Chereads / Let's Deal Baby / Chapter 1 - Let's Deal Baby (One Shot)

Let's Deal Baby

Astherielle_Zari
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Let's Deal Baby (One Shot)

One shot!

Hello? Mga kareaders. Sana magustuhan niyo ito ang una kong gawa.

****

"Megan si Tanfel oh! Ayiehhh" Tukso ni Taicka saakin.

"Tumigil ka nga Taika. Hindi ko yan magugustuhan sa yabang at antipatiko niyan. Uuod lang ang magkakagusto sa kanya. Kaya pleasse tigilan mo na ako sa kanya." sa inis ko kay Taicka lumabas na ako ng room para ilagay itong mga gamit ko sa locker.

Pagsara ko! HOLY SH*T!

Napatalon ako sa gulat ko.

"Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko kay Tanfel. Na ngayon na kasandal parin sa tabi ko.

"School ito malamang nag aaral" ngising niya sabi.

"Haha!" binigyan ko siya ng sarcastic na tawa. Napa pilosopo pa. Hindi naman gwapo. Tsskk.

"Baket ba ang laki ng galit mo saakin?" sinusundan niya ako. Hinawakan niya ang pulsuan ko.

"Ano ba? Sige! Gusto mo malaman naiinis ako sayo. Napaka yabang mo. Ang gusto ko lubayan mo na ako." sigaw ko sa kanya. Naiirita na ako sa kanya kaya hindi ko napigilan yung sarili ko.

Kaya kami tinutukso eh. Ganyan siya kung umasta akala mo boyfriend ko.

"Sige! Let's Deal Baby." napakunot ang noo ko sa kanya. Ano nanamang kalokohan yan Tanfel.

Lumapit siya saakin. At humakbang siya saakin ng dahan dahan. Kinulong niya ako sa dalawang bisig niya. Nakatitig siya saakin.

"Bigyan mo ako ng isang buwan. Mag panggap ka ng girlfriend ko. Kung sino ang unang mainlove siya ang talo." Seryoso niyang sabi.

"Ano naman mapapala ko sa deal na yan?" tanong ko sa kanya. Bumitaw na siya sa pag titigan saakin. At umalis na siya sa pag kakakulong saakin

"Tulad ng sabi mo lulubayan kita at ako ang mag babayad ng tuition mo ngayong semester." napangisi ako sa kapalit.

Sigurado naman akong matatalo siya eh! Saaming dalawa siya ang may gusto saakin. Kaya hindi na ako mahihirapan manalo pa.

Pag kagising ko kinaumaga ang sarap ng tulog ko. Wala na akong iisipin na bayaran ngayong semester. Matagal tagal pa yung susunod na semester kaya hindi ko muna proprobmalin yun.

Habang nag lalakad ako sa hallway ng unibersidad.

Nakatatanggap ako ng masasamang titig saakin.

"Kunyari kunyari pa siya eh. Gusto niya rin naman pala si Tanfel" bulong nung isang babae. Mukhang senior.

"Oo nga eh! May landi din palang itinatago!" sabi din isang babae mukhang mag kaklase sila.

"Hoy Megan kayo na pala ni Tanfel ah!" tusok ni Taicka sa taligiran ko.

Ah! Kaya pala inoorashonan ako ng mga haliparot na ito. Siguro sinusumpa na ako ng mga nito. Dahil sa akala nila totoong kami ni Tanfel na yun.

"Good morning babe!" Halik ni tanfel sa pisngi. Napatalon ako sa ginawa niya. Itutulak ko sana siya kaya lang naalala ko yung pusta.

"Aw! Ikaw pala yan Babe! Good morning din!" ayos ko sa kwelyo ng damit niya naramdaman kong dumaduosdos yung kamay niya sa bewang ko.

"Ikaw huh! Minamanyakan mo na ako." bulong ko sa kanya. Yun yung dahilan ng pag ka ngisi niya.

Siguro tuwa tuwang na yung dugong na yun.

Nag susulat ako ngayon sa bench. Natapos na kasi yung morning class namin eh. Breaktime ngayon.

Tinamad na ako mag sulat. Kaya nag drawing na lang ako. Ahm! Hindi naman sa pag mamalaki magaling ako mag drawing. Ehem ehem!

