Hillary's POV
Pagkarating ko ro'n ay hawak-hawak niya na ang kamay ni Sky, pero agad binawi ni Sky ang kamay niya. Lumapit na ako at agad hinila ang buhok niya. Sobrang nagulat si Sky at 'yong mga taong andito ay naguguluhan na sa nangyayari. Mabuti na lang at may edad na halos ang nandito at hindi nila naisip na kunan kami ng video.
"Mi Stella," natinag ako nang tawagin ako ni Sky na halatang gulat na gulat pa rin. "Take it off," aniya, pero hindi ako nakinig.
"I told you already to stay away from him, Veia, pero anong ginawa mo? Sinundan mo siyang malandi ka!" sa sobrang inis ko ay hinila ko nang todo ang buhok niya kaya todo palo rin siya kamay ko, pero ininda ko 'yong sakit. Si Sky naman pinapakiusapan pa rin ako na itigil na ang ginagawa ko, but damn, I'll never stop until she learns her lesson!
"Let me go...Hillary," halata na talaga sa boses niya na nasasaktan na siya. Tss.
"Sa susunod na makikita pa kitang kasama si Sky ilalampaso ko 'yang lintik mong pagmumukha!" inis kong sigaw at narinig ko ang mahina niyang tawa!
Sh*t! Mas lalong uminit 'yong ulo ko! Sa sobrang pagkanis ay itinulak ko siya, mabuti na lang at napaluhod lang siya at hindi nalapampaso 'yong mukha niya sa sahig. Sayang!
Gulat na gulat si Sky, pero akmang tutulungan niya si Veia na makatayo, pero sinamaan ko siya agad ng tingin. "Do it, wala ka ng Fiancée," I'm damn serious! Gawin niya at ibabalik ko 'tong singsing niya.
"Mi Stella," 'yong mukha niya ay talagang nagmamakaawa. Hindi ko na 'yon pinansin at tumalikod na ako. Inaakala kong susunod siya, pero hindi! He helped Veia!
Inis kong pinaandar ang sasakyan at pinahaharurot sa kung saan. Puro mura at galit na lang ang laman ng isip ko! Freaking Sh*t!
Itinabi ko 'yong sasakyan at hindi ko alam kung saan na 'to. Tumutunog 'yong cellphone ko, kanina pa ako tinatawagan ni Sky, pero hindi ko sinasagot. Ang sakit ng ulo ko! Gusto ko na lang matulog at magising na bumalik na sa ibang bansa si Veia.
Nagpatuloy sa pagtunog 'yong cellphone ko at nang marindi na 'ko ay sinagot ko na 'yong tawag niya. "Hillary," rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Sky. Sh*t! "Asan ka ba?" dagdag pa nito.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala 'yong lintik kong mga luha! Hindi ko na kasi maintindihan 'yong nararamdaman ko. "Just...leave me alone this time, Sky...I want to be alone," sagot ko. Gusto kong mapag-isa, gusto kong umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako at makatulog. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Nasasaktan ako si ginagawa ni Veia at sa ginagawa ko sa kaniya. Magkapatid kami, eh, pero niisang beses hindi namin 'yon naramdaman. At, nasasaktan din ako si ginawa ni Sky. Alam ko kasing kayang tumayo ni Veia, she's just pulling an act, pero nagpauto naman si Sky. Sh*t!
"Mi Stella, ayoko," natinag ako nang sabihin niya 'yan, "I'm here. If you're mad...sad...in pain, share it with me...Mi Stella," alam kong umiiyak na si Sky sa kabilang linya. Pero, gusto ko muna talagang mapag-isa.
"I'm sorry, Sky, but please for now. I just want to escape reality," ibinaba ko agad ang cellphone ko. Pinaandar ko 'yong sasakyan at umiiyak ako habang nagmamaneho. Ilang beses akong muntik nang mabunggo, pero buhay pa rin naman ako nang marating ko ang IPC. Bumalik ako sa dati naming eskwelahan at doon ko binalikan ang lahat ng masasayang araw namin nina Sky, Sun, at Si Veia, ang mga masasayang araw na hindi na kailan pa maibabalik.
Sky's POV
I went to a bar. I have never been here even once, ngayon lang. I just want to get drunk! After Hillary said she wants to be alone hindi na namin siya makontak. Dumilim na, pero hindi pa rin siya umuuwi. I badly want to see her.
"Mi Stella," I uttered out of myself. I let out a deep sigh and I ordered another shot of Spicy Sandstorm.
I've been drinking when my phone beeps. Hindi ko na tiningnan kung sino 'yong tunatawag agad ko na 'yong sinagot.
"Sky," napatingin ako agad sa screen ng cellphone ko, pero unregistered number naman. Sa'n niya kaya nakuha 'yong number ko. Tsk!
"Why?" tanong ko, then I take another shot.
"Saan ka?" I wonder why she sounded so worried. Tss. "Ang ingay yata riyan, Sky, nasa bar ka ba?" she asked again.
"Why do you even care?" nakakunot na talaga 'yong noo ko.
"Dahil gusto ko!" sigaw niya at bigla na lang niyang pinutol ang tawag. Ibinaba ko na rin 'yong cellphone ko at ibinalik sa bulsa saka ako uminom nang uminom.
Tsk! Asan kaya siya ngayon? Does she okay? Does she eat? What is she doing now? Damn! Hillary, you're making me get worried to death!
