Chereads / Nakasulat sa mga Tala / Chapter 1 - Prologue

Nakasulat sa mga Tala

🇵🇭stoutnovelist
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

Simula

"LOLA! ANO ka ba?! Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang sa akin lumilingon. Ano na naman bang iniisip mo at tulala ka na naman diyan?"

Hindi ko pinansin ang pagsisigaw sa akin ni Mariana habang papaupo siya sa aking tabi. Ukopado ang isip ko ng mga bagay-bagay. Hindi ko maiwasang ispin ang mga problemang dumadating sa amin. Ang problemang dumadating sa akin.

"Oy, tapos ngayon hindi mo na naman ako papansinin? Tumatanda ka na siguro kaya bagay talaga sa 'yo ang pangalan mong Lola. Lola Maximo. Haist! Ano ba 'yan, para lang akong hangin dito na nagsasalita," reklamo pa nito habang nagbubuklat na ng mga dala niyang libro.

Napangalumbaba ako saka napahinga nang malalim. Ano ba ang dapat kong gawin? Paano na kami ngayon? Paano na kami ng kapatid ko?

"Ehh!" sigaw ko na lamang bigla dahilan upang mahulog sa kinauupuan sa aking tabi si Mariana.

Nakahawak pa siya sa kaniyang puso habang nanlalaki ang mga mata. Tiningnan ko siya na parang wala lang.

"Papatayin mo ba ako sa gulat, Lola! My gad! Ang tahimik-tahimik mo kanina 'tas bigla ka nalang sisigaw? Aatakihin ako sa puso nang wala sa oras dahil sa'yo," inis nitong wika habang nakamewang pa. Nakatayo na ito mula sa pagkakahulog kanina.

Gusto ko sanang matawa sa kaniyang mga pinagsasabi at akto pero hindi ko magawa. Piling ko kasi wala akong karapatang maging masaya sa kabila ng lahat ng katotohanan.

"Pasensya na hindi ko sinasadya. May iniisip kasi ako."

Tumaas ang kilay niya saka mas lumapit sa akin. "Ano naman iyon?"

Tinitigan ko siya saka sinagot. "Wala, Mariana. Nawala na sa isip ko," pagsisinungaling ko ayaw kong malaman niya ang totoo. Ayaw ko siyang mag-alala.

Tumango-tango siya saka hindi na nag-abala pang tumanong muli sa akin. Bumalik na lamang siya sa kaniyang ginagawa. Sa paggawa ng kaniyang assignment. Samantalang ako ay malalim ang iniisip.

"You have only a days left, Lola. You need to do all of this things, before you will regret in the end," sabi ng isang magandang babae sa akin. Nakangiti siya sa akin habang iniaabot sa akin ang isang bagay na matagal ko nang kinatatakutang hawakan pa na kahit na kailan.

Lumunok ako ng aking laway saka nanginginig ang aking mga kamay habang unti-unti kong kinukuha ang bagay na iyon mula sa kaniyang mga kamay.

"Don't worry, I know you can do it. You are Lola Maximo. You are a brave young lady, I believe that you can," pagpapalakas niya pa sa aking loob.

Kahit hindi ko gustong ngumiti, napangiti na lamang ako dahil sa nakakahawa niyang ngiti sa mga labi.

"T-thanks po," I shyly said to her.

She walked towards me and give me a tight hug. "Don't lose hope, Lola. You can do it, you can passed it."

"Y–yeah, I will po. . ."

Binigyan niya muna ako ng isang tingin bago siya umalis at iniwan akong mag-isa. Huminga ako ng malalim habang tinitignan ang hawak-hawak kong bagay na iyon.

My heart suddenly clenched and my heartbeat pounding so fast.

This is not true. This is just a dream. But how it could be a dream, if I wasn't dreaming anyway?

Napatingin ako sa mga talang nasa kalangitan. Nagniningning ang mga ito, tela sinasabihan akong malalampasan ko rin ang lahat. "Sana nga, sana nga. . ."