Chereads / Love Bites / Chapter 21 - CHAPTER NINETEEN

Chapter 21 - CHAPTER NINETEEN

NANGINGINIG at nanghihina ang mga kamay at pilit nagpupumiglas si Caitlin sa yakap ng kaibigan ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kasabay niyon ay mas lalong dumiin ang mga pangil nito na nakabaon sa kanyang leeg. Kapag mas lalong nagpatuloy si Luce sa pagsipsip ng kanyang dugo, pakiramdam niya hindi lamang siya papanawan ng ulirat kundi malalagay ang kanyang sarili sa panganib. Unti-unti ng nililisan ng lakas ang kanyang katawan at ilang sandali na lamang kahit ang pag-iisp ng klaro ay baka hindi na niya magawa.

Ngunit bago pa man si Caitlin tuluyang lamunin ng kadiliman, nakita niya ang papalapit na pigura ni Lors, Mayroon itong sinuot na makapal na kuwintas na gawa sa pilak sa leeg ni Luce. At mayamaya lamang ay biglang nawala ang pangil na nakabaon sa kanyang leeg at lumuwag ang pagkaka-yakap sa kanya ng kaibigan. Nanghihina ang katawan na napasandal si Caitlin sa pader. Kinapa niya ang sugat sa kanyang leeg at naramdaman niya ang pagbulwak ng dugo mula doon, patunay lamang na malalim ang sugat ni nilikha ng kagat ni Luce.

Naghi-histerikal naman na pilit tinatanggal ni Luce ang nakasuot sa leeg nito ngunit kapag tuwing ginagawa nito iyon animo'y napapaso ang mga kamay na nabibitawan nito ang kuwintas. Nagngangalit at nanlilisik ang mga pulang mata na bumaling ang kaibigan kay Lors. Halos hindi na makilala ni Caitlin si Luce. She looks like a mindless monster who's only out for blood. Mas lalong humaba ang mga pangil nito habang nababahiran ng kanyang dugo ang mga labi nito. Bukod doon, kapansin-pansin ang paghaba ng mga kuko nito sa paa at mga kamay habang lalong bumanat ang mga buto ng kaibigan. Yukyok ang katawan na umalingawngaw ang ungol ni Luce sa direksiyon ni Lors, bahid sa mukha ang buong intensiyon na sugurin ito ngunit bago pa man nito tuluyang masugod ang dalaga bigla itong nawalan ng malay.

Nang biglang mawalan ng malay si Luce, lumapit si Lors sa kanyang direksiyon at inabot ang makapal na gasa para takpan ang kanyang sugat.

"Gamitin mo iyan para pansamantalang tumigil ang pagdudugo,"

Nanghihina ang kamay na kinuha ni Caitlin ang iniabot ng dalaga at dahan-dahang inilapat iyon sa kanyang leeg. Hindi niya napigilan ang impit na ungol na kumawala sa kanyang dibdib dahil sa matinding sakit na nararamdaman. Matapos iabot nito sa kanya ang gasa, bumaling naman ang atensiyon ni Lors sa kanyang relo na animo'y may hinihintay. At ilang saglit lamang ay may isang pamilyar na pigura ang dumating sa harap ng nakabukas na pintuan. Selene felt she'd seen him somewhere but she can't exactly remember.

Bumaling ang atensiyon ni Lors sa direksiyon ng kanyang tingin at bumahid ang nakakalokong ngiti sa mukha ng dalaga. Halata ang kasiyahan sa mukha nito ng mapagtanto kung sino ang dumating.

"What took you so long? I'm beginning to think, I've been wrong all along,"

Napapailing na lamang na tumingin it okay Lors. "Mamaya na tayo mag-usap. Kinakailangan na nating umalis,"

Nagkibit balikat si Lors. "Suit yourself, but know that we're not done yet."

Hindi nito pinansin ang patutsada ng kaibigan bagkus ay tumungo ang pamilyar na pigura sa kanyang direksiyon at walang kahirap-hirap na binuhat siya nito. Nakakunot ang noo na tumitig ito sa kanya.

"Why can't you stay out of trouble? And you actually pick the most dangerous day out of all days. Hindi ka ba binalaan ni Romulus na hindi ka pwedeng lumabas sa araw ng iyong kaarawan? And what the hell is that stupid vampire doing?"

"How did you know Romulus? And you—you look familiar," naghihinang tugon naman niya sa pangaral. Sa kabila ng panghihinang nararamdaman pilit niyang iniisip kung saan niya ito nakita ng bigla niyang maalala ang matandang lalaki na nakilala niya sa pagtitipon kasama ang mga kaibigan. Ngunit ang nakapagtataka, mas lalong bumata ang hitsura nito kumpara sa una nilang pagkikita. Why does weird people keeps on popping in her life from left to right?

