Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 86 - Chapter 86- The Investigation

Chapter 86 - Chapter 86- The Investigation

Wala na halos humihinga sa mga kasamahan sa bahay.

Nakatitig ang lahat sa harapan ngunit hindi naman nakatingin sa kanya.

Kung talagang may espiya ng kalaban, ngayon pa lang ay nanganganib na si Gian.

"Kung sino ka man!

Sa oras na ipaalam mo sa iba ang anumang nalaman mo, ako mismo ang papatay

sa'yo!"

Mas tumahimik ang lahat at sa pagkakataong ito ay nagsiyuko ang mga tauhan.

Ilang sandali pa dumating na ang kanyang ipinatawag.

Dalawampung kalalakihang may dalang mga mahahabang baril at nakauniporme ng fatigue.

Nataranta ang mga kababaihan.

"Magandang umaga don Jaime," yumuko ang head ng mga ito.

Ito ang mga private army ng isang don Jaime Lopez.

Lumapit siya sa bumati bago hinarap ang mga kasambahay.

"Sila ang magbabantay sa inyo.

Hanggat hindi nahuhuli ang salarin walang makakalabas!"

Halata na ang takot sa mga ito ngunit wala pa ring umaamin.

Hinarap niya ang head.

"Kayo na ang bahalang magbantay sa kanila."

"Opo don Jaime."

Hinarap ng head ang mga kasama.

"Men secure the area!"

Agad nagpwestuhan ang mga ito sa buong kabahayan.

Matagal na niyang tauhan ang mga ito at alam na ang pasikot-sikot ng bahay.

Matigas ang mga kasambahay.

Walang umamin kaya hindi na rin siya magiging malambot.

Tumalim ang tingin niya sa buong kabahayan.

" GUARDS LOCK DOWN THE MANSION! "

"Yes sir!" sagot ng head.

Nagpanic ang mga kababaihan samantalang ang mga kalalakihan ay kalmado lang.

Ilang sandali pa, narinig na nila ang tunog ng unti-unting pagbaba ng glass wall.

Ang salaming dingding ay bullet proof at fire proof.

Magkasabay ang harapan at likuran kaya walang sino man ang makakatakas mula sa loob.

Ginagamit lang niya ito kapag may emergency kagaya noong binantayan siya ni Vince.

Nanganganib siya noon laban kay Delavega kaya ginamit niya ang proteksyon.

Ngunit hindi niya inaasahang magagamit ulit ngayon.

Lahat ay makukulong.

Subalit may limang tao ang wala rito.

Si Ellah, si Roger na driver at ang tatlong bodyguard ng apo.

Alas syete pa lang umalis na ang kanyang apo kasama ang apat.

Ang nangyari kanina ay nasa pagitan ng alas otso hanggang alas nueve ng umaga.

Ibig sabihin hindi kabilang sa mga salarin.

Alam niyang wala ng paraan para makapagsumbong ang kung sino mang salarin.

Bago siya nag-imbestiga pinakuha niya lahat ng cellphone sa mga ito. Pinaputol ang koneksyon ng telepono.

"Don Jaime, bakit naman ho ganito?" daing ng isang matandang babae.

Nilingon niya ang mayordoma.

Ito ang pinakamatagal niyang tauhan subalit maging ito ay hindi dapat makaligtas.

"Pasensiya na Ising."

Tumalikod ang don.

"George sumama ka sa akin," tawag niya sa head.

Agad naman itong sumunod.

Maging ang kanyang kanang kamay na si Ben ay hindi dapat makaligtas.

Ang traydor noong si Alex ay kanang-kamay niya at pinagkakatiwalaan ng lubos.

Hindi malayong mangyari 'yon uli.

Tinungo nila ang study room at pinanood ang video.

Unang ipinakita ay ang mga

dumaraang mga gwardya na labas pasok sa gate.

Nahahagip pa rin ng camera kahit nasa malayo na.

Ang mga CCTV na nakakabit ay labing dalawa mula sa entrada ng mansyon hanggang sa guard house.

Bawat poste roon ay pinakabitan niya.

Hindi pa kabilang ang nasa loob ng mansyon.

Mula nang matuklasan nila ang pagiging traydor ni Alex ay halos lahat ng parte ng bahay ay pinakabitan niya ng camera.

Kaya kahit sino walang ligtas.

Ilang sandali pa nakikita na niya ang nangyari kanina.

Patungo siya sa hardin bitbit ang tungkod nakasunod naman si Ben dala ang kape niya.

