Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I hate that I love you.

🇵🇭angie1107
--
chs / week
--
NOT RATINGS
32.2k
Views
Synopsis
Nagsimulang mag-iba ang ikot ng mundo ni Haruhi sa paglipat niya sa Villa Saga. Dito, naninirahan siya kasama ang Saga Brothers na sina Ryu, Aki, Kenn, at ang tinatawag niyang doppelgangers, na sina Kai at Kei, na hindi lang kilala sa pagkakaroon ng dahilan upang magka-blood loss ang mga kababaehan, maging sa professions na rin ng mga ito at dahil mga anak ito ng isang kilalang business tycoon. Bilang bunso at nag-iisang anak na babae, hindi naging madali para sa kanya na panindigan ang responsibilidad upang matawag siyang Saga. She's having a peaceful life with her half brothers. Until, nakilala niya ang isang Shawn Drake Montalban o mas kilala bilang Shady, isang well known photographer, na hindi niya inaasahang matagal na rin palang naninirahan sa mansiyon. She hates him dahil napaka-annoying nito, persistent, at wala alam gawin kundi ang harass-in siya anytime nito gugustohin. Hanggang dumating ang araw kung saan maraming siyang naging katanungan sa sarili na hindi niya nahahanapan ng sagot. Her heart pounds every time she sees him, when he touches her, and kisses her. Whenever she thinks of him, her heart aches. Ito na nga ba ang tinatawag nilang pag-ibig? It took her a while to realize that she is madly inlove with him. Paano'ng nangyari iyon?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

MAG-IISANG LINGGO NA ANG NAKARAAN magmula noong lumipat si Haru sa Villa Saga rito sa Santa Lucia. Namamahay pa rin siya. Sa paggising niya araw-araw ay hindi maiwasang maging exhausted siya sa kadahilanang kulang siya ng tulog. Palagi niyang naiisip ang kalagayan ng grandparents niyang naiwan sa San Martin. Ano na marahil kaya ang pinagkakaabalahan ng mga iyon? Magmula pa pagkabata, ang mga ito na ang siyang nagbabantay niya dahil hindi magawa ng sarili niyang ina ang bantayan siya. Abala ito masyado sa trabaho kaya iniwanan ang responsibilidad ng pag-aalaga at pagpapalaki sa kanya sa mga magulang nito.

Pagkagraduate niya ng high school, napagkasunduan ng mga magulang niya na dito siya titira sa Villa Saga, kasama ang mga kapatid niya. Ang totoo, hindi niya alam kung paano maging feel at home. Sa pagkakatanda niya kasi, may dalawang beses lamang siyang nakapunta sa villa noong kabataan niya. Ngayong nineteen years old na siya, ngayon lamang siya nakabalik. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama niya ang mga kapatid na ilang taong ring malayo sa kanya. They've been here in Villa Saga their entire lives na magkakasama. Samantalang siya, sa kagustohan ng ina ay nahiwalay sa mga ito at sa San Martin nagkaisip.

"Good morning, Kuya Aki," ang bati niya sa kapatid na naabutan niyang nagkakape at nagbabasa ng diyaryo pagpasok niya ng dining room.

"Good morning, Haru."

Dumeretso siya sa pwesto niya sa dining table. Silang magkakapatid ay may kanya-kanyang pwesto kapag kumakain sila. Naka-arrange ang positions nila mula eldest hanggang sa kanya na youngest. Ngayong kasama niya ang pangalawa sa magkakapatid na si Aki, 'di yata't napakalayo niya rito. It can't be helped. "Wala ka bang work today?" tanong niya. Napansin niyang nakapantulog pa ang suot nito at mag-aalas nuebe na ng umaga.

"I have, pero mamayang hapon na ako papasok sa office." Nakatuon pa rin ang mga mata ni Aki sa diyaryo.

Napakibit balikat siya at nagsimula na lamang kumain.

"How's school?"

"Okay lang naman."

"Are you having a hard time there?"

"Hindi naman, Kuya. Though nandirito ang pressure, alam ko na magiging maayos lang ako. Makaka-cope up ako."

