Chereads / A Kiss For Sky / Chapter 47 - Chapter 46

Chapter 47 - Chapter 46

Veia's POV

Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ako ni Sky. Hindi siya nagsasalita, wala siyang kinakausap, hindi siya ngumingiti at ilang araw na siyang ganiyan. Gusto ko siyang kausapin, pero natatakot ako. Ngayon ko lang siya nakitang gan'to at nasasaktan ako, sobra!

Wala tuloy akong kasamang kumain tuwing lunch dahil hindi ko alam kung asan siya. Wala akong kasama sa library. Wala akong kasamang gumawa ng assignments. I am so alone. And, I'll be honest, I am envious of Hillary. Kahit wala si Sky, she still got friends, pero ako wala. Kaya kahit na iwasan niya si Sky okay lang, eh.

Sabado na ngayon at dalawang linggo na ang lumipas na hindi pa rin kami nag-uusap. Pero, halos mapatalon ako nang makitang may message sa'kin si Sky. He wants us to meet! Siguro kailangan niya na ng makakausap. And of course, I went at Fria's Resto too soon, diyan niya gustong makipagkita, sa restaurant ng Tita niya.

When I reached there, syempre nakita ko siya agad, siya lang naman kasi ang andito, wala rin ang mga staff sa resto na 'to. Weird.

"Hi, Sky," binati ko siya agad, but he just gestured me to sit, hindi man lang ako binati pabalik.

"Have you done eaten lunch?" tanong niya at tumango ako agad. Nakakatakot naman ang awra niya! L-Lalo na kapag tinititigan niya ako, parang t-tumatagos, eh. "Veia, alam ko na na ikaw 'yong reason kaya iniiwasan ako ni Hillary," nagulat talaga ako nang sabihin niya 'yan.

Kaya pala! Kaya niya iniiwasan dahil alam niya na! That damn Hillary, humanda talaga siya sa'kin!

"I'm sorry kung iniiwasan kita. Pinapalamig ko pa 'yong ulo ko, and now that I finally have my courage to talk with you, then I'll be telling you this frankly, hindi ko talaga nagustuhan na pinaiwas mo siya sa'kin."

Ang sakit-sakit! Ang sakit na nakikita kong galit siya sa'kin.

"You don't have the right to control our lives. Kaibigan ko si Hillary, but because of what you'd said to her, I lost a friend. And when she came back, nawala na naman siya because you want her to get out of the frame. Since when did you become so selfish, Vee?"

Hindi ko na napigilan 'yong sarili ko at umiyak na ako nang umiyak. Ang sakit-sakit lang!

"Hindi...mo kasi ako...naiintindihan, Sky," I uttered between my sobs.

With knitted brows, he said, "then let me understand it, Veia."

P-Paano ko sasabihin? Matatanggap niya kaya? Baka tuluyan niya akong iwasan kaya huwag na lang.

Tumayo ako bigla at tinitigan siya habang umiiyak pa rin. "Iwasan mo na lang ako, Sky," at umalis na ako ro'n. Siguro mas maganda talaga kung iiwasan niya na lang ako.

I can handle the pain alone.

Sky's POV

I chased her, but she found a taxi too soon. Pupunta na lang sana ako sa kanila, but she'd sent me a message saying she's off to somewhere kaya huwag na akong pumunta sa kanila.

I messed up my own hair! Just...damn! Hindi ko napansin na nasaktan ko na pala siya. Hindi ko na nakontrol 'yong sarili ko! Babae 'yong kausap ko, and she's Veia, she's softhearted, ba't 'di ko man lang naisip na mabilis siyang masaktan?!

Damn, sh*t! Iiwasan ko siya ng tuluyan? How can I do that? How can I avoid the woman I like? Sh*t, man!

I need to apologize as soon as possible!

Hillary's POV

I just saw Veia now. She's absent for three days and when she's back, she seemed still not fine, pero kanina ko pa napapansin na nilalapitan siya ni Sky at kinakausap, pero bigla siyang lumalayo. I am getting curious, but I'd decided to not give a damn. It's their life, after all.

***

I am the washroom, combing my hair, when Veia came. She looked at me with seriousness in her eyes. No one dares to talk, pareho lang kaming nag-aayos ng sarili until everyone leaves, excluding us.

"How dare you to tell it to Sky, Hillary? That I asked you to avoid him," this time, she's now staring straight at me.

"I no longer want to lie at him, Veia, at nahihirapan siyang nakikitang iniiwasan ko siya, he doesn't deserve it at nakokonsensya talaga ako," I replied, but she seems didn't hear anything.

She smiled and said, "ngayon masaya ka na? Iniiwasan ko na siya dahil galit na galit siya sa'kin!" her voice raised up.

My brows knitted. He promised me na hindi siya magagalit kay Veia, what happened now?!

"Sabihin mo sa'kin na masaya ka, Hillary! Tell me!" she yelled again.

"NO!" I shouted. "I AM NOT HAPPY, VEIA! AFTER ALL THOSE SH*T WORDS YOU SAID TO ME AYOKO PA RING MASAKTAN KA!"

She laughed so damn hard, "talaga ba, Hillary? Tingin mo ikatutuwa ko 'yan?" she asked, smirking.

"Veia, totoo, ayoko na magalit sa'yo si Sky dahil ayoko na masaktan ka," I uttered, trying to stay calm. Pero, nahawa na yata talaga ako sa kabaitan ni Sky dahil totoo, sa lahat ng ginawa niyang mali, ayoko pa rin na masaktan siya dahil nagawa niya 'yon.

"Pero, wala na, Hillary! Galit na galit na siya sa'kin!"

"Kasalan mo rin naman 'yon."

"KASALANAN MO DAHIL SINABI MO SA KANIYA!"

"DAHIL 'YON ANG DAPAT!"

Silence suddenly swallowed us. She's looking herself in the mirror and I am just staring at her. Ayoko talaga na nag-aaway kami, pero tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para mag-away kami.

I suddenly heard her sobs-sh*t, she's now crying! "Hillary...isang taon pa lang mula nang mawala si Sun...isang taon pa lang, pero..." she paused and looked at me, "paano na ngayon? Iyong taong gusto ko...galit na galit sa'kin."

And, I find no words to utter. Did I hear it right? Or, I was just mistaken.

"Nahihirapan akong aminin sa kaniya kasi...parang ang bilis...tsaka 'yong dati kong boyfriend, kakambal pa niya...parang ang labo lang," she uttered again.

"Gusto mo si Sky? Hindi bilang kaibigan, but more than that?" tanong ko.

She nodded in tears, "I like him...gustong-gusto ko siya, Hillary, sobra!" she said.

And, someone suddenly appeared. I guess he's just listening from outside.

Then, I chuckled. Kaya siguro walang pumapasok na tao baka hinarang niya. Tsk, tsk! Sky Abellera, ibang klase.