flashback......
"Anak punta ka na sa room mo at mag pahinga ka na at may pag uusap kami ng papa mo"
sambit saakin ni mama kaya nag tungo ako sa kwarto ko. Isasara ko na sana ang pinto ng makita ko si tita LUCILE na may ka usap siya sa mahiwagang salamin n'ya.
Noon ko pa s'yang nakikita na nalaging may kausap roon sa may sala at laging patago kung mag salita.
Samantala nakita ko si mama na papunta sa aking kwarto kaya agad kong sinara at humiga sa kama.Batid kong alam ni mama na gising pa ako kaya kina usap niya ako at pinapunta ulit sa library at may sasabihin sila saaking importante. At doon ko nalaman na isa pala akong elemental guardian at Hindi pa tukoy kung anong element ang hawak ko.
-End of flashback-
Hoy alina ano pang ginagawa mo at nakatunganga't nagmumunimuni ka na naman mag tungo ka na sa ilog at mag laba ka at mag igib ng tubig bilisan mo at huwag kang kukupad-kupad sa pag-kilos.
Opo tita. Sagot ko at agad na kinuha ang mga labahin nila at nagtungo na sa ilog.
ALINA 'S POV
ayon nga nag punta ako sa ilog para mag laba.
pero maka ilang oras nadin ang pag iisip ko dahil ilang gabi na din akong binabagabag ng mga panaginip ko.
panaginip na wari moy may pinapahiwatig.
hay naku lagot nanaman ako late nanaman ako natapos.
Pag ka uwi na pagka uwi ko ay bunganga na naman ng aking ina ang bumungad saakin.
bakit ngayon ka lang!!!
hala bilisan mo at mag saing kana. at pag katapos kumuha ka ng tubig para makaligo na ako.
sambit ni mama....
napayuko at na pa buntung hininga na lang ako at sinunod na lamang ito.
batid ko kasi na sya na lamang ang aking makakasama kaya ayaw ko naman siyang magalit saakin kahit lagi naman syang galit sa di ko malamang kadahilanan.