Chereads / Looking Over You (Tagalog) / Chapter 1 - CHAPTER 1: Beginning

Looking Over You (Tagalog)

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญiamjewelrie
  • 45
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 583k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - CHAPTER 1: Beginning

PASADO alas dos na ng gabi ngunit mula't pa din and mga mata ni Ehna, iniisip niya kasi ang suliranin na kinakaharap ngayon ng pamilya niya, namatay sa aksidente ang kanyang Itay kaya ang tanging Inay niya na lamang ang nagtataguyod sa kanilang tatlong makakapatid, siya ang panganay sa mga ito kaya naman nababahala siya na baka magkasakit na sa kapoproblema ang kanyang Inay.

Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot sa matigas niyang papag na nilagyan lang ng banig, kapag kuwan ay tumayo na siya dahil batid niyang hindi na siya dadalawin pa ng antok.

Napagpasiyahan niyang uminom muna ng isang baso ng tubig sa kanilang munting kusina.

"Ano na ang iyong balak ngayon Linda, baon na sa utang ang iyong kaisaisang kakabuhayan, paano na ang mga bata niyan?" napatigil siya bigla ng marinig niya ang boses ng kanyag lola Remedios kausap ang kanyang Inay, Hindi na siya nagpatuloy pa sa paglalakad sahalip ay nagtago siya sa likod ng pinto upang marinig ang usapan ng dalawa.

"Y'on na nga po ang kinakatakutan ko Inang, paano na ang pagaaral ng mga bata? Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos sila ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho" malungkot na sabi ng kaniyang Inay.

"Pumayag ka na kasi na kunin ko muna ang mga bata Linda, ng sa gayon ay makapaghanda ka sa iyong pag alis ng bansa, Tanggapin mo na ang alok ng mga Mondrian doon makakahanap ka ng trabaho na mapangsusustento mo sa mga bata" pilit ng kaniyang lola Remedios sa kanyang Inay.

Kita niya ang paghinga ng malalim ng kanyang Inay, batid niya ang pagkalugi at pagkabaon sa utang ng kaniyang Inay dahil sa kanilang maliit na sakahan, malaki din ang pagkakautang nila sa mga Mondrian, ang may ari ng malaking Hadienda malapit sa kanilang barrio dito sa Baguio.

Ilang buwan na kasing nakakalipas noong kausapin ang kaniyang Inay ni Don Antonio Mondrian ang may ari ng Hacienda Mondrian na ibenta na sa kanila ang natitira nilang sakahan, kapalit ng pagbibigay ng trabaho sa kaniyang Inay sa ibang bansa at kabayaran nadin sa mga utang namin dito.

Lakas loob na hindi tinanggap ng kaniyang ina ang alok ng mga Mondrian dahil ito na lamang ang natitirang pamana ng kanilang itay sa kanila bago ito bawian ng buhay. Kaya't naiintindihan niya ang bigat na nararamdaman ng kanilang Inay, ayaw lang nitong mawala ang kaisa isang pamana sa kanila at ang mga masasayang ala-ala ng mga ito sa sakahan.

"Alam mong hindi ko matatanggap ang alok ng mga Mondrian Inang, mahalaga sa akin ang sakahan, kahit pa malaki ang nalugi at baon ito sa utang ay hindi ko isusuko ang sakahan sa kanila, isa pa hindi ko makakaya na mapalayo sa mga anak ko" malungkot na sabi ng kaniyang Inay, hindi na niya natiis pa at lumabas na siya mula sa pagkakatago sa likod ng pintuan at hinarap ang dalawa.

"Inay, Inang, Hindi ko din gustong ipag bili ang sakahan dahil ito na lamang ang nagiisang pamana na natira sa atin ni Itay" buong lakas niyang sabi.

"Ehna anak, hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng mga matatanda, hala sige bumalik ka sa kwarto mo at matulog hindi mo obligasyon na problemahin ang mga ito" sabi ng kanyang Inay, ngunit sa loob loob nito ay natutuwa siya na may pakielam sa nagyayari ang kaniyang anak.

"Hihinto muna ako ng pagaaral Inay" matigas niyang sabi sa kanyang Inay.

Hindi makapaniwalang tinapunan siya ng tinggin nito "Ehna Mianna! Hindi ka pwedeng huminto ito na ang huling taon mo sa kolehiyo at hindi mo pwedeng sayangin iyon" matigas din nitong sabi sa kanya. Hindi na siya nagulat pa sa reaksyion ng kaniyang Inay dahil alam niyang mahalaga para dito ang makapagtapos sila ng pag aaral.

"Tama ang Inay mo Iha, ipagpatuloy mo ang iyong pag aaral ng sa gayon ay makahanap ka ng magandang trabaho, pabayaan mo na kaming solusyunan ito apo" turan ng kaniyang Inang.

"Pero hindi ko maatim na nahihirapan kayo samantalang wala akong magawa, panandalian lang naman po ang paghihinto ko Inay, kapag nabayaran na natin ang utang natin sa mga Mondrian ay babalik na muli ako sa pag aaral " buo ang loob niyang sabi sa mga ito.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang kaniyang ina bago tuluyang tumango "Sige anak, ngunit ipangako mo na makakapagtapos ka ng iyong pag aaral " sabi nito.

Ngumiti muna siya bago yakapin ng mahigpit ang kaniyang ina "Opo, pangako Inay"