Chereads / Carey’s Fairy Tale / Chapter 1 - Chapter 1: Once Upon A Time

Carey’s Fairy Tale

Jenny_Sampole
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Once Upon A Time

2003

"WAAAAAAAAAAHHHHHHHH! GIAN! We love youuuuuuuuuuuu!" sigaw ng cheering squad ng school nila.

"Marami talagang supporters si Gian 'no? Ikaw ba naman maging ganyan ka-gwapo." Si Alli na kain ng kain ng chips nito at halatang bagot na bagot.

"Ba't ganon? Kanina naman sa synchronized swimming wala naman silang gano'ng cheer?" si Chloe na panay ang suklay at ngiti sa kung sino man na nakaupo sa katapat na bleachers.

"It's not a cheer. Halata namang crush nila yu'ng Gian." Komento ni Carey na subsob sa binabasang mga papel.

"Kasi nga, super gwapo niya. Super macho pa." si Alli.

"Perfect pala siya kung gano'n. Sobrang perfect niya ba to the point na bagay na siya sa katulad ko?" tanong ni Chloe, hinarap si Alli na nasa kaliwa nito.

"Chloe, 'wag masyadong mataas ang tingin sa sarili! Hindi ka gano'n katangkad."  

"Huh!" eksaheradang sambit ni Chloe. Feeling nito ay greatest weakness nito ang height nito. At paborito naman 'yong pansinin ni Alli. "Carey, ipagtanggol mo nga 'ko dito sa chubbylitang 'to."

"Chloe, Alli. 'Wag kayong makulit. I'm trying to memorize this script. Sa isang araw na ang audition para sa Swan Lake. Hindi daw enough na nagba-ballet ako. Dapat magaling din daw ako umarte at kumanta. Hindi naman exceptional ang boses ko. The least thing I could do is memorize it and act the part." sermon niya sa dalawang nagbabadyang maggirian.

"Hala. Hindi naman namin kasalanan ni Alli kung ba't tayo stuck dito sa Sports Complex, eh. Kasalanan 'to ng school. Dahil ni-require nila ang mga may P.E. na swimming na manuod as part of subject requirements. At kaya hindi ka makapag-memorize e dahil magulo ang lugar na 'to. Compare mo naman sa ingay na kino-contribute naming dalawa kumpara sa ingay ng buong complex!" Pa-baby na sabi ni Chloe.

"Hindi. Kasalanan niyang si Gian. Nag-championship pa siya. Kaya ang tagal natin dito." Si Alli.

"Tignan ninyo 'yang mga reasoning nyo! Nasa'n na ang nationalism sa katawan ninyo?" singit ni Travis. "Sige lang, Carey. Mag-memorize ka lang. Bibigwasan ko 'tong dalawang 'to kapag nag-ingay pa." pa-cute ni Travis sa kanya. "Kayo, maingay na nga 'tong complex, tapos mas maingay pa kayo!" sermon nito sa dalawa.

"Cheh! Ano ba'ng pake mo?" si Alli na tumayo pa.

At nagsigawan na ang mga tao sa Complex. Marami ring nagtayuan.

"And still our champion, Gian Montearevalo of St. Catherine of Bologna - School of Arts!" pumailanlang ang boses ng game announcer sa buong Sports Complex.

Second time champion na ni Gian. Frosh pa lang sila last year ay ito na ang naging champion. At ngayon, ito muli, ang pinakamabilis na swimmer sa buong central region.

"Hay, salamat! Natapos din." Si Chloe. Excited.

"Sandali nasi-cr ako. Dito lang kayo. Wait n'yo ko. Sa dami ng tao, baka mahirap sa'tin magkakitaan. Na-lowbatt ako." Sabi ni Alli.

"Ano ba yan?! Sige, sasama na ako sa'yo para makita ko din kung maganda pa 'ko o lalo ng gumanda." Ani Chloe.

"Dito na lang kaya ako umihi."

"Sige na, bilisan ninyo ng dalawa." Sawata ni Carey.

"Oo nga, dito lang kami." Si Travis.

"KAYA PALA gusto mo 'kong samahan sa CR, kasi dadaan do'n ang swimming team. Gusto mong magpa-cute kay Jackson!" pambubuko ni Alli kay Chloe.

"Excuse me! Si Jackson ang pa-cute sa'kin 'no! Ako naman, pinagbibigyan ko lang sya at sinusuklian ang ginagawa nya para hindi naman sya mapahiya." Proud na sabi ni Chloe.

