Chereads / Lucky Me / Chapter 25 - LUCKY TWENTY FIVE

Chapter 25 - LUCKY TWENTY FIVE

CHAPTER 25

LUCKY'S POV

Natapos ang lahat ng subject namin ngayon araw pero ang litong nararamdaman ko hindi parin matapos tapos. Lumilipad ang isip ko kung saan saan. Pilit ko kasing inuunawa ang huling sinabi ng taratitat na MJ na yun na ako o kami ni Andi ang dahilan ng away nilang yun.Hindi ko kasi makita sa kahit anong anggulo kung bakit kami ang sinisisi ni Amber sa nangyaring iskandalo nila ni Kenneth.

Paulit ulit tumatakbo sa isip ko yung napanuod kong video. Ano na naman kaya ang ugat awayan nila? Bakit naman kami nadamay 'e hindi na naman namin siya nakakasama? Ako ba ang nanampal o nambuhos ng tubig sa payatot na yun para sa amin nila isisi ang video?

Nagalit lang naman siya nung malaman niyang magkakasama kami kumaen sa canteen. Pangalawa na yung lumabas na picture namin sa Hugot Cafe at sampalan sa campus. Ang sabi ni Wesley naayos na ni Kenneth ang problemang yun kaya hindi na nila gagambalain. Yun ang paulit ulet na gumugulo sa utak ko. Akala ko ba okay na tapos ngayon may ganito na namang eksena. Ilang beses na ba kaming hinarang ng mga bataan niya?

"Hoy, ses mukang ang lalim naman ata ng iniisip mo?" nahimasmasan ako ng itulak ni Marlon ang balikat ko. Napangiti lang ako sa kanila ni Andi at nagpataasan sila ng pagtikwas ng kilay. "Wala iniisip ko lang ang magiging strategy naten bukas sa laro." Palusot ko kay Marlon pero alam kong hindi ako makakalusot yung alibi kay Andi. Inilabas ko ang jumbo hotdog sa plastic.

"Oo ses bukas kailangan ipaghiganti naten si Papa Kenneth sa bruhang yun." Halos umabot ang nguso ni Marlon sa noo. Kahit kailan may dalang malas ang pangalan ng taong yun. Sinubo ko ng buo ang hotdog dalang inis.

"E ano na naman yung eksena niyo nila MJ kaninang umaga?" bigla akong nabilaukan sa tanong ni Andi.

"Dahan dahan sa pagsubo sa jumbo hotdog Lucky hindi mo kayang i-deep throat yan!" pang ookray ni Marlon habang hawak ko yung kalahati ng hotdog. Alam ko kahit 'di ko sabihin kay Andi sa laki ng bibig nitong si Marlon kahit di niya ibuka yung bibig niya ay kaya niyang ikwento yun kay Andi ang nangyari na walang kahirap hirap.

"As usual, routine nilang magka-kaibigan na mam-bengga ng mga bakla sa umaga." Walang kagana ganang sagot ko kay Andi habang ngumunguya. Nakakawala silang gana kumaen.

"Taray nga nitong si Lucky ses, walang takot sa mga Amasonang yun kung sagot sagutin parang Grade Two lang ang mga kausap. HA HA HA!" biglang tawa ni Marlon. Kanina pa talaga siya aliw na aliw sa bagay na yun dahil ako palang daw ang kauna unahang student sa Carlisle na sumagot sagot sa mga yun.

"Panay kuda lang naman mga yun. Kaya labanan din ng kuda na mas malala." Nakangiting sagot ko kay Marlon at nag high five kaming dalawa.

"Laughtrip nga mga sagot mo kanina dun pikang pika ang mga Amasona." Tuwang tuwang kwento niya.

"Ewan ko ba sa mga yun at pati sila nakikisali hindi naman sila kasama sa eksena namin kay Amber." Inis na sagot ni Andi habang umiinum ng softdrink.

"Ano favah, 'e closer you and i ang peg ng mga yan kay Amber. Palapad ng mga papel sa Carlisle." Parang ako yung nahilo sa ginawang pag irap ni Andi.

"Pero ses Lucky, mag ingat ka dahil may history na yan ng pakikipag away dito ang grupo nila MJ. At yung boyfriend niya ses gwapo nga pero mukhang manyakis at nakaka kyokot." At umarteng nanginig si Marlon sa kinauupuan niya.

"Sus maka arteh ka Marlon bet na bet mo naman yun dati." pambubuking ni Andi at napalingon ako kay Marlon na nakikipag taasan ng kilay kay Andi.

