"Sweetie, can you please hand over those choco—" napabalikwas ng tingin si Millicent Sinclair ng marinig na umihit ng ubo ang anak, mula sa kanyang likuran. Natatawang pinagmasdan niya si Caitlin ng nagmamadali nitong inabot nito ang nakapatong na pitcher sa may countertop na may lamang tubig at agad na nagsalin sa baso nito.
Tumikwas ang kilay niya sa ginawa ng anak. Hindi na niya napigilan ang paglawak ng ngiti niya. Nang mapuno nito ang baso ay sinimulan nitong tunggain ang laman niyon na parang wala ng bukas--only to spit it out again.
"Mama!" nanlalaki ang mga matang tawag nito sa kanya. She only chuckled. Halos tinakbo ng anak ang lababo at tinapon ang lamang tubig niyon at pagkatapos ay muling nagsalin ng tubig sa baso nito mula sa gripo.
Good move sa isip isip ni Millicent, dahil lahat ng pitcher sa may fridge ay siguradong iluluwa din nito. Nang makainom ito ng "disenteng" tubig ay tsaka lang siya muli nitong binalikan ng tingin. Lukot na ang mukha nito. Saglit niyang ini-off ang kalan tsaka binalik ang atensyon kay Caitlin. Siguradong maghuhuramentado na naman ito, kaya kailangan niyang makinig.
"Ma naman, ano na namang kababalaghan ang ginawa mo sa tubig natin. Ang pangit ng lasa, when supposed to be walang lasa ang tubig" naiinis na tanong nito sa kanya
Ngumuso siya sa may direksyon ng pitcher.
"It's the cucumber sweetie, it supposed to give off a refreshing feeling" she said matter of fact. Napahawak si Caitlin sa noo nito at sinimulang himasin iyon.
"Ma, please! For my safety, keep it away" nagmamakaawang saad nito
"Sino ba kasi may sabing inumin mo ang tubig ko aber,...Hindi mo ba nakita yung cucumber na lumulutang diyan sa pitcher" katwiran niya sa anak
Lumipad ang tingin ni Caitlin sa kanyang pitsel at tinitigan ito na animo'y sinusumpa niya ang laman niyon, ngunit mayamaya lamang ay lupaypay na umupo ito sa stool na parang nalugi
.
"Alright, my mistake" pahinuhod nito..."Naku talaga, ung hindi lang kita mahal" dagdag pa ng nito sa kanya pero nakangiti na ito ng malawak. It's the most beautiful sight she gets to see every day---her daughter's big warm smile that could light up a Christmas tree. It's truly a blessing.
Lumapit siya dito at inabot ang matambok na pisngi nito at pinisil pisil iyon.
Natatawang tinatapik nito ang kamay niya pero pinagpatuloy pa rin niya ang pagpisil sa pisngi nito. Nangingiting pinagmasdan siya ng anak, love shining in her eyes.
"And I love you too sweetie...pero hindi ko pa rin gusto ang ginawa mong pagpapak sa chocolates. Caitlin Rose Sinclair, I won't tolerate you're eating habits"
Ginaya ng anak ang ginagawa niyang pagpisil sa pisngi nito at ngayon ay face to face na silang nagpipisilan ng pisngi
"Pero Ma, alam mo namang nabubuhay ang katawang lupa ko kapag kumakain ako ng tsokolate" katwiran nito. Madiin niyang pinisil ang pisngi nito na nakapagpa-aray sa dito. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa pwesto niya sa may kalan at muling binuksan iyon. Sinimulan niya ulit tunawin ang chocolates na nakalagay sa stainless bowl sa pamamagitan ng pag-steam doon. Hindi na niya inimik ang anak. Alam na nito ang pinapahiwatig ng pagiging tahimik niya. Hindi lumipas ang ilang minuto at naramdaman na niya ang pagyakap nito sa baywang niya habang nakasandal ang ulo nito sa may likod niya.
At katulad pa din ng dati hindi siya nagkamaling maglalambing ito sa kanya.