Nilingon ni Carey ang mga kaibigan. Kabababa lang nila mula sa bleachers at nasa gilid sila ng Swimming Pool. Ito ang pinakamabilis na daan papunta sa likod. Doon sila dadaan para makaiwas sa mga tao, para hindi hassle. Mga varsity player lang ang pwede doon pero binigyan ni Jackson ng pass si Chloe. "Guys, let's be thankful na lang kay Jackson, dahil sa kanya hassle free ang panonood natin dito. At Chloe, 'wag kang masyadong mayabang sa face mo, baka maging duling ka---Ayyy!"

May nabangga siyang bulto ng tao. Nasalo nito ang bewang niya kaya hindi sya nadulas sa pool ngunit sumambulat ang mga libro at papel na bitbit nya.

"Sorry," anang lalakeng nakabunggo sa kanya.

May kasunod itong dalawa pang lalake na napatigil sa pagtakbo. Halatang nagtatakbuhan ang tatlong lalake. Naka-jacket ng varsity ang mga ito.

Tinignan niyang muli ang lalake. Binistahan niyang mabuti ang mukha nito. It's none other than Gian Montearevalo. Sobrang gwapo pala talaga nito sa malapitan. Nawala ang kagustuhan niyang pagsabihan ang mga ito na 'wag tumakbo sa ganitong lugar.

"Cat got your tongue, Missy?" ngumiti ito. "May masakit ba sa'yo? Pasensya na hindi ko sinasadya," Hinging-paumanhin uli nito.

Mukha namang sincere ito kaya ayaw niya ng palalain pa ang encounter nila. Tumikhim sya. "Okay lang. Bitiwan mo na 'ko---" binitiwan naman sya nito.

"Ohmygaah~ your script! It's in the pool na pati yu'ng books mo!" boses lang ni Chloe ang nagulat pero pokerface lang ang mukha nito. "Napakaharagan kasi, eh. Porke mga varsity."

"Onga, akala mo hari na ng daan." Si Alli na halata naman ang pagkadisgusto sa mukha.

"Huwag nyo naman kaming i-judge kung tumatakbo kami," sabi ng isa sa dalawang lalake na kasunod ni Gian sa pagtakbo. Kilala lang niya ito sa mukha.

"Onga, hindi naman namin sinasadya. Isa pa, ba't dito kayo papunta e exclusive 'to sa mga varsity?" segunda ng isa.

"Aba't!" handa ng pagtatampalin ni Chloe ang dalawang lalake.

"Chloe, 'wag na. Guys let's go." Pinigilan ito ni Travis.

"Pero Tra---"

"Ako ang nagbigay ng pass sa kanila, guys." Agaw ni Jackson sa sasabihin ni Chloe na nasa 'di kalayuan at papunta na sa umpukan nila.

"Mayayabang kayo porke varsity kayo. At mabait kasi itong kaibigan namin kaya nanlalamang na kayo!" panonopla pa ni Chloe. Lumapit si Chloe kay Carey at hinawakan sa galang ang huli. "Hindi pwedeng sorry lang! Libro mo yun at script sa play! Pa'no ka na magre-review niyan?" madali itong mairita 'pag feeling nito agrabyado ang grupo nila sa sitwasyon.

"Chloe, hindi naman nila sinasadya," pahinuhod ni Carey sa kaibigan. Pinandilatan niya na rin ito para maisip nitong overboard na ito.

Nang biglang may tumalon sa tubig. Napalingon silang lahat sa pool. Tumalon si Gian sa pool. Kinuha nito ang mga gamit niya na nasa swimming pool, pagkatapos ay umahon din ito. "I'm very sorry, Miss. I know that these are important to you. Tama ang friend mo. We don't mean to boast or own this place. It's very rude of us. I'm very sorry. Papalitan ko ito, pangako."

Basang-basa ito. Naka-casual pants na ito, polo at sweatshirt. "That's so stupid of you," hindi alam ni Carey kung tama o mali ang sinabi niya pero sa tingin niya ay hindi na dapat gawin pa ni Gian ang ginawa nito. Nabasa pa tuloy ito. "Let's go, Chloe. Sa tagal natin dito, for sure, wala ng tao sa audience exit. Doon na lang tayo. Kailangan na nating madaliin ang pagla-lunch kasi may class pa tayo sa hapon." Baling niya sa mga kasama at nagpatiuna na sa kabilang way.

