Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Out Casting Love

🇵🇭grotesquelypretty
--
chs / week
--
NOT RATINGS
5k
Views
Synopsis
Sabi nila, friendship is the perfect foundation for relationships. But many are afraid to admit their feelings that might break their friendship towards to the person they love. Friendship is the perfect foundation for relationships, nga diba? Then why are they afraid to admit their feelings? Baka sabi-sabi lang iyon. Babalewalain na lang nila iyon, pero habang tumatagal ang panahon, hindi na kayang iwas-iwasan na lang ang damdamin na nagtatalbog-talbog at gustong-gustong sumabog.

Table of contents

Latest Update1
Simula5 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

Kesha Valenzuela

Alam niyo ba 'yung feeling na na-inlove ka sa best friend mo in no particular reason, but in a sudden delusion?

Ako nga pala si Kesha, at crus- este best friend ko nga pala simula't sapul si Ken Rodriguez. Nagka-crush ako sa kaniya pero pinilit ko iyong limutin. Hay, why nga ba?

Wala naman akong pag-asa dun sa best friend ko, eh!

Pero habang tumatagal at pinipilit ko na kalimutan ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya, lalo lang ako nahuhulog ng sobra at nalulunod sa sobrang sakit.

'Yung feeling na best friend-zone ka lang? 'Gang 'dun lang kami.

Friends. Best friends.

Hindi lahat ng "BEST", maganda at masaya ka na. Nakakasira rin ito ng damdamin. Edi wow. Edi shing. Putek nito ah. Best sa sakit.

Ang dami na kayang biktima ng friend zone o kaya naman, nahuhulog ang damdamin sa besprend.

At isa na ako doon. Bwisit noh?

Ang dami kaya ng tao sa universe. Why of all approximately 7 billion people, isa pa ako sa mga naging tanga sa pag-ibig? Naging parte ng walang hopia group? Basag trip naman, bes.

Sakit sa bangs. Owts. Wala pala akong bangs. Eh di, balakang na lang. Shemay.

Kawawa naman kami, 'no?

Pero never ko talaga tinake advantage 'yung friendship namin ni Ken. Hehe. Char.

Pero slight lang iyon! Paminsan-minsan lang naman eh.

Ano ba kayo! Hindi naman na gagapangin ko siya at hahalayin sa pagtulog niya. I'm not that desperate, ano!

Minsan lang. Hehe....

Minsan nga, tumatabi siya sa kama sa akin. At ako naman 'tong si gaga, kunawari tulog, pasimpleng hahaplusin yung abs niya at papuntang...

Pabalik sa bewang niya at yayakapin siya. Say what?

Grabe naman kayo! Dirty-dirty niyo ah! Diba slight lang, 'yon? Hehe, atleast naka-hawak ako ng 8 pack na abs. Eh kayo? Taba? Bilibil? Inggit kayo kay Lola niyo ano?

Naiinggit rin kasi ako sa mga g-friends ni Ken eh. Alam niyo na, clingy. At ayun naman si mokong kong besprend, binibigay ang lahat ng time niya sa mga g-friends niya.

Imbes na movie night namin, pumunta siya sa condo ng jowa niya. Umiiyak daw, dahil namimiss si Ken.

Amporkchop talaga nila! Sa kanila na nga ang atensyon ni Ken, eh ang movie night pa sana dapat namin para ma-solo ko si Ken, naging bato pa!

Buweeseat!

Gusto niyo bang ikuwento ko sa inyo kung paano ko nagustuhan si Ken?

Hehe. Ganito kasi iyon; n'ung seven years old at grade 1 pa lang kami 'nun eh.

Nakatingin ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit ako nakatingin sa kaniya't nagkakaganito na parang sasabog ang dibdib ko. At sumabog na nung lumingon siya sa akin at tinignan rin ako sa mata. Hindi ko ma-explain ko anong naramdaman ko. Parang sasabog at titingin na lang sa isang malaking kawalan.

Nung nilingon ko ulit siya, nakatingin pa rin siya sa akin at ngumiti. Pero hindi na sa mata iyon nagtama 'yung tingin niya sa'kin.

Lumaki ang ngiti niya at kumaway. Hindi ako sigurado kung para ba talaga sa akin iyon o sa...

Tinignan ko ang katabi kong isang maganda babae. Infairness, mas maganda siya kaysa sa akin. Blonde ang buhok, blue eyes, at maputi at kinis nung balat. Mukhang foreigner yata eh.

Eh ano naman ako? Tinignan ko 'yung sarili ko. I was a natural brunette na mana kay mama na half German, medyo maputing o tan ko na skin, at alam ko naman ang mga mata ko'y color Brown.

