Chereads / Trance / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Simula

"Ano nanamanang palusot mo para sirain ng ganon ang sasakyan ng schoolmate mo? Hindi pa man humuhupa ang issue tungkol sayo may bago nanaman? Hindi ka na bata! Magka-college ka na, at dahil dyan sa record mo e malamang wala ng matinong eskwelahan na tatanggap sayo!" Kitang-kita ko ang ugat sa gilid ng leeg nya dahil sa gigil na pagsasalita.

"Don't you worry dad! Collegio de San Luis will always welcome me with open arms! I am the runway princess last school year!" Pagpapakalma ko sa kanya, pero mukhang lalo lang syang nagalit.

"Hindi ka na ba talaga magseseryoso?" Mahihimigan ang tono ng pagsuko sa boses nya.

"Dad okay lang naman akong ganito ah? Kahit laman ako ng balita hindi lumalabas na anak mo 'ko, so what's the fuss?"

"Hindi yon ang issue natin dito, babae ka pero ganyan ang asal mo. Hindi ka na ba talaga magbabago?"

"Ginawa ko lang yung ginawa ko kasi alam ko na yun ang tama! Hindi maganda ang pinagkakalat nya na balita tungkol sakin kaya dapat lang yon sa kanya." Pagdedepensa ko pa sa sarili.

"Baluktot ka padin magisip hanggang ngayon, hindi ko matatanggap yang katwiran mo. You are giving me no choice, sa Alfonso ka na uuwi simula bukas, pinahanda ko na kay Rosa ang mga gamit mo."

"That can't be! Pano ang pagaaral ko? Nakapagshoot nadin ako with St. Louise! Hindi pwedeng bigla ko nalang iwan ang commitments ko dito. At wala din akong plano na tumira sa Amanda!"

"Sino ba ang nagsabi na don ka titira? Kay Rosa ka titira, sa bahay nila sa Alfonso, bakit ko hahayaang sa Amanda ka mamalagi? Para san pa at pinarurusahan kita? And you haven't sign the contract dahil sabi ng handler mo may kontrata ka pa sa Jeans."

"You can't be serious dad! Hindi magugustuhan ni mom ang idea mo! I'm your only daughter!"

"Kung buhay siguro ang nanay mo ay hindi ka lalaking ganyan. My decision is final, don ka sa Alfonso, don ka magaaral. And to your allowance? Wala. Wala kang hahawakang pera, nakafreez ang bank account mo. Bring your gadgets with you if you want, duda ako sa signal don."

Iniwan nya akong hindi makapaniwala sa library. Hanggang ngayon ay hindi ko lubos maisip na kaya nyang gawinto sakin! I'm his only daughter for fuck's sake! Ipapatapon nya ko sa good for nothing na lugar na yon na bilang sa daliri ang stablishment? And to rub it in ay hindi nya ako patutuluyin sa Amanda! Gusto nyang tumira ako sa kubo! Nahihibang ba sya?

Pumunta ako sa kwarto at nanlumo ng Makita ko ang tatlong malaking maleta na nakaayos sa gilid ng cabinet ko. Pumasok si mama Rosa sa kwarto ko. Sya ang sinasabi ni dad na makakasama ko sa Alfonso.

"Hindi ba sya nagbibiro? Ipapatapon nya ba talaga ako?" Pagbabakasakali kong tanong sa kanya.

"Ilang beses ko syang sinubukang kausapin tungkol dito, at maski ako ay hindi nya na pinakinggan. Tingnan mo ang mga inempake ko at baka may gusto ka pang idagdag."

"Hindi tayo sa Amanda? Saan tayo titira?"

"May bahay ang mga magulang ko sa Alfonso, matagal ng walang nakatira don dahil ng mamatay sila ay wala naman ng umokupa dahil nandito ako at ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya ng buhay"

"I can't believe him! Magagawa nya akong tiisin ng ganito?" Paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya

"Kung may magagawa lang ako ay ginawa ko na. kailangan mo ng magpahinga dahil madaling araw tayo aalis, limang oras ang byahe natin."

Wala na akong nagawa kundi ang matulog at umasang panaginip lang ang lahat ng nagyayari ngayon. Pero talagang malupit ang kapalaran dahil saglit palang akong natutulog ay ginising na ako ni mama Rosa para maghanda sa pagalis namin. Labag man sa kalooban ko ay kumilos na ako.

Muli kong tinignan ang bahay namin. Ni hindi ako hinarap ng dad para magpaalam. Sumakay na ako sa van na maghahatid daw samin sa Alfonso.

Habang nasa sasakyan ay iniisip ko kung gaano ako kamalas. Una ay kailangan kong gumising ng 3 am ng umaga para bumyahe ng limang oras patungo sa kawalan. Pangalawa ay iniisip ko palang kung paano sasamantalahin ng mga kaibigan ko ang summer vacation ay naiinggit na ako.

