Darna: New WorldFan made by RodmikeB.

Rodmike_Baltazar
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 7.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1 "ADA"

Sa gitna ng kagubatan ay pumunta si Ada upang kumuha ng panggatong na kanilang gagamitin pansiga ng apoy sa pagluluto.At habang siya ay naglilibot ay may nakita siyang di pangkariwan

sa kanyang mata at nang ito ay kanyang titigan siya ay nagulat. At dali dali siyang nagtago sa tabi upang alalahanin ang nakita.

Nakita ni Ada ang isang nilalang na proporsyon ang katawan pero may kaliitan ang laki at sa mata ni Ada ito nakapangsuot babae na

di pangkariniwan ang disensyo. At para sa kanya ito ay nagliliwanag sa kagandahan. At mga ilang sandali pa ay muli itong tinignan ni Ada at sinubukan lapitan.

Ada: "Tabi-tabi po!". Malumay na pagsabi ni ada.

Diwatang Lila: "Naku po isang mortal!" At dali-dali itong umalis sa lugar.

Ada: "Nagulat ko ata ang munting nilalang. mukhang may maikuwento ako kay inay pag-uwi." masayang sabi ni Ada.

At sa ilang oras na paggagala ni Ada ay nakaipon na siya ng sapat na panggatong upang magdesisyong umuwi. Pero sa di kaalaman ni Ada

na ang munting nilalang na kanya'y kanina na nakita ay sinusundan siya hanggang sa pag-uwi sa kanilang bahay.

Diwatang Lila: "Hmmm anu kayang balak gawin ng nilalang na ito matapos niya akong makita? Siguro maikuwento niya kung gaano kaganda ang nakita niyang diwata." nakangising sabi ni Diwatang lila dahil ito ang pinaunang beses na may nakakita sa kanya na isang mortal.

At nakauwi na si Ada habang si Aling Maria ay kagagaling lang din patungong bayan upang mamalengke.

Aling Maria: "Oh Anak! May dala dala ka na namang panggatong. Diba't sabi nga sayo ng kuya mo na siya na ang bahala sa mga ganyang gawain.

Ada: "Okay lang po Ina. Alam naman po natin na abala po si kuya sa panggagamot sa may sakit sa ating bayan kahit maliit ang kita. Tinutuloy nya ang panggagamot upang makatulong sa nangangailangan. Tiyaka tapos ko naman na po ang mga gawing bahay kaya nakakainip rin po maiwan sa bahay." pagrarason ni Ada.

Aling Maria:" Ang ibig ko lang naman sabihin na binalaan ka na ng iyong kuya na pumunta sa gitna ng bundok dahil sa kababalaghan na nangyayari sa mga taong nalalagi sa gitna ng bundok. oh tignan mo si Aling susan! kausap ko lang yun nung isang araw sa bayan pero matapos siyang dumaan sa gilid ng bundok ay bigla nalang nagkasakit at tulala ng ilang araw. Ngayon nandun ang kuya at ginagamot siya.

Ada: "Ganun po ba kawawa naman po si Aling Susan. Sa tingin ko po dapat humingi na ng tulong si kuya sa espesyalista sa ibang bayan na may sapat na kagamitan upang mapabilis ang paggaling ni Aling Susan." payo ni Ada sa kanyang ina.

Aling Maria: "Ginagamot na siya ng iyong kuya ngayon kaya sa palagay ko magiging maayos na si Aling Susan. Di ka ba nagtitiwala sa kuya mo

na magagamot niya si Aling Susan?" Tanong ni Aling Maria.

Ada: "Di naman po sa ganun Ina. Ang sakin lang naman po padami na ng padami ang kaso ng mga nagkakasakit sa bayan at di kakayanin ni kuya

pagsabay sabayin lahat ng ito." pagaalala ni Ada sa kanyang kuya.

At sa mga ilang sandali ay dumating na kuya ni Ada na si Dante na may dala-dala na ding panggatong pag-uwi.

Dante: "Nandito na ko Ina. Aba mukhang marami rami panggatong natin ahh. At mukhang alam ko na kung bakit." pabirong pagpaparinig ni Dante

sa kanyang kapatid na babae.

Ada: "Eh iniwan ako ni Ina sa bahay. Ayun nainip ako at pumunta sa gitna ng bundok at baka sakaling may makita akong kakaiba dun."

Pabirong sabi ni Ada. Habang ang diwatang si Lila ay mas nag-abang na siya ay ikuwento ni Ada.

Dante: "Diba't sabi ko naman sayo na iwas iwasan nyu munang lumagi sa mga liblib o sa paligid ng bundok, dahil sa mga nangyayari ngayon

di lang sa ating baryo kundi sa ibang bayan. At sa iyong paggagala may nakita ka bang kakaiba tulad ng iyong inaasahan?" tanong ni Dante

kay Ada.

Napaisip si Ada kung sasabihin niya o hindi ang kanyang nakita sa bundok.Bukod sa ayaw niyang mag-alala ang mga ito. dahil maaaring

rin tuluyang siyang paghigpitan o tuluyang pagbawalang pumunta ng bundok, at di niya na muling makita ang munting nilalang. Kaya naman nilihis nlang ni Ada ang usapan nila ni Dante.

Ada: "Ah kuya! kamusta na pala si Aling Susan?"

Dante: "Ayun di ko parin malaman kung anong elemento ang gumawa nun kay Aling Susan."

Ada: "Panu na yun kuya?"

Dante: " Wag ka mag-alala tulad ng sabi no inay pupunta ako ng ibang bayan upang makahanap ng makakatulong kay Aling Susan."

Ada: "Sana nga makahanap ka agad kuya, kawawa kasi mga maiiwan nyang anak lalo't wala na ang kanyang asawa. "

Dante: "Yun nga rin inaalala ko, kahit nandun ang kamag-anak nilang si Marilou para pansamantalang mag-alaga sa kanila, magawa kaya nitong kupkupin ang mga anak ni Aling Susan."

Ada: "Naku, wag naman sana mangyari ang sinasabi mo kuya"

Dante: "Sana nga pero may mga pangyayaring di mo kayang pigilan."

At doon natapos ang pag-uusap ng magkapatid.

Sa kabilang banda naman ay malaking dismaya ng diwata kay Ada, dahil sa di pagbanggit nito sa kanya.

Lila: "Anu kayang problema ng nilalang na ito at di nya ko binanggit sa kapwa nitong mortal. Hmmp!"

Hugo: "Prinsesa Lila! . . Nandyan ka lang pala, kanina ka pang hinahanap ni Haring Sondal"