nito ang kamay sa kanya.

"Kaya kong tumayong mag-isa." Itinukod niya ang mga kamay sa sahig at bumalikwas patayo.

"Oh, okay. I just thought I could help. Do you know you have such a lovely voice? I like the sound of it. It's hard. Crispy. Crunchy. I could almost chew it." Itinaas nito ang isang kilay habang nakangisi.

Mukhang may pagka-sarkastiko ang dalagang kaharap. Masyado pang malakas ang presensya, dire-diretso kung magtanong. Siya pa ang naiilang para rito. Nagpakawala siya ng malalim na hininga.

"Anyway, my name is Erina De Dios, and you are?" Hindi yata ito napapagod ngumiti. Lalo lang siyang naalangan na makaharap ito.

"De Dios?" Halos sa sarili niya iyon inulit.

Kilala ang De Dios sa Del Rio, isa ang mga ito sa may malalaking lupain at negosyo sa lugar na ito. Hindi niya alam na may anak palang babae si Enrique De Dios. Hindi man niya kilala ng personal ang lalaki, palagian naman niyang naririnig ang pangalang iyon.

"You haven't answered my question about having a girlfriend?" She cut his thoughts.

Napapalatak siya. Itinabi niya ang hawak na mga lubid.

"You don't talk much, do you?" Nakadikit pa rin ito sa kanya.

"Sa hindi ko gaanong kakilala."

"Oh, I see. Well, I already introduced myself. Ikaw hindi pa. Tell me your name then we won't be strangers anymore."

Dumukwang siya tsaka dinampot ang backpack na nasa sahig at isinukbit sa mga balikat. "Umuwi ka na. Uuwi na rin ako." Humakbang na siya palabas ng kubo.

"Hey, wait. What is your name? Hey!"

Subalit hindi na siya sumagot at nagsimulang lumakad palayo. Napailing uli siya, hindi pa rin makapaniwala sa nangyaring engkuwentro sa isang babaeng katulad nito.

ERINA looked around the cottage, it seemed that the guy had fixed the place. She smiled upon remembering how awkward his actions were, her laughter echoed in the woods. She found him adorable, but then her smile diminished when she realized how he looked at her, it was not unfamiliar anymore—to be disliked. Nagpakawala uli siya ng tawa subalit hindi na sintunog nang una, hindi sinsaya, at hindi sinsigla.

Bago niya nilisan ang cottage ay naghanap siya ng palatandaan kung paano uli ito hahanapin. Babalik siya rito. Hindi siya bumaba sa creek, sa halip ay sinundan niya ang daang tinahak ng binata. Bago pa siya mag-panic sa isiping naligaw uli siya ay nakita niya ang labasan. Maluwang siyang ngumiti nang maging pamilyar na ang daan pababa ng burol. Tinakbo niyang pabalik ang villa. Hindi na niya inalintana pa ang init ng araw na nakasunod sa kanya.

MABILIS siyang nilapitan ni Juliet pagkapasok niya sa sala ng Villa De Dios. "Senyorita Erin--"

Kaagad niyang nilapitan ang kababata at idinikit ang dulo ng ilong sa ilong nito. Akmang aatras ito subalit hinawakan niya ito sa magkabilang balikat upang pigilan. Nagkadulingan sila sa pagtitig sa isa't isa. Pinanlakihan niya ito ng mga mata, binalaan.

"E-Erina pala." Pumikit ito, halos hindi huminga.

Pinakawalan niya ito tsaka matamis na ngumiti. "Tama. Friends nga tayo e."

Juliet smiled but it was so awkward that she almost laughed. Inakbayan niya ito. "What's up, friend?" Tsaka niya ito iginiya paakyat sa hagdanan. She was tired from running. She sweated again, feeling sticky all over her body.

"W-wala naman. Bigla ka kasing nawala kanina e hindi kita mahanap."

"Oh really? You looked for me? How sweet of you. I love you na." Kinabig niya itong palapit sa kanya. Nakarating na sila sa kanyang kuwarto, kumalas siya. "I'm all sweaty, ligo muna 'ko, ha?"