"Ma, sorry na... pangako susubukan ko na talagang kumain ng gulay. Parang feel ko ngang kumain ng ampalaya. What do you think?" suhestisyon nito
"Ako ba'y inuuto mong bata ka?' pagalit na tanong niya kahit napapangiti siya sa ginagawa nitong paglalambing.
"Hindi! Bakit ko naman uutuin ang napakaganda kong nanay" natatawang sagot nito. Napansin niya ang palihim na pagsulyap sulyap nito sa ginagawa niya, licking her lips in the process. Napailing na lamang siya.
"Oo na...pakakainin na kita nitong cake pero kakain ka mamaya ng ampalayang lulutuin ko" pahinuhod niya sa anak.
"Talaga?!" hindi makapaniwalang tanong nito. Pinasadahan niya ng tingin si Caitlin, kulang na lang tumambling ang anak sa sobrang tuwa. Mabilis na hinalikan siya nito sa pisngi.
"Ma, akyat muna ako sandali" paalam nito sa kanya
"Sige, ayusin mo ang pagto-toothbrush mo. Ayokong masira ang ngipin mo dahil sa katakawan mo. Oo nga pala, mamaya tulungan mo akong magluto. Maagang uuwi ang papa mo" imporma niya
"Roger that" nag thumbs up pa ito sa kanya. Napailing na lamang si Millicent. Iba na talaga kapag nakakaubos ng sangkatutak na tsokolate. Patalon talong tinungo ni Cat ang kanyang kwarto with matching pasipol-sipol pa. Well, she's really trying hard to whistle or something pero walang lumalabas sa vocal chords kundi odd sounds. Napangiwi siya.
Wag na kasing pilitin. Kung hindi ukol di bubukol. Natawa siya sa isipin.
Pagkapasok pa lang niya sa kwarto ay agad na siyang dumiretso sa banyo para magsepilyo. Kapag kumakain siya ng sangkaterbang tsokolate nakasanayan na niyang mag toothbrush pagkatapos. Marunong naman siyang alagaan ang sarili dahil wala siyang balak mabulok ang mga ngipin niya dahil sa katakawan. Mahal din kayang magpa-cleaning at tsaka kinakailangan niya pang magpa-schedule sa dentista nila sa school na binabayaran niya sa may miscellaneous fee para ma-maintain ang healthy teeth niya. Sigurado kasing mababatukan siya ng Mama niya kapag hinidi niya iyon ginawa.
Pagkatapos, maglagay ng toothpaste, humarap agad siya sa salamin at sinimulang magsepilyo nang biglang nag-ring ang cp niya. Nag-appear ang mukha ng kaibigan niyang si Lors habang patuloy sa pagtugtog ang ringtone ng ost ng paborito niyang korean-drama. Hinayaan niya lang iyon sa pagri-ring at nag concentrate sa pagsesepilyo niya, hindi rin naman niya iyon masasagot dahil busy siya. Nang matapos magsepilyo ay eksakto namang tumunog ulit ang cp niya. Napabuga siya ng hangin, pagkatapos ay sinagot na ang tawag ng kaibigan. Siguradong katakot takot na sermon ang matatanggap niya dahil sa hindi niya agad pagsagot at siguradong maririndi na naman ang tainga niya. Tuwing tumatawag kasi si Lors parang kala mo mayroong national calamity na nangyayari.
"Bakit?" bungad na tanong niya sa kaibigan habang patuloy siya sa paglalakad pabalik sa may bedroom at pabagsak na humiga siya sa kama.
"My God Caitlin! I've called you so many times already" nanggagalaiting sita nito. She couldn't help but laugh. Atleast nagawa niya itong inisin. Kahit papaano nakabawi na rin siya sa pangha-harrass nito sa kanya sa cp dahil sa walang katapusang kwento nito tungkol sa panibago nitong lalaking kinahuhumalingan. Hindi naman niya malait yung lalaking nagngangalang Sebastian dahil gwapo talaga ito. Kaya lang ilang beses ba namang iduldol sa kanya ng kaibigan ang litrato nito sinong nasa matinong pagiisip ang matutuwa noon? Noong una inamin niyang napatunganga siya sa hitsura ng lalaki. Hindi niya kasi mahanapan ng pwede niyang ipintas dito hindi katulad ng dating mga litrato ng lalaking pinapakita nito sa kanya marami siyang pwedeng ipintas lalo na kapag kilala niya ang mga lalaki dahil most of the time galing lang naman sa loob ng campus ang mga lalaking iyon. Kaya lang kasi kapag kahit ni- anino ni Sebastian hindi pa niya nakikita, no choice siya kundi umoo na lang ng umoo.
