Chereads / SANTINO / Chapter 1 - KABANATA 1

SANTINO

ralph_lansaderas
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.1k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - KABANATA 1

"Hoy Bloom! Is that you?"

Nagulat ako ng may biglang tumawag sa akin. Sa lahat ba naman ang itatawag sa akin ay ang pangalan ko pang kinaiinisan ko. Bakit ba kasi ito ang ipinangalan sa akin ni Maharta.

"Alexa?" Ano na naman ang ginagawa ng babaeng ito rito?

"Nagulat ka? I'm here for a mission." Giit nito.

"Ha? Bakit dito?" Naguguluhan na ako.

"Sira, siyempre nandito ang target ko. At kung ako saiyo umalis ka dito sa beach at humanap ng iba."

Wala akong nagawa. Punyetang babaeng ito!

Nagmamadali akong bumalik sa aking room at nilisan ang beach! Putcha, nawalan na ako ng gana! Nakakagigil talaga ang babaeng iyon.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Maharta.

"Yes? Sino to?" Kabilang linya.

Nagpalit nga pala ako ng phone.

"Si Bloom ito, bakit nandito sa beach si Alexa?" Diritso kung tanong.

"Iwan ko ang alam ko lang ay may mission siya ngayon at wala sa beach ang target niya."

"Okey, bye." Binaba ko ang cellphone. Ang gaga talagang nakuha pa rito maglandi. I know nobyo na naman nito ang kasama. Iyong brusko at hambog na lalaking iyon. Ugh..Nakakainis ang dalawa!

Wala na akong magagawa pa. Bumalik nalang ako ng Manila.

Maghahanap nalang siguro ako ng ibang pupuntahan. Pwede kaya sa Bohol ako? Matagal ko na ring gustong  puntahan ang Bohol ang kaso wala akong vacant noon at kailangan ko pang ibuwis ang aking buhay para magka-bakasyon.

Wala na akong magagawa pa. Dito na ako lumaki at ito na rin ang aking nakahiligan.

Mabilis akong magtungo sa airport, may access ako kaya madali akong nakakuha ng ticket.

****

Sa wakas ay nakarating na rin ako sa Tagbilaran City ito yata ang City of Friendship. Mukha nga dahil panay ang ngiti ng mga tao. Lumabas ako ng airport. Saan ako nito?

May lumapit sa aking tao and I guess isa itong tricycle driver. Bago pa ito magsalita ay inunuhan ko na.

"Manong, may malapit po bang hotel rito."

Ngumiti ito, "Opo Ma'am hatid ko na po kayo. 8 pesos lang."

"Ahh tara na po."

***

Pagakatapos kong magbayad sa driver ay bumaba na ako. Mayaman rin pala ang siyudad. May malalaking buildings. Pumasok ako loob at nagtungo sa receptionist.

"Good morning, pwede bang mag check in for two weeks?"

"Yes, pwedeng-pwede."

"Okey."

Medyo sandali rin akong nakatayo dahil may mga simabi pa ang receptionist sa akin about sa offer at service nila.

Ilang sandali pa ay inihatid na ako ng isang crew sa aking room. Pagkapasok ko ay malinis at mabungo ang room. Agad akong napahiga at iniwan na ako ng crew. Hindi ko na nagawang magpasalamat dahil puyat ako. Kaya nakatulog ako sa sobrang pagod!

Nang magising ako ay past 7 PM na. Nagpasya akong mamasyal kaya lumabas ako hotel.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa malapit na mall. Mas cool rito dahil simple lang talaga.

"Manong may taxi po ba rito?" Tanong ko.

"Opo, Maam at pwede kayong tumawag anytime."

"Ahh, ganoon po ba."

"Opo."

Hindi na ako nagtanong pa hanggang sa makarating na ako sa mall. Ang daming tao sa loob. Pumasok na ako at patingin-tingin lang kung may gusto akong bibilhin ay lalapitan ko nalang.

Nakarating ako sa section ng mga damit. Papasok na sana ako ng may biglang bumangga sa akin. Gosh! Mabuti nalang at mailap ako kaya napailag ang aking balikat. Napatingin ako sa lalaki at kaagad na nanlaki ang aking mga mata!

Nobyo ito ni Alexa? Tangna, don't tell me nandito rin ang gaga?

Napakunot ang noo ng lalaki ngunit hindi ko ito pinansin. Maybe kilala ako nito dahil kasamahan ko nobya niya.

"Wait, are you Agent B?" Tatalikod sana ako ng magsalita ito.

"No, wala ako sa trabaho kaya di Agent B pangalan ko." Wika ko. Iyon ang rules namin kung nasa vacation kami retire muna kami sa agent. We need to enjoy. Tao parin kami!

"Okey, what's your name then?" Tanong nito. Grabe naiirita ako habang tumitingin rito. May ibang tumitingin rin sa gago!

"None of your business." Tinalikuran ko na siya. May sinabi pa siya ngunit diko narinig ng maayos.

Almost 30 minutes akong naglalakad sa mall. Maraming magaganda ngunit hindi ko naman magagamit. Nagpasya na akong bumalik sa hotel. Nag tricycle na rin ako.

Habang pabalik na ako may bigla nalang taong tumakbo sa harapan ng tricycle kaya nabunggo ito. Shit!

Nagmamadali akong bumaba at tiningnan kung sino iyon.

Nang tingnan ko ang mukha, nagulat na naman ako! Punyeta! tikbalang ba ang lalaking ito?

"Help me."  Wika nito.

Shit! Sugatan ito! Saan ito napaaway?

"Manong tulungan natin siya." Anas ko at lumapit naman ang tricycle driver.

Hirap kaming ipasok ang gago sa tricycle dahil matangkad ito!

inabot pa kami ng sampumg minuto! Dinala namin siya sa malapit na ospital. Mabuti nalang at maagap ang mga nurse  kaya agaran itong naasikaso.

"Kaano-ano kayo ng pasyente Ma'am?"  Tanong ng nurse.

Ano ba ang isasagot ko?

"Hmm, isulat mo nalang na kaibigan ako ng nobya ng pasyente."

"Ahh, ilang taon na siya?

Naoakunot ang noo ko, hindi ko alam iyon.

"Hindi ko alam, eh. I don't know about him. Nabunggo lang yan ng tricycle." Pinaalis ko na ang driver. Hindi naman iyon kasalanan ng driver dahil may malalang sugat na ang lalaki bago pa ito mabunggo.

Posible kayang nasa misyon ito?

Jusko! Ang malas naman; bakit dito pa?!

Wait posible kayang may ibang kasama ngayon si Alexa sa beach? Gosh! malabo naman yatang ngayon pa sila pumunta rito dahil mukhang kabisado na ng lalaki ang mall kanina.

And besides, last encountered ko sa lalaking ito noong nakaraang linggo pa.

Haist! Wala akong pakialam sa kanila!

********