Chereads / The Runaway Mrs Dela Merced / Chapter 1 - Chapter I

The Runaway Mrs Dela Merced

🇵🇭MrsDarcy14
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 29.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter I

"Sorry I'm late."

Tinig na nagmula sa may likuran nya. Nilingon nya ang may-ari ng tinig at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata nya ng makilala ang nagmamay- ari ng tinig.

The Tall, Tan, and Handsome Man standing in front of her is none other than Vincent Dela Merced. Her husband.

Sa gulat nabitawan nya ang hawak na kape  at nagtalsikan ang laman non sa sahig pati na sa suot nyang heels at brown skinny jeans. Hindi nya pinansin ang  nagkalat na kape sa sahig, nanatili syang nakamata sa kaharap.

"Are you ok?" Tanong ng kaharap at sinulyapan ang tumapon na kape sa sahig at muling bumalik sa mukha nya ang tingin nito.

Kumurap-kurap sya, para siguraduhin sa sarili na hindi sya nananaginip lang, na totoong nasa harapan nya ngayon si Vincent Dela Merced. Huminga sya ng malalim at nakaramdam ng panlalabo sa mga mata,  luha na pilit nyang pinipigilan, tumigas ang mukha nya at mabilis na pinahid ang mga mata bago pa bumagsak ang mga luha sa harapan ni Vincent ang asawa nya.

"What are you doing here?" Tanong nya na hindi maitago ang garagal sa tinig. At nag iwas ng mga mata.

Alam nya na pag bumalik sya ng Pilipinas magkikita't magkikita sila ni Vincent pero, hindi nya inaasahan na ito ang unang makikita nya sa pagbabalik nya ng bansa.

"Sinusundo kita!" Maotoridad na sagot nito at hinawakan ang handle ng maleta nya. Mabilis nyang inagaw yon at tumayo mula sa kinauupuan sinulyapan ang kapeng tumapon sa sahig dahil sa pagka gulat nya kanina at napakagat labi sya, muling ibinalik rito ang mga mata na sa mga labi naman nya ito nakatingin bigla tuloy syang nailang, at iniwas ang tingin rito, pakiramdam nya bibigay ang mga tuhod nya dahil sa panginginig.

"Let's go" Sabi nito.

Biglang syang nag-angat ng mukha at deretcho sa gwapong mukha nito tumama ang mga mata nya. Humugot sya ng malalim na paghinga, dahil tila pangangapusan na sya ng paghinga sa pagtingin sa gwapong kaharap na asawa nya.

"Where's my Dad? Hindi ba't sya dapat ang susundo sa akin" Tanong nya na pilit pinatitigas ang boses.

"I'm your Husband kung may dapat man na sumundo sa iyo, ako yon!" Sagot nito na pinakadiinan pa ang salitang Husband na naghatid ng kilabot sa buong katawan nya.

"Husband?" Bulong nya na tila ba sya lang ang nakarinig.

"Let's go!" Muling sabi nito, na hindi pinansin ang bulong nya, hinila nito ang maleta at kinuha ang isa pang bag na nakalagay sa upuan, bago pa sya makapag protesta lumakad na ito dala ang mga gamit nya.

"Wait! Wait!" Hiyaw nya at hinabol ito.

"Vincent ano ba?" Sigaw nya at napahinto, tila ba nagkaroon ng ibang pakiramdam sa pag banggit nya sa pangalan nito na halos mula ng umalis sya ng bansa ay pinilit nya huwag banggitin ang pangalan nito. Pero hindi man sya liningon nito, na para bang wala itong narinig, kaya wala syang choice kung hindi sumunod rito palabas ng Airport.

"Give me that! I'm going to call my Dad! sa kanya ako magpapasundo!" Matapang na sabi nya, ng mahabol ito sa labas at marahas na hinila ang mga gamit na hawak parin nito, pero balewala ang lakas nya sa lakas nito kaya kahit anong pilit nyang paghila sa mga gamit hindi nya maagaw ang mga yon.

"Ano ba!"

"Nasa Hotel ang Daddy mo, tinawagan nya ko para sunduin ka" Malamig na sagot nito.

"I'll call my Kuya Nate, sa kanya ako magpapasundo!" Taas kilay na sabi nya at mabilis na kinuha ang cellphone sa bag. Kaagad namang inagaw ni Vincent yon mula sa kanyan.

"Hey! That's my phone! What are you doing? Give me back!" Tili nya rito at pilit inaagaw ang cellphone.

"Alam mo, wala akong time para makipag laro sa iyo, may trabaho pa ko, may meeting pa nga ako, pero dahil sinabihan ako ng Daddy mo na sunduin ka, iniwan ko ang trabaho ko para sa iyo" Nagtitimpi sa galit na paliwanag nito. Napaatras sya at pinagsalikup ang mga kamay sa dibdib.

"Well, I'm sorry kung na istorbo ko ang meeting mo! you can go now! I can call my Kuya or one of my friends to come and get me." Taas kilay na sagot nya rito kung naiinis ito sa kanya, mas naiinis  sya rito.

"Ok, here's a deal! Do you want me to drag you out of here or susunod ka sa akin na hindi gumagawa ng eksena!"

"What? hindi ako gumagawa ng eksena!" Hiyaw nya at nakipagsukatan ng tingin rito. Nang mapansing wala syang magagawa sa ngayon, nagkibit balikat na lang at tumango rito.

Isang expensive black BMW ang naghihintay sa kanila sa labas, nakasunod lang sya ng tingin rito, habang inilalagay nito ang mga gamit nya sa likod ng kotse.

"Are those all your things?" Vincent asked.

"Yeah!" Tipid na sagot nya rito at sumakay na sa passenger seat.