"Hoy nagbabago na ang taste ko pagdating sa lalake." Taas noong sagot niya. "Hindi na siya pumasa sa taste buds ko ngayon kaya ligwak ang lolo mo sa listahan ko." Maarteng dugtong pa nito.

"E yung video nila Kenneth at Amber?" pinandilatan niya kami ni Marlon. "Panay talaga ang eksena ng bruhang yan, akala mo Degree Holder siya Major in Pananampal Minor in pambubuhos ng tubig sa mukha." Gigil na litanya ni Andi at napayuko ako sa kinakaen ko.Muli na naman akong nananahimik sa narinig ko.

'Kamusta na kaya yung payatot na yun? Minsan na nga lang magpakita sa campus magpapasampal pa. Tch!'

Sa totoo lang nakukonsensiya na ako. Pakiramdam ko talaga may kasalanan ako kung bakit na iskandalo pa siya ng ganun. Hindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi pa kame nagsabay sabay kumain sa canteen kasama ng pinsan niya.

"Nakunan yun ng mga campus usisera. Yun na upload ka agad sa mga blog site nila. TADAAH! Sikat na naman ang hitad na si Amber dahil sa ginawa niya." Eksaheradang paliwanag ni Marlon.

"May araw din yang Amber na yan. Malamang ngayon hindi na siya makalapit kay Kenneth sa ginawa niya. Akala ko noon make up lang niya ang makapal sa kanya, pati rin pala mukha niya!" hindi matapos ang panggigigil ni Andi at abot hanggang langit ang galit nito dahil sa nangyari sa ultimate crush niya. "E yung eksena niyong dalawa sa pool area? Umaawra kayo ng hindi man lang ako sinasama?" kami naman ni Marlon ang napagbuntunan niya ng inis.

"Sorry Andres, parati ka kasing late kaya hindi ka nabiyayaan ni Lord ng maaga."

"Trot! Parati ka kasing late pumapasok yan naka pag almusal ng libre ng maaga!" gatong ni Marlon na lalong ikinainis ni Andres.

"Busog na busog ang mga mata namin kanina. Sorry!" ininggit ko siya sa abot ng makakaya ko.

"ISANG MALAKING CHECK NG PINK NA BALL PEN! At ang init pa ng hotdog at nilagang itlog ang inihain sa amin ni Ser Vasquez kanina. Yung bacon nalalasahan ko pa." Singkinang ng mukha ni Marlon ang mga mata niya. Basta talaga lalake buhay na buhay siya.

"PLLOOOOKKKKKKK!"

Binatukan ni Andi si Marlon.

"Sige mang inggit ka pa baklang 'to! Makapag kwento akala mo bumuking sa pool area!" naghagalpakan kami ng tawa ni Marlon sa pag iinarte ni Andres. Buti nalang talaga kasama ko sila kundi malayo na naman marating ng pag iisip ko.

"Yan si Lucky ang pinaka pinagpala lapitan ba naman yan ni Dave Tan." Duro sa akin ni Marlon ng hawak niyang bottled water.

"Y-Yung tsinitong varsity ng swimming team?" mabilis na sagot at nanginginig pa ang ibabang labi ni Andres.

'OA nito paano pa kaya kung sa kanya nakipag kamay kanina?'

"Korak, personal lang naman na nakipag kilala si Dave Tan sa kanya at seshie manunuod daw siya ng laban natin sa Friday!" napangiwi ako sa kakaibang saya ni Marlon.

"Ganda mo Luis Manzano alam mo bang bukod sa ipinagmamalaki siya ng Carlisle, may isa pa siyang bagay na pwedeng ipagmalaki?" nanlalaki ang mga matang kwento ni Andi.

"A-Ano yun?" pa inosenteng sagot ko pero hilatsa ng mga mukha nila at sa kakaibang kinang ng mata ni Andi at Marlon mukhang alam ko na ang tinutukoy nila. Mga baklang 'to!!!

"DAKILA YANG SI DAVE TAN! NAKAKALOKA KA!"

"KKKYYYYYAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!"

Sabay tilian ng dalawa at napatakip ako ng tenga.

'Buwesit na mga baklang 'to eelya!'

"Nakita ko nga mukhang may ipinagmamalaki naman talaga siya." Napapalunok na sagot ko. Naalala ko kasi yung nagkukumawalang muscle niya kanina sa pool area.

"MGA SES, MAY PAPARATING NA ULAM. 9 0O'CLOCK" Pa simple kaming lumingon ni Andi. Si Richard yung tisoy at astig na dancer ng Carilisle. Matangkad, maputi at may cute na dimples.