"Sige. Inalis ko na nga pala sa bagahe mo ang mga gamit mo at inilagay ko sa aparador."

Hinubad niya ang suot na polo shirt at shorts. Hindi niya napalitan iyon nang dumating siya kaninang umaga. Napansin niyang nanlaki ang mga mata ni Juliet sa ginanawa niya kaya mabilis itong tumalikod. Natawa siya. Juliet's action reminded her of the guy she met earlier.

"Aw, come on, Juliet, don't be silly, pareho tayong girls."

"A, kasi...hindi lang ako sanay." Sa nahihiya nitong reaksiyon.

"Oo nga. We all girls strip naked in front of everyone in our locker room in my school when we changed into our gym clothes. I forgot how conservative people here are." Dumiretso na siya ng banyo at doon hinubad ang natitirang mga saplot sa katawan, tsaka siya pumailalim sa malamig na tubig ng shower.

"Libreng araw ko nga pala bukas, pupunta ako sa talon para makipagkita sa mga kaibigan ko, gusto mong sumama?" Nadatnan niya itong nakatayo sa paaanan ng kanyang kama pagkalabas niya ng banyo, diretso ang pagkakatayo, praktisado ang kilos bilang isang katulong.

"Sige, I like that." Kumuha siya ng bra, panloob, maikling shorts at walang manggas na blusa. Akmang aalisin niya ang tuwalyang nakabalabal sa katawan nang magsalita uli ito.

"Kakatukin kita bukas ng umaga, mga alas-otso. Sige, E-Erina, iiwan na kita para makapagbihis ka na." Nagmadali itong lumabas ng kanyang silid.

Napangiti siya. Old habits die hard, but she knew she had to try harder. Alam niyang naiilang ang kaibigan sa kanya.

She looked at the round alarm clock on her bedside lamp table, it was already four in the afternoon, she was exhausted. Nang makahiga sa kama'y mabilis siyang nakatulog.

"ANONG gusto mong sabihin ko, Lucinda? Hanggang ngayon pa rin ba ay pinagbibintangan mo pa rin ako tungkol sa kanya?"

"Maiintindihan ko naman kung aaminin mo lang, Enrique. Alam kong wala kang kinalaman sa pagbalik niya rito pero...hindi ko siya kayang tingnan nang diretso nang hindi iniisip na may ginawa kang mali."

"Gabing-gabi na at pagod ako. Gusto ko nang matulog."

"Pabalikin mo na siya sa iyong kapatid."

"Sinabi ko namang ako na ang bahala, hindi ba? Matulog na tayo, Lucinda."

Hindi alam ni Erina kung ano ang dapat maramdaman sa narinig. Nagising siya sa ugong ng sasakyan na dumating kaya naman bumangon siya upang salubungin ang ama. Pumunta siya sa silid ng mga ito, handang kumatok ngunit natigilan nang marinig ang mga ito na nag-uusap. Akala niya'y wala na siyang ilulungkot pa sa malamig na pagtanggap sa kanya ng magulang, ngunit ang narinig kanina'y mas matinding kirot ang idinulot sa kanya.

Maingat ang mga yapak na bumalik siya sa sariling silid. Tumayo siya sa gilid ng bintana at tumanaw sa madilim pa ring kalangitan. Ikalawa pa lamang ng madaling araw ngunit nawala na ang kanyang antok. Ipinilig niya ang ulo upang harangin ang anumang ideyang nais sumuksok sa kanyang isipan. Ayaw na niyang lalo pang masaktan. Ayaw na muna niyang mag-isip sa ngayon.

MARIING tinapakan ni Erina ang gas pedal ng minamanehong sasakyan ng ama, sabik na muling magmaneho katulad ng kanyang gawain sa Amerika.

"Erina, baka pagalitan ka ni Senyor Enrique kapag nalamang itinakas mo itong pick-up truck." Pag-aalala pa rin ni Juliet kahit ilang minuto na siyang nagmamaneho papuntang talon.

