Chereads / Dream Chaser / Chapter 1 - Dream Chaser

Dream Chaser

messiergalaxia
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Dream Chaser

Sabi nila, go for your dreams. Kahit gaano pa kahirap abutin, kahit gaano pa karaming tao and sumalungat, you should go and reach for your dreams. When I was in my second year high school, I got depressed. It is because of too much expectations from my family and people around me. They always want to see me on top. I got pressured. Yung mathematics teacher ko, lagi akong pinagiinitan. Yes I admit it, I am not good at his subject, pero kaya kong matutunan yun, just give me time. Lagi niya akong sinisigawan at ipinapahiya sa klase. Pag-alis niya, yung mga kaklase ko naman, todo buyo sa akin. I'm such a failure. Nag eexcel ako sa lahat ng subject, except sa Math. Since the day na ipinahiya ako ng teacher ko sa Math, I started to hate that subject. When I was in my grade school days up to first year high school, isa ako sa mga inilalaban sa Math quiz. I even dreamed of being an engineer, pero nadiscourage na ako dahil sa mga masasakit na salitang sinabi sa akin ng Math teacher ko. Everytime na ipinapahiya niya ako sa klase niya, wala na akong ibang magawa kung hindi ang tumungo at pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak. Every night akong umiiyak bago matulog. Gabi gabi kong iniisip kung tama pa bang mabuhay ako. I got so depressed, to the point na tinangka kong kitilin ang sarili kong buhay. Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng tinangkang bawiin ang sarili kong buhay. Sobrang kalungkutan ang aking nadama. Walang kaibigang umaagapay, walang pamilyang nagmamahal. Wala lahat. Mag-isa kong hinarap ang mga problema ko. Kahit paulit ulit yung sakit, kahit gaano kahirap pumasok sa paaralan ng may kaba sa dibdib, hinarap ko ito. Yung mga masasakit na salita galing sa Math teacher ko? Yung mga pambubuyo ng kaklase ko sa tuwing wala akong naisasagot sa Math? Hinarap ko lahat ng iyon. That is the reason why I take up psychiatry. I want to help those people especially those students na nakararanas ng depresyon. Dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nila. Kahit anong kontra sa akin ng mga magulang ko sa kursong pinili ko, ipinagpatuloy ko pa rin. And look at me now? I am already a successful Psychiatrist. Marami na akong natulungan. Marami na akong nagamot. Nakakatuwang isipin na marami na akong buhay na nailigtas. Whatever happens, always choose your dreams. Always choose the right path. 'Wag kang liliko para ika'y magtagumpay. You should put your heart in your work para maenjoy mo yung ginagawa mo. Yes, mahirap mamili between practicality and your dream course, pero lahat naman nagagawan ng paraan. If you really want to succeed, then take the risk.