Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

TELEPORTED TO ANOTHER WORLD WITH GODLY POWERS (TAGALOG)

VinceDenmark
--
chs / week
--
NOT RATINGS
105.1k
Views
Synopsis
Ang buhay, ito ay napaka importante at sagradong bagay para sa lahat ng may buhay, pero kung ang buhay mo ay napaka boring at wala manlang sigla, para pa saan ito? Ganyan ang buhay ni Farrah, isang lonely girl, pero ito ay mag babago dahil sa isang aksidente, sya ay mapupunta sa langit at makaka usap nya si god, dahil sa pasya ni god si Farrah ay binigyan ng napaka lakas na kapangyarihan at pinabalik sya sa lupa, pero hinde na sa dati nyang mundo, kundi sa ibang mundo na napaka kakaiba. Sa mundo na hinde pa napupuntahan ng ibang tao, sa mundo na may mga nananahang mga kakaibang nilalang at sa mundo na puno ng hiwaga at kababalaghan. Dito makikipag sapalaran si Farrah at makikilala nya ang mga nilalang na dati ay nababasa nya lamang sa mga kwento at dito nya matutuklasan kung ano ang mga kapangyarihan nya na ibinigay ni God.
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Accident

Isang bagong araw nanaman para sa mga tao sa syodad ng Magarao.

"Magandang umaga Farrah." Sabi ni Farrah sakanyang sarili.

Si Farrah ay mag isang naka tira sa kanyang bahay dahil ang kanyang magulang ay nasa ibang bansa nag tatrabaho. Ang Mama at Papa ni Farrah ay isang Manager sa magkaibang companya kaya napaka yaman nila.

Maganda naman ang pamumuhay ni Farrah, lahat ng gusto nya nakukuha nya, lahat ng hilingin nya na magkaroon sya binibigay ng magulang nya pero hinde parin sya masaya.

Palagi syang mag isa sa bahay, at sa school naman marami nga syang kaibigan pero alam ni Farrah na habol lang nila sakanya ay pera.

Mga nagbabait baitan pero sa totoo naman poro plastic.

"Hayysss, ang boring talaga." Sabi ni Farrah.

Ngayun, papasok na sya sa school, exam nila ngayun kaya bawal ma Late. Pero tinatamad sya pumasok at makita ang mga plastic nyang mga kaibigan.

Pero napilitan parin syang pumasok kahit ayaw nya.

Lumabas sya sa bahay nya at naghintay ng masasakyan na taxi. Pag kalipas ng ilang minuto may pumara na sa harap nyang taxi.

On the way to her school, si Farrah ay nakatulog sa taxi dahil napaka trafic sa dinaanan nila at sure naman sya na hinde pa uusad ang trafic na ito.

Habang mahimbing na natutulog si Farrah, bigla syang nakaramdam ng sakit at dahan dahan nyang binuksan ang mata nya. Pagka bukas ng mata nya agad nyang nakita na may naka tusok sa tyan nyang matalim na bagay.

Naglalabasan na ang mga dugo sa tiyan nya, at madami-dami narin ang nawawalang dugo sa katawan nya kaya nagsisimula na syang manghina.

"Uyyy Miss, ok ka lang ba?" Sigaw ng isang lalaki na gustong tumolong kay Farrah.

Ang hinde alam ni Farrah, nabonggo ang taxi na sinasakyan nya ng isang truck, at biglang may tumalsik na matalim na parte ng taxi kay sakanya kaya sya natusok.

"Kunting tiis lang, darating na ang ambulansya." Sigaw ng lalaki kay Farrah, pero hinde na marinig ni Farrah ang sinasabi ng lalaki dahil sa dami ng nawala sakanyang dugo nawawala na ang mga pakiramdam nya at pandinig.

Unti unti na syang hinde nakakahinga, at nawawala na din ang paningin nya. Pagtagal tagal tumigil na ang paghinga nya at tumigil narin ang pag tibok ng puso nya.

Sa isang iglap ang buhay ni Farrah ay natapos.

Black out~~~~

"Bakit ang dilim?" Sabi ni Farrah. Pagkatapos nyang mawalan ng malay dahil sa pag kaubos ng dugo nya bigla syang nagising dito sa napaka dilim na lugar na ito.

Wala manlang syang makitang liwanang, ang dilim dilim talaga.

Sinubukan nyang mag lakad pero hinde nya maramdaman ang paa nya at ang ibang parte ng katawan nya. Nakakakita lang sya pero hinde nya talaga maramdaman ang katawan nya.

Parang mata nya lang ang meron sya at wala syang katawan.

Hinde nya alam kung ilang oras na ang lumipas, kanina pa sya dito sa napaka dilim na lugar na ito.

Pero pag tagal tagal, may naramdaman sya, para syang nahuhulog. Hinde nya alam kung ano ito pero talagang parang nahuhulog sya.

Pagkalipas ng napaka tagal na pagkahulog nya sa kawalan, may nakita syang liwanag sa ibaba nya. Bumibilis narin ang pagkahulog ni Farrah, parang hinihila sya palapit sa liwanag.

At nang malapit na sya sa liwanag biglang nawala ang paningin nya.

Pagbalik ng paningin nya, napansin nya na nasa isang puting kwarto na sya. Ang kwartong ito ay walang mga nakalagay na gamit, ang nandito lang ay isang Tv.

Pag tingin nya sa Tv, may nakita syang matanda sa harapan nito na nanonood. Hinde ni Farrah makita kung ano ang pinapa-nood ng matandang lalaki pero naririnig ni Farrah ang boses nya sa Tv.

