Chereads / May Fourteenth / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 1

"Remembering may be a celebration or it may be a dagger in the heart, but it is better, far better, than forgetting."

— Donald M. Murray

[Kheila A.]

WHEN YOU HAPPEN TO LOSE a thing so precious to you, what will you do?

You find that precious thing. Aalalahanin mo kung saan mo ito unang nakita o huling ibinaba. Pilit mo itong tatandaan dahil mahalaga ito sa 'yo eh. Pakiramdam mo, hindi makukumpleto ang araw mo kapag hindi mo nahanap ang bagay na iyon. Pakiramdam mo, parang ang hirap ipagpatuloy ng buhay kapag tuluyan mo nang naiwala ang bagay na pinakamahalaga at pinakainiingat-ingatan mo.

Pero paano kung tao iyon? Nawala sa iyo ang isa sa mga taong pinakamahalaga sa 'yo and what's worse is, permanente na talaga siyang nawala sa buhay mo? Saan mo siya hahanapin? Paano mo siya maibabalik sa 'yo kung ang katawang-lupa niya ay matatagpuan mo na lang anim na talampakan mula sa lupang kinatatayuan mo?

It's almost a year. A year since he died. A year since that tragedy happened.

Ni wala man lang preparation na nangyari. Para bang tinamaan ka ng kidlat at naging si Flash kaya ang bilis mong mawala. Dinaig mo pa ang speed of light sa sobrang bilis mong maglaho. Kaya iyan tuloy, naiwan kaming lima. Patuloy na nabubuhay kahit nauna ka na.

Ang araw na dati ay nakapagpapangiti sa atin, ngayon ay dinaraan-daanan na lang namin.

Kasabay ng pagtatapos ng kuwento mo ang kuwento naming tila hindi na nakaahon sa kabanatang iyon.

At ngayong nandito ako sa tapat ng puntod mo, kumusta?

Kumusta ka na r'yan?

Sorry kung ngayon lang ako bumisita sa puntod mo. I'm sorry kung hindi ako um-attend sa libing mo. It was hard, a'ight? It was hard for me to look at your coffin while you were being buried seven feet below the ground.

Masakit kasi. No'ng mga panahong 'yon ay hindi ko pa tanggap sa sarili ko. Hanggang ngayon pa rin naman eh, hindi ko pa rin tanggap. Kaso ano pa ba'ng magagawa ko? Hindi na kita maibababalik sa amin.

Kahit ano'ng pagpapanggap ang gawin ko, na baka isa lang 'to sa mga panaginip ko, alam ko pa rin sa sarili ko kung ano ang katotohanan at iyon ay ang katotohanan na wala ka na. Tuluyan mo na kaming iniwan at iyo na talagang nilisan ang mundo kung saan tayo pinagtagpo.

Kada gigising ako sa umaga, nahihirapan akong ngumiti. Babangon ako sa higaan ko nang wala man lang kabuhay-buhay ang mga mata ko. Sa araw-araw na pumapasok ako, parang nag-aaral na lang ako dahil sa kailangan ko itong tapusin.

Hindi naman ako robot pero nang nawala ka, bakit parang naging isa na ako sa mga ito? Ngingiti lang kapag kinakailangan. Tatawa lang kahit hindi talaga masaya.

Is this still the life am I supposed to live, o sadyang nabubuhay na lang ako kasi hindi pa 'ko tumitigil sa paghinga?

"You're here."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.

My eyes went to him as he flashed me a smile and walked the gap between us.

"Ashton..."

"Don't get the wrong idea. Napadaan lang ako."

Napangiti ako.

Napadaan daw. If I know, sinadya niya talagang dalawin siya rito kasi gaya ko ay nami-miss niya na rin ito.

Nanatili kaming nakatayo habang nakatitig lang kami sa tombstone na nasa harap.

Maganda ang sikat ng araw. Hindi masyadong masakit sa balat. Sinamahan pa ito ng hanging humahaplos sa aming mga balat, tila niyayakap kami't nakikisabay sa emosyong aming nararamdaman.

For the past few months, a lot of things have changed since he died.

We are a group. We were.

Parang kailan lang, ang senaryo pa ay nasa condo pa kami ni Lance habang ako, nagluluto sa kusina. Si Lance ay puro thesis ang inaatupag. Si Gwen ay nanonood ng paborito niyang palabas. Si Clary ay nagta-type ng kanyang story sa kanyang cell phone, at sina Ashton at Aidan na nagbibiruan at nagbabatukan sa may tabi. Ang saya-saya pa naming anim n'yan. Hindi lumalagpas ang isang araw nang hindi kami nag-uusap at nagtatawanan.