Hindi nya dinala ang lahat ng gamit nya dahil wala syang balak magtagal sa San Miguel, wala na sa San Miguel ang buhay nya, sa England na kasama ang Lola nya. Nang maka graduate sya sa kursong Hotel Management sa England, kaagad syang nakapasok sa isa sa mga sikat na Hotel sa England bilang HR Supervisor, humingi lang sya ng 2 weeks vacation para makauwi ng pilipinas at pinayagan naman sya. Wala syang idea kung bakit sapilitan syang pinapauwi ng Daddy nya. Masaya na sya sa buhay nya sa England kasama ang Lola nya, halos nakakalimutan na nya si Vincent ang lalaking minahal at pinakasalan nya, pero nabigo lang sya.Palihim nyang sinulyapan si Vincent na seryoso ang mukhang nakatuon sa kalsada. Nakuha nyang lumayo sa pamilya nya ng apat na taon dahil sa kabiguan na naranasan nya sa pagmamahal nya noon kay Vincent, at eto sya ngayon, sa muling pagbabalik nya si Vincent kaagad ang nakita nya, pero hindi na sya ang dating Ella na basta na lang iiyak sa sulok at tatakas sa problema. She's 22, mature enough kayang-kaya na nyang harapin ang mga problema.

Napagmasdan nyang mabuti ang gwapong mukha nito. Wavy black hair, nice eyebrow shape, long lashes na namana sa Mama nito, brown eyes, na tila ba laging may mesteryong nakapaloob roon, manipis na mga labi na bumagay sa nunal nito sa may chin na nagpadagdag sa sex appeal nito. Sex appeal? tama ba ang nasabi nya?

"So am I still Handsome?" Vincent sarcastic asked.

"Ah..hmm what?" Tense na tanong nya at mabilis na iniwas ang tingin.

"Well, I thought you were staring at me, " He answered with a smirked.

"No, of course not!" Defensive na sagot nya, habang ramdam nya ang pamumula ng pisngi. Apat na taon na ang lumipas pero masasabi nyang sa paglipas ng mga taon ay walang nagbago kay Vincent, gwapo pa rin ito, o masasabi nyang mas gwapo na ngayon ang asawa. Bumuntong hininga sya at pinikit nya ang mga mata para maiwasan si Vincent isa pa pagod sya gusto nyang magpahinga.

"Ella! We're here, wake up"

Dahan-dahan syang nagmulat ng mga mata dahil pakiramdam nya may gumigising sa kanya at ganon na lang ang gulat nya ng makita si Vincent na kahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.

"What are you doing?" She asked in shocked tone and pushed him away.

"Ginigising kita, andito na tayo" Malamig na sagot nito.

"Where?" Tanong nya at nilingon ang labas ng sasakyan nasa loob na sila ng isang magandang bakuran na ngayon lang nya nakita at alam nyang hindi ito ang bahay nila at hindi ito ang bahay ni Vincent.

"Kaninong bahay ito?" Kunot noong tanong nya at nilingon si Vincent na pababa na ng sasakyan.

"Kaninong bahay to?!" Muling nyang tanong at mabilis na bumaba ng sasakyan. At ginala ang mga mata sa modernong malaking bahay at sa malawak na bakuran nito. Nilingon nya si Vincent na may kausap na binatilyo habang kinukuha ang mga gamit nya sa likod ng sasakyan.

"Nasaan ako?!" Tanong nya pero sinulyapan lang sya ni Vincent at inutos ng ipasok sa loob ang mga gamit nya.

"Wait! sandali" Pigil nya sa binatilyo.

"Ibaba mo mga gamit ko!" Galit na utos nya sa binatilyo. Alanganing nilingon ng binatilyo si Vincent.

"Kanino bahay to?" Tanong nya.

"Bahay natin to"

"Natin?"

"Asawa kita Ella, natural na tumira ka sa bahay ko"

"No! ihatid mo ko sa bahay namin!" Maktol nya at hinarang ang binatilyo na may bitbit sa mga gamit nya

"Put it down" Matigas na utos nya sa binatilyo. Liningon ng binatilyo si Vincent na tila ba naghihintay ng utos mula sa rito.

"Iakyat muna yan sa Master Bedroom!" Utos ni Vincent.

"What?! I don't get it Vincent! bakit mo ko dito dinala?"

"You're my wife Ella, if you forgot that well, we got married 4 years ago, because you made a hard work to get ma-

"STOP!!" Putol nya sa sasabihin pa nito, dahil alam nya kung ano ang susunod na sasabihin nito at ayaw na nyang marinig pa ang mga panunumbat nito tulad ng dati.

"I just want to go home." Bulong nya.

"Pinauwi ako ng Daddy ko na hindi ko alam kung anong dahilan, I want to talk to him, kung ayaw mo kong ihatid sa bahay namin, I can walk there." Determinadong sabi nya at lumakad na papunta sa malaking gate, pero nakakailang hakbang pa lang sya ng biglang may matigas na kamay ang pumigil sa braso nya at napasubsob sya dibdib nito.

"Ouch! Aray!"

"Where do you think you're going?" Tanong nito na halatang nag pipigil lang ng galit dahil tumitigas ang panga nito, kinabahan sya biglang may kakaiba syang naramdaman ng hawakan sya nito sa braso para syang nakuryente. Tinignan nya ang kamay nito na nakahawak sa braso nya, mabilis namang binitiwan nito ang braso nya, umatras sya ng isang hakbang pakiramdam kase nya kakapusan na sya ng hininga sa sobrang lapit nito sa kanya.

"I can give you a ride." Tipid na sabi nito at tumalikod na pabalik sa kotse.

This is my first story on this site. Hope you guys like it. Please vote. Thank you