"I still hate varsity people. And Jackson, basted ka na!" pahabol ni Chloe bago kami umalis.

"COOL, 'NO?" natatawang komento ni Chloe.

Pinag-uusapan nila ang nangyari kaninang tanghali sa Sports Complex bago sila umalis. Ang pagtalon ni Gian sa pool para kunin ang basang libro at script ni Carey.

"It's not cool. I think it's boasting on his part." Ganting-pahayag ni Carey.

"Onga. Parehas sila nito ni Chlo-Chlo. Mapag-inarte!" kampi ni Alli kay Carey.

"Mapag-inarte ako?" hinila ni Chloe ang dulo ng kulot na buhok ni Alli.

"Hindi mo naman kailangang gawin ang commotion na yun e. Pero ginawa mo pa rin! Arteeeee!" pag-i-stress ni Alli sa actions ni Chloe kanina.

"Malamang gagawin ko 'yon!"

"But Chloe, you don't have to act like that even if you just want to defend us," sawata ni Carey sa kaibigan.

"Defend? Who? Ginawa ko yun dahil hindi ako napansin ni Gian. Ang ganda-ganda ko pero sa'yo lang siya nakatingin? Who does he think he is?" tumaas ang kilay ni Chloe na parang may malaking disbelief sa naganap at nag-flip pa ng buhok nito.

"Chlo-chlo! I can't believe you!" Hindi makapaniwala si Carey sa kaibigan. Iyon pala ang totoong dahilan nito. Tawa naman ng tawa si Alli na parang hindi na nasorpresa sa totoong dahilan ni Chloe.

"See, nag-inarte lang 'yan!" si Alli, "at dahil kaibigan mo ako, sinuportahan kita. Kaya libre mo 'ko ng chichirya diyan sa canteen, wala pa naman si Travis!"

"Alam mo, Alison, sa yaman nyo, ginugutom ka ba lagi ng magulang mo? Ba't para kang pinagkaitan, kagagaling lang natin sa canteen!"

"Sige na, Chloe, samahan mo na sya at ilibre mo na din! Kahit ganyan sa'yo si Alli, lagi ka naman niyang kinakampihan at sinusuportahan. Nakakaloka ka."

"Sige na nga. Hintayin nyo kami dito ni Travis ah, wag na kayo umalis para pagbalik namin, uwi na agad tayo."

At umalis na nga ang dalawa.

Ilang minuto lang ay dumating na din si Travis.

"Carey,"

"Travis, ano? Nakakuha ka kay Lia?"

"Hindi, eh. Ayaw niya talagang ipahiram yu'ng kopya niya ng script nu'ng bida kasi kayo daw ang magkalaban sa audition. Nag-try din ako manghingi sa President natin, sabi ko, mag-o-audition din ako. Kaso, hindi daw ako qualified. Saka, the day after tomorrow na daw kasi yu'ng Swan Lake Auditions kaya hindi na rin daw talaga sila tumatanggap ng applicants for audition. Stick na daw talaga sila sa mga naunang natanggap sa first screening." Hinging-paumanhin/paliwanag ni Travis.

"Okay lang. Pasensya ka na, Travis, ah. Ikaw ang nahingan ko ng tulong. Crush ka kasi ni Lia kaya akala ko, papahiramin ka nya. Ikaw lang din ang kaibigan ko sa Catherine Ballet Club kaya sayo lang ako pwede humingi ng tulong para makakuha ng bagong kopya mula sa kanila. Kaso, hindi pala pwede. Sorry talaga sa abala." Nahihiya din talaga si Carey sa abala na ibinigay nya kay Travis. Pero wala na kasi siyang ibang malapitan.

"Okay lang 'no. Pasensya ka na din. Wala akong natulong."

Natahimik silang dalawa at nahulog sa malalim na pag-iisip. Matapos ng ilang sandali ay sabay silang napabuntong-hininga. Nagkatinginan sila at nagkatawanan. Pagkatapos ay sabay silang natahimik muli at nagkatitigan ng matiim. "Carey,"

"Travis?"

"May muta ka sa parehong mata mo."

"Ah, talaga." Napalingon sa kabilang direksyon si Carey at ipinahid ang panyo sa mukha partikular sa mata. "Hahahaha, nako, napakamutain ko talaga 'no!"