Kapag paulit ulit na pinakikinggan mo ang isang kanta kahit gaano pa kaganda iyon mauumay ka rin hindi ba? Kung sana lang nakukuha ni Lors ang point niya na matagal na niyang gustong ipahiwatig dito.
"Ano na naman Lorelei ha? Tungkol na naman sa Sebastian may labs mo? Pwede ba naririndi na ako sa kapapakinig sa mga "close encounters" niyo kuno. Tigilan mo na yan. Kaya lalong na-stress sayo si Tita e" litanya niya sa kaibigan. Pero parang wala itong narinig sa lahat ng sinabi niya. Pero atleast, nag try siya.
"OMG!" her friend squealed over the phone. "That's why I called you--" parang namimilipit sa sakit ang kaibigan imbes na kiligin. She grumbled.
"I have good news!" she informed like she's gonna die of excitement. Most probabaly, ganoon ka boy crazy si Lorelei.
"Ok..." she said, nothing not a bit excited with her news
Her friend snorted.
"Can't you be more enthusiastic than that?"
"Trust me Lors, I'm feeling enthusiastic right now. Actually I cant wait for you to drop the bomb and get it over and done with it" she answered deadpan
.
"Kill Joy!" angil nito
"Now what?-- Inaya ka ng mag-date?" hula niya. Matagal na natigil ito sa may kabilang linya.
"Wait! How the hell did you know?" gulat na tanong nito.
"Because I'm a psychic" she joked. Napasinghap ito. Natawa na lamang siya sa reaksyon ng kaibigan.
"Lors naman sa tono pa lang ng boses mo alam ko na ang kung saan ang takbo ng usapang ito. Hindi na kailangang gamitan ng psychic power para mahulaan ang mga sasabihin mo"
Kahit kailan talaga hindi niya ito mabiro patungkol sa mga ganoong bagay, because it always scared the shit out of Lors. Ang akala siguro nito hindi niya napapansin ang pagiging palaiwas nito in anything about supernatural stuff. Hindi niya nga malaman kung bakit naging magkakaibigan silang tatlo--siya, si Lorelei at at si Lucia. Hindi naman siya totally into supernatural stuff pero may hilig din naman siyang manood ng mga fantasy movies at tv dramas, pati mga anime pinapatos niya nga e, pero ang higit na kinahuhumalingan niya ay ang pagbabasa. Any genre willa ctually do pero most of the time interesado siya sang magbasa ng fantasy/adventure novels na may kalakip na history. Well its just a means of escape anyway. And most of all books are her soulmate.
Kung siya may pagka geek lang, Lucia took everything to the highest scale of geekiness that she's freaking weird most of the time. Kung si Lors medyo na-stress dahil sa hilig niya, nabubuang naman ito sa pinaggagagawa ni Lucia. Saan ka ba naman makakakita ng babaeng mahilig magbasa ng libro about witchcraft, necromancy, demonic entities, werewolves, fairies, vampires at kung ano pang tungkol sa folklore at magic. And take note, libro talaga iyon ah, hindi novel na katulad ng binabasa niya. Idahdag pa dito ang pagbili ng weirdong bagay na hindi niya malaman kung saan nito iyon nabibili pero minsan trip din niya ang binibili nito patunay niyon ay hiningi niya ang dream catcher nito na ngayon ay nakasabit sa may headboard ng kama niya.
Kinulit niya talaga ito ng bonggang bongga hanggang sa mapikon ito sa kanya at binigay na nga nito ang dream catcher pero may kapalit iyon, napilitan sila ni Lors na samahan ito magperform ng spell or ritual yata, hindi na niya masyadong matandaan. It was like 4 years ago. Hindi daw nito pwedeng gawin ang spell ng mag-isa kaya wala daw itong choice kundi isama si Lors at siya. Napapangiti siya kapag naaalala iyon lalo na ang terrified na mukha ni Lorelei habang isinasagawa nila iyon.