Caitlin let out a shaky breath. "That's weird, you look younger, and you're not even using your cane."

"Let's talk later," mahinahon nitong saad. "Bakit hindi ka muna magpahinga?" mayamaya lamang ay bigla nitong pinatong ang palad nito sa ibabaw ng kanyang mata. Awtomatiko namang pumikit ang kanyang mga mata at sa isang iglap lamang ay unti-unti na siyang nilalamon ng antok.

Sa muling pagmulat ng mga mata ni Caitlin natagpuan niya ang sariling nakahiga sa isang malawak at malambot na kama sa loob ng isang estrangherong kwarto. Marahas siyang napabangon mula sa pagkakahiga at kusang umikot ang kanyang paningin para obserbahan ang lugar. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang eleganteng kwarto na napapalamutian ng makalumang disenyo katulad na lamang ng mga kwarto sa kastilyo ng Devil's Paradise. Animo'y baha na biglang umagos ang alaala ng mga pangyayari kagabi, kasabay niyon ay biglang dumapo ang matinding kirot sa kanyang sentido. Inumpisahang masahiin ni Caitlin ang sumasakit na ulo habang nakasandal siya sa headboard ng kama. Habang ginagawa niya iyon, unti-unti niyang inayos sa kanyang isip ang sunod sunod na mga pangyayari.

At ang pinaka-huli niyang naaalala ay ang biglang pagdating ng isang pamilyar na lalaki.Biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso pakiramdam niya mabibingi na siya dahil sa ingay niyon. Kailangan niyang malaman kung nasaan siya ng mga sandaling iyon. Bagaman, sa pangalawang pagkakataon ay niligtas siya ng matanda na nakilala niya salu-salo noon, hindi siya makakampante hangga't hindi niya nalalaman ang totoong pakay nito sa kanya. Sa tuwing nalalagay siya sa panganib bigla itong darating para tulungan siya. Bukod doon, kilala din nito si Romulus. Ano ba ang totoong relasyon nito sa isa't-isa? Dumagdag pa sa kanyang isipin ang muling pagdadating ng kanyang ama. Marami siyang katanungan at hindi na siya papayag na mananatili siyang walang alam sa mga nangyayari. Even Lors, seems to know about something. She needs to get to the bottom of this!

Hindi na napigilan ni Caitlin ang kanyang pag-ungol ng biglang kumirot ang kanyang buong katawan ng sinubukan niyang bumangon mula sa kama at maglakad patungo sa bintana. Sa kabila niyon pinilit niya ang sarili. Nanginig ang mga paa na ibinuhos niya ang natitirang lakas sa paglalakad hanggang sa matanaw niya ang labas ng kinalalagyan niya. Ginamit niya ang kanyang kamay pangtukod bago bahagyang sumandal sa pader.

The only thought that crosses Caitlin's mind upon seeing the outside is that she's in the middle of nowhere. Wala siyang makita bukod sa malawak na lupain na napapalibutan ng matatayog na mga puno at ang matataas na kabundukan na makikita sa di kalayuan. Nasa kalagitnaan ba siya ng kagubatan? And what happened with Lors and Luce?

Caitlin jumps in surprised when she hears a loud knock on the door. Before she knows it, she loses her balance and fell her butt on the floor. The pain radiates in every part of her body that Caitlin slumps on the floor in agony.

Maaaring nadinig din ng kung sinuman ang kumatok ang malakas na pagkakabagsak niya dahil marahas na bumukas ang pinto at niluwa niyon ang nag-aalalang mukha ng kanyang taga-pagligtas. Nagmamadaling tumakbo ito patungo sa kanyang tabi at binuhat siya pabalik sa kama.

"Are you alright? Don't try to get out of bed, and your body is still not fully recovered. Sandali, kukunin ko ang ginawa kong tonic para sayo,"

Agad na pinigilan ni Caitlin ang pag-alis nito, Mahigpit na hinawakan niya ang kamay nito gamit ang natitira niyang lakas. "Your name," nanghihinang saad ni Cailtin. "I still don't know your name."

The man in front of her almost looks at her in amusement before answering, "It's Basil. You can call me Basil. Now, can I go get the tonic that I prepared for you?"

Marahang tumungo si Caitlin at muling sinandal ang sarili sa headboard ng kama, hinihintay ang pagbabalik ni Basil. Nang bumalik ito sa kwarto, mayroon na itong dalang tray na may lamang maliit na puting mangkok. Nang tingnan iyon ni Caitlin, nilalamnan iyon ng kulay berde na likido. Nang udyukin siya ni Basil na inumin iyon, nag aatubili na kinuha iyon ng dalaga at dahan-dahang ininom ang gamot. Dumaloy ang mainit and mapait na likido sa kanyang lalamunan at muntikan na niya iyong maisuka. Agad na ibinalik niya ang bowl sa may tray at matiim na tinitigan si Basil. Humila ito ng upuan ang tumabi sa gilid ng kanyang kama.

