Kyle's POV
Dear Diary,
So nasa loob na ako ng kotse kasi sabi daw ni kuya ihahatid na ako ng driver namin kasi si kuya na lang daw magdridrive ng sariling niyang sasakyan. Umalis na lang ako sa bahay kasi ayaw ko malate sa dinner namin nu Tia. Magrereklamo na naman yun kung bakit ang tagal ko naman...
Hindi na lang muna ako nagreply kay Ziel para kunware hindi ko rin alam na magtext ako ng ganon.. Mga ilang minuto nakarating din ako sa mall na kung saan ko aantayin si Tia... Ewan lang pag nauhan na niya ako dun... Nasa tapat na ako ng Teenmallz kaso wala pa si Tia.. Haystt... Pumasok na lang ako loob ng mall kaysa magstandby sa labas na ang init init naman... Bumili muna ako ng milktea habang inaantay ko si Tia.. Tapos biglang nagring notification ko at si nagtext lang pala si Tia
__________________________________
Kyle.. andito na ako sa tapat ng
Teenmallz. Asan ka na?
__________________________________
Ang tagal naman niya dumating..
naubos ko na milktea ko tapos
kakarating niya palang
__________________________________
Andito na ako sa loob ng mall
kanina pa.. papunta na ako jan.
Antayin moko
__________________________________
Pagkatapos ko isend ang text na yun kay Tia.. Umalis ako agad sa kinauupuan ko para hanapin ko na si Tia. At nung habang lumalakad ako parang nakita ko si Brake.. Siya ba yun?? Baka kung ano ano na iniisip ko na pati si Brake nakikita ko.. Wag ko na ngang isipin.. stress at gulo lang sa isip mapapala ko dito.. Habang lumalakad ako biglang may nag akbay sakin
" Sa wakas nakita din kita,Kyle" sabi niya sa akin habang nakangiti at si Tia yun
"At sa wakas napansin mo din ako kaysa sa bebe lab mo" sabi ko sa kanya na parang may taray
"Ano ka ba! Beshie kita no .. kaya ililibre kita ngayon" sabi niya sa akin na parang sinusuyo niya ako
"At ano saan naman tayo kakain at libre mo, Tia?" Patanong ko sa kanya
"Mmmm... May narinig kasi akong bagong bukas dito na kainan at ang specialty nila ay ang favorite mo" sabi niya akin
"Bicol express???" Tanong ko sa kanya with hoping eyes
"Ding ding!! Korek ka jan beshiee" sabi niya sakin
" At ano pa hinihintay natin? Tara na baka mahaba yung pila dun eh" Sabi ko sa kanya sabay hila ng kamay niya
" Oo na at Kyle doon yung daan hindi jan" sabi niya sa akin sabay turo sa kabilang direksyon ng pinapatunguan namin
" Edi dun hahaha" sabi ko sa kanya
At mga ilang sadali, nakarating kami sa sinasabi ni Tia sa bagong kainan. At wow ang ganda ng kainan na to! Halatang bagong bukas. Maraming tao pero hindi masyadong crowded kasi malaki din yung bagong kainan na to. Nakahanap kami agad ni Tia kung saan kami uupo at nag-order agad ng speciality nila na bicol express.. Tignan nga natin pagmasarap ang pagkaluto nila neto.. Habang inaantay namin yung order magkwentohan Lang kami..
"Kyle, alam mo ba na may announcement sa Monday?" Tanong ni Tia
At nung narinig ko yun, muntik na ako mabulunan sa iniinum ko na juice nabigay kanina ng waiter
"Oh.. Dayan dahan naman" Sabi ni Tia sakin sabay abot niya sakin yung tissue
"Salamat..." Pagpapasalamat ko sa kanya sabay punas sa bibig
At nung lumingon ako nakita ko si Kuya pumasok sa parehas na kainan kung saan kami ni Tia at nakita din ako ni kuya at lumapit sa table namin
"Kyle, papunta dito kuya mo ohh" sabi ni Tia saakin
"Dito rin pala kayo kakain, Kyle" sabi ni kuya sa kin
"Hi Lexandro na dapat may A para Alexandro kaso nakalimutan ilagay sa birth certificate" pagpanunukso ni Tia kay kuya
"Shut it, Tia.. You're so annoying" sabi ni kuya kay Tia at sabay upo sa bakanting upuan sa gilid ko.
