Chereads / Tala Book 1: Tala / Chapter 2 - Ang Unang Pagkislap

Chapter 2 - Ang Unang Pagkislap

[Fabhian]

"MA! ANO'NG ORAS na ba at puro kato daldal diyaan?!" asik ko sa mga ni Mama na nasa labas ng bahay.

Wala akong sagot na nakuha rito bagkus ay mas iningayan pa nila. Paano ako matutulog nito kung ganiyan sila kaingay? Okay lang naman sa akin na mag-tongits sila diyaan pero kung may kasamang tsismis, ewan ko na lang talaga!

Lumabas ako ng kuwarto ko at saka ako umupo sa sofa. Nang buksan ko ang T.V. namin, 'Flash Balita' kaagad ang bumungad sa screen nito.

"Magandang gabi mga kadugo. Ito ang ating Flash Balita mula kay Kuya Arno. Kuya kumusta naman diyaan?"

Ano na naman ba ito? Kakatapos lang ng eleksyon ito pa rin talaga, e 'no?

"Iyon na nga Ate Kari, ang mamamayan ng Sandoval ay naghihintay ngayon Sandoval Memorial Park upang tunghayan ang isang falling star daw na babagsak mga bandang alas otso ng gabi subalit ang oras natin ngayon ay alas siyete y medya at ang lahat ay masayang naghihintay."

Ano raw?! Falling star? Punyemas, e lagi namang may falling star, a.

"Sabi ng mga eksperto na ang falling star daw ay may espesyal na katangian kaya nais ng lahat na matunghayan ito."

"Kapag ako lumabas at tiningnan ang letchugas na iyan tapos wala namang ka-espe-espesyal sasakalin ko Mama ko," sagot ko rito kahit na hindi naman ako naririnig nito.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo saka nagsimulang ihakbang ang mga paa ko pero huli na dahil biglang liwanag ng buong paligid—nakakasilaw.

"'Ma!" sigaw ko rito. "Ano'ng mayroon diyaan sa labas?"

"Ay letche! Lumabas ka para malaman mo!" balik na sigaw nito.

"Wow supportive, a! Nasisilaw nga ako, e!"

"Ano pa kami rito?! Mamaya kumukuha na si Kumareng Hanie sa pera ko dahil nananalo na ako!"

"Hoy, Jubea! Hindi ko pag-iinteresan ang pera mo! May trabaho asawa ko!" apila ni Aling Hanie. Si Mama naman kasi masyadong nambibintang.

Lumabas na ako bago pa sila magsabunutan. Nang makalabas ako ay siya ring pagkawala ng liwanag. Napansin ko rin na may umuusok banda sa harapanan ng bahay namin kaya kaagad akong tumakbo roon.

Nakatira kasi kami sa medyo liblib na lugar kaya rito naglalaro ng bahara sila Mama para daw malayo sa hulihan. Mautak din kasi.

Nang marating ko kung saan ang umuusok, napanganga ako saka, "Jusko naman! Bakit dito naman ito bumagsak?"

At hindi pa nagtapos ang oras na nakanganga ako. Lumabas ang isang lalaki na ubod ng guwapo pero medyo na-distract ako dahil sa nakalawit na bagay sa gitna niya. In fairness malaki ang ano, a.

Naglakad ito papalapit sa akin at kitang-kita ko ang inosente nitong mukha. Bigla akong nagsisisigaw dahil sa na-realize ko na isa itong alien. Tatakbo na sana ako pero naramdaman ko ang palad nito sa kaliwa kong braso dahilan para sumigaw pa ako nang malakas. Hindi naman malayo ang bahay namin pero bakit walang response si Mama? Ganiyan ba siya kapag nagsusugal?

"Huwag kang matakot binibini," turan nito. Binitawan niya ako saka siya muling nagsalit. "Ako si Tala na nagmula pa sa langit."

"Beks, nababasa ko na iyan sa wattpad at napapanuod. Huwag tayong maggaguhan," sagot ko rito saka pumeywang.

"Ako'y naguguluhan. Hindi ko po alam ang inyong sinasabi."

Talagang balak akong windangin ng lalaking ito? "Wala ka bang suot na damit?"

"Hindi ko po alam," sagot nito.

Jusko. Lord, ayokong mang-rape! Wala pa po akong trabaho baka makulong na ako.

"Seryoso ka ba diyaan?" muli kong tanong rito. Tumango ito. Tumalikod na ako dahil iba na talaga ang epekto niya sa akin. Weird man para sa akin pero kahit na nanunuod ako ng porn hindi naman ako ganito. Iba talaga kapag nakita mo na personal ang ano ng lalaki.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko pero laking gulat ko ng nakasunod ito. Jusko naman!