Gusto ko sana idrawing si Mama eh.

Baket hindi ko magaya yung mata niya. Nakakainis na ah!

"Ano bayan sayang yung nga papel oh!" nagulat ako sa nag salita. Si Tanfel pala yun. Umusog ako para maka upo siya.

Pinulot niya yung isa sa mga drawing ko kanina na may mali.

Binuklat niya yung papel at tinitigan ng mabuti.

Dikit niya sa mukha ko yung papel at tumingin pabalik balik. Pinag kukumpara niya yata.

"Ang ganda pala mama mo. Pero mas maganda ka!" Tsskk Mambobola.

"Medyo kapalan mo yung kilay niya at pungayan mo pa para maayos muna." tingin niya sa ginagawa ko ngayon.

"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya. Siguro stalker ko siya no. Kaya alam niya mukha ng mama ko.

"Eh mag kamukha naman kayo eh!" singit niya. Mag kamukha ba kami ni mama? Ang ganda ganda ni Mama eh. Nung kabataan nga niya eh. Ang dami daw nanliligaw kay mama sabi ni lola.

"Ano ito?" tanong ko sa kanya.

"Buksan mo!" binuksan ko nakita kong may burger at dougnots doon at may c2 pa.

"Dami naman!" Tawa ko habang sinasabi.

"Kung boyfriend mo ako mas marami pa yan araw araw" bulong niya sa kawalan akala niya hindi ko narinig.

Kung boyfriend kita hindi ko kailangan yan. Kasi hindi naman kita minahal para maging ATM kahit gaano ka pa kayaman.

Kung alam mo lang Tanfel...

Lumipas ang isang linggo ganun ang sitwasyon namin. Papasok ako sasalubungin niya ako. Minsan nga eh. Pinipilit niya akong sunduin sabi ko bawal magagalit si Mama.

Kaya lagi niya na lang ako hinahatid.

Hahatiran ng iba't ibang pagkain pag break time.

Parang ayoko na mawala yung ganito. Gusto lagi siyang nasa tabi ko.

"Hi babe! Happy weeksary. Ito yung araw nung sinagot mo ako." yakap pa niya saakin. Parang nasasanay na ako sa mga touchy moves niya.

Baka miss ko ito lahat pag natapos na itong deal na ito.

Pag katapos namin mag klase pumunta kami sa isang lake na may maganda at malinis na damo. Nag latag siya ng sapin. At humiga ako sa biceps niya habang mag kayakap kami.

"Megan parang ayoko na matapos na itong deal na ito." bulong niya saakin.

Mag papanggap na lang ako hindi ko naririnig. Kasi hindi ko naman alam ang isasagot ko.

Inaamin ko ako rin naman eh. Ayoko na rin matapos na itong letcheng deal na ito.

Gusto ko totoohanin na ang lahat.

2 dalawang linggo na lang ang natitira.

Naiinlove na yata ako.- Sabi ng puso ko.

Hindi pwede matatalo tayo sa deal pero totoohanin mo ang lahat- sabi ng utak ko.

Pag sinunod ko silang dalawa talo parin ako. Anong gagawin ko?

Ang sakit na ah! Nakatulog na pala ako.

Ngayon yung weeksary namin.

Nag ayos ako at pumasok ng maaga.

"Nasaan si Tanfel?" tanong ko kay Taicka. Mag tatapos nayung klase hindi parin siya nag papakita saakin.

"Megan nakita ko si Tanfel sa gym ah. Kasama si Grace" sambit saakin Joshua. Kateamate niya sa basketball.

Agad agad akong pumunta sa gym.

Baket niya kinalimutan yung special na araw namin.

Sa hindi kalayuan natatanaw ko si Grace papalapit kay Tanfel.

Lalapitan ko sana sila. Pero pinunasan ni Grace ang pawis niya sa noo at niyakap pa ito. At hinalikan niya ito sa labi.

Walang hiya kang hinayupak ka! Hindi ka man lang pumalag. Parang wala kang girlfr..

Baket ba ako nasasaktan ng ganito?

Isa lang naman itong deal na ito.