"Good."

"Good morning, everyone." Pumasok si Ryu, ang panganay nila na may dala-dalang tasa ng kape at diyaryo rin. Naupo ito sa gitnang upuan.

"Akala ko ay nasa ospital kana." Takang napatingin si Aki rito. "I'm sorry. Kung alam ko lang na nandirito ka pa ginising na sana kita."

"It's okay. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko kanina paggising ko. Nagpahinga ako ng ilang oras." Napatingin si Ryu sa kanya. "Haru..."

"Y-Yes!" Sa tuwing naririnig niyang binibigkas nito ang pangalan niya ay hindi niya maiwasang kabahan. Unlike Aki, si Ryu ang tipong nakakatakot ang aura. Napaka-strikto kasi nito. Tuloy naisip niya na sana ito na lamang ang siyang nag-abogado at si Aki ang siyang nag-doktor.

"May opening slots sa scholarship program ko sa second semester. I would like you to apply for it."

"S-Sure."

"But of course, magdedepende iyon sa total GPA mo for this semester. Iyon ang pagbabasihan for us to know kung deserving ka bang maging scholar."

"Makakaya iyan ni Haru." Tumingin sa kanya si Aki na nakangiti. "She's smart kaya naman magiging madali lang sa kanya na ilagay sa uno ang marks niya."

Parang gusto niyang maiyak. Hindi naman siya ganoon katalino para bigyan siya ng ganitong level of expectation ng mga kapatid.

"You're a consistent honor student from grade school until high school, right? You already have that. Kaya wala akong nakikitang problema ngayong nasa kolehiyo kana." Tinapik-tapik ni Aki ang balikat ni Ryu. "Rest assured, Doc."

Hindi pinansin ni Ryu ang mga sinabi ni Aki at sa kanya pa rin nakatingin. Alam niyang hinihintay nito ang mga sasabihin niya. "Are you willing?" tanong nito sa kanya.

Napatango-tango siya. "Y-Yes, I am," sabi niya. "I'll do my best." Ipinagpatuloy niya na ang pagkain. Parang gusto niya ng umalis ngayon na mismo. Ang presensiya ni Ryu ang hindi niya kayang tagalan.

Matapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa mga ito na aalis na. Hindi naman masyadong malayo ang university sa villa kaya nilalakad niya lamang ito. May family driver na maaring maghatid at sumundo sa kanya pero pinili niyang pumasok sa paaralan at umuwing bahay na mag-isa. Ayaw lang niyang mapag-usapan sa paaralan.

Mabango ang apilyedong Saga sa lugar nila at maging sa buong bansa. Maliban sa pagiging wealthy family, isa sa pinaka-issue kung bakit kilala ang pamilya niya dahil sa ama niya na si Engr. Rhys Saga. Apat na beses na nakapag-asawa ang ama niya. Sa mga naging asawa nito ay nagkaroon ito ng mga anak. Pang-apat sa linya ang ina niya kung saan siya ang siyang naging bunga. Alam niyang napakakumplekado ng sitwasyon meron ang pamilyang ito. Inaasahan niya na lang na sana ang ina na ang siyang magiging huli. That's for a record, actually. Sa mga nagdaang asawa ng ama niya, wala pang tatlong taon ay hiwalay na ang mga ito. Kung ikukumpara sa relasyong ng ama niya sa ina, umabot na ang mga ito ng mahigit bente singkong taon at pinakamatagal na iyon.

Pagdating niya ng university ay siya ring pagdating ng kaklase niya na si Abegail. "Good morning, Haru."

"Good morning." Sabay na silang pumasok sa campus.

"Siya nga pala, may naisip ka na bang club na papasokan?"

"Journalism," aniya. Since junior high school siya, naituon niya na ang atensiyon niya sa journalism. Pakiramdam niya rito siya nababagay.

"Talaga? Pareho pala tayo. May application form na kailangan nating fill-up-an." May kinuha ito sa bag nito. Inabot nito ang form na nabanggit nito. "This is for you."

"Thanks."