"DAAKKKKSSS!" Sigaw nilang dalawa pagdaan nung Richard.

"2 O'CLOCK" mahinang bulong ko. Si Andrew yung Soccer player. Moreno, matangkad, payat at mabalbon.

"DAAAKKKKKSS!!" sabay naming sigaw ni Marlon.

"QUARTER AFTER ONE." Natigilan kami ni Marlon at nagtatakang tumingin kay Andi.

"PLLOOOOKKKKKKK!"

Sabay naming binatukan si Andi.

'KINGENANG TO PAUSO!'

"KANTA YUN MGA LECHE KAYO!" singhal niya at pinaghahampas kami ng pamaypay niya.

'It's a quarter after one, I'm all alone and I need you now.

Said I wouldn't call but I lost all control and I need you now.

And I don't know how I can do without, I just need you now.'

"Ulol palusot mo beklu, sige ikaw iikot mo yung ulo mo ng 360 DEGREES? Hanapin yung yung quarter after one mo." hamon ni Marlon.

"1:15 ang quarter after one! Mga bubitang to.."

Dumaan sa harap namin si Justin yung half Korean half Pinoy na Taekwondo player at sikat ding dancer. Gwapong gwapo dahil sa KPOP look at isa siya sa tinitilian sa Carlisle dahil sa hot looks niya. Bigla ko tuloy na alala si Jasper sa kanya.

"DYYUUUUUTTTSS!" biglang sigaw ng dalawa. Nakatingin parin ako sa kanya habang naglalakad.

'Dyuts ba?'

"Ay taray mukhang disagree si ses Lucky. Bakit ang jowa ba DAKS?" Hindi makapaniwalang wika ni Marlon.

" Ay seshie Marla, kapag nakita mo ang ex boyfriend niya baka bigla kang mag transfer sa dating school nila." Eksaheradang kwento ni Andi. Sabay kalikot ng phone at pinakita kay Marlon ang Profile Picture ni Jasper sa Facebook dahil friend na sila.

"KYYAAAAAAHHHHHHHHH!" Malakas na tilian nilang dalawa at naghahampasan pa ng braso.

"EX MO YAN LUCKY? DALAHIRA KA, ANG GANDA MO TEH! ANONG LASA?!" kinikilig na tanong ni Marla.

"DAKS ba sesshiie?!" excited na tanong ni Andi.

'KINGENANG IINGAY!'

"Oo, kaya wag kayong mapang husga kung payat o mataba, dahil kapag gifted yan maloloka ka!" at saka ako tumawa.

"Hey are you guys ready?" at sabay sabay kaming napalingon sa likod.

"Hi Papa Wesley!" sabay na bati ni Andi at Marlon.

'Pakshet, Oo nga pala ngayon yung rehearsal namin sa bahay nila.'

"DAAAAAKKKKKKSSS!" kagat labing sambit nila at nag apir pa.

'Luh, kala ko tapos na. Daks ba, patingin? May chance... He he he!'

"Hello!" bati din ni Wesley sa kanilang dalawa.

"So saan ka sasabay sa kotse ko o sa kotse ni Andi?" tanong niya habang paulit ulit na nagtataas baba ang parehong kilay.

"Sayo nalang kami sasabay tinawagan ko na si Mang Lando mamaya na ako magpapasundo after ng rehearsal niyo." Si Andi na ang sumagot.

"How about you Marlon are you coming with us?" natulala lang si Marlon sa harap ni Wesley. Oo nga pala crush na crush pala ni beks si Wesley.

"Not now Wesley, may gagawin pa kasi ako sa bahay next time siguro kung pwede pa." Nahihiyang sagot niya.

"Sure, Lets go para di kayo masiyadong gabihin pag uwi niyo mamaya. Mauna na kame Marlon." Tinapik niya sa balikat si Marlon at muntik na itong matumba sa kilig.

After almost an hour na biyahe dahil sa traffic naging masaya naman kaming tatlo sa loob ng kotse ni Wesley. Sa back seat ako naka upo at magkatabi naman ni Andi si Wesley sa harap. Nakatulog na ako sa likod sa pagod at ginising lang ako ni Andi na malapit na daw kami sa bahay nila Wesley kaya lumapit ako ng upo sa gitna nila.

Pumasuk kami sa isang exclusive subdivision sa Quezon City ang Loyola Grand Villas. Namangha ako sa ganda at seguridad ng subdivision dahil sa gate pala mahigpit na ang mga guard on duty sa mga pumapasuk at lumalabas sa sasakyan. Malalaki at magagarbong bahay ang nadaanan mula sa gate kaya halos hindi ko na maisara ang bibig ko sa pagkamangha. Ilang minuto lang huminto kami sa isang malaki at modernong bahay na may kataasang green gate.

