Cen's POV:
"Ba't kaya hindi pa rin pumapasok sina Cendria at Jenica?! Hay naku! Yung mga losers na yun! Nagawa pang magtago sa atin?! Lalo na yung feelingerang Cendria na yon!" pangalanan nalang natin syang chismosa 1
"Hay naku sinabi mo pa girl! Losers talaga! Palibhasa rejected sa school kaya si Papa JM na naman ang nilalandi! Sl*t talaga!" sya naman si chismosa 2
Sa tuwing papasok kami ni Pajen, yan at yan na lang palagi ang topic. Kairita! Tss.
Nakadisguise kasi kami ni Pajen, hindi ako boyish look at hindi nerdy look si Pajen. Ang problema nga lang, ang daming lumalapit samin.
Daming gustong makipagfriends na gold diggers, suitors at naiinggit. Ito ang nakakairita kapag center of attraction ka.
Ang tagal kasing mawala ng isyu namin ni JM. Tss. Tagal na kaya nun. Gusto ko nang bumalik sa pagiging boyish!
Two weeks na ang nakakalipas simula nung nagsimula na yung tutorial session namin ni JM. So far, so good. Fast learner siya infairness. Kaya lang ang ikli ng pasensya.
Alam na nyang bigkasin yung alphabet ng Filipino na hindi nauutal pero may accent pa rin na konti. May alam rin siyang mga words na common like "Ako si JM." "Mahal kita" "Maganda ka" "Gwapo ka" and others.
Gusto nga niyang malaman ang tagalog word ng "I AM SO HANDSOME"
See? Nakakastress ang kayabangan nya. Wengya lang.
Nasabi ko na rin kay Master ang tungkol kay Devil Assassinator. Ewan ko kung may progress na tungkol dun, hindi naman ako pinatawag ni Master kaya inignore ko muna yun.
Andito ako sa condo ni JM, pinapasahan ko siya ng English-Tagalog Dictionary na app sa cp. Para hindi na ako mahirapang turuan siya ng mga tagalog words. Ang ituturo ko na lang sa kanya ay ang pagconstruct ng sentence.
"Done!" sabi ko nang mapasa ko na yung app. Ininstall nya yun agad at nagsimula na kami. After 30 minutes, nagawa na nyang makapagconstruct ng iilang sentences like "Gwapo ako" "Matalino ako" "Ikaw ay nakakatuwa." etc. Pero nung pina-pronounce ko na. Hahahaha! Olats siya! Laptrip!
"Oh yeah! This is what I've been looking for." sigaw nya. Napakunot ang noo ko.
"Ang gwapow kow tuhlaguh! Woooo! Serves you right Cendria! I've found the translation of "I'm so handsome" Hahaha!"
Ayon! Yung gusto niyang ipatranslate! T*ran*ado talaga! Ang babaw ng kaligayahan ng lalaking to!
"Tss! You look stupid!" at nagmake face ako.
"Whatever!" at nagroll eyes siya! Ang bading talaga!
"And like a gay." bulong ko. Buti di niya narinig.
"Anyways, I'm gonna get some snacks in the kitchen." sabi niya at nagmadaling umalis. Halatang gutom na. Haha! Ang tagal naman non! Mag-iisang oras na yon sa kusina!
"Hey JM! Hurry up! I'm damn hungry!"
"Just wait you mathakaw!" Ano daw mathakaw?
Matakaw?! Aba't gago to ah! Psh!
At bumalik siya na may dalang tray with cake, spaghetti, burger, cookies, juice, ice cream. And my-oh-so-favorite!
"GRAHAM?! Waaaaaahhh!" sigaw ko. At sinugod ko si JM! Waaahh! Graham ko! Tagal kong hindi ka natikman sinta ko! Wahahaha! Ang korni ko!
"Hey easy lady! That graham is all yours." sabi niya pero di ko siya pinansin at kinuha ko yung graham! Emegerrd!
"Woooh! I love this day!" sigaw ko! Ansaya ng life pag kapiling ko si Graham! Hihihi.
Pinatong niya sa lamesa yung tray at nagpout at nag cross arms! WTF?!
"Hey what's your problem? Stop pouting, you look like a gay." sabi ko at sinubo si graham! Hmmmm! Chalap chalap!
Seriously?! Kanina pa siya nagkikikilos na bakla! Nagdududa na ko ha!
Hindi niya ko sinagot.
"Tss. Fine! Spill it." pagsuko ko.
"It's just...graham...attention...Arrrggghh! Just don't mind me."
Ano daw? Graham?Attention? Ang gulo ah.
"As you wish." sabi ko, wag na daw pansinin eh. Yae na nga!
Sumubo pa ako ng graham. Maya-maya naubos ko na siya pero hindi pa rin kumikibo tong mokong na to!
"JM." sabi ko
Napatingin siya sakin.
"What is the matter?" sabi ko with serious tone at tiningnan ko siya straight to his eyes. Binasa ko yung nasa mata niya.
Inggit? Selos? Hala!
"Tss." umiwas siya ng tingin. Ang ewan ng lalaking to!
"What are you jealous of?" prinangka ko na sya. Nanlaki ang mata nya!
"W-what? J-jealous? M-me? H-ha-ha-ha."
"Really JM?" tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Ang obvious naman ng lalaking to! Daling basahin?
"I'm not jealous!" sigaw niya.
"Hey! I'm not deaf! Don't shout!"
"Arrrgghh! I'mjealousofthatgrahamandIdon'tknowwhy! IjustfeelthatIwantthegrahamoutofthistableandinsidethetrashcan!" Ano daw? Ang bilis nya magsalita. Parang si Pajen pag kinakabahan.
"Please say it slower. I can't understand you!" sabi ko.
Napabuntong-hininga sya sabay sabing.
"Gustow kitah..."