Chereads / How to Love Again / Chapter 1 - He Makes Me Happy

How to Love Again

Maria_Tine_Padilla
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.7k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - He Makes Me Happy

"Bilisan mo kumilos! Male-late ka na naman. Araw araw na lang na ginawa ng dyos." sermon na naman ng kanyang ina.

"Ma, bakit ba mas atat kang pumasok kesa sakin na estudyante?Palit na lang kaya tayo. Char!" biro nya sa kanyang ina. "Alis na po ako. 'Love you!" sabay takbo palabas ng maliit nilang tahanan.

Sa daan palabas ng kanilang bahay ay eskinita. Sari saring klase ng tao ang makakasalubong. "O, En! Maaga pa. Maaga pa para sa panghapon mong klase! Haha!" laging asar sa kanya tuwing tinatanghali na sya ng gising.

Sa eskwelahan...

"Class, tomorrow magbibigay ako ng quiz tungkol sa diniscuss ko ngayon. Kaya magreview kayo ok?" sabi ni Ms.Cruz na hindi nakaligtas sa paningin si En. "Miss Lariva! 'Di ko alam na nagbago na pala ng schedule ang klase ko. Bakit late ka na naman?" tanong nito.

"E mam kasi.."

"Kasi?Haynako Lorraine! Alam kong matalino ka at masipag sa pagaaral. Pero sana sipagan mo din gumising ng maaga! Class dismissed!" sabay sabi ni Ms. Cruz.

Ng makalabas ang teacher agad nagkumpulan ang mga estudyante. Kanya kanyang gawa habang wala ang susunod na teacher. Sa kabilang banda, si En at ang mga kaibigan na naguusap.

"Nakailang late ka na a! Ano ba kasing ginagawa mo at late ka laging magising? Nagtitinda ka ba sa gabi?" birong tanong ni Tash ang medyo bully sa barkada.

"Oo nga! Ikaw ha, negosyante ka na pala di ka nagsasabi para makabili. Lagi pa naman akong ginugutom sa gabi. Hihi" hagikgik ni Timmy short for Fatima ang medyo may kalusugan sa kanila.

"Hoy hoy! Tigilan nyo nga si En. Ang totoo nyan napupuyat yan kasi may kachat yan tuwing gabi. Future jowa nya. Hahaha!" bisto ni Lexa. Ang pinakamadaldal at may pagkachismosa sa kanilang grupo.

"Weh! Totoo?" sabay na tanong ni Tash at Timmy

"Kelan pa?Tsaka sino? Gwapo?" dagdag pa nila.

Nangingiti na lang si En. Di nya alam kung sasabihin o hindi sa mga kaibigan ang totoo. Alam nya kasi na kapag nagsabi sya,hindi na sya titigilan ng mga kaibigan.

"Oy ano? Ngiti lang ganun! Wala kang sasabihin? Kilala ba namin?Saan nagaaral? Ilang taon?Baka naman pinasasakay ka lang nyan.Sige ka!" kulit ni Tash.

"Hindi a! Mabait 'to. Tsaka sure ako na seryoso sya. Kaya nga ako napupuyat e! Sabi nga magpuyat ka sa seryoso,wag sa manloloko." Sagot nya sa mga kaibigan.

"Saan mo ba kasi nakilala yan? Concern lang naman kami sayo 'no! Sa panahon ngayon mahirap na malaman kung sino ang totoo sa nagloloko. Baka mamaya makikita ka na lang namin nagiiyak. Naku lang talaga!" paalala ni Lexa.

"A basta! Makikilala nyo din sya soon. For now, support nyo muna ko ha? Mwuah!" yun na lang ang nasabi nya sa mga kaibigan.

Samantala, habang naguusap usap silang magkakaibigan tungkol sa susunod na subject,bigla namang nagring ang cellphone nya.

Agad na lumapad ang ngisi sa kanyang mukha ng makitang ang lalakin pinagpupuyatan nya ang tumatawag. Agad nya tong sinagot ng sobrang giliw, " Hello?"

"Goodmorning! Nasa school ka na ba?" sabi sa kabilang linya.

"Ahm, oo. Ikaw? Sorry hindi na ako nakapagtext sayo kanina. Nagmamadali kasi ako e." aniya.

"No, its ok! Kumain ka na ba ng breakfast? On the way pa lang ako sa school. Kain ka muna habang wala kayong klase. Wag kang magpapalipas ng gutom ok? Ingat ka dyan." malambing na sambit ng lalaki.

Agad na naginit amg pisngi ni En sa simpleng pagpapaalala lang ng lalaking kausap, "Sige, ingat ka din. Bye!" masaya nyang pagtatapos sa tawag.

"Aysus! May pa phonecall pa talaga ha. Ibang level to. " asar ni Tash sa kanya.

"Mapupunit na nga mukha nya sa pagngit e oh! Oh! Di ba. Sus! Inlove ang frenny namin!" sabi naman ni Timmy.

Pailing iling na lang si En sa mga kaibigan habang di sya nilulubayan ng pang-aasar.

"In love agad? Haynako basta ang alam ko at sure ako, masaya ako sa kanya." yun na lang ang nasabi nya sa mga kaibigan.