Umupo siya roon at iniwan na nito.

Habang nagkakape tiningnan niya ang cellphone, ito na 'yong tumawag si Gian.

Maya-maya pa ay may nahagip ang camera na isang katulong at patungo ito sa hardin!

Hindi niya 'yon napansin kanina.

Kumabog ang kanyang dibdib.

Nakilala niya ito kahit pa may kalayuan ang distansiya.

Sinundan niya ito ng tingin at hindi kumukurap sa bawat kilos nito.

Ilang sandali pa ay nagwalis na ito at umalis.

Nadismaya si don Jaime.

Ang akala niya pupunta sa likod ng hardin.

Nakita niya sa video na nakatayo na siya habang may kausap sa cellphone.

Dito ang panahong panay na ang tawag niya sa pangalan ni Gian, isinigaw na nga niya sa inis dahil pinatayan siya ng tawag.

Mabuti na lang hindi maririnig ang boses sa CCTV, kung nagkataon mabibisto siya.

Napapalunok ang don habang nanonood.

Hindi nagtagal ipinakitang napalingon siya sa tagiliran.

Kumabog ang kanyang dibdib.

Ito na 'yong nahulog ang paso.

Nasa mga limang dipa ang layo ng mga tanim mula sa kanyang kinauupuan.

Kung sino man ang nakikinig ay siguradong maririnig ang pagsisigaw niya sa pangalan ni Gian. Sigurado ring makikita ng camera ang sinumang nasa likod ng hardin.

"Diyan na! Diyan nahulog ang paso," turo niya sa screen.

Umikot sa likuran ang video.

Kumabog ng husto ang dibdib ng don habang nanonood.

Makikita na niya kung sino man ang salarin!

Ngunit bigla siyang nadismaya sa nalaman.

"Bakit walang tao?"

"Uulitin ko po don Jaime."

Muling inulit ng tauhan ang viedo, sinuyod ang buong likuran ngunit ganoon pa rin.

"Walang tao! "

Tinapos nila ang panonood.

Walang kahina-hinala sa mga kilos ng mga tauhan at walang tao sa likuran ng hardin.

"George?"

"Don Jaime. "

"May traydor nga kaya?"

"Gusto niyo bang mag-iimbestiga ako don Jaime?"

Umiling siya.

"Wala nga sigurong espiya," pahayag ng don at huminga ng malalim.

"Pero imposibleng mahulog ang paso."

"Kung hindi po tao ang may gawa, baka nahulog lang dahil hindi nabalanse ng mabuti."

Tumango-tango ang don.

May punto nga si George. Baka wala naman talagang traydor.

Baka wala naman talagang espiya?

Kahit paano ay napanatag ang don.

Ngayon sumagi na sa kanyang isipan ang sinabi ni Gian tungkol sa kanyang anak.

---

"Talaga bang umatras si Isabel sa plano sir Gian?"

Kausap niya si Roger dahil inanyayahan niya itong mananghalian sa isang restaurant.

Ito ang sinasabi niyang aasikasuhin niya.

"Oo Roger."

"Hindi lang ako makapaniwala. Nakausap ko siya at iyon ang sinabi niya."

Huminga ng malalim ang binata.

Ang alam ng lahat umatras si Isabel dahil sa takot.

Walang alam si Roger, at dapat wala itong malalaman.

Totoong wala na sa plano si Isabel pero siya ang nagpaalis dito.

Hindi pa niya ipinaalam ang totoo sa mga Lopez.

Kilala niya ang don.

Kaya nitong magpapatay at pumatay.

Baka hindi na umabot sa kulungan ang mag-ama.

"Nakausap mo ba ang Warren na 'yon?"

"Yes sir, ang sabi ko, sa akin siya dumerekta at hindi na kay Isabel. Sinabi ko ang sinabi niyong titigil na si Isabel sa plano at may ibang taga organisasyon ang hahawak."

"Nagtanong ba siya kung sino?"

"Yes sir, pero sinabi kong huwag na siyang makialam pagdating doon, sa akin na lang siya magrereport."

"Mabuti naman."

"Saka nagsasabi siya sa akin ng mga impormasyong mahalaga gaya noong aatakehin na ang kaibigan mong si sir Vince dati."

Naalala niyang iyon nga ang sinabi ni Isabel.

" Salamat sa' yo Roger. "

"Kay Warren tayo magpasalamat sir dahil sinabi niya sa akin."

Tumango siya at tumahimik.

Kinuha niya ang wallet sa likod ng jeans at naglabas ng pera.