"Nah, akong bahala." Matamis ang ngiting nilingon niya ito. She turned on the radio and found an FM station where it played American pop song. Binuksan niya ang mga bintana ng sasakyan at hinayaang ihangin ang kanilang mga buhok. "Wohoo!" malakas niyang sigaw habang iwinawagayway sa hangin ang isa niyang kamay.

Narinig niyang tumawa si Juliet. Tumawa rin siya. "I'm staying here! Right here, you hear me? I'm never going back! You better welcome me, Del Rio. Wooo!" Pumailanlang sa hangin ang kanyang mga sigaw.

"Erina, itabi mo sa gilid, doon o." Tapik ni Juliet sa kanyang balikat tsaka itinuro ang paanan ng burol kung saan may nakaparada ring jeep na wrangler.

Nang makababa'y inusisa niya ang kulay berdeng jeep na nasa tabi ng sariling sasakyan. "Wow, this is brand new. Your friend must be rich." Nilingon niya ang kaibigan.

Ngumiti lamang si Juliet. "Tara na." Aya nito at naunang umakyat sa burol.

"I was here yesterday." Iginala niya ang paningin at may hinanap. "Hmm...I think...there." Itinuro niya ang isang mapunong bahagi ng burol. "Or there?" Napangiwi siya habang nakaturo sa ibang masukal na mga damuhan. "I'm not so sure anymore."

Natawa si Juliet. "Hindi kataasan itong burol pero madaling maligaw rito dahil sa nagkakapalang mga puno. Halika, rito ang daan papuntang talon." Umakyat na ito.

Nagkibit balikat na lamang siya, subalit hindi pa rin sumuko ang mga mata sa paggala sakaling matandaan niya kung paanong mahahanap ang cottage na nakita niya kahapon. Natigilan siya sa paghakbang. Nalanghap niya ang amoy ng mga lumot. Narinig ang malakas na pagbagsak ng tubig. Napatingin siya kay Juliet nang marinig ang hiyawan ng dalawang boses panlalaki.

"Narito na tayo." Ngiti nito tsaka itinuro ang talon.

Sinundan niya ang itinuro ng kaibigan. Hinawi niya ang makakapal na mga dahon ng isang sanga ng puno na nakaharang sa nais makita. Nangislap ang kanyang mga mata sa maputing tubig na bumubuhos mula sa gitna ng pinagdikit na ituktok ng dalawang burol. "Wow...this is breathtakingly beautiful." May paghangang pinanood niya ang pagbagsak ng tubig sa ibaba.

"Erina, narito ang daan pababa sa lawa." Agaw ng kaibigan.

"Juliet, I can die here, and I won't even complain." Hindi lumilingong sagot habang pinagsawa ang mga mata sa kagandahan ng lugar na nasa kayang harapan.

Narinig niya itong tumawa. "Halika na nang maipakilala kita sa aking kasintahan at mga kaibigan niya."

Doon lang nito tuluyang nakuha ang kanyang atensiyon. "What? You have a boyfriend? Where?" Mabilis siyang sumunod, sabik na makita ang itsura ng lalaking bumihag sa puso ng kaibigan.

Hinubad niya ang suot na sandalyas. Masarap sa mga paa ang pagtapak niya sa mga batong nababasa ng tubig. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya nakaranas nang ganito kahit pa may mga napuntahan na rin siyang beaches sa California. This was different. Something in here felt more like home. May nakita siyang dalawang lalaki na nasa ituktok ng talon, at ang isa sa mga ito ay naghahandang tumalon.

"Mahal na mahal kita, Juliet!" sigaw ng lalaking unang tumalon.

Napasinghap siya sa narinig, napatingin kay Juliet pagkatapos. Nahihiya namang itinago ni Juliet ang mukha sa mga kamay. "That is so sweet!" Napapalakpak pa siya sa sarili.

Pagkuwa'y sumunod namang tumalon ang ikalawa sa mga lalaki, sumigaw din ito. "Nambobola lang iyan, Juliet!" Napahagalpak siya ng tawa sa narinig.