"Oo nga! Hahahahaha! Sige, ready ko lang yung sasakyan. Hatid ko na kayo, 'pag dumating yu'ng dalawa sabihin mo nasa sasakyan na ako. Hintayin ko kayo do'n."

"Sige."

Umalis na nga si Travis at dumiretso sa direksiyon ng parking lot.

"Ayyy! Pa'no kaya 'to? Wala akong script. Ts. Hindi ko pa masyadong kabisado lahat. Ni hindi ko pa alam kung pa'no yu'ng magiging atake ko sa ibang scenes." Nakatingala si Carey sa langit at napabuntong-hininga ng malalim.

"Ang lalim no'n, ah."

Napalingon siya sa nagsalita. Si Gian iyon. She just looked away. Naiirita siya sa lalake dahil napatunayan niya kanina na stereotype handsome ito. Masyadong presko.

"Galit ka pa ba sa nangyari kanina, Miss?" tanong ni Gian na tumabi sa kanya sa bench.

Nilingon niya lang ito at tinignan habang nakakunot ang noo at nakapinid ang labi.

"Sorry sa kanina. Hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. Napasarap sa pag-aasaran kaya kami nagtatakbuhan. Hindi naman namin kinakanya yu'ng daan." Sincere naman ito sa paliwanag nito. At paborito nitong makipagtitigan sa mata kapag nakikipag-usap.

Creepy. "Hindi naman 'yon, eh. Naiintindihan ko 'yon. Pero you got overboard. Hindi mo kailangang talunin yu'ng pool, fully clothed, just to get my things. I didn't ask for it. Plus, nothing will change kahit makuha mo yun. Mga papel yun. Pag nabasa, wala ng halaga ang anumang nakasulat dun. For me, that's a characteristic of a douchebag." Pahayag niya sa lalake. Nakaharap din dito.

"Ouch. You hit this hard." Itinuro nito ang puso nito. "Gusto mo bang tumalon ako do'n ng nakahubad?" he has a playful smile on his face.

"Hindi 'yon ang point!" nag-alsa bigla ang damdamin ni Carey sa kayabangan ni Gian.

"Joke, okay! Kayo ng mga friends mo masyado kayong hot. Hinga lang. Sorry, okay? I didn't mean to be a douchebag. Kinuha ko yung books and paper kasi ako ang dahilan ba't nabasa yun, kung ba't naging useless yun. Hindi ko yun mapapalitan kung hindi ko alam kung tungkol sa'n yun. Kinuha ko yun, para mapalitan ko at makabawi sayo. Hindi ko sinasadya na maging mahangin. Jumping, fully clothed, is not my thing. Hindi 'yon ang paraan ko ng pagpapa-impress sa gusto kong babae. That's clearly not thinking on my end,"

Did he just say it's not his way to impress me? Did he just say he likes me? Sabad ng utak ni Carey.

"And here. Kapalit ng books at script na nabasa ko. I got you a new one." Ibinigay sa kanya ni Gian ang mga libro at ang script. Inabot niya 'yon without breaking eye contact.

Hindi niya alam pero parang may naghahabulan sa tiyan niya. Parang mahihilo siya.

"At talagang prente ka lang na nakaupo diyan, Mr. Gian Montearevalo?" si Chloe na kadarating lang kasama si Alison na kumakain.

"And hello to you too, Ms. Marie Chloe Torevilla," ganting-bati ni Gian. All smiles.

"How disrespectful! Saying my full name with that kind of mocking face, huh," nakapameywang na ngayon ito. "Inaano ka nito, Carey? Sabihin mo!" baling ni Chloe kay Carey.

"Chloe, pinalitan niya lang yu'ng books and script na nabasa niya kanina. Wala naman siyang ginagawang masama."

"Oh. What a chivalric move." Si Alli na busy sa pagkain.

Agad na nawala ang katarayan sa expression ng face ni Chloe. "O gano'n naman pala, eh. Nasa'n na si Travis?"

"Nasa parking lot na sya, dun nya daw tayo hihintayin." Sagot ni Carey.

"'Lika na! Sige Gian," ani Chloe na kinuha ang bag.

Ganundin ang ginawa ni Alison kaya tumayo na si Carey at kinuha ang bag.

"Ah," napakamot sa kilay si Carey. Hindi nya alam kung paano magpapaalam kay Gian. "S-sige,"

"Halika na," hila sa kanya ni Alli.