"Roger, allowance ninyo ni Warren."

"Naku huwag na ho sir!"

Umiling siya at inilapag sa mesa ang dalawampung libo.

"Kailangan niyo 'yan."

"S-salamat ho."

Patayo na ito nang muli siyang magsalita.

"Roger."

"Sir?"

Alam niyang hindi ito dapat pinag-uusapan pero hindi siya mapanatag hanggat walang nalalaman.

"Kumusta ang amo mo?"

"Si don Jaime? Maayos naman ho siya."

Alam niya ang sitwasyon ng don dahil nagkakausap sila.

"Si Ellah ang tinutukoy ko."

"Ah? Si Ms. Ellah ba?" napakamot ito sa ulo.

"Oo si Ellah kumusta siya? Nagpupunta pa rin ba ang Raven Tan na 'yon sa opisina?"

"Madalas sir! Nakakainit nga ng dugo eh ang yabang astang syota na kahit hindi naman!"

Agad uminit ang kanyang ulo sa narinig at kumuyom ang kamay.

"Ang masama sir mukhang magkasundo na si Ms. Ellah at ang Raven Tan na 'yon."

Tumalim ang kanyang tingin sa kawalan at may pumitik sa kanyang dibdib.

"At heto pa sir, nagbabalak yatang mag-invest eh? May balak na pumarte sa kumpanya pati na rin sa buhay ni Ms. Ellah!"

Humagkis ang kanyang tingin sa kausap.

"Mag-invest?"

"Yes sir!"

"Tangina!" tinanggal niya ang suot na eyeglass sa pagkairita at hinilot ang sintido.

"Makakaalis ka na Roger."

"Ayos ka lang ba sir?"

"Sa tingin mo magiging maayos ako sa pinagsasabi mo!"

Napaatras ang kausap nang tumaas ang kanyang boses.

Tumunog ang cellphone nito.

"Hello Warren?"

Napatingin siya sa kaharap at kinabahan dahil kausap nito ang tauhan.

"Ano? Oo sige! Saan? Sige, sige! Mag-iingat ka."

Pagkababa ng cellphone ay hinarap niya ito.

"Ano 'yon? "

"Sir ang sabi ni Warren ipapasuri ulit ang ebidensiya!"

Kumabog ang kanyang dibdib.

Lumingon siya sa paligid at mapansing maraming tao.

Tumayo siya.

"Sumunod ka," aniya bago naunang maglakad palabas patungo sa isang sulok na walang tao.

Nakasunod ito.

"Ano 'yon?"

"Hindi pa rin daw lubos na naniniwala ang mga Delavega at inaalam ang tungkol sa posas na ebidensiya."

Umawang ang kanyang bibig sa narinig at mas kinabahan.

Habang nagsasalita ang kausap ay lumilipad na sa mga kailangang gawing panghaharang ang kanyang isipan.

"Anong gagawin sir?" pormal na tanong ni Roger.

"Kakausapin ko si don Jaime siya ang makakatulong sa atin."

"Sabihin mo lang kung anong gagawin namin sir."

"Sige, salamat."

Sakay ng kotse pauwi ay tinawagan ng binata si don Jaime gamit ang bluetooth headset na ikinabit niya sa kanang tainga.

Agad namang sumagot ang nasa kabilang linya.

"Gian mabuti at ikaw na ang tumawag sabihin mo na ang tungkol sa-"

"Don Jaime may problema ho tayo," putol niya sa sinasabi ng don.

"Ano 'yon?"

"Hindi ko nakuha ang tiwala ng mga Delavega.

Babalikan nila ang pulisya dahil naghihinala sila sa posas na ebidensiya."

"PUNYETA! "

"Ipapasuri din nila ang dalawang ebidensiya sa Ciudad Medical mamayang gabi.

Don Jaime kapag nalaman nilang hindi ako ang may-ari

mababaligtad ang sitwasyon at tayo ang maagrabyado."

"Punyeta anong gagawin natin!"

"Don Jaime, pasensiya na sa nangyayari pero may pabor ho sana akong hihilingin."

"Ano 'yon?"

"Kapag lumabas ang totoong may-ari ng posas matutuklasan ang ginawa ng hepe.

Malalagay siya sa panganib."

"Hindi ko naisip 'yon."

"Ang pinakamabuting gawin ay ibigay nila ang totoong posas na ginamit sa akin noon. "

"Ano! Aba Gian delikado 'yan!" naalarma ang don sa kabilang linya.

Nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag kailangang makumbinse ang don upang maisakatuparan ang kanyang hinihinging pabor.

"Kailangan hong makuha ng kalaban ang totoo.

First is a mistake don Jaime second is intentional at ayaw kong mapahamak sila nang dahil sa akin."

Huminga ng malalim ang don.

"Napakabuti mo sa lahat Gian.

Itinataya mo ang kaligtasan mo para sa iba.

Paano naman kaming nag-aalala sa kaligtasan mo?"

"Salamat sa pag-aalala don Jaime, pero masasabi kong kaya ko ng pumantay sa kalaban."

"Susundin ko ang gusto mo, mag-iingat ka palagi."

"Maraming salamat don Jaime."

"Wala akong hindi gagawin para sa'yo Gian."

Matapos magpasalamat ay tinapos niya ang tawag.

Bumuntong-hininga ang binata.

Kapag ganitong may problema palagi siyang humihingi ng tulong sa kaibigan.

Ngunit hindi na dapat.

Napakarami ng naitulong ni Vince at nakakagulo na siya rito.

Ayaw na niyang madamay pa ang kaibigan.

Naisip niya si Warren.

Mabuti na lang may tao sa loob dahil hindi niya nalaman 'yon kahit pa gabi-gabi ay nakamonitor siya sa rest house ng mga ito.

Sigurado siyang hindi sa rest house nangyari ang plano.

Si Warren naman ang tatawagan niya. Hiningi niya ang numero nito kay Roger.

Nag ring lang pero walang sumasagot.

Muli siyang tumawag ikaapat na ring nang may sumagot.

"Hello sino 'to?" padaskol na sagot ng isang lalaking may malaki at buong boses.

Hindi pa niya ito nakikita sa personal sa larawan lang.

"Warren ako ang kapalit ni Isabel nakausap ko na si Roger at may ipapagawa ako sa'yo."

"Ikaw ang bagong amo?"

"Oo ako at may ipapagawa ako sa'yo."

"Ano 'yon?"

"Gawin mo ang lahat para mapasakamay mo ang ebidensiyang hawak nila kay Acuesta."

"Acuesta? Hindi kay Villareal?"

Nag-igting ang kanyang bagang sa sinabi nito.

Anong karapatan nitong magtanong?

"Ang sabi ni Isabel dati mapapahamak si Villareal sa oras na lumabas na positibo ang resulta. Mabuti na lang hindi iisang tao si Acuesta at Villareal.

Ngayon ang sasabihin mo kay Acuesta ang kukunin ko?"

" Warren makinig ka-"

"Ikaw ba talaga ang amo namin? "

Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone.

"Ako nga, at ako si Rage Acuesta! "

"Acuesta? Ikaw ang isa sa iimbestigahan nila?"

"Oo ako. Kung gusto mong makaligtas sa kamay ng mga Delavega sundin mo ang inuutos ko."

Saglit itong natahimik.

"Sige, maraming salamat nga pala sa pinadala mong pera."

"Wala pa 'yon, iba pa ang matatanggap mo kapag nagawa mo ang inuutos ko. "

"Gagawin ko, ililigtas kita."

"Salamat. Mag-iingat ka."

Tinapos na niya ang usapan.

Saka naman tumawag ang don.

"Don Jaime?"

"Gian nakausap ko na ang hepe nandoon na raw ang anak ni Delavega.

Ito mismo ang pumunta."

Nagtiim ang kanyang bagang.

"Nagawa ho ba nila ang sinabi ninyo?"

"Oo, at nagbanta pa ang tarantadong anak na kapag niloko sila uubusin nila ang buong pulisya mga demonyo!"

"Kung sinunod nila ang sinabi ko hindi ho sila mapapahamak."

"Sana nga, may tiwala naman ako kay hepe siguradong sinunod nila ang utos mo."

"Mabuti ho."

"Tungkol sa pagpapasuri nakausap ko na ang may-ari ng ospital alam na nila ang gagawin."

"Sige ho maraming salamat po."

"Walang anuman Gian."

"Salamat ho."

Ibababa na niya sana.

"Ah Gian!"

"Bakit ho don Jaime?"

"May, may sasabihin ako, alam kong hindi ito makakatulong pero mas mabuting malalaman mo. Hindi ko sinasadya, patawad hijo," dinig niya ang pagbaba ng boses ng don.

Kumabog ang kanyang dibdib.

"Bakit ho don Jaime may problema ba?" kabado niyang tanong sa matanda.

