Isang malamig nahangin ang bumabalot saakin buong katawan. Namulat ako sa isang hindi pamilyar nalugar, madilim at walang ka tao tao tanging mga tuyong halaman at nakabibinging katahimikan. Nag libot libot ako, nagtataka at nalilito.
"Bakit ako nan dito?"
Malayo-layo nadin ang aking nalalakad at wala padin akong alam sa kinalalagyan ko. Hagang sa isang malamig natinig ang tumawag sa aking pangalan. Oliverrr. Sino ka?! Sambit ko. Oliverrrr. Sinundan ko ang tinig at dinala ako sa isang maliit batis.
Parang isang paraiso, isang maliit na paraiso, kanina ay puro tuyong dahon ngayon ay mga bulaklak at mga malilit na hayop ang nakapaligid saakin. Sa gilid nang batis may natanaw akong dalaga. Dahan dahan akong lumapit at napansin nya ako.
"Oliver. Bulong nya".
Sakanyang pagharap isang pamilyar na mukha ang aking nakita.
"Ka... Ka.. Kassandra?!."
Napabangon ako saaking panaginip. Tumayo ako saaking kinahihigaan. Natapakan ko ang mga bote nang alak na ininom ko kagabi. Bago ako tuluyang umalis sa kwarto ko sumulyap muna ako sa orasan.
Alas 5 palang nang umaga. Pumunta ako sa dirty kitchen namin para mag kape para nadin mawala yung hang over ko. Habang nasa kusina napatingin ako sa wall clock namin. Sobrang tahimik.
Natulala nalamang ako sa kawalan habang pinakikingan ang tunog nito. Tik tak... Tik tak.... Tik tak... Naalala ko yung aking panaginip.
Muling nanumbalik ang sakit saaking puso. Kasandra. Kasandra. Habang binibigkas ang pangalan nya habang sinasariwa ang mga ala ala.
Tik tak. Kung pwede ko lang sana ibalik ang pag tik tak nang oras kung pwede ko lang balikan ang nakaraan at patigilin ito sa bawat sandaling kasama kita gagawin ko.
Kaso sobrang mapaglaro nang tadhana. Sobrang unfair nang mundo. Dahang dahang tumulo ang luha ko at narinig ko ang pagpatak nito sa lamesa.
Nagising ako saaking pagkakatulog sa kusina 7 na pala. Kaya nagbihis naako baka mahuli paako sa trabaho. Isa akong marketing agent na isang kompanya.
Habang nagbibihis. Ring ring... Ring. May tumatawag si Mama. Hello. Anak I'm here in the USA for a business trip kamusta na? Matagal natayong dinagkikita.
"Please ma! Wag kang umarte na may pakialam kasaakin at pwede ba matanda nako kailan kaba titigil sa panghihimasok sabuhay ko?! Sabay baba nang phone".
Almost 7:30 na nang matapos ako sa pagaayos. Nag 3 miss call si mama saakin pero diko na sinagot.
Manang! Pakibukas po yung gate lalabas ako. Saglit lang po sir. Sagot nya. Pumunta nako sa trabaho ko. Nakaupo lang ako sa desk ko at inaaral ang marketing plan nang group ko.
Oliiiv.. Narinig ko mula saakin likuran. Oh Derick ikaw pala. Best friend ko si Derick since bata pakami at sya lang ang tanging nakakaalam sa bawat sulok nang pagkatao ko at bawat lihim ko.
"Teka nga Oliver, napaka sipag mo ngayon ha."
"Dinaman pare nagpapaka busy lang sagot ko."
"Baka naman maging number one ang company natin nyan sa ginagawa mo"
Napabuntong hininga nalang ako.
"Tungkol nanaman bato sakanya?. Alam mo Oliv kalimutan mo na yung mga nangyari madami pa naman dyan. Kung gusto mo bar tayo after work?."
Sabi nya habang pinapagaan ang loob ko.
Ayoko pass muna sagot ko.
"Sige bahala kang magpakalunod sa lungkot at ako naman magsasaya kasama ang mga babes ko".
Napatawa nalang ako at sinabing "ikaw ang magbago at makalimot hayaan mo pag nag ka HIV ka dadalawin kita sa hospital sabay tawa".
7 pm na. Pauwi nako at naisipan ko munang pumunta sa park. Para mag pahangin. Umupo ako sa dati kong pwesto yung favorite spot namin. Malapit sa mga puno at tanaw ang mga bitwin sa langit.
Hangang ngayon nakaguhit parin ang pangalan nya sa mga mata ko at buhay padin ang ala ala nya sa isip ko.
Naglibot libot muna ako para mag isip. Hangang makarating ako sa part na malapit sa fountain. Sa pagtalsik at pagsayaw nang tubig na sinamanhan pa nang ilaw napakaganda talaga.
Then nung nag off yung fountain, laking gulat ko. Sana... Sana... Hindi ito panaginip. Napaluha nalang ako. Oo sya.. Sya nga.
Ang babaeng pinaka mamahal ko. Ka... Ka... Ka... Kassandra bulong ko na may halong kaba at tuwa. Tumakbo ako sakanya at niyakap.
"Ikaw nga, ikaw nga mahal ko".
Yumakap din sya nang mahigpit at sinabing "wag kang umiyak para kang bakla eh".
"Oo ako to, na miss mo baako?" Tanong nya na may halong pang aasar.
"Nagpapatawa kaba sobrang miss kita". Niyakap ko ulit sya.
Tik tak tik tak. Sana tumigil ang tik tak nang aking mga relo sa sandaling iyon.
Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Parang isang magandang panaginip na maging bangungot. Ako si Oliver at ito ang aking istorya.
Mga nakatagong alaala sa likod nang aking mga mata. Mga ala ala nya. Sya si Kassandra, Kassandra Lovin at ang misteryong bumabalot sa kanyang mga mata.