Nang ini-on ni Caitlin ang cp niya, ay nagtatakang napatingin siya sa 20 miscalls ni Zed. Ano kayang nakain ng lalaking iyon, at naisipan siyang tawagan ng 20 times? Agad niyang hinanap ang number ng kapatid niya sa contacts at mabilis na idi-nial iyon. Nakakailang ring palang ay mabilis pa sa alas kwatrong may sumagot sa kabilang linya.
'Hey, Goryo. Bakit?" bungad niyang bati sa kapatid. Narinig niya ang marahang pagtawa nito sa sinabi niya.
"Hi Garya, na miss kita...ang ganda ng bati mo sa akin ahh" nang-aasar na puna naman nito
"Tsk...bakit ka nga tumatawag kanina?' tanong niya dito
"Bakit out of coverage ang cp mo kanina?" balik tanong naman nito
"I asked you first" medyo naiinis niyang paalala. Siguradong kapag tumingin siya sa salamin ngayon, lukot na ang noo niya sa kakakunot noon.
"How about we both answer each other's question in a count of three...how's that?" nakakalokong suhestisyon nito.
"Antok na ako...wala akong time makipagbiro sayo" Wala talaga siya sa mood. Matapos ng nangyari kanina sa kanilang dalawa ng Mama niya lalo siyang na-stress at alam niyang napagbabalingan niya si Zed. She felt bad about it.
"I'll just call tomorrow. Bye" pipindutin na sana niya ang end call ng marinig niya ang mariing protesta nito.
"Hey wait!"
"Bakit?'
"Alam mo ba kung anong oras na ngayon dito?"
"I don't know. Nasaan ka bang lupalop ngayon?" Laging napupunta sa kung saan saang lugar si Zed dahil sa trabaho nito. He would always say na kailangan daw iyon dahil sa business na pinapatakbo nito--but really, most of the time she never really believe him. She could tell he's lying (hindi niya alam kung paano niya nalalaman pero laging tumatama ang gut feelings niya) but she didn't push for answers like normal people would do. Naniniwala kasi siya sa kasabihang "Ignorance is a bliss". She's also the type of person who never gets involve in anything unless it's necessary. Ang lagi niyang idinadahilan ay "choice nila yan" kung ano man ang pinag-gagagawa ng tao sa buhay niya naniniwala siyang mas ikakabuti na ito rin mismo ang matutong tulungan ang sarili nito, at makaintindi ng pinaggagagawa nito sa buhay nito.
"I'm in Italy right now. It's almost morning here" nangongonsensiyang saad nito
"Gee...you really do know how to make me feel guilty"
"Gusto ko sanang marinig muna ang boses mo bago ako pumunta sa field"
"Wala bang signal sa pupuntahan mo?"
"Wala"
Napabuntong hininga siya
"Alright I'm listening" she could almost hear him grinning over the phone
.
"I just want to say Happy Birthday and I miss you. Iyong regalo ko naipadala ko na pala. Hintayin mo nalang. Nasabi na ba ni Papa na dadalaw ako diyan next moth?'
"Oo nasabi na niya..."
"You don't sound excited?' natatawang puna nito
"Kailan ba ako na-excite sa pagdating mo...?' banat naman niya.
Why is Zed being awfully sweet now? People really are a mystery.
"Ouch naman. Hindi mo ba kayang mag-panggap man lang paminsan-minsan na miss mo rin ako at excited ka ng makita ako?' nagtatampong saad nito sa kanya. Napahugot na naman siya ng isang malalim na buntong hininga.
"Bakit naman kita ma-mimiss e palagi ka na ngang nasa isip at puso ko" biglang banat niya sa kapatid. Caitlin is laughing so hard inside her head at pinipigilan niya ang sariling wag matawa ng malakas. Gusto niyang lumabas na seryoso ang pinagsasasabi niya sa kapatid. Bigla naman itong nanahimik sa kabilang linya. She cracked up.
"Hello, buhay ka pa? wag ka munang mamatay marami pa akong banat" nang-aasar na saad niya dito
"That's a joke?' mayamaya ay tanong ni Zed, na mukhang hindi makapaniwala.
"Kailan ba ako nag-joke?" balik tanong naman niya
"Ewan ko sayo Garya ka!"
"Ewan ko sayo Goryo ka! Para kang bata"
"You're in a sour mood today. What happened?"
"Hindi kaya! Nagha-hallucinate ka ba?!"
" Anyway, just sing a song for me" biglaang utos niya dito, para maiba ang takbo ng usapan nila. Mukhang nagulat yata ito sa ni-request niya pero kahit siya nagulat sa lumabas mula sa bibig niya.
"Anong kanta?"
"Kahit ano. Baka sakaling makatulog ako pag kinantahan mo ako. Galingan mo ah"
"Demanding ka" inis na saad nito, pero mayamaya lamang ay tumikhim ito pagkatapos ay narinig na niya ang baritono ngunit malamyos nitong tinig. Noong nagbakasyon ito dati sa Pilipinas, hindi sinasadyang napakinggan niya ang kapatid na kumakanta sa may veranda ng kwarto nito. His voice is soothing, it calms her soul. That's why every now then, if there's chance she would ask him to sing her a song.
If the heart is always searching
Can you ever find a home?
I've been looking for that someone
I never make it on my own
Dreams can't take
The place of loving you
There's gotta be a million reasons
Why it's true
When you look me in the eyes
And tell me that you love me
Everything's alright
When you're right here by my side
When you look me in the eyes
I catch a glimpse of heaven
I find my paradise
When you look me in the eyes
Suddenly, unbidden memories sprang back to life. Hindi na naman ni napigilan ni Caitlin ang takbo ng isip niya. Muling bumalik ang alaala niya noong mga panahong lagi siyang kinakantahan ng Papa niya bago siya matulog. It actually hurts remembering it again especially-- Caitlin immediately tries to shake of the memories and concentrated on something else. Hindi naman siya nabigo dahil awtomatikong na-occupy ni Zed ang isip niya- ang alaala ng makita niya itong kumakanta sa may veranda--looking sad and lonely, her heart aches in response.
How long will I be waiting
To be with you again?
I'm gonna tell you that I love you
In the best way that I can
I can't take a day without you here
You're the light that make my darkness disappear
Bago pa matapos ni Zed ang pagkanta nito ay nakaramdam na siya ng antok.Pakiramdam niya hinehele siya ni Zed. When he uttered the last words of his song, before she drifted off to sleep hovering in between consciousness, Caitlin wanted to make him feel better. She want to make him feel that he's not alone.
"Go home. Everybody is waiting. Si Mama, si Papa. I'm also waiting and I miss you. It's true that I think of you and I 'am thinking that I'm really lucky that I met you, Zedrick" pagkatapos noon, ay naramdaman niya ang sariling unti-unting nilalamon ng kadiliman.
Hindi na niya masyadong marinig at maintindihan pa ang sinagot ni Zed but she thought she heard him say...
"You've always been my home...always and forever"
She smiled and finally fell into a deep slumber.