Nagsimula ito ng pagpapaliwanag na may nahulog na paso noong isinigaw nito ang pangalan niya ngunit walang taong nakita.

"Tiningnan ko na ang CCTV footage walang tao.

Pero imposible na mahulog ang paso kung kailan sinigaw ko ang pangalan mo."

Napalunok ang binata at pinagpawisan sa takot.

Sigurado siyang may traydor pa rin!

"Gian natatakot ako paano kung may traydor pa rin?"

"Mas natatakot ako para sa inyo don Jaime. Kung may nakarinig sa pagbanggit ninyo sa pangalan ko, nanganganib ho kayo!"

"Huwag ako ang alalahanin mo-"

"DON JAIME!" singhal na niya sa kausap.

Natahimik ito.

Natauhan naman siya at bumaba ang boses.

"Pasensiya na ho, pero kung talagang may espiya nanganganib ho kayo.

Paano kung tauhan ni Delavega?

Pupunta ako diyan ngayon!"

Bigla niyang kinabig niya pabalik ang manibela. Sumagitsit ang gulong dahil doon.

"Huwag muna, may aasikasuhin ka pang mas mahalaga."

"Mas mahalaga ho kayo sa akin."

"Hijo, paano ang ebidensiya? Anong gagawin mo roon?

Paano ang plano mo?"

"Ako na ho ang bahala roon.

Don Jaime makinig kayo, huwag ninyong palalabasin ang kahit sino sa mga tao sa inyo, nandiyan pa ang espiya. "

"Oo ni lock down ko na ang mansyon.

Nag-iimbestiga na rin kami rito."

"Mabuti."

"Talaga kayang may espiya?

Ang sabi kasi ni George baka hindi lang daw nabalanse ang paso sa pagkakalagay kaya nahulog."

"Walang hindi nagkataong pangyayari sa panahong may lihim kayong nabanggit don Jaime."

Natahimik ang don sa kabilang linya.

Tumalim ang kanyang tingin sa kalsada.

"May nagmamanman sa inyo.

Posibleng matagal na 'yan hindi niyo lang napapansin."

"P-posible nga."

"Mag-iingat ho kayo, malapit na ako.

Si Ellah ho ba nandiyan na?"

"Pauwi pa lang."

"Huwag niyo muna siyang paalisin kung nasa opisina pa siya."

"Magtataka 'yon."

"Kung talagang espiya ng kalaban ang nandiyan sa inyo posibleng naipaalam na niya sa mga Delavega ang nalaman niya. Kapag nagkataon maging ang apo ninyo ay nanganganib."

"Sige, tatawagan ko."

Tungkol sa imbestigasyon wala ho ba kayong lead? "

"Walang umaamin at walang nakita sa CCTV."

"Don Jaime, kung sino man ang gumawa niyan siguradong hindi ordinaryo ang kakayahan, malinis magtrabaho.

Posibleng isang totoong espiya 'yan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Isang under cover agent gaya ko."

"Punyeta!"

"Mas mag-iingat kayo."

"Salamat."

"Papunta na ako diyan."

"Mag-iingat ka."

Nagpasalamat siya at ibinaba ang tawag.

Habang nagmamaneho ay hindi mapakli sa kanyang isipan ang sinabi ng don.

Sigurado siyang may traydor pa rin.

Ang tanong sino?

Ilang sandali pa dumating na siya sa mansyon.

Ngunit kumunot ang kanyang noo nang makitang ibang mukha ang nagbabantay roon.

Wala siyang panahong magpaliwanag kaya tinawagan niya ang don.

"Don Jaime, nandito na ako sa mansyon."

"Papunta na ako diyan."

---

Nagmamadaling lumabas ang don sa study room kasama ang head.

"May bisita ako, papasukin ninyo."

Mabilis namang nag-utos ang head sa kasama ng mga ito.

"Let him in."

Pagdating sa labas ng silid ay mag-isa siyang nagtungo sa likuran kung saan naroon ang secret door bilang exit.

Gamit ang fingerprint scanner ay nabuksan niya ang pinto.

Ilang sandali pa nakita na niya ang binata sinalubong niya ito sa labas ng mansyon.

"Don Jaime kumusta?"

"Ayos lang, doon tayo sa study room."

Sumunod ito sa kanya.

"Wala pa ho ba si Ellah?"

"Inutusan ko sa mall may pinabibili ako.

Alam mo 'yon mangungulit kung sasabihin mo ang totoo."

"Sino ho ang kasama niya?"

"Si Roger at ang tatlo niyang bantay."

