NAKATAYO si Lexine sa harapan ng malaking hagdanan sa gitna ng mansion, sa itaas ng ceiling naroon ang malaking chandelier. Napakatahimik ng palagid at walang ibang naroon kundi siya lang.
Isang munting tunog ang naririnig ng kanyang tenga. Sinundan niya kung san iyon nangagaling. Umakyat siya sa hagdan, patungo sa mahabang hallway sa second floor at naglakad nang naglakad. Habang mas napapalapit siya sa sinusundan ay nakikilala na niya kung ano ang naririnig. Ang 'Brahms lulaby'
Patuloy niyang binaybay ang mahabang hallway hanggang sa huminto siya sa tapat ng pinto. Doon nangagaling ang nakaantok na lulaby. Dahan-dahang niyang pinihit ang door knob at binuksan ang two door.
Bumungad sa kanya ang baby room na inayos mismo ng asawa niya. Nakabukas ang mobile crib toy at dito nangagaling ang tunog ng Brahms lulaby habang umiikot ang mga cute animals nito. Nasa gitna ang puting crib at nangibabaw ang iyak ng baby.
"Uwaaaah! Uwaaaah! Uwaaaah!"
Nataranta si Lexine nang marinig ang iyak ng anak niya, "Baby!"
Agad siyang lumapit sa crib at tila nalusaw ang puso niya nang makita ang umiiyak na munting anghel habang nakahiga ito sa loob ng crib. Nang magtama ang kanilang mata ay huminto ito sa pag-iyak at ngumiti.
"Anak ko," namuo ang luha sa kanyang mata sa labis na kasiyahan nang makita ang nakangiting mukha ng kanyang anak.
Kinuha ni Lexine ang munting sangol at binuhat sa kanyang mga bisig. Halos hindi niya maramdaman ang bigat nito sa sobrang gaan, napakaliit ng mukha nito at kulay brown ang mga mata. Kapareho ng mata ni Night.
Lumolobo ang puso niya sa labis na saya. Hindi niya magawang maipalawanag ang ligayang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
"My little angel, mommy loves you so much," binaba niya ang mukha at hinalikan ito sa noo.
Pag-tingin ulit ni Lexine sa mukha ng anak ay agad nanlaki ang mata niya.
Mabilis ang pag-iling niya habang nanginginig ang buong mukha. Tila bagyong bumuhos ang kanyang luha.
Dahil ang anak niya ay nangingitim at walang buhay. Ni hindi ito gumagalaw.
"Baby, baby, baby…" niyugyog niya ang bata pero nanatili itong bato sa tigas.
"Baby, please, wake up, no… no…. no!!!"
"NOOOOOOO!!!!!"
Bumalikwas ng bangon si Lexine mula sa isang masamang bangungot. Nagtaas baba ang dibdib niya sa labis na kaba at lakas ng pintig nito. Agad niyang niyakap ang sarili at nakahinga nang maluwag nang makapa niya ang malaki niyang tiyan.
"Lexine!" bumukas ang pintuan at ang nag-aalalang mukha ni Night ang bumungad sa kanya.
"Night…" tuluyan na siyang napahagulgol nang lumapit ang asawa niya at niyakap siya nang mahigpit.
"Nananigip ako, may nangyari daw masama sa baby natin," aniya na hindi mapigilan ang pag-iyak.
Pinaulanan siya ni Night ng halik sa noo at ulo, "Nananaginip ka lang, baby is safe, walang nangyari masama sa anak natin."
Tuluyang nabunutan ng malaking tinik ang dibdib ni Lexine nang maramdaman ang init ng bisig ng asawa at ang magandang balita na hindi napahamak ang anak nila. Ang huling naaalala niya'y dinugo siya.
Doon niya lang napansin na nasa loob siya ng Moonhunters clinic, may dextrox na nakaturok sa isa niyang kamay at nakahiga siya sa hospital bed.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Devorah, kasunod nito ang iba pa nilang kaibigan na nag-aalala ang mga mukha.
Lumapit si Devorah, "You don't have to worry Lexine, malakas at matapang ang anak niyo, hindi siya bumitaw, stress lang ang naging dahilan ng pagdudugo mo."
Napatungo-tungo siya at hinimas ang tiyan, "Thank you Dev."
"What happened Lexine? Bakit ka hinahabol ng mga Keepers?" tanong ni Eros.
Doon niya lang naalala ang lahat ng mga nakakatakot na pinagdaanan. Humigpit ang kapit niya sa kamay ng asawa at tinignan ang nag-aalala nitong mga mata na katulad ng lahat ay wala rin itong alam.
Humugot siya ng hangin bago sumagot, "Gustong patayin ng mga Elders at anak namin."
"What!?" napasigaw si Night sabay napatayo at mabilis na nagdilim ang mga mata.
"Pero bakit?" naguguluhang tanong ni Miyu.
Muling namuo ang luha sa mga mata ni Lexine nang maalala ang mga pinagsasabi ni Kreios sa kanya. Kinuwento niya ang lahat ng mga sinabi sa kanya ni Abitto at ng mga Elders.
Natahimik ang mga kaibigan niya at walang makapagsalita. Nababahala ang mga itsura nila samantalang nagkukuyom naman ang mga palad ni Night sa labis na galit.
Nagdidilim ang kanyang buong mukha habang nakatayo sa gilid ng asawa, "Sila ang papatayin ko," nagkikiskis ang ngipin niya.
"Ano na ang gagawin natin? Siguradong hindi titigil ang mga Elders hangga't hindi nila nakukuha ang anak niyo," nababahalang tanong ni Elijah.
"Hindi ako papayag! Hindi nila pwedeng kunin ang anak ko!" sigaw ni Lexine habang panay ang pag-iling, "Night, hindi nila pwedeng makuha si baby," muli siyang umiyak.
Sa tuwing naiisip niya ang napaginipan niya ay binabalot siya ng matinding takot.
Agad umupo si Night sa tabi ni Lexine upang patahanin siya, kinulong ng mga palad nito ang kanyang magkabilang pisngi at pinakatitigan siya sa mga mata, "Hush, I won't let them come near you. I'm here to protect you and our baby. I promise," he kissed her crying eyes.
Hinawakan ni Lexine ang dalawang pulsuhan ng asawa at unti-unting tumungo. Sapat na ang mga narinig niyang salita ni Night para kumalma ang puso niya. Nagtitiwala siyang hindi sila pababayaan ng asawa niya.
"Don't worry Lexine. Nandito kami, hindi namin hahayaan na may mangyari masama sa anak niyo," matatag sa saad ni Miyu.
"Babe is right, if we have to kill those dead fuckers, then we will kill them again and again until they burn in hell," dugtong naman ni Elijah na katulad ni Night ay madilim pa sa gabi ang mga mata.
"Pero hindi basta-basta ang mga Elders, makapangyarihan sila, hindi sila ordinaryo lang," nababahalang paalala ni Devorah.
Sabay-sabay na napabuntong hininga ang lahat dahil tama ito. Hindi madali ang mga nilalang na kailangan nilang takasan at kalabanin.
Nang may naalala si Lexine, "Si Cael, kailangan kong makausap si Cael, hihingi ako ng tulong sa mga Arkanghel baka makipag-usap sa kanila ang mga Elders."
Makahulugang nagtinginan ang magkakaibigan.