'Yung time na first time ko ma-fall para sa isang lalaki na best friend ko pa talaga, 'yun din pala 'yung araw ng first heart break ko.

Nasamid ako ng sinabihan niya 'yung maganda foreigner na babae na nasa tabi ko na "I like you, Avery. Pwede ba kitang maging g-friend?"

Wow. Hindi man lang ako napansin. Hello! Pennywise here?

"Huh? Ano 'yung g-friend?"

"Eh ano kasi yun..." Napakamot sa batok si Ken. "Yun sabi ni Mama ko kasi na kapag like ko ang isang babae, pwede ko maging friend. Eh like na like kasi kita, at ang sabi ni mama ko ay pwede ko maging g-friend. Pero...dapat sa tamang oras daw. Eh, noon time naman ngayon. Baka tamang oras naman ito, di ba?"

"You like me? Huh!" Napasinghap ang babaeng foreigner. "No way! You're a loser! Loser!"

At ayun... Umiyak si Ken. Wala naman akong nagawa nung una kasi nagkulong siya sa kuwarto niya. Pero nung isang araw ay...

"Ken... Ken... Ken, Anak." Tawag ni Yaya Helena sa kay Ken mula sa labas ng pintuan. "Andito si Sha, dumalaw sa iyo. Halika ka na, may pasulobong siya sa iyo." Sha kasi ang tawag ni Ken sa akin.

Siyempre siya lang dapat. Hmpf!

Minasamaan ko ng tingin si Yaye Helena at kumatok din sa pintuan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya binubuksan. "Ken! Si Sha ito! May pasulobong ako sa iyo, tignan mo dali! Lumabas ka na diyan eh! Baka magmelt pa itong ice cream at chocolate kapag hindi ka pa lumabas diyan." Pag-arte ko.

At ayun, bigla naman nagbukas ang pintuan. Si Ken.

Napangiti ako ng maluwag. "Hi Ken!"

"Sa'n yung ice cream at chocolate?" Tanong agad niya. Napakacute!

"Eto oh!" I shoved the ice cream and chocolate to him. Umarte ako. Hindi man niya lang ba ako na-miss? Eh hindi niya nga ako napansin kahapon nung nagconfess siya kay maldita eh.

"Thanks." Isasara niya na sana ang pinto nung...

"Wait!" Tss. Snob. Eh ayun, naipit ko ang kamay ko sa pintuan.

Umiyak ako. Ang sakit. Pero magpakatatag ka, Kesha. Wala ito kaysa heart burn. Kailangan ko yata ng Kremil-S eh.

"Ay! Ikaw kasi eh!" Tampo niya. "Wait, where's yaya Helena?"

Napasinghot ako, "Umalis siya ng bahay. At wala ding tao dito sa bahay mo. Si tita Cheryl ni Ken, kasi umalis kasama si tito Steve." Si tita Cheryl ay 'yung mama niya, tapos si tito Steve naman ay ang papa niya.

"Eh paano na ito?" Tinignan niya ang kamay ko.

Inalis ko ang kamay ko sa kaniya. Ang awkward kaya! "Ahh... 'Wag kang mag-alala. Okay lang ako."

"Teka, namumula kasi eh. Baka na fracture na yan or ano." Pag-ayaw niya.

"Huh? Ano ang fracture? Sa'n mo nalaman iyon?" Tanong ko.

Tinignan niya ako ng tingin na "Seryoso-ka?-Iyan-lang-ba-ang-inaalala-mo?"

I shook my head. I patted his hair and messed it. "Kahit kailan talaga matalino ka, Ken! Hehe, sana ganun din ako. Eh ang bo-"

Kinut off niya ako. Kinuha niya ang kamay ko na nakapatong sa ulo niya at tinignan ito. "Namula-mula na, at mukhang namamaga. Hala!"

"Alam ko na ang gagawin natin!" Pagtugon ko sa kaniya.

"Ano naman?" Tanong niya, naiirita ang mukha.

"Kumuha tayo ng yelo tapos i-bahid mo sa kamay ko!" Sagot ko ng masigla.

"Naku! First-aid kit 'yung kailangan mo, Sha. Ano ka naman ba!" Tugon niya.

"Wag, Ken. Binabahiran lang ni mama ko 'pag namamaga ang mga parte ng katawan namin eh. Kaya, no need." Pursigi ko.