"Wow, ang ganda ng bahay mo Papa Wesley." Hindi mapigilang komento ni Andi habang nakasilip sa bintana.

"Its actually my parents house." Ngiting sagot niya at bahagya siyang tinulak ni Andi sa braso.

"Susmeh! Pa humble ka pa 'e nag iisang anak ka lang naman so sayo din mapupunta yan." Birong tugon ni Andi at natawa lang si Wesley. Maygad, alam kong mayaman sila pero hindi ko iniisip na ganito ka rangya. Bigla tuloy akong nanliit sa sarili ko. Kung pagsungitan ko pa siya noon akala mo naman may ibubuga ako sa buhay na meron siya. Sigh.

After mai-park ni Wesley ang sasakyan sabay sabay kaming bumaba ng kotse niya. Ilang ulet akong napalunok habang iniikot ko ng tingin ang kabuuan ng malaking bahay nila. Sa mga magazine ko lang nakikita ang ganitong kalalaki at kararangyang bahay. Sa malaking parking lot may apat na magagarang sasakyan ang naroroon at isang sports car.

'Whew! Tutyal naman ng batang a're.'

At lumapit kami sa tapat ng malaking brown na pintong kahoy na may kakaibang disenyo. Parang maze ang disenyo nito at naka embossed ang design sa pinto. Antique kaya ito? Nag doorbell si Wesley ng dalawang beses at may nag bukas na matanda na agad kaming binati at pinapasok sa loob ng magarang bahay.

"Good evening po Manang Loida. Mga kaibigan ko po si Lucky at Andi." Magalang na bati ni Wesley sa matandang sumalubong sa amin.

"Magandang gabi din iho, tuloy kayo sa loob." At binuksan niya ng malaki ang pinto.

"Manang Loida kanina pa po ba dumating sila Mommy at Daddy?"

"Kararating lang din ng parents mo halos magkasunuran lang kayo dumating." Sagot ng matanda. May kakatuwa sa malambing at may pontong pananalita nito.

"Sige po paki sabi nalang na dumating na po ako ay may mga kasama ako." Sinenyasan niya kami ni Andi na sumunod.

"Saan ko kayo hahatiran ng makakain Wesley?" habol ni Manang habang nakatingin sa akin at bahagyang ngumiti.

"Doon na lang po malapit sa sala, dun ko po kasi naiwan yung piano kagabi." Magalang na sagot ni Wesley.

'Infairness kahit nag iisang anak napaka galang niya. Akala ko kasi spoiled bratt siya 'e.'

Tinulungan ni Andi si Wesley sa pag se-set ng gagamitin namin sa rehearsal. Habang abala sila nilabang ko naman ang sarili ko na pagmasdan ang loob ng bahay ni la Wesley. Naka-ka WOW ang ganda at pagiging moderno ng disenyo ng buong sala na napapalibutan ng glass wall. Kaya matatanaw mo sa labas ang puting pader ang mga puno at mga halaman sa labas ng bahay. At nag pinaka paborito kong view sa kinauupuan ko ngayon ay ang malaking swimming pool nila.

'Tch! Ang laki laki ng bahay 'e nag iisa anak lang naman siya!'

Inayos ko ng kaunti ang gamit ko at nilaro-laro ko lang ang bagong Yamaha keyboard ni Wesley. Iba na talaga kapag anak mayaman. Namangha kasi ako matagal ko na kasing gusto magkaroon ng ganitong keyboard kaso ang mahal ng presyo sa Mall.

Naikabit na ang lahat ng kailangan namin sa rehearsal kung saan nasa bandang gilid kami ng malaki at magarang living room nila. Dumating naman si Manang Loida na may dalang meryenda. Mabilis akong tumayo at tinulungan siya sa dala dala.

"Ako na iha maupo ka lang diyan."

"Sige po kayo pong bahala." Napakamot lang ako ng ulo sa hiya. Tinawag naman ako ni Wesley na kasalukuyang nakaupo na sa harap ng piano. Lumapit ako at umupo sa tapat niya at nasa gitna namin ang portable keyboard.

"O ito ang copy mo." inabutan niya ako ng dalawang puting papel. "Nag print ako ng dalawa kagabi baka wala kang dala 'e." Nakaramdam ako ng pagkailang sa paraan ng pagtitig niya kaya pasimple akong nag iwas ng tingin.

"Wala nga salamat." Napakamot ako ng ulo sa hiya.