Ngunit sa isang iglap lang, unti-unti nang nagbago ang senaryong dati ay punong-puno ng tawanan at kulitan naming anim.

Isa-isa kaming nawala sa condo ni Lance. Nawala ang isa. Nawala ang dalawa. Hanggang sa halos maging bakante na ang sala at isa na lang ang natira.

Dito nagsimulang mawalan ng kulay ang mundo naming dati ay punong-puno ng kulay at buhay na buhay.

Simula nang mawala siya ay unti-unti na kaming nagkahiwalay. Bibihira na lang kami kung magkita. Magkakasalubong man ay magngingitian na lang. Madalas kaming busy sa kanya-kanya naming mga ginagawa kaya hindi na rin kami nakakapag-usap 'di gaya ng dati.

It still feels surreal for me, hanggang sa nasanay na kami at ngayo'y pinababayaan na lang namin.

"Do you come here often, Kheila?" asked Ash.

Nasa magkabilang bulsa ang dalawa niyang kamay. Sa pangalan niyang nakaukit sa marmol na bato lamang nakapokus ang kanyang tingin.

"No, Ash. Ngayon pa lang ako nagpunta rito."

"Seryoso ka?"

"Bakit?"

Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Ang mga malalamlam niyang mga mata'y lalong naningkit.

"Akala ko kasi, ikaw palagi 'yong naglilinis ng puntod niya. Palagi kasing malinis 'yan eh, gaya ngayon."

With that being said, ngayon ko lang napansin kung gaano kalinis ang kanyang tombstone. Napangiti ako sa naisip.

Dami talagang nagmamahal sa 'yo, 'no?

Tipong may handang pumunta rito para linisin palagi ang puntod mo. Whoever that is, you must have brought light into his or her life to the point na ito na lang ang maibabawi niya sa 'yo since ngayon ay wala ka na.

"Can I be honest with you? Just let me say it even just for once," I asked him, to which he responded with a simple nod, so I continued, "W-What happened to us? Hindi ko maintindihan." I chuckled bitterly as I tightened my grip on my bag's strap. "It felt like when we lost him, we all lost our friendship, too. Ni wala pa ngang isang taon simula nang mamatay siya, but tingnan mo kung ano na ang nangyari. Nawala lang ang isa, nagsiwalaan na rin tayong lima. Tayong dalawa na nga lang ang naiwan eh. Tayo na lang ang matatag."

Hinangin ang ilang hibla ng buhok ko kaya kinailangan ko itong ilagay sa likod ng tainga ko.

Kung dati ay hanggang balikat ko ito, ngayon ay humaba na rin at hindi ko na ito pinagupitan pa.

"Alam ko namang busy sila sa kanya-kanya nilang buhay. But we used to . . . we used to still communicate, you know? May ginagawa man o wala, hindi pa rin napuputol ang communication natin sa isa't isa. Sorry kung sasabihin ko 'to pero may mali, Ash, eh. Parang may mali."

Napayuko ako at napatitig sa mga damong naaapakan na namin. Ramdam ko ang pagtutubig ng mga mata ko ngunit hindi ko ito dapat patuluin.

I must not cry in front of Ash lalo na at nasa harap kami ng puntod niya.

No, 'wag kang tutulo, please. H'wag kang tutulo.

"Pasensya na, Ash, ah? Nahihirapan na kasi ako eh. You see, hindi ako sanay ng nagpapanggap lang. Ang tagal ko ring tiniis. Ang tagal ko ring inipon. Ang tagal kong nagpanggap na okay lang ako. Pero alin dito ang okay? Ash, hindi ako okay. Hindi tayo okay, and I can also sense na hindi ka rin okay."

I lifted my head and turned to look at him. I was not surprised to see his blank reaction. He loathe dramas anyway, ngunit nandito na tayo. Tutal ay naumpisahan ko na, hahayaan ko na ang sarili kong sabihin ang lahat ng kinikimkim ko.

"Lahat ng nangyari sa 'kin simula nang mawala siya sa 'tin, pakiramdam ko, namatay din ako kasama siya. Na kahit ang dami niyang nilihim sa 'tin, hell! We should even be mad at him for hiding things on his own! But I can't."

A tear fell from my eye, and before I knew it, it became buckets. I wiped them all away but they just kept on coming.

Damn it. Sabi ko, 'wag tutulo eh.

