Halos lakad takbo na ang ginawa ni Zhiu Chini dahil sa takot at kaba na nadarama. Kagagaling lang niya sa trabaho, ngayo'y naglalakad na siya sa makitid na daan papunta sa kaniyang tinitirahang apartment.
Kanina niya pa nararamdaman na parang may sumusunod sa kaniya kaya panay ang lingon niya sa kaniyang likuran, pero wala naman siyang nakikitang nakasunod sa kanya. Napabuntong hininga si Zhiu Chini at ipinagpatuloy na lamang ang kanyang paglalakad.
Ilang sandali pa siyang tahimik na naglakad, at dahil hindi naman kalayuan ang tinitirahan niya mula sa kaniyang pinagtatrabahuan ay mabilis siyang nakarating. Ilang metro na lamang ang layo niya mula sa pintuan ng kaniyang apartment nang maramdaman niya'ng may humawak sa kaniyang balikat.
Dahil sa takot at gulat ay mabilis niyang hinawi ang kamay ng kung sino mang humawak sa kaniya. Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na sulyapan ang mukha ng estrangherong humawak sa kaniyang balikat, dahil sa pagmamadaling makapasok sa kaniyang maliit na apartment.
"What the!" bulalas niya nang tuluyang makapasok. "Sinong sumusunod sa akin?" tanong niya sa kanyang sarili.
Mabibilis at mabibigat ang kaniyang bawat paghinga, nanghihina siyang napasandal sa pinto ng kaniyang apartment. Napasapo siya sa kaniyang dibdib at sinubukang pakalmahin ang sarili. Segundo ang lumipas ay maayos na ang kaniyang paghinga at nawala narin angΒ gulat at takot na naramdaman niya kanina.
Kahit na nagdadalawang isip siya'ng lumabas ay binuksan niya parin ang pinto ng kaniyang apartment. Tiningnan niya kung naroon pa ba ang estranghero kanina, pero walang kahit ni isang bakas nito ang nakita ni Zhiu Chini.
Sa pag-aakalang guni guni niya lamang ang nangyari kanina ay tuluyan nang naalis ang takot ni Zhiu Chini. Pumasok ulit siya sa kaniyang apartment.
'Masyado lang siguro akong pagod kaya ako napaparanoid ng ganito.' sabi niya sa kaniyang isipan sabay buga ng malalim na hininga.
Nang harapin ang sala ng kaniyang inuupahang apartment ay agad na napakunot ang kaniyang noo. Biglang bumukas ang ilaw at tumambad sa kaniya ang lalaking nakaupo sa sofa ng kaniyang living room.
Hindi makapaniwalang napalaki ang kaniyang mga mata.
"Li J-Jiullian!?" nauutal na sambit niya.
Mabilis na lumapit sa kaniya si Li Jiullian, dahil gulat pa rin si Zhiu Chini ay hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nang tuluyang makalapit si Li Jiullian sa kaniya, napaatras at napasandal kaagad siya sa pinto. Ngayo'y nakakulong na siya sa mga bisig ni Li Jiullian.
"Ako nga," sambit ni Li Jiullian. Tinitigan siya nito at mapaglarong ngumisi.
Napalunok naman sa sariling laway si Chini. "A-anong ginagawa mo dito? Anong k-kailangan mo? Paano ka nakapasok?" sunod sunod at putol putol na tanong niya. Namilog pa ang kaniya g mata.
"Halata namang nandito ako para dalhin ka sa ating engagement party,"
Muling na namang napalaki ang mga mata ni Zhiu Chini.
'Engagement party?' tanong niya sa kaniyang isipan.
"Engage na ako... sayo!?" gulat na tanong ni Zhiu Chini habang nanlalaki ang mga mata.