"So, sa first stanza ako muna.." turo niya sa hawak na papel. "Tapos ikaw ulet itong part na 'to..tapos ako naman dito.." tuloy tuloy na paliwanag niya at ako naman panay guhit lang sa papel kung saan ang part ng kanta ko. Ewan ko pero bigla akong nailang sa kanya. Masiyado kasing malapit yung mga mukha namin kanina. Malamig ang buong living room pero pinag papawisan ako sa kanya.

At saka siya nagsimulang tumipa sa piyano at sinabayan niya ng unang linya ng kanta..

"Love wandered inside

Stronger than you..

Stronger than I.."

Natulala ako mula ng ibuka niya ang mapulang labi at mangibabaw ang malamig na boses niya sa ere. Literal akong napanganga sa harap niya. Hindi lang ako makapaniwala galing ang napakagandang boses na yun sa kanya. Bukod sa pagiging makulit at isip bata may itinatago pala siyang ganitong klaseng talento.

'Huwaw ang gwapo na tapos ang gwapo pa ng boses niya.'

"L-Lucky. Lucky Its your turn.." paulit ulit na kalabit ni Wesley ko sa braso at saka lang ako natauhan.

"S-Sorry na distract kasi ako sayo." Nauutal na sagot ko. "Hindi ko alam na ganyan pala kaganda ang boses mo.." napakamot ako ng ulo dahil sa pagkapahiya at tumingin ako sa papel na hawak ko. Para akong na hipnotismo sa lamig ng boses niya. Ibang iba yung Wesley na kilala ko na isip bata sa kaharap ko ngayon.

'Umayos ka Gonzaga!'

Narinig kong humagikhik si Andi sa bandang likuran ko. Napairap at napailing na lang ako sa inis.

"And now that it has begun

We cannot turn back

We can only turn into one"

Bigay na bigay din ako sa pag kanta. Ayokong mapahiya kay Wesley hindi sa gusto kong magpa impress hindi ko lang alam kung babagay ba ako bilang ka duet niya. Shet, pati kakayahan ko pinagdududahan ko na dahil sa mokong na 'to!

Napapangiti naman siya habang dahan dahang tumitipa sa piyano at maya't mayang sumisilip sa mukha ko. Gusto kong magtatakbo dahil ibang iba ang aura niya. Ang gwapo ni Wesley. Makalaglag panty.

"I won't ever be too far away to feel you

And I won't hesitate at all

Whenever you call..

And I'll always remember

The part of you so tender

I'll be the one to catch your fall

Whenever you call"

Sabay naming kinanta yung chorus na parang kaming dalawa lang yung tao sa sala. Sa loob ng ilang minuto para akong nahipnotismo sa ganda ng boses na naririnig ko. Titig na titig kami sa isa't isa habang binibitawan namin ang bawat linya ng kanta. Aaminin kong na surpresa talaga ako sa kanya. Nakaramdam tuloy ako ng kakaibang kaba habang kumakanta kami kanina.

*CLAP*

*CLAP*

*CLAP*

*CLAP*

*CLAP*

Dahan dahan akong pumihit patalikod at nakita ko si Manang Loida at kung hindi ako nagkakamali ang parents ni Wesley na nakatayo tabi ni Andi. Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Isang matangkad at gwapong lalake na mukhang nasa early fifties na nakangiti sa aming dalawa at isang magandang ginang na mukhang nasa late forties na panay naman ang palakpak at todo rin ang pagkakangiti sa amin ng unico iho niya.

Tumayo din si Wesley sa pagkakaupo at lumapit sa mga magulang para humalik.

"Mom, Dad my schoolmates Lucky and Andi." Pormal na pakilala niya sa amin bago lumapit sa mesa at kumuha ng maiinum.

"Good Evening po, Mister and Misis Ongpauco" magalang na bati namin ni Andi at sabay kaming nag bow bilang pagbigay galang.

'Nakakahiya naman ang sopistikado at sopistikada nilang tingnan. Buraot mukha kaming pulubi ni Andi.'

"Good evening iho at iha." Malumanay na bati ng Mommy niya.

'Iha? Aray di pala nila alam na beks aketch.'

"Iho siya ba ang nobya mo?" Magiliw na singit ni Manang Loida habang nakaturo sa direksiyon ko.

Biglang nabulunan at sunod sunod ang naging pagubo ni Wesley sa sinabi ni Manang Loida.

