Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Nagaloka

rockprincess
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4k
Views
Synopsis
Magpapasalamat sana si Kasthamandap sa batang lalaki ng maramdaman niya ang paggalaw ng lupa. Lumilindol ang buong paligid. Nagsigawan ang mga tao sa paligid at nagkagulo. Nawasak ang ibang gusali at gumuho. Dahil sa nangyari ay huli na namalayan ni Kasthamandap ang pagbagsak ng malaking semento patungo sa kanilang dalawa. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at pikit-mata lamang hinintay niya ang pagbagsak ng malaking semento sa kanila. Lumipas ang segundo ay wala siyang naramdaman. Pagmulat niya ng mga mata ay nagulat siya nang biglang pagsulpot...

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Nagaloka

Ang Nagaloka ay ang isang napakamagandang mundo. Maraming mansyon at palasyo na nakatayo at pinalilibutan ng mga magagandang hiyas. Mayroong kagubatan na puno ng mga nagkagandahang puno at mga bulaklak. Mga batis na kasing-linis ng langit. Sa bawat paligid ay maririnig ang mga awit ng mga ibon. Parang paraiso ang bawat kaharian sa mundo ng Nagaloka.

Subalit, kakaiba ang mga taong nakatira sa Nagaloka. Lahat sila ay mga taong-ahas. Kalahating tao sa itaas at sa ibaba ay bunot ng ahas. Lahat ng mga kalalakihan at kababaihan ay kapwa magagandang tingnan. Nagsusuot sila ng mga mamahaling kasuotan at mga alahas sa katawan. Tradisyon sa kanilang mundo ang magsuot ng isang makukulay na brilyante sa noo. Sagana sa yaman at mga brilyante ang mga Naga. Kaya maraming ipagmamalaki ang mga Naga at iyon ay salamat sa kanilang hari ng Nagaloka, na si Maharahaj Kasthamandap Rana Bahandur.

Mahigpit ang mga batas ni Kasthamandap. Dahil sa kanyang panunungkulan ay napanatiling mapayapa at ligtas, ang kanilang kaharian. Ang sinumang magkamali ay bibigyan ng parusa ayon sa kasalanan na ginawa. Kaya maraming gumagalang at natatakot sa kanya.

Ngunit, isang araw ang mapayapa at tahimik nilang mundo ay nagamabala ng malakas na lindol. Sa lakas ng lindol ay maraming gusali ang nawasak at nasira. May ilan sa kanila ay nasaktan at namatay sa nangyaring lindol. Tatlong araw sunod-sunod niyanig ng lindol, ang kanilang mundo. Dahil sa nangyari ay pinatatawag ni Kasthamandap, ang Guru ng Nagaloka. Ang Guru ay nagsisilbing tagapayo at isang mahusay na salamangkero sa kanilang mundo. Itinanong niya kung bakit tatlong araw na silang niyanig ng lindol.

"Kamahalan, ang dahilan ng paglindol sa ating mundo ay paubos na ang tubig ng Ghati. Ito ang nagsisilbing orasan ng mga Naga sa loob ng maraming henerasyon. Tuwing isangdaan taon ay ibinabalik ang mga nawalang tubig sa loob ng Ghati. Kapag hindi naibalik sa kinalalagyan ang tubig ay magugunaw ang Nagaloka." Paliwanag ng Guru.

Nagulat ang maharahaj. "Kung ganun kailangan natin malagyan ng maraming tubig ang Ghati!"

Umiling ang Guru. "Ang tanging makagawa nito ay ang tagapagbantay ng mga orasan. Siya lamang ang makakagawa nito, kasabay ng salamangkang dasal."

"Saan ko matatagpuan ang tagapagbantay ng mga orasan?" Tanong ni Kasthamandap.

"Sa mundo ng mga mortal, Kamahalan. Doon mo mahahanap ang kaharian ng Mayan, kung saan ang tagapagbantay ay naninirahan. Hanapin mo ang angkan ng mga Itza." Sagot ng Guru.

Hindi makapaniwala sa narinig, ang maharahaj. "Isang mortal?! Hihingi tayo ng tulong mula sa isang mababang uring nilalang? Isang malaking insulto ito sa mga katulad nating tinaguriang bathala."