Tumahimik ang binata.

Nasa loob na sila ng mansyon.

Napansin niyang nakatingin na ito sa paligid.

Nakatingin din sa kanila ang mga private army niya ngunit walang nangahas magsalita.

"Anong nangyayari?"

"Pinabantayan ko sa private army ang lahat."

"Pati gwardya?"

"Oo lahat, wala na akong pinagkakatiwalaan ngayon."

"Aalamin natin ngayon ang totoo don Jaime."

Pagkapasok nila sa loob ng silid ay agad isinarado ng don ang pinto at ini lock.

Inilibot naman ni Gian ang tingin sa kabuuan ng silid.

"Wala bang ibang nakakapasok dito?"

"Secured ito at ang lock ng pinto ay fingerprint scanner."

"Good."

Wala silang inaksayang pagkakataon at agad nitong pinanood ang video.

Inuna ang sa labas ng mansyon kung saan nangyari ang kanina.

Itinutok na nito ang mga mata sa screen.

Siya naman ay hindi mapakali.

Natatakot siyang malamang may traydor pa rin.

Ilang sandali pa nilingon niya ang binata.

Napansin niyang seryoso na ito at nakatitig ng husto sa screen.

"Gian may problema ba?"

Umangat ang tingin nito at mas sumeryoso ang mukha.

Kinabahan na ang don sa nakikita.

Tumayo si Gian at may ipinakitang video.

"Don Jaime, wala ho ba kayong napapansin dito?"

Pinakatitigan niya ang video kung saan nakalingon siya sa mga tanim kung saan nahulog ang paso.

"Nahulog ang paso diyan kaya napalingon ako, bakit?"

"Tingnan ninyong mabuti. Nahulog ang paso kaya napalingon kayo, pero hindi ipinakita ang mismong pagkahulog ng paso."

Natigilan ang don sa narinig.

"Imposibleng hindi nakuhanan ng video ang mismong pagkahulog nito gayong halos lahat ng kanto nakukuha."

Napalunok siya at mas tumindi ang kaba.

Sa ilang sandali lang napansin agad ni Gian samantalang siya ilang ulit pinanood hindi niya napansin?

"Tingnan ninyo ang oras don Jaime." Itinuro nito ang oras ng footage.

Agad niyang sinunod ang sinabi nito.

Gumagana naman.

"Kung mapapansin ninyo tumalon ang oras ibig sabihin pinutol ang video."

Nabaghan siya sa narinig.

"Ano!"

"Nawalan ng dalawampung segundo at sapat 'yon para makatakas ang kung sino mang nasa likod nito."

Nanlaki ang mga mata ng don at namutla sa takot.

"Ibig bang sabihin nito may traydor nga?"

"Sinadyang putulin ang video kaya siguradong meron don Jaime."

"Sino?"

"Kailangang mag-imbestiga ulit."

"Gian ang dami nila paano ko malalaman kung sino 'yon?"

Hinarap siya ng binata.

"Ako ang mag-iimbestiga."

Umawang ang kanyang bibig.

"Ilalabas ko ang totoong espiya don Jaime."

Mas natahimik siya at tumango.

"Gusto kong makita ang iba pang footages noong nakaraang araw. Pwede ho bang pumunta sa control room?"

"Oo, sasamahan kita."

Pagdating sa silid ay tumayo ang dalawang tauhang nagbabantay roon.

"Don Jaime," yumuko ang mga ito.

"Saan ang pwedeng gamitin dito?" turo niya sa mga computer.

"Dito ho, " itinuro ng lalaki ang isang computer sa pinakadulo.

Napansin niyang nilibot ni Gian ang buong silid bago tinungo ang computer at pinanood ang mga footages na gustong makita.

Tahimik lang siya habang nagmamasid.

Hindi niya maisip na may traydor nga kung hindi dahil sa binata.

Muntik na siyang maniwala na wala.

Masasabi niyang magaling nga ito at mabilis makaisip ng paraan.

Dating espiya si Gian at ang hinuhuli nila ay espiya rin.

Espiya sa espiya ang labanan!

"May ipapakita ako mamaya don Jaime, magsimula na tayong mag-imbestiga."

"Ikaw ang bahala hijo."

Bumalik sila sa study room.

"Kailangan kong makausap ang nagbabantay ng control room."

"Sige, ipapatawag ko."

Agad niyang tinawagan ang head security at pinapapunta ang kailangang imbestigahan.

"May hinala ka bang siya ang salarin?"