"Kailangan nating ipasa iyan later this afternoon."

Pagpasok nila ng classroom kung saan ang klase nila ay deretso niyang sinulatan ang form na ibinigay nito. Baka kasi makalimutan niya lang kung papatagalin niya pa. Naalala niya ang scholarship na binuksan ng kapatid niya kanina sa bahay nila. "Abegail, wala ka bang planong mag-apply sa kahit na anong scholarship program rito?"

"Siyempre, meron. Hindi kami mayaman kaya todo kayod ang mga magulang ko para lang maipasok ako rito. Malaki'ng maitutulong ang scholarship program. Pero ang sabi nila sa susunod na semester pa daw sisimulan ang scholarship application."

"Sabay tayong mag-aaply," aniya.

"Sure."

"I'm done." Inabot niya rito ang form.

Tiningnan nito ang mga isinulat niya. "Haruhi..." sambit nito sa pangalan niya at tiningnan siya. "Matagal ko ng gustong itanong sa'yo 'to. May dugong Japanese ka ba? Pangalan mo kasi tunog Hapon, eh!"

"Wala," aniya. "Nagkataon lang na parehong otaku ang mga magulang ko. Kaya ini-apply nila ang hilig nila sa mga anak nila." Hindi na makabago sa kanya ang tanungin siya tungkol sa bagay na ito. Simula pa noong bata siya ay napagkakamalan siyang Japanese dahil sa pangalan niya at apilyedo. Ang pagiging mahilig ng ama niya sa anime at manga ay marahil dahilan kung bakit umibig ito sa ina niyang may ganoon ring bisyo.

Hindi tuloy naiwasang matawa ni Abegail. Itinuloy nito ang pagbabasa sa mga detalye niya. Hinayaan niya lamang ito. Ilang sandali ay napansin niya ang pananahimik nito bigla.

"May problema ba? May na-miss ba ako?"

Nanlalake ang mga matang tiningnan siya nito. "Haru..."

"Yes?"

"Ang buong akala ko ay nagkataon lamang na Haruhi Saga ang pangalan mo." Ipinakita nito sa kanya ang bahagi kung saan nakasulat ang pangalan ng ama niya. "You're Engr. Rhys ____"

Agad niyang tinakpan ang bibig nito ng palad niya nang babanggitin nito ang buong pangalan ng ama niya. Na-anticipate niya ang tungkol sa bagay na ito. Ang buong akala niya ay alam ni Abegail ang tungkol sa pagkatao niya at balewala lang dito iyon. "A-Abegail, shhhhh. Promise me, wala kang pagsasabihan."

Tumango-tango ito.

Inalis niya na ang kamay sa bibig nito.

"You ruined my matte," anito na ang tinutukoy ay ang matte lipstick nito.

"It's still fine," sabi niya naman.

"Seriously." Muli siya nitong hinarap. "You're Engr. Rhys Saga's youngest child and only daughter?" Sa pagkakataong ito ay mahina na ang boses nito. "Hindi ako makapaniwala. Alam ko na may youngest child siya and I saw your photos when you were young. Pagkatapos nun' wala ng update ang media sayo kaya hindi na nasubaybayan ang paglaki mo."

"It's what my Mom wanted. Ang ilayo ako sa media life."

"Noong first day of school, nakita ko sa COR mo ang buong pangalan mo. Gusto sana kitang tanungin pero naisip ko, baka nagkataon lang na kapangalan mo ang youngest child ni Engr. Saga. Isa pa, nasa San Martin siya kasama ang grand parents niya. At baka rin nasa ibang bansa ka nag-aaral. Pero hindi ko napaghandaan ang rebelasyon na 'to ngayon. Oh my goodness!"

"Dito napagkasunduan ng parents ko na paaralin ako."

"So, everyday ka bang umuuwi sa San Martin?"

"No. Nakatira ako kasama ang mga kapatid ko sa Villa Saga."

Tinakpan nito ang bibig at parang loka-lokang nagtititili kahit walang boses na lumalabas rito. Namula ng husto ang mukha nito sa pinagkagagawa. Hinayaan lamang niya ito. Wala rin naman siyang maintindihan.