"Nasaan si Luce?" diretsang tanong ni Caitlin dito.

"She's still resting. Don't worry. She's not in any danger. Thanks to your blood, she survived."

Caitlin breathed a sigh of relief. "And what about Lors?"

"As of now, she's cooped up in the library doing her research. I told her that I'd look after you in her place,"

Caitlin squeezes her eyes shut before continuing. "And who exactly are you? Don't even think about lying to me,"

Marahan itong tumawa at tinignan niya ito ng masama. Basil cleared his throat. "I was planning to tell you, anyway but I didn't realize it would be this early,"

Humugot ng isang malalim na buntong-hininga si Basil bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Well, let's just say I'm your guardian and a long time friend,"

Nagtatakang tinitigan niya ito. What he said doesn't make any sense. How can she not know a long time, friend? Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya at agad na dinepensahan ang sarili.

"Of course, you don't remember but just know that I've been your companion for a long time that includes in your previous lives,"

Caitlin's mouth hangs open in disbelief, and she stares at him wide-eyed, not knowing what to say.

Nagkibit-balikat ito, "Sinabi mong wag akong magsinungaling. That's why I'm telling the truth right now."

Pero hindi niya inaakala na ganitong klaseng katotohanan ang sasabihin niya! Is she even prepared to hear the rest? Caitlin shakes her head, trying to shake away the fear on her mind. She decided that she needs to get to the bottom of this. Kailangan niyang mapakinggan ang sasabihin nito hanggang dulo.

"You said you are my guardian, why? What are you protecting me from?"

Mahigpit na pinagsalikop ni Basil ang kanyang mga palad bago nito sagutin ang kanyang katanungan. "It is to save you from those bloody monsters that wanted to lay their hands on you," he answered matter-of-factly.

Nabingi si Caitlin dahil sa biglaang paglakas ng tibok ng puso niya. Nanginginig ang mga kamay na ikinuyom niya iyon at itinago sa ilalim ng kanyang kumot. "Monsters…" nanghihina ang boses na ulit ni Caitlin sa sinaad ni Basil.

"To name a few, like your fake father and Romulus. Well, as of now, it's only from the vampire clan that is actively seeking your whereabouts. The others haven't made their move yet."

Caitlin swallowed the humungous lump that suddenly formed in her throat. "Then, what am I?" Caitlin whispers.

"And that's the million-dollar question, is it? For hundreds of years, you've been called many names just like how the monster clans in this country call you as "Hiyas." But to make things simpler, you're the forbidden fruit. At sa bawat henerasyon na muli kang mabubuhay, inaabangan nila ang iyong pagbabalik,"

Bahagyang nanginig ang kanyang katawan at agad na niyakap niya ang sarili. "And what do they gain from it?"

"Kung sino man ang uminom ng iyong dugo ay magtataglay ng kakaiba at malakas na kapangyarihan. At kung sino man ang kumain ng iyong laman ay magagawaran ng walang hanggang buhay. While those who will choose to marry you will bring prosperity to their kind, at iyon ay sa paraan ng pagluwal sa isang makapangyarihang tagapagmana,"

Never in her life did she think that she will have to worry about something as outrageous as this. Both her life and future is being threatened, and it's against supernatural foes that she has no way of defeating. If she dies right now, will she be reincarnated again like what Basil said? Then, she will have to face the same ordeal all over again. When did her life become a horror movie?

"Am I being punished?" hindi na napigilang bulalas ni Caitlin. "Anong ginawa kong kasalanan para mangyari sa akin ito?!"

Natigilan si Basil dahil sa kanyang katanungan at agad na iniiwas ang tingin nito sa kanya. "Don't worry, I will protect you,"

Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Basil at matiim itong tinitigan. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Am I being punished?"

Basil gritted his teeth, and she can see his jaw straining as he thinks whether he will divulge what he knows. Lumipas ang ilang minuto bago ito muling seryosong tumingin sa kanya.

"I don't know the exact details, but yes, your previous guardian had said something about being punished,"

"And when did he last said that?"

"A hundred years ago,"

Selene groans out loud in frustration. Marahas niyang nailamukos ang kamay sa kanyang mukha. There must be some way to break away from this cursed chain. There's no way she will let the same thing happen all over again. She needs to think of a way stop this insanity!

Basil clears his throat trying her attention. She looks at him in irritation.

"There's someone who wanted to talk to you, and I said that I will ask for your permission, first,"

Natigilan siya sa narinig at saglit na nag-isip. She can only think of someone who would want to talk to her at a time like this. "Is he here?"

Basil silently nodded. "Let him in," After everything that she had learned, a proper talk is in order. Sooner or later, she has to clarify everything with his father. She needs to know his reasons. And today seems to be perfect day.