Ang buhay ko noon ay binubuo ng saya, kilig, pagtitiwala sa sarili at magandang kinabukasan kasama ang aking minamahal. Ngunit sa di inasahang trahedya nagbago ang lahat, ang aking buhay ay nabalot ng lungkot, paghihinagpis at pagkawalan ng tiwala sa sarili sa kadahilanang pagkawala ng aking kasintahan ng dahil lamang sa isang bulalakaw.
"Mga bulalakaw na magaganda sa kalangitan at amin lamang pinagmamasdan sa damuhan sa kapatagan ay s'ya palang papatay sa karamihan at sa aking kasintahan".
Sa pagbagsak ng bulalakaw unti-unting nagdilim ang aking kapaligiran at sandaling tumahimik ang lahat. At bago ko pa imulat ang aking mga mata ramdam ko na ang init sa paligid at ang aking mga mata ay para bang gusto ng imulat ng agad agad ng dahil sa liwanag sa aking kapaligiran, at nang imulat ko na nga ang aking mata ay tumambad ang mga taong walang buhay na para bang kanina lang ay punong puno pa ng tao at nag kakasiyahan habang nanonood ng bituin sa kalangitan pero ngayon ito na ay nababalot na ng apoy at katahimikan, Hangang sa namalayan ko na lang na tumutulo na ang aking mga luha habang nililibot ko ang aking mata at sandaling tumigil ang aking paghahanap ng makita ko ang pinakamamahal kong kasintahan na nakahiga malapit sa karamihan at wala ng buhay. Unti-unti ko syang nilapitan hangang sa makarating na nga ako sa kanyang walang buhay na katawan na patuloy parin ang pagtulo ng aking luha. Sa aking paghingi ng tulong nilibot ko muna ang paligid ng hinang hina hangang sa may maaninagan akong kumikinang sa mismong pinagbagsakan ng bulalakaw. Ito'y aking nilapitan kahit feeling ko ano mang oras ay babagsak na ang aking katawan, hangang sa napahawak na nga lang ako sa kumikinang na bato at bumagsak ang aking katawan, naramadaman ko pa non bago ako mawalan ng malay ay para bang may mga nakasurvive pa nun at ramdam kong papunta patungo sakin ang mga ito hangang sa napapikit na lang ako at hindi ko na alam ang mga nangyari pa."The end".
"Maraming salamat, sa pagkwento ng kaunting karanasanan ng buhay ng iyong magulang, Vale",
"Lira, your next, after break ikaw naman ang magshare ng iyong ginawa."break muna class". ika ng aming guro.
At the cafeteria.
Vale POV
"grabe naman yung nangyare sa papa mo Vale, nga pala anong nangyare pagtapos nun diba nakita na lang siyang walang malay malapit sa bulalakaw?". Oo Estes naikwento mo ngarin pala sakin yan nakasama rin yung papa mo mo sa trahedya dun sa bulalakaw, kaya lang di ko sinabi na nakasama papa ko dun, di ko parin kasi alam. "oo nga, okay lang, pero ano na ngang nangyari" pangungulit ni Estes. "Yun na nga nagising na lang si Papa napakaliwanag uli kala nya nga di pa sya narerescue kasi kala nya apoy parin yung paligid nya kaya binuksan nya yung mga mata nya...
To be continued
wait nyo lang po muna sadyang busy lngš