"Ano ba?!" bulyaw ko rito.

"Wala po akong mapupuntahan kaya nais ko sanang sumama sa inyo."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hindi ka puwede sa bahay! Baka sabihin ng nanay ko may jowa na ako."

"Ano ang jowa?" tanong nito. Medyo bobo rin pala ang lalaking ito.

"Jowa means boyfriend," sagot ko rito. Bakit ko naman sinagot?

"Ano naman po ang boyfriend?" muli nitong usisa. Ay bobo nga talaga ito. Literal na.

Teka nga. Ano nga ba sa tagalog ang boyfriend? Jusko naman! Pag-iisipin pa ako ng Tala na ito.

"Hmmm...nobyo?" pag-aalangan kong sagot.

"Maraming salamat sa pagsagot. Ipaalam na lang natin sa iyong ina na ako ang nobyo mo." Ngumiti ito dahilan para kumislap ang mga maputi nitong labi. Nahiya naman tuloy ako. Once a day lang kasi ako mag-toothbrush kaya medyo yellowish ang ngipin ko.

"Nobyo? Ipapaalam? Uy mahiya ka nga! Una sa lahat hindi nga kita kilala, e. Pangalawa, nakahubad ka kaya mamaya niyan, e ano pang isipin ng nanay ko!"

"Wala naman kaso kung nakahubad ako. Sa langit, ang iba sa amin ay nakahubad."

Napahawak ako sa sintido ko sa sakit na biglang dumalaw rito. Bakit ba ang kulit ng lalaking ito?

"Bakla, ikaw na lang kamo walang jowa sa ating magkakaibigan. May manliligaw ka nga pangit naman." Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang sinabi ng mga kaibigan ko na kaagad naman akong napatingin kay Tala. Guwapo si Tala. Malaki ang pangangatawan. May magandang ngiti at mayroon din naman pinagmamalaki. Kung sinabi niya kanina na ipakilala ko siya kay Mama bilang nobyo, puwede ko rin siyang ipakilala sa mga kaibigan ko at si Tala ang pinakaguwapo sa mga nobyo ng mga kaibigan ko.

"Hintayin mo ako rito. Huwag na huwag kang aalis, maliwanag?" sabi ko rito saka siya tumango. Tumakbo ako papunta sa bahay.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Mama kahit na nakatutok siya sa braaha niya.

"Wala."

Kaagad akong tumakbo papunta sa kuwarto nila ni Papa saka nagmamadaling kumuha ng isusuot ni Tala. Sigurado naman ako na kasya ang mga gamit ni Papa sa kaniya.

Nang makakuha ako ay kaagad akong bumalik sa lugar na pinag-iwanan ko rito. "Magbihis ka at uuwi na tayo."

Tiningnan niya muna nang masinsinan ang hawak kong mga damit. Kulay asul na polo, slacks na itim, at underwear syempre ang kinuha ko para medyo pormal.

Inabot niya ang mga ito saka sinuot. Nagulat ako nang makita na nasa ulo niya ang brief ni Papa.

"Hindi iyan diyaan!" sita ko rito.

Inilagay niya naman ito sa balikat niya dahilan para mairita ako. Hinablot ko ang underwear saka umupo para suutan ito na para bang bata. Ramdam ko sa ulo ko ang alaga niyang natutulog. Tumatawa siya. Pinagtitripan yata ako ng lalaking ito, e.

Tumingala ako. "Bakit ka tumatawa?" Nag-init ang pisngi ko dahil ang lapit ng alaga niya sa bibig ko. Amoy na amoy ko ito at napakabango. Malinis siguro ito sa katawan kaya ganito.

"Nakikiliti kasi ako. Ang ulo ay tumatama sa ulo mo at ang buhok mo ang dahilan kung bakit ako nakikiliti. Paumanhin."

Yumuko na lang ulit ako saka itinaas ang underwear. "Ayusin mo na lang."

"Salamat..."

"Fabhian," matigas kong sagot.

Habang binubutones niya ang polo ay napansin ko ang tatoo niya sa leeg. Hindi ako puwedeng magkamali na ito ay alibata o baybayin.

"Fabhian!" rinig kong sigaw ni Mama pero hindi ko ito pinansin.

Hinawakan ni Tala ang tattoo niya saka umilaw. "Muli nating pagyabungin ang baybayin, binibini."