"Salamat din sa inyo, ah! Nice meeting you, three!" sigaw ni Gian ng medyo malayo na sila. Parang natatawa pa ito sa pandinig niya.

"Shyet! Wala sa lugar yu'ng katarayan ko, nakakahiya." bulong ni Chloe.

At nagtawanan silang tatlo.

"YOU GOT the part, Carey Anne Suarez. Congrats!"

Iyon lang ang tanging rumehistro sa isip ni Carey kahit na madami pang sinabi ang President nila sa Catherine Ballet Club. Magbibida siya sa Swan Lake! Paniguradong matutuwa ang mommy niya sa kanya. Tuwang-tuwang tinakbo niya ang labas ng teatro pagkatapos magpasalamat. Dumiretso siya sa canteen kung saan naroon ang mga kaibigan.

"I got the part!" pagkalapit na pagkalapit sa mga kaibigan ay sinabi ni Carey ang magandang balita. Saka ito huminga ng malalim para makabawi ng hangin dahil sa pagtakbo ng mabilis.

"Wow! Congrats!" sabay na sabi nina Chloe at Alli na kinikilig at excited para sa kanya. Niyakap siya ng mga ito.

"I know you could do it, Carey." Si Travis na tumayo din at niyakap siya ng mahigpit ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Chloe at Alli.

Umirap naman si Alli sa ginawa ni Travis at nagtaas naman ng kilay si Chloe.

"O tama na yan, gabi na. Umuwi na tayo!" saway ni Alli na parang magulang.

"Oo nga. Hapon na, oy!" si Chloe.

Natawa lang si Carey at kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Travis.

"Congrats. Edi lagi pala tayong magkakasama niyan," si Gian ang bumati sa kanya mula sa likuran niya.

Nilingon ito ni Carey, kasama nito si Jackson at yung dalawa pang lalake na kasama nito sa Sports Complex nu'ng nagkabanggaan sila noon.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" takang-tanong ni Carey.

"I'm your Prince Siegfried." Ngiting-ngiti ito na parang tuwang-tuwa. Nakakairita talaga ang ekspresyon nitong iyon.

"Pa'no nangyari 'yon? Hindi ka naman member ng Catherine Ballet Club, ah."

"I'm not but Veronica requested me to join and play Prince Siegfried's part. Who am I to say no?" lalo pa itong lumapit sa harapan niya. Si Veronica ang presidente ng Catherine Ballet Club.

"E di congrats din sa'yo." Si Chloe. "Tara na, guys. Lakas ng hangin dito, nililipad ako." Nagpatiuna na si Chloe sa paglalakad. Sumunod si Alison at hinawakan na rin ni Travis ang kamay niya.

"Sige, congrats." Paalam niya kay Gian.

"See you around!" paalam nito at naglakad na rin ito at ang grupo nito palayo sa kanila.

"BASTA KAPAG masyado kang niloloko-loko at inaasar-asar ng Gian na 'yan, kasama mo naman itong si Travis! Ibato mo si Travis kay Gian." Bilin ni Chloe kay Carey bago sila pumasok ni Travis sa St. Catherine Theatre.

Naitirik ni Travis ang mata.

Tinawanan lang ito ni Carey. "Sige na, iniintay ka na ni Alli sa canteen." Paalam ni Carey.

"Sige na," ani Travis. Tinulak ng bahagya si Chloe.

"Aray, oo na! Bye," at tumalikod na si Chloe at nagtungo sa direksiyon ng canteen.

"Bakit kaya si Gian ang naging Prince Siegfried? Diba strict si Ate Veronica na member lang ng club ang pwedeng sumali sa play?" takang-tanong ni Carey kay Travis habang papasok na sila sa theatre.

"Yes. And I'm quite disappointed too kasi ako nga, hindi daw qualified at propsmen lang." halata ngang disappointed ang boses at expression ni Travis. Marunong naman mag-ballet si Travis at marunong din itong kumanta at umarte. Sa totoo lang, magaling itong umarte. Active ito sa teatro no'n pa lang four years old ito. Lumabas na din ito sa mga commercials. Nahuli lang talaga ito nu'ng first screening.

"Okay lang 'yan, Travis. For sure may better opportunities pa for you, magaling ka 'ata." Pagpapalakas ni Carey ng loob ni Travis.