"How exciting!" sambit nito pagkatapos. "Nasa reverse harem life ka, bess! How does it feel na kasama mong nakatira sa iisang bahay ang sexy, hottest, beautiful Saga Brothers?"

"Hindi ko maintindihan," aniya. "Ano bang pakiramdam ang sinasabi mo?"

"Araw-araw mo silang nakakasama at nakikita. Exciting 'yun 'di ba?"

"Not really. Mga kapatid ko sila, iyon lang."

Napabuntong hininga si Abegail. "Pero hindi ako makapaniwala na kaibigan kita talaga. Siguro kung alam ko lang na ikaw talaga si Haruhi Saga, hindi ako lalapit sayo para makipagkaibigan."

"Bakit naman?"

"Dahil hindi ka dapat nakikipag-usap sa isang katulad kong mula sa mahirap na pamilya."

Magkaslubong ang mga kilay na tiningnan niya ito. "Wala sa status ng pamumuhay ang pagkakaroon ng kaibigan. Isa pa, ama ko lang ang mayaman. My mother's actually a daughter of farmers. Pero magpaganoon pa man, hindi naging dahilan iyon upang ibigin siya ng isang tulad ng ama ko. Kaya wala rin akong nakikitang dahilan upang huwang kang kaibiganin. Kung magkakaroon rin lang ako ng kaibigan, gusto ko isang tulad mo na totoo. Ang iba diyan marahil, purong magpapakitang tao lang."

"T-Thank you." Napangiti ito. "Pwede bang puntahan kita sa inyo?"

"Oo naman."

"Really?" Hinawakan nito ang mga kamay niya.

Naguguluhang napatitig siya kay Abegail. "You have some oozing adrenaline, Abby."

"Sunday?"

"O-Okay."

HINDI NIYA PA ALAM KUNG PAANO sasabihin sa mga kapatid na bibisita si Abegail ngayong darating na Linggo. Baka kasi hindi pumayag ang mga ito, lalo na si Ryu. Bihira lamang kasi na tumatanggap ng bisita ang villa sa mga regular na araw. Maliban kung may okasyon na gaganapin sa mismong lugar. Pero kung sasabihin kong kaibigan ko naman at malamang babae, papayag siguro sila.

Siya pa lamang ang nasa mansiyon. Nasa trabaho pa ang mga ito at hindi pa nakakauwi. Matapos niyang makapaghaponan ay nanatili siya sa kwarto upang upang pag-isipan ang mga sasabihin. Naisipan niyang tawagan si Abegail.

"Hello, Haru, kumusta? Ano, nakapagpaalam ka na ba sa mga kapatid mo?" Sa tuno nito halatang excited ito.

"Hindi pa."

"Ha? Bakit? Ayaw mo siguro ako na pumunta diyan sa inyo."

Napabuntong hininga siya. "Hindi iyan. Hindi ko pa sila nasasabihan dahil wala pa sila rito sa bahay."

Tumawa ito. "Ganun ba? Pasensiya na."

"Babalitaan kita kapag okay na ang lahat."

"Okay."

Ibinaba niya ang cellphone niya. Walang ibang maisip na gawin kaya napagdiskitahan niya ang paglalaro sa computer niya. Ilang sandali ay narinig niyang may kumakatok sa pinto ng kwarto niya.

"Haru? Pwede bang pumasok?"

"Come in."

Bumukas ang pinto at pumasok si Kenn. Nakauwi na pala ito. "Hi, princess," anito. "Nadisturbo ba kita?"

Umiling-iling siya. "Wala naman akong importanteng ginagawa."

"May ibibigay lang ako sayo." Inabot nito ang laptop na nasa loob ng case. "This is for you."

Kinuha niya iyon. "Thanks, Kuya. Pero meron naman ako kaso naiwan ko sa San Martin."

"It's okay. I'm pretty sure magagamit mo ito sa school. Isa pa, kapag dadalaw ka sa San Martin, meron ka ring magagamit doon."