"Manang schoolmates ko lang po siya. And besides Lucky is not a girl." Napapakamot sa batok na paliwanag at pahina ng pahina ang boses niya. Bigla akong nakaramdam ng sobrang hiya pero i feel proud dahil hindi siya nahihiyang ipakilala kung sino at kung ano ang kasarian ko.

Nagulat si Manang sa sagot ni Wesley maging ang parents niya.

"Ano iho parang hindi ata malinaw ang pagkakadinig ko mula sayo."paglilinaw ni Manang Loida at bahagyang lumapit.

"Wesley anak, its rude to talk such kind of things infront of your friends. Your bad anak." Kontra kontra ng Mommy ni Wesley. Parang bigla ko tuloy na miss si Nanay sa katauhan ni Misis Ongpauco.

"Oo nga naman anak ang ganda gandang bata nitong si Lucky at ang husay husay pang kumanta bagay na bagay kayo." Saad ni Mister Ongpauco na mukhang hindi rin naniwala sa sinabi ng anak niya.

'Hala peste ano ba tong kinasasadlakan ko! Andi tulong!'

"That's the truth Tito Ric, Tita Sylvia." Nangibabaw ang boses ni Kenneth sa ere at lahat kami napalingon sa kanya. "Lucky is not a girl." Naka suot lang ito ng simpleng white shirt na abot siko ang sleeves na may print na mexican mustache sa gitna and paired with a cotton denim ripped shorts and white adidas shoes.

"W-WHAT?" sambit ng parents si Wesley sa harap namin.

"Kenneth is right Mom and Dad please nakakahiya naman kay Lucky." Nakangusong tugon niya sa mga magulang.

"Diyos kong mahabagin sa langit buong akala ko babae talaga siya. Sayang naman at pagkakagandang bata pa naman." Nanghihinayang na sagot ni Manang Loida.

"Bro, kailan ka dumating?" nakahinga ako ng maluwag dahil sa pag iiba ni Wesley ng usapan. Pero hindi siya nito pinansin ni Kenneth dahil kasalukuyang nakatingin ito sa akin.

Nagulat ako ng bigla akong nilapitan ng Mommy ni Wesley at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinitigan ako ng mabuti mula ulo hanggang paa. Kinilatis ang mukha ko hinawakan ang buhok ko. Kulang nalang bilangin ang pores at nunal ko sa mukha.

Napa kurap kurap ako ng mga 124 at hindi ako makagalaw dahil titig na titig silang lahat sa akin na para akong isang lab experiment. Para akong produkto na dumadaan sa mahigpit na inspection.

"This can't be real." At bigla ako inakap ng mommy niya. Mahigpit na mahigpit.

'Tita hindi po ako makahinga. Andres pengeng oxygen!'

Bumitaw siya sa pagkaka yakap. "Ahhhh Nakaka panghinayang naman.. I really like Lucky she's so pretty and her voice is so amazing." Parang teenager na hinaing ng mommy niya.

"How can you sing like that iha. You have such an amazing voice and a very pretty face." nakangiting sambit ng daddy ni Wesley paglapit.

'Ahh pano ko ba masasagot ang mga yun isa isa?'

"Mas marami pong mas talented na kagaya ko dito sa Pilipinas nagkataon lang po ako ang una niyong narinig." Nangangapang sagot ko sa mag asawa.

"But you're voice is exceptionally very beautiful. Hinding hindi ako magsasawang pakinggan iyon ng paulit ulit iha." Lubos na paghangang sabi ni Misis Ongpauco. Alam ko na ngayon kung saan namana ni Wesley ang pagiging expressive at ang weird personality niya.

"Yun din po ang first impression ko Mom, Dad nung first time ko siyang marinig kumanta sa school." Singit ni Wesley at panay ang ngiti.

"Ang ga-ganda ng boses niyo lalo na kapag sabay kayong kumakanta para akong nanunuod ng concert kanina." Kinikilig na sabat ni Manang.

"Salamat po. Pasensiya na po kung na confused po kayo sa itsura ko." Nahihiyang paumanhin ko sa harap nila.

"No worries Lucky. You're still charming and very very talented." Nanigas ako ng inakbayan ako ni Misis Ongpauco.

"Para saan ba itong nire-rehearse niyo anak?" usisa ng daddy ni Wesley.

"Sa Masquerade Party po Dad at may two song number kami ni Lucky." casual na sagot ni Wesley sa ama.

"Make us proud anak alam kong magiging maganda ang performance niyo ni Lucky." hinila niya si Wesley at inakap ito ng mahigpit. Umikot ang mata ni Wesley sa ginawa ng ina at natawa lang kami sa kanya.

