Chereads / The world of Witchcraft (TAGALOG) / Chapter 1 - 1. Unusual things

The world of Witchcraft (TAGALOG)

Regalia_Rose
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - 1. Unusual things

Top 1. Regalia Rose. Ayon ang nababasa o nakikita ko sa bulletin board, naging top 1 na naman ako at maraming naiingit sa akin. Well, I earned it at bagay lang ito sa akin dahil pinaghirapan ko ito.

May ipagmamalaki ako kay daddy at mommy, and I'm sure matutuwa sila dito.

"Regalia, top 1 ka pa rin hanggang ngayon!. Hindi na nawawala ang pagka-top 1 mo" puri ng kaibigan kong si Jennylyn.

Napangiti naman ako sa puri ni Jennylyn sa akin, inaaya ko siyang samahan ako sa puntod nila mommy at daddy.

"Sige na, pagkatapos no'n ililibre kita" ngiting sabi ko.

Tumingin sa akin si Jennylyn at tumango, pagdating talaga sa libre ang galing niya. Kaya hindi ako umuunlad e, napapagastos Ako ng di oras.

"Bait-bait mo naman, bes, ikaw na talaga ang mayaman" ngiting sipsip ni Jennylyn.

Kahit ganyan ang kaibigan ko, mahal na mahal ko siya. Siya lang kasi ang nag-iisang taong meron ako ngayon, ang mga manugang ko naman ayaw akong kupkupin. Sabi nila isa lang akong pabigat at walang saysay, but in the back of my head I know that I'm worthy than them.

Pagkatapos ng huling naming subject ay agad na kaming lumabas at pumara ng jeep, ilang minuto lang ay nasa puntod na kami. Binati kami ng sikyu, kilala namin siya. Siya kasi yung nagpayong sa akin nung inilibing si mommy at daddy, ang sabi niya ay naaawa siya sa akin dahil bata pa lang ako nawalan na ako ng pamilya.

Masakit sa akin na mawalan ako ng pamilya dahil hindi nila ako nasusuportahan at hindi nila ako nakikita.

"Miss mo na ba ang pamilya mo?" tanong ni Jennylyn habang nakatingin sa lapida ni mommy at daddy.

Napatingin naman ako sa kanya. "Oo naman, pamilya ko sila. Kahit gaano ko pa sila itakwil, they are still my parents."

Tumango naman ito.

"I was just guessing kung bakit ayaw ng manugang mo na patirahin ka sa bahay nila, may nagawa ka bang mali?" tanong pa ni Jennylyn.

"Wala naman. It's so unusual na gawin nila iyon sa akin, dati-rati naman pag nandyan si mommy at daddy gustong-gusto nila akong patirahin sa bahay," sagot ko. "But now look, they are so weird and different."

"One word only; plastic" natawa ako sa sinabi ni Jennylyn.

Bigla akong napatingin sa kanang gawi ko, at may nakikita akong tao na nakasuot ng itim na cloak at nakatingin ito sa gawi namin kaya napatayo ang balahibo ko.

"Jenny, may nakikita ka bang tao do'n sa kanang gawi natin na naka-itim na cloak?" tanong ko sa kanya.

Tumingin naman ito sa kanang gawi namin, umiling ito pero kitang-kita ko siya. Nakatingin ito sa aming dalawa, at mukhang pinagmamasdan ang bawat galaw namin.

"Wala naman ah, baka kathang-isip mo lang 'yon" sabi ni Jennylyn.

"Hindi, Jenny, nando'n talaga siya. Pinagmamasdan niya ang bawat galaw natin" pagpumilit ko.

"Alam mo, Regalia, gutom lang 'yan" sabi ni Jennylyn at tinulungan akong tumayo.

Nagpaalam na kami sa mommy at daddy ko, at dumiretso na sa malapit na diner. Nag-order lang ako ng strawberry smoothie, at si Jennylyn naman ay umorder ng marami.

"'Yon lang ba ang sa'yo? Ba't ang kunti?" tanong ni Jennylyn.

"Wala akong gana, Jenny" walang reaksyong sagot ko.

"Bakit tungkol ba ito kanina? Bes, baka naman kathang-isip mo lang 'yon" sabi ni Jennylyn.

"No, it's not, Jenny. Kitang-kita ng dalawa kong mata, nakatingin siya sa atin o baka nakatingin lang siya sa akin. Malay mo grim reaper 'yon, at baka oras ko na" paliwanag ko.

Tumawa ito at umiling-iling, nagmumukha akong timang dito.

"Stop this craziness, Regalia, at 'wag na 'wag mong sasabihin na oras mo na dahil hindi mo pa oras okay" tugon ni Jennylyn.

Napabuntung-hininga na lang ako at tumango, dumating na ang orders namin at babayaran ko na sana pero umiling ang waitress.

"May nagbayad na po para sa inyo, miss, at pinapasabi niya pong mag-ingat po kayo sa pag-uwi niyo at huwag dadaan sa madilim na iskinita" sabi ng waitress.

What? Hindi dadaan sa madilim na iskinita?, anong ibig sabihin no'n? May papatay ba sa akin?.

"Ah, sino pong nagsabi?" tanong ni Jennylyn.

"Bawal ko pong sabihin e, sorry po" at umalis na siya.

"Ang creepy naman no'n, Regalia, pero naka-jackpot tayo" natatawang sabi ni Jennylyn.

Hay naku, sino naman ang nagsabi no'n? Stalker ko ba o kakilala?.

Unusual things are happening today, and I'm not happy about it. It bothers me so much!.