"What makes you think that I will hire you?" Halos manginig ang katawan ko dahil sa malamig niyang boses. Walang kaemo-emosyon siyang nakatitig ngayon sa akin habang nakaupo sa swivel chair.
Napahigpit ang hawak ko sa aking resume at napayuko. "N-nagbabaka sakali lang naman po..." Saad ko sa tonong kinakabahan.
His dangerous eyes are very intimidating. Na parang kapag tinignan mo, mamamatay ka. Nakakatakot.
Wala akong narinig sa kaniya kaya siguradong wala na akong chance. Nanlulumong tumalikod ako at naglakad palabas sa opisina niya. I was about to open the door when he said something.
"I'm not finish yet. Stop." Sabi niya gamit ulit ang malamig na boses.
Napahinto ako. Anong ibig sabihin niya? Kinakabahan akong humarap sa kaniya.
Hindi ako tumingin sa kaniya. Hindi ko siya pwedeng titigan ng matagal!
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong ko.
Nakita ko ang pag-ikot ng swivel chair niya. Tumayo siya doon at naglakad papalapit sa pwesto ko.
"Are you single?" Laglag ang panga ko sa tanong niya. Ilang dipa na lamang ang layo ko sa kaniya at amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya.
"Po?" Tanong ko. Baka mali lamang ako ng narinig. Bakit naman niya tatanungin 'yun?
"Fuck. Are you still single?" Mariin ang boses niya at mapanganib.
"O-opo." Napilitan kong sagot.
"Good, then." Saad niya at naglakad ulit siya pabalik sa upuan niya.
Tanggap na ba ako? Anong connect ng pagiging single ko sa mga requirements dito sa kompanya? Hindi ko siya maintindihan.
"S-sir?" Pagtawag ko sa kaniya.
Hindi naman siya sumagot kaya tumalikod na lang ulit ako.
"You're hired."