Chereads / Balloon / Chapter 2 - Friend request

Chapter 2 - Friend request

Naging masaya naman ako kasama ang aking mga kaibigan.Natuon ang aking pansin sa pag-aaral.

Isang gabi nang buksan ko ang aking fb account, nakita ko ang isang pamilyar na pangalan. Nagsend ito ng friend request.

Bigla akong sumaya,ngunit nahaluan ng muhi.sa kung sino mang nakikipagkaibigan sakin.

Sa huli ay inaccept ko.

Ilang araw ang lumipas...

Binati ako ng taong iyon. Nag hi siya sakin.

Nagreply ako na may halong pagkasarkastiko.

Binanggit ko yung ginawa niya noong pumunta sila dito sa bahay.

Hindi niya naman dineny.

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin hanggang sa araw-araw kaming nagcha-chat o naglalaro.

Hinihintay ko lagi ang message niya.

Alam ko namang hindi magtatagal at makakahanap na siya ng para sa kanya.

Alam kong hindi ako iyon.

Kaya...

Tutulungan ko na lang siya