"Sige na anak ituloy niyo lang ang rehearsal manunuod lang kami." Hinawakan ni Misis Ongpauco ang anak at inalalayan pabalaik sa harap ng piano.

'Paktay kadiha!'

"S-Sige po." Halos magkasabay naming sagot at nakita kong natatawa si Kenneth at Andi kaya pinandilatan ko sila pareho at umayos sila bigla ng upo sa sofa.

'Makatawa kayo kayo kaya pakantahin ko dito sa harap!'

Halos perfect na namin yung second stanza at sa last part na kami ng song nag start kung saan may kataasan ang mga tono.

Wesley:

And I will breathe for you each day

Comfort you through all the pain

Gently kiss your fears away..

Until now hindi parin talaga ako maka get over sa ganda ng boses ni Wesley. Mataas mababa very smooth ang boses niya. Dinaig pa ako sa husay mag falsetto at ang mga effortless na mga runs and drifts ng boses niya.

Me:

You can turn to me and cry

Always understand that I

Give you all I am inside..

Itotodo ko na 'to may audience akong mayayaman, matanda, payatot at ulikba. Kaya dapat magpakitang gilas ako. 399% ang ibinigay ko, so may sukli pa akong 101 so carry one plus 2 cannot be, borrow one equals fourty. Ching!

My part:

I won't ever be too far away to feel you

And I won't hesitate at all

Whenever you call..

Binigay ko ang tamang emosiyon at atake na naayon sa kanta. Dahil mataas ang part ko kailangan kong itodo ang vocals ko pero yung hindi mukhang sumisigaw. Kailangan ko lang i-push pa ang vocal chords ko dahil may kataasan talaga ang version namin. Humanda sakin yang si Ser Adam na yan ipapanguya ko sa kanya 'tong mga papel ng mga kantang napili niya.

At sa nakikita ko naman mukhang masaya ang audience namin dahil magkayakap pa ang parents ni Wesley. Si Manang na kumikinang ang mata sa tuwa. Si Andi naka nganga sa amin. Si Kenneth na titig na titig sa akin mula pa kanina. Sige lang titigan molang ako hanggang magsawa ka at pagkatapos saka mo ako sisihin sa kamasalang ipinasa ko sayo via your amazing ex girlfriend.

BOTH:

I won't ever be too far away to feel you

And I won't hesitate at all

Whenever you call

And I'll always remember

The part of you so tender

And be the one to catch you fall

Whenever you call, oh yes

Oh, whenever you call, whenever you call..

Mahinang pagtatapos namin ni Wesley. And i must say polishing na lang sa mga adlibs namin at pwedeng pwede na. Feeling ko lang, kasi nagpalakpakan sila at tumayo pa ang parents ni Wesley after naming kumanta. So it means pwede na.

"OH MY GOD! Wesley anak ngayon na lang ulit kita narinig kumanta. Ang laki siguro ng naging influence nitong si Lucky para mapakanta ka niya." Teary eye na lumapit sa amin si Misis Ongpauco at humawak sa kamay ng unico niya.

'Bakit? May nangyari ba noon at ngayon lang ulet siya kumanta?'

"Mom, kumakanta naman po ako dati pa diba?" pinanlakihan niya ng mata ang ina. "Madalang na nga lang kasi busy ako sa studies ko, remember?" Parang batang sagot ni Wesley. Hindi na ako magtataka na may pagka isip bata itong isa dahil masiyadong bine-beybi ni Misis Ongapuco.

"Pero hindi basta basta. Kahit nga kami ng Dad mo ayaw mong pagbigyan kapag pinapakanta ka namin." May tampong hirit ng mommy niya.

"Honey that's enough you're embarrassing you son." Natatawang awat ng daddy niya at sabay silang tumawa ni Kenneth.

"Dad!" saway ni Wesley sa daddy niya at pinandilatan niya si Kenneth.

"Lucky iha dito na lang kayo mag rehearse palagi ni Wesley para mapapanuod ko kayo ha." Malambing na request ng mommy niya.

"Kung okay lang ho sa anak niya Misis Ongpauco ang alam ko po kasi busy siya 'e." nakangiting sagot ko.

"Oh ayan anak pumayag kana. Ipaghahanda ko kayo ng espesiyal na meryenda sa susunod na mag practice kayo dito." Wala pa man na mukhang excited na si Misis Ongpauco. "And besides para makilala naman namin si Lucky ng mabuti. Diba Lucky?" ilang ulet niyang pinisil ang balikat ko at para akong mauutot sa sobrang kaba.

"Mom!" Namumulang sigaw ni Wesley. Hindi siya pinansin ng ina at nilapitan ako at inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.