Kamot siya ng ulo. "Hay, naku. Sige na nga. Sabi ng mama mo eh. Kung ikaw ang nagsabi, hindi talaga kita susundin. Wala ka kasi ng siguraduhan eh." Wika niya, papuntang ng fridge at kumuha ng yelo.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi naman ako ganun ka-bo- Aray!" Binigla niya ako ng nilagyan niya ng yelo ang kamay ko.

"Shut your mouth, Sha." Sabi niya sa akin. "Or else..."

"Or else...What?" Tanong ko. Kyot niya talaga! Parang beybe! Hehe...

"I'll kiss you." Kaswal na wika niya na parang wala lang. Heh?

Ikinagulat ko naman iyon. "Ano!?"

Mabilis niyang binaba ang yelo at...

Linapit ang labi niya at dinikit sa labi ko. Namilog ang mata ko, na ikinabigla ko naman. Kaya ayun, natulak ko siya. "Aaahhh!"

"The heck, Sha!" Sigaw niya ng bumagsak siya.

What's the deal? It's big! First kiss ko yun! And he just took it!

"You! You!" Pagsigaw ko sabay turo sa kaniya.

"Ano?" Sarkastikong wika niya. Nag-crossed arms pa ang mokong. "Didn't you see it in movies? Or heard, perhaps man lang?"

I shook my head. I ain't am watching those movies! Sometimes... But I haven't heard that unusual way of shutting a girl's mouth!

"Tsk. It's the perfect way of shutting your blabbering mouth." Wika niya. Inirapan niya ako. Kadyut kaya ito?

"Ken naman! So are saying that you do it all around? I mean, you go around shutting blabbering mouths by kissing them? And by the word kiss, ayun ba 'yung meaning na magkadikit ang labi?" I shoot questions at him. This is suspicious, indeed.

"First of all, no, I don't go around shutting blabbing mouths by kissing them. Frankly, you're the only one I found noisy so you know, I kissed you. Truthfully, ikaw ang kauna-unahang babae na nahalikan ko. Sabi sa movies, firsts are unforgivable and, there's a first time for everything. So I wanna try how it tastes, how it feels, and especially, I want to know how to kiss. Lastly, yes, that's what it means. Mag.Ka.Di.Kit.Ang.Ma.Nga.La.Bi.Na.Tin. like kanina." Parang wala lang sa kaniya nung sinabi niya iyon.

I gaped into him. Playboy! "You're a player, Ken! You're disgusting!"

"Babae! Hinalikan mo ang disgusting na ito!" Turo niya sa sarili. "Tsaka player naman talaga ako. Leauge of Legends ang nilalaro ko, 'noh!" Pagmamalaking tinuro niya ang sarili.

I rolled my eyes. Walang kwentang kausap. "Ikaw ang nang halik, kaya! You're a playboy, I hate you! Fuck you!" Napamura ako. Alam ko masamang magmura. Pero galit kasi ako!

Napatingin siya sa akin, blankly. "Bad ang magmura, sabi ni mama."

"Eh, bad din kaya ang manghalik ng kung sino-sino! Hindi ba iyon tinuro ng mama mo?" Naiirita kong sabi.

"Una, hindi ka naman kung sino-sino eh. By the way, your lips taste like candy. Ang tamis! At best friend naman kaya kita! Kaya, no big deal." Wika niya ng kaswal.

"Lalake! No big deal? First kiss ko iyon!" Sigaw ko.

"Eh ano? First kiss ko din iyon kaya." Sagot niya. Mala-debate na ang uwian ng pag-uusap namin.

"Heh! Pero ikaw ang nagnakaw ng halik eh! Magnanakaw ng halik!" Sipat ko sa kaniya.

"Pero ang sarap naman 'yun kaya okay lang!" Sabi pa niya, parang walang pakealam sa ginawa. Unting-unti namilog ang mga mata niya na parang may naisip na ideya. "Isusumbong nga pala kita kay Tita Anndrea! Ang bad mo dahil palamura ka! Ang sabi ni mommy sa'kin, 'wag gagayahin ang babaeng palamura dahil wala siyang delikadesa."

Napakamot ako ng ulo. "Eh ano naman iyon? 'Tsaka, narinig ko ang mga salitang iyon kay mama ah, kapag nagsisigawan sila ni papa at kinikiliti ang isa't isa. Ewan ko ba, para silang mga kiti-kiti."

Humalagpak pa sa tawa ang mokong. "Ano ba ang pinagsasabi mo, ha?" Napahawak pa siya sa tiyan. "Basta! Ang bad mo, haha!"