"Hey! Are you still listening?" untag nito sa kanya. Naputol ang pagmumuni-muni niya.
"Yeah"
"So, sasama ka diba?"
"Ha?' ano nga ulit ang sinasabi ng kaibigan?
Narinig niya ang malalim na buntong hininga ng kaibigan. "Tomorrow, 9pm sa Devil's Paradise"
"Devil's Paradise?" ulit niya sa pangalan ng lugar na pupuntahan nila. She cracked up. Pangalan pa lang pamatay na.
"Pumayag na si Lucia" Lors informed. She even laughed outloud. Kaya pala.
"I bet"
"So,..."
"I'll think about it"
"Caitlin! Hindi pwedeng hindi ka pupunta. Para makapag-celebrate na rin tayo in advance ng bday mo. Kailangan din nating magsaya habang sembreak pa dahil alam na pagbalik ng school tambak na naman gawain niyan"
Friday is her birthday. Her 18th birthday actually.
Ngunit katulad ng dating gawi ise-celebrate niya ang birthday niya with family and friends the day after. Sa mismong araw kasi dumadalaw siya ng puntod ng ama sa may Tagaytay. Nakasanayan na ng Mama niya na ganoon ang set up nila tuwing bday niya. Dati pa nga pinag-da-drive pa siya nito..pero ngayon gusto niyang dumalaw mag-isa.
"Sigurado ka bang legal ang operation ng club na yan?'"
"It's a bar my dear friend"
"It's the same for me"
"It is legal Caitliin, I swear! Hope to die stick a needle in my eye" pangungulit pa nito.
"That sounds drastic" natatawang sagot niya.
"Ikaw kasi ang kulit mo!"
"Naniniguro lang ako. Ayokong masangkot tayo sa gulo. Nakakarami kana kaya kay Tita gusto mo bang grounded ka na forever?'
"Promise talaga walang sabit ito! at tsaka nagpaalam na ako kay Mama. We don't even need fake id's dahil tumatanggap sila ng 18 below and bands lang naman meron doon walang sexy dancer---"
"Ok! Ok!" sansala niya sa kaibigan "Sasama na ako"
"YES! Thank you bestie! Girl magpaganda ka ng bonggang bongga ipapakilala kita sa mga ka bandmates ni Sebastian may labs ko" saad nito
"No thanks, sapat na sa aking panoorin kang magkandarapa sa Sebastian mo"
"Bahala ka, ikaw rin...Hmmm...wait! sabay sabay nalang kaya tayo. Punta na lang kami ni Lors sa bahay niyo tapos sabay saboy na tayong mag-ayos. Kailangan niyo ng tulong mula sa expert! and OMG I know na! Mag shopping muna rin tayo. What do you think?"
"Naks naman! ang dami mong datung. Tumira ka na naman ba ng bangko kagabi?"
"You mean tinira ko ang bagong manliligaw ni Mama, yung kinuwento ko sayong saksakan ng yaman pero hindi man lang naisipang magpa surgery ng face niya"
"Ang sama mo"
"Well anyway, sagot ko na ang gagastusin natin. Marami namang binigay si sugar daddy e. Alam ko naman kasing napakakuripot mo"
"Buti alam mo"
"At siguradong ubos na allowance ni Lors sa kakabili ng kadiri niyang mementos no!"
"You bet"
"Sisingilin na lang kita sa ibang bagay. Kaya ayos lang din" dagdag pa nito
"Sabi ko nga e"
"O sige na. Byieee! OMG! excited na ako" ulit pa nito
"Hindi nga halata e" birada naman niya. 'Bye" paalam niya sa kaibigan.
Sana lang walang mangyaring hindi maganda. Pagod na siyang maging buffer ni Lors sa mga gulong kinasasangkutan nito. Napahikab siya. And the last thing she saw before she drifted off to sleep, is her father's hand extending towards her with a smile beaming on his face. She smiles in return and later realizes how badly she misses him.