"Subalit, Kamahalan . . . kailangan natin ng tulong mula sa tagapagbantay ng mga orasan. Siya lamang ang pag-asa natin, upang mailigtas ang ating mundo."

Walang magawa si Kasthamandap kundi sundin, ang payo ng Guru. Kaya pumunta siya sa mundo ng mga mortal, para hanapin ang tagapabantay ng mga orasan. Nag-anyong mortal siya upang hindi matakot sa kanya ang mga taong makakita sa kanya. Gamit ng kanyang mahiwagang espada ng ahas ay nakapagbukas siya ng lagusan patungo sa mundo ng mga mortal.

Sa wakas ay narating niya ang kaharian ng Mayan sa mundo ng mga mortal. Namangha siya sa ganda ng kaharian.Nakatayo ang mga nagkagandahang palasyo, templo at piramide sa bawat lugar ng kaharian. Makukulay tingnan ang mga pintura na nakaguhit sa bawat gusali. Maraming tao ang nagtitinda sa malawak na plasa. Lahat ng mga kalalakihan ay nagsusuot ng mga bahag sa beywang at mabalahibong bandana sa ulo. Samantala, ang mga kababaihan ay nagsusuot ng blusa at mahabang blusa. Simple lang ang mga pamumuhay ng mga mortal. Hindi ito kagaya sa mundo ng Nagaloka.

Nagtanong si Kasthamandap sa isang matandang babae na nagtitinda ng mga kakao. Tinanung niya kung saan matatagpuan ang mga tribong Itza. Agad siya pinasamahan ng matanda sa apo nito, upang dahilan sa tinitirhan ng mga tribong Itza. Nagulat si Kasthamandap nang itinuro sa kanya ng batang lalaki, ang magandang palasyo na piramide.

"Diyan nakatira ang mga tribong Itza. Sila ang namumuno dito sa kahariang Mayan." Wika ng batang lalaki.

Magpapasalamat sana si Kasthamandap sa batang lalaki ng maramdaman niya ang paggalaw ng lupa. Lumilindol ang buong paligid. Nagsigawan ang mga tao sa paligid at nagkagulo. Nawasak ang ibang gusali at gumuho. Dahil sa nangyari ay huli na namalayan ni Kasthamandap ang pagbagsak ng malaking semento patungo sa kanilang dalawa. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan at pikit-mata lamang hinintay niya ang pagbagsak ng malaking semento sa kanila. Lumipas ang segundo ay wala siyang naramdaman. Pagmulat niya ng mga mata ay nagulat siya nang biglang pagsulpot ng isang babae sa kanilang harapan. Mahaba ang tuwid nitong buhok na hanggang beywang. Nakasuot ang babae ng gintong maskara. Kapansin-pansin ang mga tatu sa katawan, dahil sa maikli nitong pananamit. Nakatayo siya at nakataas ang isang kamay na may hawak na mahabang sibat sa ere. Pag-angat ni Kasthamandap ay nakita niya nakalutang at nakahinto sa ere ang malaking semento. Iniligtas sila ng babaeng nakamaskara!

Narining ni Kasthamandap na pabulong sinambit ang isang dasal, sabay waslik sa sibat at hinampas sa lupa. Biglang gumalaw paligid. Bumalik ito sa dati nilang kinalalagyan. Tilang walang nangyari sira na galing sa lindol. Pagkatapos ay humarap ito sa kanila at hinubad ang suot na maskara. Tilang huminto ang paghinga niya na masilayan ang maganda at maamong mukha ng dalaga.

"May nasaktan ba sa inyo?" Tanong ng dalaga.

Tilang hindi makapagsalita ang maharahaj, kaya ang batang lalaki na lang ang sumagot. "Hindi po kami nasaktan, Prinsesa Malina. Maraming salamat sa pagligtas mo sa amin."

Isang prinsesa ang nasa kanilang harapan? Nagulat si Kasthamandap.

Ngumiti ang prinsesa. "Mabuti naman kung gaano." Marahan niyang hinimas ang ulo ng batang lalaki.

Parang hindi maganda ang pakiramdam ni Kasthamandap nang makita niya ang matamis na ngiti ng prinsesa. Ang sakit ng dibdib niya dahil sa lakas ng kalabog nito. Lalong lumalakas ito nang tumingin ito sa kanya. Ngayon lamang siya nakadama ng ganito sa isang babae. Sa isang MORTAL pa!