Dear Diary,
Tumatakbo ako ngayon sa hallway. Hay nako hindi ko talaga alam ang mga schedule ngayon ng mga teachers and ang mga rooms na yan! Daming arti!
Habang tumatakbo ako may na bangga ako! Tokwa! Sa oras may na bangga pa ako? Kung saan late na late ako may na bangga pa ako?
"Ay....sorry po...."pasensiya at sabi ko sa nabangga ko na habang hinihimas ang noo ko
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan"sabi niya sa akin
At nagulat ako sa pamilyar na bosses...Alam niyo kung sino? Sino pa edi si Brake!
" Nag sorry nga diba?"sabi ko sa kanya
" Whatever.....Saan ka ba pupunta na dapat ka magmadali?" Tanong niya sa akin
"Sa room 9"sagot ko sa kanya
" Nasa tapat na oohh...sabay na tayo kasi jan din ako papasok" sabi niya sa akin
Wala akong magawa kundi pumasok Diary.Nung pumasok kami nagsalita agad ang teacher
" Saan naman kayo pumunta???"tanong niya sa amin
Sasagot na ako sana pero biglang nagsalita ang halimaw na Brake na ito
" Nagdate" walang gana niyang sagot sa teacher
O-object sana ako pero na salita si maam
" Hay nako...mga students ngayon...O sige pasok na...At gusto may reflection paper kayo mamaya saakin ahhh" sabi ni maam saamin
"O-opo maam" sagot ko sa kanya
At umupo ako sa may bakanteng upuan sa likod. At kinuha ang notebook ko at nagsulat kung ano meron sa blackboard. At ilang sandali na pansin ko na parang may nagsusulyap sa akin, hinanap ko kung sino at si Brake pala yun. Ano naman ang problema ng taong to?!
At nung tagpo na ang mga mata namin, lumingon lang siya at umuko. Nako! May tama na ata ang lalaking to.
Ilang minuto na ang nakalipas, siguro mga 40 or 30 minutes na ata nakalipas, natapos din ang class namin syaka nagtanong na lang ako kapag may class pa kami sa ibang room...
Wala na daw kaming class next 1 hour pa daw. So....YAY! May 1 hour free ako!!!
Pero sa totoo lang nakabored kasi wala naman talaga akong maraming kilala dito ehh...Yes! Kahiy popular ako wala talaga akong maraming friends kasi minsan di mo alam pinaplastic ka lang kasi may kailangan kaya ganun!
Matagal na rin hindi ko nakita si Crush! Eehh kasi maraming ginagawa ang tao eehh, bakit ko naman kailangan isturbohin diba?
So napadpad ako ngayon sa isang puno sa likod ng school Diary. Umupo na lang ako dun at nagdrawing-drawing kung ano ano..At ilang sandali may nagsalita...
" Bakit ka nandito???" Tanong sa akin
At Diary,FYI si halimaw pala!
" Kasi wala ako dun" pilosopo ko sa kanya
"Pilosopo?"tanong niya sakin
"Halata? At syaka paano naging pilosopo yun kasi sinagot ko lang ang tanong mo" sagot ko sa kanya
"Lakas ng loob aahh...baka nakakalimutan mo na ako ang pinakadilikado na tao sa campus na ito"sabi niya sa akin para matakot ako sa kanya
Excuse me Diary, hindi ako makuha sa salita kasi lalaban din ako
"Is that a threat?" Masungit ko na tanong sa kanya
"Is it?" Sabi niya habang nakangiti sa akin
Hindi ko na lang siya pinansin kasi nakakairita na siya baka mabugbug ko pa to.At nung bumalik ako sa aking pagdra-drawing, napansin ko na papalit siya saakin.
At nung papalapit na siya sa akin umupo siya sa gilid ko at tinignan kung ano ang dinadrawing ko. At bigla lang siya nagsalita ng parang mahinahon
" Mahilig ka talaga sa mga ganyan no?" Sabi niya saakin
" Of course at magaling din ako!"pagmamalaki ko sa kanya
" Kahit..."biro niya saakin na parang insulto na
Pinalo ko siya ng lapis sa kamay niya at tumawa lang siyang freely at in fairness Diary, mas pogi siya kapag tumatawa at nakasmile
"Galit agad?"biro niya ulit sa akin
" Ikaw kasi! Parang magaling na dito para ganyanin mo ako!" Irita kong sinabi sa kanya
" Oo magaling kaya ako jan!" Pagmalaki niya sa akin
" Patunayan mo nga!" Sabi ko sa kanya habang abot sa kanya ang sketch book ko
Kinuha niya at nagstart na siyang magdrawing. At hindi niya ako pinapatingin habang ginagawa niya ang drawing niya! Akala kasi kung sino na ang magaking, tignan natin mamaya Diary!
Ilang saglit sumigaw siya ng: "FINISH!"
"Patingin nga!" Sabi ko sa kanya habang kinukuha ang sketch book sa kanya
Tinignan ko at Diary ang ganda! Isang kamay na may bracelet na may star at moon
"WOW! ANG GANDA!(♢○♢)" Sabi ko sa kanya
" Sabi ko sayo eehh" pagmamalaki niya ulit sa akin
Hindi ko i-deny kasi totoo naman eehhh
"Pero kaninong kamay to?"tanong sa kanya
" Malalaman mo sa future"sagot niya sa akin
"Really?" Tanong ko sa kanya
"Kung magcooperate ka"Sabi niya sa akin
"Cooperate para saan"tanong ko sa kanya
"Sa future" sagot niya saakin
" Ayos kasi na sagot" sabi ko sa kanya na parang may unting sungit sa boses ko
"Magulo ba?" Pilosopong sagot niya sa akin
"Pilosopo?" Aruganting kong tanong sa kanya
"Halata? And like you said, at syaka paano naging pilosopo yun kasi sinagot ko lang ang tanong mo" sabi niya sa akin na habang nakangiti
Tumahimig naman ako kasi nakakairita na siya eeh!
" Hahaha! Wag ka nang magalita...Halika na nga" sabi niya saakin nung tumayo siya at inabot ang kamay niya saakin
"Saan?" Tanong ko sa kanya
"Gagawa ng reflection, at hindi ka pa nakagawa diba?" Sabi niya saakin
"Ay?! Oo no!" Gulat kong sagot ko sa kanya at inaccept ko ang offer niyang kamay saakin para makatayo ako agad
Habang naglalakad kami nagtanong ako sa kanya kung saan kami gagawa ng reflection namin para sa teacher namin kasi nga diba nalate kami kanina
"Sa room natin"sagot niya saakin
"Natin?? Kaklase pala kita?" Tanong ko sa kanya
" Wow! Hindi mo ako napansin dun kanina at samantalang na pansin kita?" Sabi niya sa akin na parang nagtatampo. Problema niya?
"Then I'm sorry" sabi ko sa kanya habang nagpapacute para tanggapin niya ang sorry ko
" Sige na nga!" Sabi niya sa akin
At sa sandaling to, na feel ko ang isang warmth sa dibdib ko na hindi ko na feel noon pa??? Na gusto ko na hindi na sana ito matapos???
Happy Goddess,
Kyliana