Hay diyos ko!! Asan na kaya yung chicharong yun , kala ko ba idadala ako sa madaming chika bebes.
'' pre nandito nako , pasensya na ah natagalan eh ''
Ano pa ba ang bago? '' tss langya kang oink oink ka nasan na yung mga chikas? ''
'' woah woah pre chill ka lang , may event ngayon sa kabilang bayan madaming magaganda dun ''
'' ayan ang gusto ko eh , langya ano pa tinatayo tayo mo jan? Halika na !! Tang-ina mong pata ka '' di nako makapaghintay sigurado pagkakaguluhan ako dahil sobrang pogi ko.
*suot ng shades*
~ ~ ~ ~
Ahh ito pala ang event hall tsk tsk langya humanda na kayo at papasok na ang pinakapoging nilalang sa balat ng lupa.
'' ahhhhh !! ''
'' waaaahhh ''
'' woooohhh ''
'' witwew ''
'' ayan ayan talagang walang palya ang kapogihan ko , pagpasok ko palang pinagtitilihan na agad ako tsk ''
Syempre nagpose ako ng poging pose at nag pacute ng super langya ang pogi ko kaya.
'' hoy umalis ka jan sa daanan may dadaan na Celebrity ''
Tae '' ano? Anong celebrity ang pinagsasabi mo? Di ako celebrity sadyang pogi lang talaga ako kaya palagi akong napagkakamalan ''
Nakatingin sa akin ang putang inang gwardya at ang sama ng mga titig nya. Nababakla yata to sakin eh.
'' woooooohhhhh ''
'' idol ''
Sumisigaw ang mga tao , langya may star power talaga ako. '' wag kayong mag-alala bibigyan ko kayo ng autograph mamaya , ikaw!! Oo ikaw!! Ang pogi ko no? ''
Napakunot noo ang babae at sinabing '' umalis ka nga jan! Humaharang ka sa daan eh ''
'' ayiiiieeee kathniel ''
huh? Kathniel? Palusot pa mga to mas sikat ako sa mga yan eh tss.
Biglang lumakas ang hiyawan ng mga tao at pinatabi na ako ng mga gwardya at wala nakong nagawa.
'' wwwwaaaaaaaaahhhh!! Wooooohhhhh idddddoooolllllll ''
Patuloy sila sa pagsigaw at dumating nga ang kathniel na yan. Lumapit ako at hinarangan ko ang daanan nila.
'' hold it right there *looks up with confidence sabay alis ng shades* ganda mo miss kathrine *wink* wink* ''
Tumingin sya sa kasama niyang parang timang kung makatingin.
'' bro pwedeng tumabi ka muna jan at meron kaming mahalagang partisipasyon sa event na to eh ''
sinabi nya sakin ng nakangiti.
Langya bakla yata to eh halatang napopogihan sya sakin '' hey bro pwedeng akin nalang si miss kathrine? Frankly speaking ang baduy ng porma mo at halatang halatang mas pogi ako sayo ng ilang milyong beses ''
Speachless sila at di makatingin ng deretso hanggang sa.
'' HOOOYYYYY RIIIIICCCCCOOOOO ''
Natakot ako sa aking nakita.
O.O
'' dad? ''
itutuloy