"I can't be mad at him for so long. I tried. I really tried. I was mad at him for like a couple of months. Pero alam mo kung ano ang na-realize ko nitong mga nakaraang buwan?"

Nanikip ang dibdib ko kasabay ng mahihinang hikbi na tumatakas mula sa bibig ko.

"Na-realize ko na mas galit ako sa sarili ko. Oo, nagalit nga ako sa kanya pero, Ash, mas galit ako sa sarili ko. Galit na galit ako to think na halos araw-araw kong pinaparusahan ang sarili ko. Dumating din ako sa point na naiisip ko na wala akong karapatang ngumiti. Wala akong karapatang tumawa. Wala akong karapatang sumaya. Minsan pa nga naisip ko, parang wala na rin akong karapatang huminga. Ako na lang dapat 'yong nasa puntod niya eh. Ako na lang dapat."

Ashton did not respond as I poured my heart out.

Napayuko akong muli upang itago ang mukha kong naghihinagpis. Sinubukan ko itong punasan ng dalawang palad ko ngunit umagos lang din dito ang mga luha na ngayon ko lang nailabas sa loob ng ilang buwan.

"Ash, nagsisisi ako. Ang bigat-bigat sa pakiramdam. Sobrang sakit na halos hindi na ako makahinga. Ang hirap makalimot. Ang hirap bumangon kahit halos isang taon na rin naman ang nakalilipas. Ashton, hirap na hirap na 'ko. Gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang mawala 'tong bigat ng pakiramdam ko. Pagod na pagod na 'ko, Ashton. Pagod na pagod na 'ko."

Nagulat ako nang iangat niya ang ulo ko para ilagay ito sa balikat niya. Kasabay nito ang muling pag-ihip ng hanging parang niyayakap at nakikidalamhati sa pait na aking nararamdaman.

"Alam mo kung bakit hindi tayo makabangon?" mahinahong tanong niya.

Marahan pa ring nakahawak ang kanyang palad sa gilid ng ulo ko. Hindi ko man makita kung ano ang reaksyon niya ngunit ramdam ko sa kanyang boses na nalulungkot din siya gaya ko.

"Hindi tayo makabangon kasi iniwan niya tayo ng may maraming tanong na siya lang mismo ang makakasagot. Ang dami niyang isinikreto eh. Ang dami niyang inilihim sa 'tin. Ni wala man lang siyang pinagsabihan kahit ni isa man lang sa atin. I have given it a lot of thoughts lately. I was planning not to involve you but I guess, we need to face it together."

Inalis ko ang ulo ko mula sa kanyang balikat para tingnan siya. Tiningnan niya rin naman ako. He wiped my wet cheeks with his fingers as he continued:

"I don't know if this'll work, ngunit sasamahan mo ba 'kong hanapin lahat ng sagot sa mga katanungan natin? We're not supposed to suffer like this. I don't want to live like this, and you're right. Hindi rin ako okay, but we will be. I'll make sure of that. Aayusin ko rin 'tong nangyari sa 'ting lima, pero kakailanganin ko ng tulong mo."

"How can we bring everything back the way it was before? At paano natin ito hahanapin at tutuklasin kung wala na nga mismo ang taong nagtago ng mga sikretong 'yon?"

"Ako na ang bahala ro'n. As for his secrets, I know that he had left us clues that we did not notice back then. He loves mystery, that even him himself wants to become one. And so, he did become one. We thought that we already know him, but now that he died along with those kept secrets, do we really, really know him?"

"So what are we gonna do?"

"Magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraan. Matatandain ka, 'di ba? Imposible naman na wala kang napansin dati."

Right. Good thing, I've got good memory. Madali kong matatandaan ang mga nangyari way back.

Plus, gusto ko na talagang makabangon. I have been dealing my life with a lot of regrets for almost a year. Tama na. Ayoko nang haharapin ko ulit ang araw nang pinepeke ko lang ang saya. Enough is enough.

If I have questions, I'm gonna find the answers. It is the secrets and the regrets that I am seeking, sulking, and I am craving for. I want to know the secrets and I want to vanish the regrets, and I will do everything, ev'rything, whatever it takes.

Sapat na ang ilang buwang pag-iisip. Ngayon na ang tamang araw para bumangon.

"Saan natin sisimulan?" I asked.

"How about . . . Oh, remember last year? No'ng Valentine's day. You were with him, right? Wala ka bang napansin noong araw na 'yon?"

That day...

Of course, I can still remember.

I still haven't noticed back then that he had this kind of illness that he didn't choose to have but he chose to fight it alone.

ווו