Hindi ko alam kung anong oras na, pero alam ko na kanina pa ako nandito. Tumayo na ako para uuwi na sana, pero napaupo ako ulit nang biglang umikot 'yong paningin ako at lumalabo na rin ang mga nakikita ko. Sh*t, I'm so freaking drunk! This is what I want, but I still can't forget what happened...kahit panandalian lang, ayaw maalis sa isipan ko.
"Sky!" she held me too soon before I was about to lay in the floor. Hindi ko na kayang tumayo, pero antok na antok na ako. "Ihahatid na kita sa inyo," hindi na ako pumalag. Nakapikit na 'yong mga mata ko at hindi ko alam kung sino 'yong tumulong sa kaniya para akayin ako.
***
I woke up in a different bed, different room, different ambiance. Where on earth am I?!
I looked at myself and my clothes were freaking change! I can't remember anything aside from I drunk myself to death and Veia helped me—sh*t, I was with Veia.
No, I'm certain nothing happened last night. Siguradong-sigurado ako.
Inabot ko agad 'yong cellphone ko nang tumunog ito. My Mom is calling, "hello?" I uttered.
"Where are you? Where did you sleep? Are you okay? Are you with Hillary?" sunod-sunod niyang tanong.
Mas lalong sumakit 'yong ulo ko! Pero, ano raw? Am I with Hillary? She didn't go home last night?! Sh*t! "Mom, I need to call her. I love you. Bye," after ending the call, tinawagan ko agad si Hillary, but she's still can't be reached, so I dialed Zeus's number instead.
"Bro, sa'n ka?" 'yan agad 'yong tanong niya, so I told him that I am on my way home. Hindi pwedeng malaman niya na nasa hotel ako baka kung ano pa 'yong isipin niya, "pumunta ka sa'min agad. Hillary's here," nabuhayan ako agad after hearing that! Akala ko kung napano na siya.
I ended the call. I went home at sinalubong ako agad ni Mommy, but I told her I'm in a hurry. Hindi ko na narinig 'yong sinabi niya dahil umakyat ako agad. I took a shower so damn fast! At, nagbihis na rin ako agad.
"Mom, kailangan kong pumunta kina Hillary. Let's talk later, okay?" tumango na siya agad kaya kinuha ko na 'yong sasakyan ko at pinaharurot 'yon papunta sa kanila.
I want to see her now!
Hillary's POV
Umuwi ako agad sa bahay kinabukasan. I am so thankful that Driana never leaves my side. Sa kanila na rin ako natulog. And instead of getting drunk mas pinili namin ni Driana manuod ng Horror movies! I enjoyed so much. Kahit sandali nakalimutan ko na malungkot ako.
Nasa may living area lang kami, waiting for Veia to come down. Pagdating ko rito biglang sinabi ni Kuya na babalik na raw si Veia sa Austria. Masaya ako, syempre, pero a part of me is in melancholy. Dapat nag bonding kami, eh, pero hindi 'yon ang nangyari, instead we fought. Tsk!
"Sky!" biglang usal ni Kuya Zeus. Napatingin ako agad sa kanya. Basang-basa pa 'yong buhok niya. Mukhang nagmamadali siyang pumunta rito.
Lumapit siya sa'kin at agad akong niyakap. Halos isang araw lang naman kaming 'di nagkita, pero miss na miss ko na siya! "Where have you been? You don't know how worried I am, Mi Stella," bulong niya.
Niyakap ko na rin siya pabalik. Now, I'm certain he really loves me. Wala talaga akong dapat ikatakot dahil alam ko ako lang talaga ang mahal niya. "I'm with Driana. Huwag nang mag-aalala, okay lang ako. And, I'm sorry for what I did," sabi ko.
"It's okay, but please don't do it again. I'll totally get insane," sincerity can really be recognized in his tone. Napapikit na lang ako. I'm so stupid for doubting his feelings again. Kahapon kasi mas pinili niyang tulungan si Veia instead of chasing me! Akala ko, his heart wanders at that time. I really am so stupid as sh*t!
"Sky, Hillary," sabay kaming kumalas sa pagkakayakap namin. Halata na nagulat si Sky seeing Veia na dala-dala ang isang maleta, "I'm sorry sa mga nagawa ko," bahagya siyang yumuko, "I'll never do it again. Sana mapatawad niyo pa ako," she said in tears.
I looked above to hold my tears. "Soon," I replied. "Have a safe trip. Tawagan mo kami agad kapag nakarating ka na," she nodded too soon.
"Babalik ka nang Austria?" Sky asked and she nodded again. "Take care," he added.
Veia smiled, "thank you. I'm sorry again," she said. She looked at Kuya Zeus and gestured him to help her carry her things. Si Papa naman nauna na sa sasakyan. They'll send her off.
Napatingin ako ulit kay Sky at saka ako ngumiti sa kaniya. "Namiss kita," sinserong sabi ko.
Marahan niya akong hinawi papalapit sa kaniya at hinalikan ang buhok ko, "let's date later," bulong niya at tumango ako agad. "I love you, Mi Stella," muling usal niya.
Tumingin ako sa kaniya nang nakangiti, "I love you, too, Mi Cielo," sagot ko and we shared a kiss for a second.
Everything will now surely move smoothly. Pero, sana sa muling pagbabalik ni Veia hindi na siya manggugulo at sana makapagbonding na rin kami.