Tumayo si Farrah at napansin nya na meron na ulit syang katawan, hinde tulad kanina nung nasa kawalan sya.

"Hmm, Farrah Almazar. Namatay dahil sa aksendente sa daan."

"Maganda ang buhay pero nalulungkot dahil wala syang totoong kaibigan at palaging hinde kapiling ang magulang." Sabi ng matanda habang binabasa ang bigla bigla nalang na lumabas sa kamay nya na folder.

"Farrah is it? Swerte ka dahil ikaw ang napili ko na bigyan ng pangalawang pagkakataon para mabuhay ulit." Sabi ng matanda.

"Tika po, ano ito biro biroan? Para mabuhay ulit? Bakit po patay naba ako? Eh nagagalaw kopa nga po ng maayus katawan ko ng walang hirap." Sabi ni Farrah habang tumatalon talon.

"Sino po kayo? At nasaan po ako?" Tanong ni Farrah sa matanda.

"Hahaha mga kabataan nga naman ngayun, kahit alam na nilang patay na sila ayaw parin nilang maniwala. Tanda monaman diba ang nangyari sayo sa taxi. Doon ka namatay kaya napunta ka dito." Sabi ng matandang lalaking.

Pagkarinig ni Farrah sa sinabi ng matandang lalaki, biglang tumigil ang mundo nya at napatulala nalang sya.

Tama nga, tanda nya na yung nangyari sakanya sa taxi. Ngayun naniniwala na sya, patay na nga sya.

"Sige kaya mo yan, natural lang ang reaksyon mo. Ganyan rin ang mga reaksyon ng ibang tao kapag napupunta sila dito at nalalaman na patay na sila." Sabi nung matanda.

Tumingin si Farrah sa paligid nya at tumingin sya sa matandang lalaki.

"Ito naba ang langit? At ikaw ba si God?" Sabi ni Farrah.

"Hahaha mali ka, hinde ito ang langit. Ang liit naman nito para maging langit. At oo tama ka.... ako si GOD." Sabi nung matandang lalaki.

"Oh My God, is this for real?" Hinde makapaniwala si Farrah na ang nasa harapan nya ay si God.

"Hahahah Farrah ang cute mo kapag na sa-shock ka. Ngayun tulad ng sabi ko, napili kita para buhayin ulit at ibalik sa lupa pero, hinde na sa dati mong mundo." Sabi ni God.

"Hinde na sa dati kong mundo?" Pasigaw na sabi ni Farrah.

"Oo, pero wag kang mag alala. Masisiyahan ka sa mundong ito, hinde tulad sa luma mong mundo." Sabi ni God.

"Talaga po?" Masayang tanong ni Farrah.

"Hahaha oo naman, at hinde lang kita bubuhayin ulit, bibigyan rin kita ng regalo para magamit mo sa mundong pupuntahan mo." Sabi ni God habang nakangiti kay Farrah.

"Regalo po? Anong klasing regalo?" Tanong ni Farrah.

"Ang regalong ito ay napaka makapangyarihan, ang regalo ng kapangyarihan ng mga Diyos. Para sa detalye kung ano ito, heheh alamin mo nalang mag isa. Good luck Farrah, papanoorin kita dito." Sabi ni God at pumalakpak sya.

"Tika po God..." Bago pa si Farrah makapag salita, bigla syang nawala.

"Hahaha magiging masaya ito panoorin." Sabi ni God habang tumatawa ng napaka lakas.

Falling~~~~

"Tika po God.. ay wait nasaan ako?" Nakita ni Farrah na wala na sya doon sa puting kwarto at wala narin si God. Nagtataka si Farrah kasi ang paligid nya ay kulang blue, tumingin sya sa baba at nakita nya ang napaka green na mga puno at mga halaman pati ang brown na lupa.

Ngayun na lang nalaman ni Farrah kung nasaan sya, nasa langit sya at nahuhulog sya ng napaka bilis papunta sa lupa.

"Haaahh ano ba yan God, kakabuhay mo palang nga sakin tapos mamatay nanaman ako." Sigaw ni Farrah habang nahuhulog.

Pabilis nang pabilis syang nahuhulog.

"Kailingan kong mag isip ng paraan para hinde ako mamatay ulit." Sabi ni Farrah.

Pero kahit ano gawin nya, wala parin. Nahuhulog parin sya.

Babagsak na sya sa lupa, at alam nya hinde nya kakayanin pag bumagsak sya sa lupa, sigurado magkaka dorog dorog ang mga buto nya.

"Diba sabi ni God bibigyan nya ako ng regalo na Kapangyarihan ng mga Diyos, grabi pano ba yun gamitin?" Sinubukan ni Farrah na lumipad pero hinde sya makalipad at patuloy parin ang pagkahulog nya.

Isang metro nalang ang pagitan ng lupa kay Farrah at tatama na sya dito.

Itinoro ni Farrah ang palad nya sa lupa at sumigaw sya.

"Haaaahh..."

Pagkasigaw nya may biglang lumabas na puting ilaw at tumama sa lupa.

Pagkatama nito sa lupa, biglang nawasak ang lupa na dapat ay babagsakan ni Farrah at nagkaroon ng ito ng malaking butas. Sii Farrah naman tumilapon sa gilid dahil sa lakas ng pwersa nung lumabas sa kamay nya yung puting ilaw.

Tumayo si Farrah at tinignan yung malaking butas na ginawa nya. "Cough! Cough! Grabi ano yung lumabas sa kamay ko? Ang galing nun." Sabi ni Farrah habang inoobo at mangha na mangha sa nagawa nya.