She continued laughing until she couldn't laugh anymore. She wiped her tears while holding her stomach, it was hurting for laughing too much. Kumilos si Juliet at nilapitan ang ikatlo sa mga lalaki, nakaupo ito sa malaking bato na patag sa ibabaw. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mamukhaan kung sino iyon, agad siyang kumilos.

NAPANSIN ni Caleb ang dalawang babaeng papalapit sa kanya. Kilala niya ang isa, ang kasintahan ng kabigan niyang si Rommel. Napakunot siya ng noo nang mamukhaan naman ang kasama nito.

"Uy, Caleb." Ngiting bati ni Juliet.

Ngumiti rin siyang pabalik sa dalaga. Nakalapit na ang mga ito sa kanya subalit hindi pa man ito nakakaupo ay bigla na lang hinablot ni Rommel ang braso ng kasintahan at mabilis nitong dinampian ng halik sa pisngi.

"Rommel, ano ba?" Humagibis ang kamay ni Juliet sa balikat ni Rommel, habang natutuwa naman ang huli sa reaksiyon ng kasintahan.

"Na-miss lang kita, 'no? Ang sakit mo namang magmahal." Kunwari'y nasaktan na sabi ni Rommel habang hinahaplos ang balikat.

Inirapan lamang ito ni Juliet, ngunit may ngiti sa mga labi. Ngumuso si Rommel sa katabi ng kasintahan, nagtatanong kung sino ito.

"A, nga pala, siya si ERINA, ano..." Nilingon ni Juliet ang katabi, tila nanghihingi ng permiso kung ano ang dapat sabihin.

"Hi, I'm her friend. I'm here for vacation, and you can call me Erin just like how my friends do." Maluwang itong ngumiti.

"Wow, ang puti mo naman, para kang labanos." Sita ni Rommel.

"At ang ganda pa, parang stateside?" sunod na pahayag ng isa pa niyang kaibigan na si Danilo.

"Erin, siya si Rommel, nobyo ko." Turo ni Juliet sa kasintahan, bago ibinaling ang kamay sa kanila ni Danilo. "Siya naman si Danilo, at si Caleb, mga kaibigan ni Rommel."

Kumaway sina Rommel at Danilo kay Erina, subalit natigilan ang dalawa nang sa halip ay iabot ng dalaga ang kamay upang makipag-handshake.

"Ay, sosyal. Sige, kamayan na rin." Pabirong tawa ni Danilo.

"Kamayan? Gago, daop-palad." At sumunod namang nakipag-kamay si Rommel.

"Joke lang, gago, pero pareho rin. Dikit-palad nga e." Sabay ngiti ni Danilo sa dalaga. "Ang lambot ng kamay mo, parang ulap." Ngisi ni Rommel.

"Bakit, nahawakan mo na ba ang ulap?" Tinampal ni Juliet ang braso ng kasintahan.

"Uy, 'wag ka nga. Selos ka na naman e, para nagiging gentleman lang sa bago mong kaibigan." Pagkuwa'y umakbay sa balikat ng nobya.

"Ewan ko sa 'yo. Tabi ka nga riyan." Ngumuso si Juliet.

"I'm sorry, Juliet, are you mad?" Lumamlam ang mga mata ni Erina, larawan sa mukha ang pagkabahala dahil sa nakikita sa kilos ng magkasintahan.

"Ha? Hindi, nagbibiruan lang kami. Ganito lang kami. Magkababata kasi kami niyan bago naging kami. Huwag kang mag-alala." Sinserong ngumiti si Juliet sabay kaway pa ng mga kamay.

"Oh, really? How nice." Ngumiti rin si Erina.

Bahagya siyang napapitlag nang biglang tumingin sa kanya si Erina. Matamis itong ngumiti, sabay kaway. "Hi! So, you are Caleb. Now I know." Lumapit pa itong lalo sa kanya.

Yumuko siya, bago ibinaling sa talon ang mga mata. Ang akala niya'y hindi na niya muli pang makikita ang babaeng ito.

"Do you mind if I sit with you?" Ngunit heto't nasa tabi pa niya ito, naghihintay sa kanyang sagot.