Siguro saaming dalawa ako na ang talo.

Ako lang nag mahal sa kanya at akala ko naman mahal niya rin ako.

Ilusyonadang palaka talaga ako.

Baket naman niya ako magugustuhan isa lang naman akong simpleng babae. Hindi sobrang puti at sexy. Anong laban ko sa hipon na Grace na yun.

Edi yun yung gusto niya yun edi mag sama sila. Mga impakto sila!

"Okay ka lang ba?" sabi saakin ni Vince

Tumungo ako alam ko namang halata sa mata ko ang mugto kaya hindi niya ako ulit tinanong.

Mabait si Vince mag iisang taon na ito nanliligaw saakin.

Baket hindi na lang ito yung minahal ko?

Kung sino pa yung nag mamahal saatin sila pa yung nasasaktan dahil sa pag kakamali natin mahalin ang ibang tao. Na hindi naman kaya tayong mahalin pabalik.

Kung natuturuan lanv ang puso dapat si Vince na lang.

Letche! ka Tanfel. Mag kakulugo ka sana.

Hinatid ako ni Vince. Kapag kasama ko siya ramdam kong alaga ako at iingatan niya ako.

Nakauwi na ako sa bahay buti na lang wala si Mama. Para interviewhin ako kung kung saan ako galing at baket ako ginabi umuwi.

Buti nakatulog na agad ako.

Kinabukasan walang tanfel.nag pakita saakin. Lumipas ang isang linggo walang tanfel ang nag paramdam saakin kahit anino wala! Saan na kaya yun pumunta.

Naalala ko yung first weeksary namin sa bandang lake sabi niya paborito niyang lugar iyon pag gusto niyang mapag isa.

Hindi ako nag kamali isang tanfel ang nakita ko.

Nagulat pa siya nung nalaman niya nandito ako pero umiwas din siya at lumayo.

Hindi pa nga tapos yung isang buwan tumigil na siya. Fuck boy ka talaga tanfel.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya saakin

"Anong nagyayari sayo?" lapit ko sa kanya. Niyakap ko siya wala na akong pake sa deal kahit talo na ako. Okay nga yun para lagi na siya ulit sa tabi ko.

Inalis niya nag pag kakayakap ko sa kanya.

"Yung about sa deal. Tapos na yun talo na ako." Ano ibigsabihin niya? Nainlove na siya saakin. Pero parang imposible naman nun eh. Kitang kita na gusto niya si Grace.

Oh? Di kaya ayaw na niya talaga saakin?

"Oo inaamin ko nainlove na ako sayo" malungkot niyang sabi.

Tumibok ang puso kong ng pag kabilis bilis parehas lang pala kami.

"Baket ka malungkot. Ako rin naman eh!" niyakap niya ako. At hinawakan ko ang pisngi niya at pinag dikit ang mga noo at ilong namin.

Pumikit ako. Naramdaman ko ang malamboy niya ng labi saakin. Dumaloy ang kuryente ang likod ko. At nag fifiesta ang mga butterfly sa tiyan ko.

Ito ba ang pakiramdam ng mainlove? Nakakaadik.

"Eh? Ano kayo ni Grace?" bumitaw ako sa yakap at halik niya nang natandaan ko yun.

"Wala yun. Akala ko kasi mawawala yung pag huhumaling ko sayo kung mag hahanap ako ng ibang babae." ngumiti ako kasi alam kong ako lang at alam niyang siya lang din.

Okay na kami. Tinapos nanamin yung deal. At mag 2 years na kami ni Tanfel ngayon. Sana nagustuhan niyo ang fairy tail na story namin ni Tanfel impakto.

Pasalamat sa pag babasa. Sa na nagustuhan niyo.

"Babe dalian mo jan. Nag aantay na yung kama oh!"

Osige na babye na nag mamadali na si Tanfel oh. Ingat na lang ka readers.

*****

Aminin na agad ang nararamdaman mo sa isang tao. Kung ayaw niyong mag sisi bandang huli.

Parehas man kaming talo sa pustahan atleast mahal namin ang isa't isa.

Sana magustuhan niyo.

May ginagawa po akong story sana po magustuhan niyo rin po.

Salamat ulit kareaders :D