Napangiti siya. "T-Thank you. Nag-abala ka ba."

"Haru, masaya ka ba rito sa mansiyon?" naitanong nito. "Alam ko na biglaan ang siyang paglipat mo rito. Halos buong buhay mo na ay nandoon ka sa inyo sa San Martin kasama ang grandparents mo. Hindi madali ang iwan ang buhay na nakasanayan mo at harapin ang panibago. Naisip ko na baka napilitan ka lang dahil sa pakiusap namin. Importante rin na malaman namin ang nararamdaman mo. You can tell us everything. No need to hold back."

"Actually, hanggang ngayon hindi ko alam kung paano sanayin ang sarili ko. Pero naniniwala ako, in time, I'll be able to feel like I really belong here. When Mom told me na dito na ako, I was so happy. Kasi, dumating na ang araw na makakasama ko kayo, na mas makilala ko kayo, na maninirahan ako na walang kinatatakutan kasama ninyo. P-Pero..." Napahikbi siya.

"Pero?"

"Pero Kuya Kenn, natatakot ako kay Kuya Ryu!" Humagulhol siya ng iyak. Para bang hindi niya na napigilan pa ang sarili na ilabas ang saloobin tungkol sa nakakatandang kapatid nila. "The way he talks, the way he looks, the way he is, nakakatakot!"

Natatawang nilapitan siya ni Kenn at niyakap nito. "I know, princess," anito. "Kahit ako rin natatakot sa kanya. Pero that's just the way he is. Dahil gusto niyang ipakita sa atin na bilang panganay, he rules. Kuya Ryu is as sweet as Kuya Aki when you get to know him. Huwag mo lang pansinin ang hetsura niya." Pinunasan nito ang mga luha niya. "Noong dumating ka rito, naging problema na ba sa'yo iyan?"

Marahan siyang tumango.

"It's okay. Kapag napansin niya iyan sayo, kakausapin ka 'nun."

Narinig nila ang mga kalabog mula sa ibaba at malalakas na yabag na papalapit sa kwarto niya. Magkasunod dumating ang doppelgangers na sina Kei at Kai.

"Good evening, Haru!" nakangiting bati ni Kai.

"Kuya Kenn, nandito kana pala," sabi naman ni Kei na gulat na gulat matapos makita si Kenn. Binalingan siya nito. "Haru, ano ang nangyari? Umiiyak ka ba?"

"Ha? Ah, eh, h-hindi." But it's actually obvious dahil medyo namamaga pa ang mga mata niya.

"Pinaiyak ka ba ni Kuya Kenn?" Magkasalubong ang mga kilay na tiningnan ni Kai si Kenn. "Ikaw ang mahilig mang-asar. Ano ang ginawa mo kay Haru?"

"Wala," seryosong tugon ni Kenn. "Naiyak siya dahil sa takot niya kay Kuya Ryu."

Nagkatawanan sina Kei at Kai. Napayuko na lamang siya.

"Masasanay ka rin sa kanya, Haru," ani Kai. "Kaya nga madalas kaming wala rito sa mansiyon dahil nakakatakot siyang kasama. But it's just who he is."

"Iyan rin ang sinabi ko sa kanya." Tumungong pintuan si Kenn. "Ako ay may gagawin sa ibaba."

"Kuya Kenn!" Napatayo siya. "This Sunday, gusto ng kaibigan ko na pumunta rito. Kaya lang hindi ko pa nasasabi sa kanya kung okay lang ba sa inyo."

"Walang problema. You can bring your friends here anytime you want, Haru. As long as they're harmless."

"She's great," aniya. "Okay lang ba kina Kuya Ryu?"

"Huwag mo lang kakalimutang sabihin sa kanya nang hindi siya magulat." Umalis na si Kenn. Sumunod naman rito ang kambal.

Namutla siya. Kailangan niya parin na harapin si Ryu. Naglaglagan ang mga balikat niya. Well, wala naman sigurong masamang mangyayari kung magpapaalam ako. Hihintayin niya na lamang na makauwi ang kapatid.