"Salamat, Caca." Nickname nya yun na tanging sina Alison, Chloe at Travis ang nakakaalam.

Mommy nya ang nagbigay ng nickname na Caca sa kanya o simpleng Ca. At dahil magkakaibigan sila since elementary days, alam ng mga ito ang nickname niyang 'yon. Pero ayaw niyang tinatawag na Caca kaya hindi siya tinatawag ng gano'n nina Chloe at Alison. Ito lang si Travis ang tumatawag ng ganon sa kanya kapag feeling nito e naka-drama mode on sila.

Hindi niya napigilang maitirik ang mata. "Kainis!"

Natawa lang si Travis.

"Travis? Props team ka 'di ba?" si Veronica iyon. Papalapit ito sa kinatatayuan nina Travis. Nakasunod dito si Gian.

"Yes, Ate Roni," sagot ni Travis.

"Sige, pumunta ka na sa likod ng stage. Dun kayo gagawa ng props." Imporma ni Veronica kay Travis.

"Sige po," sagot ni Travis kay Veronica. Bumaling ito kay Carey, "Sige," at umalis na.

"Carey Anne, I want you to meet Gian. Same year kayo pero magkaiba ang course nyo. You're in Theatre Arts habang nasa Sports Studies naman sya," proper introduction sa kanila ni Veronica.

Nag-shake hands sila ni Gian dahil in-offer ng huli ang kamay nito. "So it's Carey Anne, hi!" nakangiting bati sa kanya ni Gian.

Gumanti lamang sya ng ngiti kay Gian.

"Gusto ko sana na kapag may free time kayo at habang nandito kayo sa theatre lagi kayong magkasama ng magkaro'n kayo ng quality time, chemistry and bonding. Okay ba 'yon?" tanong sa kanila ni Veronica.

"Opo, Ate Roni." Sagot ni Carey.

"Good. Gusto kong maipakita nyo ang chemistry na ito sa audience." Professional si Veronica pagdating sa org mates nito. Hindi ito naniniwala na pwedeng mag-coincide ang professional at personal relationship. Isa lang ang dapat manaig.

"Sige, cousin!" si Gian iyon, nakangiti kay Veronica.

"Whatever, Gian," naiikot ni Veronica ng 360-degrees ang mata. First time lamang makita ni Carey na magkaro'n ng expression ang monotonous na mukha ni Veronica. "Anyway, Carey Anne, please tell Marie Chloe, thank you. Sabihin mo galing sa'kin."

"Sige po, pero bakit po?" takang-tanong ni Carey.

"Well, ask Gian why." Ngumiti ito ng makahulugan sa kanya at dumiretso na sa stage para i-instruct ang mga tao doon.

"Gian?" nagtataka ang tinging ibinigay ni Carey kay Gian.

"Busted," napabuga ng hangin si Gian.

"Ano'ng ibig niyang sabihin?"

Umupo si Gian sa malapit na upuan. Ganoondin ang ginawa ni Carey, umupo ito sa katabing upuan ni Gian.

"Well, obviously, Veronica is my cousin. Kaya nu'ng nakita ko na ang script na nabasa ko ay script ni Odette ng Swan Lake, I went to her. She said I could get a copy but only if I would play Siegfried, matagal niya na akong pinipilit na mag-lead role sa mga ballet theatre play n'ya. Kahit nu'ng last year na Cinderella: Ballet Musical, she wants me to be the prince. But she was never able to convince me. Matagal na kong tumigil sa pagba-ballet. Swimming is my passion now. Pero for the first time, I said yes. Hindi man lang siya nagdalawang salita sa'kin," Kwentong paliwanag ni Gian.

"B-bakit?" naramdaman na naman ni Carey ang mga paru-parong tila nagliliparan sa kanyang tiyan. Laging ganito ang kanyang pakiramdam kapag nakakausap niya si Gian. Mas matindi ngayon ang antisipasyon niya. Bakit tinanggap ni Gian ang role kung ayaw na nitong mag-ballet? Ano'ng dahilan?

"Because I got smitten. So much smitten…" he was dreamy. He was smiling while staring at the open space.

"Smitten?" K-kanino?" lumalakas ang kabog ng puso ni Carey.

"To none other than, Marie Chloe Torevilla. I think I like her and I want to be her boyfriend." Ngiting-ngiti ngayon sa kanya si Gian.

May nakapang panghihinayang sa sarili si Carey.