Tumabi sakin si mama Rosa na sya ng nagpalaki sakin. Hindi ko na nakita ang mommy ko dahil naambush ang sasakyan na magdadala sana sa kanya sa ospital para manganak. Noon pa man daw talaga ay madami ng death threat ang dumadating sa kanila ni daddy na sa mga panahong yon ay mayor palang ng lugar namin. Pero hindi ang pagkamatay ni mommy ang magiging dahilan ng paghinto nya sa pulitika. Sa halip ay lalo lang syang lumaban. Ngayon ay isa na sya sa mga kilalang senador ng bansa.

Ang akala ng lahat ay kasamang namatay ang sanggol sa sinapupunan ni mommy, nagawa akong itago ni dad sa publiko para maproteksyunan ako. Pero hindi ang paghihigpit nya ang makakapigil para ienjoy ko ang lahat ng meron ako. Kahit na lihim ang identity ko ay ginagawa ko parin lahat ng gusto ko. I am part of an elite group, at ngayong taon lang ay lalo akong nakilala dahil sa pagkakapanalo ko sa St. Louise runway. Kahit ayaw ni daddy ang pagsaliko don ay hindi nya ako napigilan.

Masasabi ko namang nagging normal ang buhay ko kahit na tinago ako ng sarili kong ama. Madalas akong laman ng mga bar kasama ang mga kaibigan ko kahit wala pa kami sa tamang edad.

Tahimik ang sasakyan, tatlo lang kaming lulan nito. Ako, si nanay Rosa at ang driver namin. Pinili ko nalang tulugan ang byahe. Sa tingin ko ay kailangan ko ng lakas mamaya para harapin ang kamalasan ko.

Huminto ang van sa tatapat ng isang katamtamang laki ng bahay. Tanging kahoy lang ang bakod, sementado naman ang haligi ng bahay di tulad ng ibang nadaanan naming na puro kahoy talaga. Mababakas mo din ang kalumaan nito pero kung susumahin ay maganda at malinis padin.

"Pumasok ka na, kami na ang bahala sa mga gamit natin." Utos sakin ni mama Rosa.

Kahit na sinabihan na akong sila na ang bahala ay hindi ko naman natiis na hayaang sila ang magbuhat ng mga bagahe ko. Apat na malalaking maleta ang sakin, ang tatlong inempake ni mama Rosa ay nadagdagan pa ng nadagdagan. Pareho na din silang may edad at hindi naman maaatim ng konsensya ko na hindi sila tulungan samntalang halos sakin lang ang laman ng van.

May mga taong dumadaan sa tapat ng bahay, sumusulyap at pagtiningnan mo naman ay aalisin ang tingin. Halata pa sa obvious na mga chismosa.

Naghanda muna ng pagkain si mama Rosa para kay manong Carding, ang driver namin. Kumain muna sya at nagpahinga lang saglit bago kami iwan. Inayos na namin ang mga gamit ko sa magiging kwarto. Sapat naman ang laki nya, may aircon, malaki ang cabinet, maganda ang kama at amoy bagong pintura pa ang dingding. Kung titingnan mo ang bahay ay parang hindi kasama ang kwarto sa kabuuan nito. Dahil kung luma ang façade ng bahay ay kabaliktaran naman ang kwarto.

"Pinaayos ng daddy mo ang kwarto, maging ang mga sira sa bahay dahil sa kalumaan ay inayos muna bago tayo papuntahin dito. Kompleto din sa gamit sa kusina, pati appliances."

"Buti naman, akala ko matitiis nyang hikain ako sa init e." nginuso ko pa ang aircon.

Magkatapos naming ayusin ang kwarto ko ay nagpaalam syang magaayos lang sa labas. Safe kaya dito? Baka madaming masamang tao ang nagtatago sa lugar nato, possible dahil mukha na nga tong dulo ng mundo e. ng mainip ako ay chineck ko ang phone ko kung may message ba ang mga kaibigan ko. Kagabi ay nagconference call pa kami at pinagusapan ang kamalasan ko. Pero hanggang ngayon ay minamalas padin ako, walang signal! Lumabas nalang ako dahil baka masiraan na ako ng ulo kahit saglit palang ako dito.

Nakita ko si mama rosa na nagluluto na ng tanghalian namin. Corned beef.

"Hindi ka po ba nalulungkot na nandito tayo?" Tanong ko sakanya habang nagluluto.

"Bakit naman ako malulungkot, dito ako lumaki at nagkaisip bago ako kunin ng lola mo para maging kasambahay sa kanila. Wala na nga siguro ang mga kamaganak ko dito ay may iba pa naman akong mga kakilala."

"Sabagay, iisipin ko nalang po Masaya ka para kahit papano mabawasan ang pagiging banas ko sa lugar na to. Oh don't get me wrong mama ha? Naiinis lang talaga ako sa nagyari sakin. Imagine? I was supposed to spend my summer in Boracay, I have my ticket na including accomodation and itinerary! I spend my savings there! Nauwi lang sa wala ang lahat. At makikita ko pa ang picture nila Kendra na masay samantalang ako magsasaka dito ngayon?" Tukoy ko sa isa sa mga kaibigan ko.

ito na ata ang simula ng kalbaryo ko. baka dito na matapos ang precious life ko!