"Kung hindi siya ang espiya, siya ang magiging lead para malaman natin kung sino."

May punto nga naman ito.

"Don Jaime kung sino man ang espiya alam na niya ang totoo."

Napalunok ang don.

"Kaya ngayon pa lang nasa panganib na tayo, kapag nagkataon mababaligtad ang sitwasyon at tayo ang maaagrabyado.

Mabibigo tayo don Jaime."

Kilala niya bilang kalmado at kalkuladong mga kilos ni Gian ngunit ngayon ramdam niya ang pagkabahala nito.

"Ipinagkakatiwala ko sa'yo anuman ang desisyon mo."

"Salamat ho."

Ilang sandali pa dumating na ang pinatawag.

"M-magandang gabi ho don Jaime."

"Umupo ka. "

Umupo ito at sinulyapan niya si Gian.

Nakuha nito ang ibig niyang sabihin sa isang tingin.

Hinarap nito ang tauhan.

"Ikaw ba ang nagbabantay sa control room mula alas otso ng umaga hanggang alas onse?"

"Opo sir."

"May napansin ka bang pumasok na hindi taga control room?"

"Si Ben kumuha siya ng kopya."

" Sino pa?"

"Wala na ho. "

"Kung gano'n paano naputol ang footage?"

"Ha?"

"May nagmaniobra ng video at putol ang binigay ninyo sa amin."

"Putol? Hindi ah!"

Tumigas ang anyo ng binata at tumayo na ito.

"Sagutin mo ang tanong ko ng deretsahan. Huwag kang magkakamaling magsinungaling kung ayaw mong dito mismo mamatay."

"Kahit ano sir sasagutin ko!"

"Paanong hindi mo napansin na may nagmaniobra sa footages at putol ang video na ibinigay mo?"

"Nagmaniobra imposible?"

"Kung wala kang napansin at naroon ka lang sa silid, isa lang ibig sabihin ng pinapaliwanag mo."

Biglang may hinablot mula sa likuran ang binata at gano'n na lang ang pagkagulat niya nang makita ang hawak nitong kwarenta 'y singko at nakatutok sa ulo ng tauhan.

"Huwag po!" biglang taas kamay ang lalaki kasabay ng panlalaki ng mga mata nito.

"Kung walang ibang pumasok pero may nagsabotahe sa video ibig sabihin ikaw ang traydor!"

Ikinasa ni Gian ang baril.

"Hindi ako! Maniwala kayo! Hindi ako!"

"Sabihin mo ang lahat ng nangyari!" Muli nitong itinutok ang baril sa noo ng lalaki.

"A-alam ko na!

May pumasok kanina, 'yong nagbigay ng meryenda!

Pero biglang sumakit ang tiyan ko sa kinain kong burger kaya nasa loob ako ng banyo nang mahigit isang oras!"

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig.

Nilapitan siya ni Gian at saka ito bumulong.

"Don Jaime, walang banyo sa control room kaya kung totoo ang sinasabi nito lumabas siya at posibleng doon umatake ang salarin."

Napatango-tango ang don.

Kaya ba ito naglibot kanina sinuri ang kung anong meron sa loob?

Hinarap nito ang kausap.

"Sino ang nagbigay ng pagkain?"

"Si Julia!"

Nagkatinginan sila ni Gian.

Ibinaba ng binata ang baril.

"Makakaalis ka na."

Nagpasalamat ito at mabilis na lumabas.

"Si Julia ba Gian?"

Kumabog ang kanyang dibdib.

"May ipapakita ho ako don Jaime, panoorin niyo ito."

Tumango siya at nanood.

Sa bawat naroong video ay naroon siya.

Sa hardin, sa terasa, sa pool, sa balkonahe at sa sala.

Iba-iba ang damit niya kaya iba-ibang araw 'yon.

"May napansin ho ba kayo?"

"Oo, ako 'yan mula Lunes hanggang Biyernes bakit?" nalilito na niyang tanong.

"Pansinin ninyo kung sino ang taong nasa hindi kalayuan ninyo."

Noong una kumunot ang kanyang noo hanggang unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata sa nakikita.

"Sa bawat araw at bawat pag-iisa ninyo ay palagi kayong may kasama hindi kalayuan sa inyo.

At ang nangyari kaninang umaga ay kasama rin siya at nagwalis pa."

"Si Julia!" sambit niya.

Nagsimulang gumapang ang galit sa kanyang dibdib.

Babae pa ang nangahas!