"At sino nagsabi na sasabay ka saamin ni Kyle?" Sabi ni Tia sabay taray niya kay kuya
"Kuya ako ni Kyle at pwedeng pwede ako sumabay sa kanya.. Waiter paorder ako din kung ano inorder nila" sabi ni kuya kay Tia at sabay order niya sa waiter na malapit samin
"Aba, ang kapal mo rin eh no.. Copycat ka lang samin" sabi ni Tia kay kuya na may pagkasuplada
"Paki mo ba ah... Laki ata ng problema sakin ah" pagsambat naman ni kuya sa kanya
"Masigtigil nga kayo kung hindi aalis na lang ako" nagsalita na lang ako bago lumala ang sitwasyon
Mula ng pagkabata namin magkaaway talaga yan si Tia at si Kuya. Ewan ko ba kung bakit...
"Tsk..." Pagsusuplado ni kuya pero tumahimik din siya
"EZIKIEL!! EZIKIEL!! ANDITO KAMI!!" pagtatawag ni Tia at lumingon ako sa direksyon kung saan kumakaway si Tia at yes Diary... Si CRUSH ANJANNNN!! OMG! OMG! okay... Relax po tayo keep cool
"Hey guys" pagbati ni Ziel samin
"Upo ka dito sa tabi ko" sabi ni Tia sabay usog niya sa kinauupuan niya para makaupo si Ziel
At ako naman ay iniiwasan tumingin kay Ziel dahil sa message na nasend ko accidentally..
"Invited pala si Zikie?" tanong ni Kuya
"Sabi niya kasi sasama siya kung saan kami kakain ni Kyle at libre niya hehe" sagot ni Tia
Pero bakit hindi niya ako ininform na sasama pala si Ziel.. nako.. pano to.... Muntik na ako tumingin kay Ziel pero dumating na yung order namin
"Waiter, pa order din po ulit ng isa" sabi ni Tia sa waiter at umalis agad ang waiter para i handa yung order
"Kain ka na bunso" sabi sakin ni Kuya sabay abot niya sakin yung kutsara at tinidor
"Salamat kuya" pag papasalamat ko kay kuya
"Kyle.. pwede ba tayong mag usap mamaya?" Tanong naman ni Ziel saakin
Paktay na Diary.. Hindi ko inaasahan na sasama si Ziel samin
"Sige Lang" sagot ko sabay ngiti pero deep inside nagpapanic na ako
"Nga pala Kyle... Totoo ba yung rumor tungkol sa inyo ni-" naputol yung tanong ni Tia sakin kasi sumambat ako
"RESTROOM MUNA AKO!" Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko at umalis agad
Nako.. muntik na yun Diary... Pero teka.. asan ba dito yung restroom?? Haystt..
"Excuse me,po... Asan po dito yung restroom?" Tanong ko sa isang waiter
"Diretso ka lang po dun ma'am at makikita mo na po yun" sagot niya sakin habang nakangiti
"Salamat" pagpapasalamat ko sa waiter na yun at agad akong pumunta sa direksyon kung saan niya tinuro
Pumasok agad ako sa restroom at nagcr... Tinignan ko ang mukha ko kapag hindi naman mukhang tanga..
" Ay nako.. Bakit hindi sinabi sakin ni Tia na sasama si Ziel..." Sabi ko sa sarili ko at nagbuntong hininga
Nung pagkalabas ako sa restroom may nabangga akong tao.. minamalas ba talaga ako ngayon??
"Sorry po.." sabi ko sa nabangga ko
At alam mo diary kung sino na bangga ko?? Si Brake!!! Bakit siya nandito????
"B-Brake? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya
At nung sasalita na sana si Brake may yumakap sa likod niya na babae
"Sabing yuko iwan moko eh" sabi ng babae sa kanya
Teka.. sino to??? Bakit kayang kaya niyang yakapin si Brake??? Girlfriend ba to ni Brake???
" Stella balik ka na dun sa table" sabi ni Brake sa babae with a gentle voice
Teka si Brake nga ba to?? Bakit ang gentleman niya naman ngayon?? Dahil ba sa babaeng to??
Curious Beauty,
Kyle