Chereads / Nonsense na Buhay ni Rico Cortez / Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 25 - Chapter 24

The Final Chapter

" Emma ! Emma ! Pagbuksan mo naman ako ng pinto oh. Mahal na mahal kita alam mo ba yun? "

" nandito si Rico ate Charline sinundan nya pa talaga ako dito sa bahay "

" oh ano ulit yun? "

" tsk ate naman oh , absent minded ka talaga "

binuksan ko ang pintuan kasama si ate at hinarap si Rico. Di ko rin alam pero kinakabahan ako at parang . . Parang mahal ko na rin sya.

" Emma mahal kita at pangako ko sayo magpapa kabait ako at hinding hindi kita sasaktan "

Lumapit sya sa akin at pagkalapit nya ay yinakap nya ako ng mahigpit at.

" HOOOYYY EMMMA GUUMIISING KA NA!!!! " narinig ko ang boses ni ate At nananaginip lang pala ako.

*****************************

Di napansin ni Rico ang paparating sa kanya dahil sa kanyang ini isip at huli na ng mapansin nya ito kaya wala na syang oras para umilag.

[ON-PHONE]

" oh honey i love you "

" i love you too honey "

isang Jeepney Driver na nakikipag usap sa Cellphone at di nya agad napansin si Rico at Dahil din dun ay nasagasaan sya.

[Blag]

Nakahandusay sa kalsada si Rico. Duguan at wala ng malay.

" Diyos ko po " naipreno naman agad ng Driver pero masama ang pagkakadisgrasya ni Rico. Agad agad nila itong itinakbo sa Hospital na pinakamalapit.

" anong nangyari sa kanya? " tanong ng Nurse sa Driver at dali dali nila itong pinunta sa Emergency Room.

" nabundol ko po "

*****************************

" anong sinabi mo Doc Jay-ar? Nasagasaan si Rico? Oh sige sige papunta na ako jan " di rin mapigilan ni Rudy ang kanyang emosyon dahil sa nangyari sa kanyang anak.

Dali dali nga sya pumunta doon at nagulat nalang sya sa sinabi ni Dok Jay-ar sa kanya.

*****************************

[Emma's POV]

Nagtataka ako dahil ilang araw na ang nakalipas ay hindi ko na nakikita si Rico. Ano bang nangyari sa kanya. Simula kasi nung hinalikan niya ako di na sya nagparamdam sakin. Tsk talagang linoloko nya lang talaga ako. Nakita ko si Gov Rudy sa loob ng Hospital at nasa Front Desk sya nakatayo at may kausap.

*****************************

" Gov diba ikaw ang tatay ni Rico? " tinanong ko sa kanya ito. Namimiss ko narin kasi ang hangin na yun eh.

" oo iha ako nga , ano maipaglilingkod ko sayo? "

" nasan na po sya? Di ko na po sya nakikita eh "

Biglang tumahimik si Sir. Rudy at dahan dahan nya na sinabi sa akin ang lahat at di ko namamalayan na tumutulo na angaking mga luha.

" iha 4 days ng patay ang anak ko , as a father ang hirap tanggapin "

Matatag si sir Rudy at mas naapektuhan pa ata ako. sinabi nya lahat ng detalye at kung anong sanhi ng pagkamatay niya.

Dinalaw ko rin sya at sabi ng Ama niya na cremate na siya at nandun lang sa altar ang labi nya at yun ay nasa isang jar.

*****************************

Its Been A Year now nung namatay si Rico Cortez di ko alam kung ano talaga ang nangyari pero nandito parin sya sa puso ko. Totoo nga ang sabi nila na kapag nawala ang isang tao marerealize mo na mahal mo narin sya.

Hanggang sa huli masasabi mo ba na naging Nonsense ang Buhay ni Rico Cortez? Ako si Emma Del Valle at ako ang nagmamahal kay Rico Cortez.

THE END