"Kung sakaling mapatunayan nating siya nga, anong plano mo Gian?"

Tinitigan siya ng binata.

"Isang paraan lang don Jaime. Para magtagumpay tayo kailangang mabigo ang kalaban."

Nakuha niya ang pinupunto nito.

Agad niyang ipinatawag ang babae.

Hindi pa rin makapaniwala ang don sa natuklasan.

Paanong hindi niya 'yon napapansin?

Gano' n nga ba kagaling ang naturang babae?

Napasulyap siya kay Gian na nakaupo sa sulok na tila nagkukubli.

Biglang may kumalabog sa pinto.

" Don Jaime nandito na ang babae," bitbit ito George at ng isa pang kasama.

Nagwawala ang babae.

"Bitiwan ninyo ako!"

Sinenyasan niya ang dalawa na lumabas.

Naiwan ang babae at isinara niya ang pinto.

Ngayon silang tatlo na lang ang nandito.

"Don Jaime ano pong nangyayari?" bakas ang takot sa mukha ng salarin.

Tumalim ang tingin niya rito.

Isang payat at mukhang mahina lamang ang babae at hindi mo aakalaing isang espiya.

Mula sa sulok ay may nagsalita.

"Kilala mo ako hindi ba?"

Lumabas si Gian at hinarap ang babae.

Kitang-kita ang takot sa anyo nito na para bang nakakakita ng multo.

Ngunit tumapang ang anyo.

"Hindi kita kilala-aaahh!"

Sa kanyang pagkagulat ay biglang binaril ni Gian ang tuhod ng babae dahilan ng pagkaluhod nito.

Napaigtad siya sa pagkagulat.

Umalingawngaw ang putok ng baril sa loob ngunit sa labas ay hindi man lang ito maririnig.

"Ngayon kilala mo na ako."

Humagkis ang kanyang tingin kay Gian.

Dating pumapatay si Gian magagawa nito ulit.

Pinigilan ng babae ang pag-iyak at hinarap ang binata.

"Sino ang nag-utos sa'yo!"

Tumalim ang tingin ng babae.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo-aaaahhhhh!"

Muli siyang napakislot nang barilin naman nito ang isa pang tuhod ng babae.

"SINO!" nagdidilim ang anyo ng binata.

Pumalahaw na ito sa iyak at iniinda ang mga tuhod habang nakayuko.

Tumatagas ang mga dugo mula sa sugat at nagmamantsya sa sahig.

"Aamin ka ba bago mamatay o dadalhin mo hanggang libingan ang lihim mo!"

Nakatutok na sa ulo ng babae ang baril.

Napalunok ang don.

Ang akala niya iimbestigahan din ito hindi na pala.

Sisentensiyahan na pala agad!

"Don Jaime ang mga gaya niyan hindi aamin kahit pa buhay nila ang kapalit."

Napalingon siya sa binata.

"Kilala niya ako. Noong unang punta ko rito gamit ang ibang pangalan alam kong kilala na ako ng babaeng 'yan.

Wala lang siyang ebidensiya kaya hindi niya maipaalam sa kalaban."

"Anong dapat gawin?"

Iniabot nito ang baril sa kanya.

Nabaling ang kanyang tingin doon.

"Nasa inyo ang desisyon, kung bubuhayin ninyo ' yan, tayo ang manganganib.

Magtatagumpay ang kalaban at tayo ang mabibigo.

Pagsisimulan ito ng isang madugong laban pero magtatagumpay ang kalaban dahil may alas sila laban sa atin."

"T-talaga bang siya ang espiya?"

"Malinaw ang ebidensiya don Jaime.

Ang babaeng ito ay mga mata ni Delavega.

Kapag binuhay mo patuloy nila kayong makikita."

Natahimik siya tila hindi pumapasok sa kanyang utak ang nangyayari ngayon.

"Pero ibibigay ko sa inyo ang karapatan sa pagdesisyon.

Nasa inyong mga kamay ang nakasalalay ang mangyayari sa susunod don Jaime."

Tumalikod ito at lumabas.

"Gian sandali!"

Akmang susundan niya ito nang biglang matigilan.

Dumagundong ang kanyang dibdib.

Napansin niya ring tumahimik ang babae.

Nilingon niya ito at kitang-kita sa anyo nito ang pagkagitla sa narinig.

Ngayon alam na nga nito ang totoo!

Nagdilim ang kanyang paningin.

"AAAAH!"

Buong lakas niyang sigaw kasabay ng pag-ubos ng bala sa katawan ng espiya!