'You're turning 18 already, for sure hahayaan kana nila tita magkaboyfriend' inirapan ko nalang si sam, Samantha Mendez, my best friend. Di ko alam kung bakit atat na atat siyang mag boyfriend ako, eh siya rin naman never pa din nagka boyfriend.
Yup, In my 17 years of existence, di pako nagkakaboyfriend. and yes, nag eexist pa kami.
'hahayaan nga nila akong magboyfriend, pero si God kaya, meant niya na kaya na magkaboyfriend ako? ' I replied kung magkakaboyfriend naman ako, gusto ko yung worth it, sa tinagal tagal kong mahintay yung future boyfriend ko gusto ko naman yung very worth the wait no! and I also want him to be my first and last.
we're actually at the library, naghahanap ako ng libro para maging reference sa assignment namin ni sam sa accounting subject namin, classmates kami and we also the same course, Tourism management.
'sabagay, let's just trust his timing! anddd---'I cut her out at ako tumuloy ng sasabihin niya
'and tapusin na natin tong assignment para makapanuod tayo ng basketball mamaya' I winked at her and she knows already why kaya nagmadali narin siyang maghanap ng book na gagamitin namin.
**
"AYAAN NA BILISAN MO!! " hila sakin ni sam, we're at the gym already at kasalukuyan ng naglalaban ang College of Business and Accountancy vs College of Allied Medical Profession in which we call CBA and CAMP for short, sa buong college dito sa university kami yung super magkalaban, laging dikit at mainit ang labanan mapa volleyball, basketball, or kahit anong sports and bands.
Its our sports week by the way, pre games to bago mag university week. epal lang talaga ang accounting subject namin at nagpagawa muna ng assignment bago kami mag cheer sa college namin
'HUY TIGNAN MO ANG GWAPO NI NUMBER 4!' nakaupo na kami at nag uumpisa palang ang LARO--YUP ETO YUNG DAHILAN NG PAGMAMADALI NAMIN. MAY GWAPO. pero imbes na yung CBA yung ipag cheer namin, sa kalaban naming CAMP kami lowkey nagchecheer, kasi kung maraming maganda sa cba, mas madami namang gwapo sa camp! kaya kahit palaging panalo ang cba mas madami namang fans ang camp, fangirls.
I glance at #4 ' Rivero' is written at the back of his jersey, Tumango ako kay sam, kasi gwapo nga ang isang to at pansin ko din na siya yung may pinakamaraming fans kasi halos apelyido niya yung sinisigaw dito
'ALVIEJA FOR THREE POINTS' sigaw nung announcer, nag cheer naman yung mga taga camp since naka score sila, ako naman hinanap ko kung sino yung alvieja--- and from that moment wala na! feel ko nakita ko na love of my life ko.
My heart just skipped a beat the moment I saw him, once in a blue moon lang to mangyari guys! yung build niya parang 'Donny pangilinan' type if you'll search, chinito in high skin fade undercut hairstyle, mas matangkad to kay rivero na crush ni sam, he's my perfect definition of my type of guy!!
'mas gwapo si alvieja' sabi ko sabay tingin kay sam
I know, she knows already kung bakit, samantha knows my type
'oo nga no! cutie din siya pero gusto ko mala bad boy itsura kaya kay rivero ako! ' hirit niya
20-23 yung score lamang kami ng 3 points at hindi na magkanda ugaga ang lahat ng nandidito sa pagchicheer
'CBAAAAA! CBAAAAA! ' pagchicheer nila pero di kami nakikisali ni sam, kasi you know naman kanino kami nagroroot
naiinis ako sa tuwing makakashoot naman yung mga players namin sa cba, oo na! ang sama na namin, sila dapat pinanchecheer namin imbis na sa kalaban kaso ayoko lang talaga yung players namin, gwapo naman pero halos mukhang fuck boys, typical basketball players
'SALVATORE AGAIN FOR THREE' sigaw uli ng announcer kaya dumagdag nanaman yung score namin na siyang kinabwisit ko-epal naman nitong salvatoreng to!
hinanap ko kung sino yung salvatore, only to find na gwapo rin ang isang to and marami ring fans--pero di ko pa rin type.
' omagahd! bagay din kayo nung salvatore! ' hirit ni sam dahilan kung bakit tinapunan ko siya ng tingin
'ayoko sakanya, masyado siyang pabida! kanina niya pa inaagaw yung bola kay alvieja ko! ' inis na sabi ko kay sam
**
92-91
super close fight! natapos ang game at sadly panalo kami. nakakainis! after nung laban madami ang lumapit sa mga camp players para icongratulate sila at para magpapicture even tho hindi sila yung nanalo, samantalang may mga nagpapicture din naman sa mga cba players isa na doon kay salvatore pero mas marami pa rin talagang fans sila rivero and alvieja.
bumaba na kami sa bleachers ni sam and we reached the spot kung saan malapit ang mga camp players, I tried to take a glance kay alvieja, AND TO MY SURPRISE HE GLANCE BACK, YUNG BIGLAAN-PARANG HE GOT THE GUT FEELING NA SOMEONES LOOKING AT HIM KAYA BIGLA SIYANG NAPALINGON? HE THEN SMILED AND BALIK ULIT SA BABAENG NAGPAPICTURE SAKANYA
okay I need to calm-
'OH GAD CLARA I SAW THAT!!!! ' hirit ni sam and hinila ko na siya bago pa malaman ng buong tao dito na type ko yung alvieja!
palabas na kami ni sam and pansin kong makakasalubong namin ang mga cba players--
'sana talaga sila yung nanalo' hirit ni sam,parang automatic akong napatingin kay salvatore kasi feel ko siya yung dahilan kung bakit natalo yung camp ko
and the very moment na nagkatinginan kami, I accidentally rolled my eyes-- OMAGHAD