Sumimangot ako sa narinig. Bakit ang sama niya sa'kin, eh kapag si Avery na ang pinag-uusapan, lahat ng puri sinasabi niya. Huhu. Siya ang bad! Siya ang masama! "Eh, ano naman sa'yo? Hindi rin kita gusto dahil ang sama mo sa'kin! Ninakawan mo pa ako ng first kiss!" Umiyak ako.

His face softened. Nilapitan niya ako at pinatahan. "Tahan na, Baby."

Napamulat ako sa gulat. Hinampas ko siya sa balikat. "Anong baby? Hindi ako sanggol! Baby, your face! Bleh!" Pinandilatan ko siya.

He pinched my chubby cheeks. "Ang kyot, kyot mo, Sha. I love you na talaga!"

Lumiwanag ang mukha ko. "Talaga? Lab mo ako?"

"As a prend, siyempre." BOOM. Tagos.

Nawala ang ngiti sa labi ko. Huwag ko na ngang ikuwento sa inyo. Huwag niyo na rin akong tanungin kung anong nasabi ko 'dun. Ang sakit, par.

"Tao, po! Tao, po! Bwisit naman, oh. Letse. Ba't ba kasi ang bigat mo, baby?" Nagulat ang aking diwa nang may kumatok sa pintuan. Letse, ang wrong timing! "May tao ba rito?"

"Sandali!" Sigaw ko.

Dali-daling akong lumakad papuntang pintuan at binuksan iyon. Lumantad sa'king harapan ang lasing na Ken at nakaakbay siya sa babae.

Tinaasan ako ng kilay ng babaeng kasama niya, pero sa isang mabilis na iglap, mukhang bumait.

"Magandang gabi po, Mrs. Rodriguez." Galang nitong sabi. Aba! Napagkamalan pa akong ina nitong mokong na ito ah! "Pasensya na't lasing ang anak ninyo. Dadalhin ko lang po siya sa kuwarto niya, kung maaari."

Plastik. Tsk.

Ngumisi ako. Pagkamalan naman ba akong nanay. May V-card pa 'to, ate! NTSB! Not Touched Since Birth!

Papasok na sana siya dala-dala si Ken, nang hinarangan ko sila. "Babae, hindi ka maaaring makatungtong sa bahay na hindi iyo ng walang paalam. At hindi rin kita kilala. Sino ka ba sa buhay ng anak ko? Pero kung ako sa iyo, layo-layuan mo na ang anak ko. Wala kang delikadesa." Inemphasized ko talaga ang 'anak'. Isang sampal ko lang ito eh.

Nag-up and down look pa siya sa'kin. Tumingin din ako sa sarili ko. Suot ko ang damit ni Ken na pajamas at oversized T-shirt. Ano ba ang mali? "Pasensiya po, ah." Sarkastikong sabi niya sabay ngisi. "Sino ka't bakit nasa pamamahay ka ng boyfriend ko?"

Sasagot sana ako nang mahinang tinawag ni Ken ang pangalan ko. "Kesha..."

Suminghap sa galit ang linta. "Sino ba si Kesha na yun, Ken, nang masampal ko!"

Natriggered na ako. Sinampal ko ang linta ng napakalakas. "Heto't nasa harapan mo ako! Umalis ka nga dito!"

Binitiwan niya si Ken. "Ken!"

"Kesha... Kesha... Kesha!" Lasing na nga. Bakit ka nga ba nagpakalasing.

Sinalo ko siya nang pumunta siya sa akin. "Siraulo! Matatamaan ka talaga sa'kin bukas ng umaga!"

Napakunot noo ang lintang nasa harapan namin. "Anong tinitingin-tigin mo? Shoo! Go away, you arse!" Binato ko siya ng slipper.

"Ouch!" Sigaw niya sa sakit. "Hindi pa ako tapos sa'yo! I shall return!" She went away at pumara ng cab.

Scaredy cat. Tsk.

I went inside the house, carrying Ken with me. Tumingin ako sa kaniya nang matalim. "Alam mo, kung hindi lang kita love, noon pa kita iniwan eh! Nung binasted ka ni Avery. Eeh! Kaso, malakas ka sa'kin, men."

Kaso, lasing ang kausap ko. What do I expect?

Nagulat na lang ako nang inilapit niya ang labi namin sa isang madamdaming at nakakalusaw na mga halik. "K-ken..."

Pinush away ko siya. This is not right. Lasing siya, I'm sober. Ano-ano naman ang maiisip nito pagkatapos. Oo, ako nga ang sinisigaw ng mga labi.

Pero ako nga ba ang sinisigaw ng puso niya?

Isa lang kasi ang gusto't hiling ko.

Ayokong maging rebound.