"P-Po? A-Ano po yun Misis Ongpauco?" Nauutal kong sagot.

'Pinagpapawisan ako dito ah.'

"Tita nalang anak. Tita Sylvia. Aasahan ko kayo sa susunod ha?" Malambing na sambit nito. Lumapit si Wesley sa amin at humarap naman ang mommy niya. Hinalikan din sa magkabilang pisngi ang anak niya.

'Hala nakalimutan niya ba agad na hindi ako girl?'

"Sige na anak mag practice lang kayo at mauna na kaming umakyat ng Mommy mo para magpapahinga." Paalam ni Mister Ongpauco at saka nila kami iniwan sa malaking sala.

"Thank you po." pahabol ni Andi. "Grabe nakakatuwa naman pala yung parents mo Wesley." Masayang wika ni Andi.

"Oo cool yun sila Tito at Tita." Biglang singit ni Kenneth. Naiilang naman akong tumingin sa kanya.

Bakit ka na iilang? Don't tell me guilty ka parin sa nangyari sa kanya noong nakaraang araw?

Bakit ikaw ba sumampal sa kanya? Ikaw ba ang nagbuhos ng tubig sa mukha niya?

Yan ang sakit ko minsan eh, kapag kinakausap ko sarili ko at wala akong makuhang sagot madalas inaaway ko rin ang sarili ko.

"Tara sa pool side tayo dun nalang natin i-rehearse yung isang song at doon nadin tayo kumain." Yaya ni Wesley sa amin. Binitbit ko yung bag ko at yung mga papel sa keyboard. Sumunod kaming tatlo kay Wesley na naunang naglakad papalabas ng living room. Nang makating kami sa pool area parang batang nagtatatkbo si Andi sa paligid.

"Wow ang ganda ganda naman ng pool niyo. Parang feel ko maging sirena." Si Andi habang nakasilip sa pool kasama si Wesley.

"Huwag na baka maging palaka ka pa kapag lumusong ka." Biro ko kay Andi bago niya ibabad ang paa niya sa tubig at natawa naman yung magpinsan.

Lumapit ako sa pool side at ginaya si Andi na binabad ang paa.

"Bro, tugtugin mo naman 'to sa guitar ikaw muna kumanta ng part ko magpapahanda lang ako ng food naten." Walang nagawa si Kenneth ng i-abot sa kanya ang gitara at nagpalitan ang tingin niya sa amin.

"A-Ako ang kakanta?" nag aalangang sagot niya kay Wesley.

"Oo ikaw nga.." sunod niyang ibiniabot ang kopya ng kanta.

"Bakit ako? Ikaw na Wes." At agad ibinabalik ang papel sa pinsan.

'Kumakanta din siya?'

"Kumakanta ka din Kenneth?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Andi.

"Oo astig din ang boses niyan. Simple lang pero may hagod sa puso. Diba pinsan?" Siniko niya si Kenneth at sabay tumawa ng malakas si Wesley.

"Siraulo ka talaga. Dapat di na ako dumaan dito 'e." Napapailing na sagot niya.

"E bakit dumaan ka pa?" pinagtaasan niya ng kilay ang pinsan.

"Sabi mo dumaan ako dahil may bisita ka?" dinutdot niya ng gitara sa braso si Wesley. "Hindi ko naman alam na sila pala yung bisitang tinutukoy mo." Pahina ng pahinang dugtong niya.

"Bakit uwing uwi ka na ba nung malaman mong kami ang bisita niya?" sabat ko at pareho silang napatitig sa akin.

"Tss.. Kumanta ka na lang matutuwa pa ako sayo." Mahinang bulong niya. Saka sinimulang pag aralan ang kanta.

'Sungit sungit bagay nga sila ng gelpren niyang tatlong guhit. Tch!'

Maya maya tinipa tipa o kinapa kapa niya ang tono sa gitara. Tumango siya bilang hudyat na umpisahan ko na pero nakatitig lang ako sa kanya hindi ko kasi alam kung seryoso o pinagti-tripan niya lang ako 'e.

'Oh akala ko ba ayaw niya?'

"Ano magtititigan na lang ba tayo o kakanta ka?" pagsusungit niya.

"Pwede din.. ang unang kumurap pitik sa tenga." Pabirong sagot ko sa pagkahiya. Pinukulan niya ako ng blangkong tingin at inilapag niya sa tabi ang gitara.

'Kingenang 'to hindi na mabiro. Tulak ko kaya to sa pool?'

"Oo na kakanta na." Padabog kong dinapot ko ang kopya ko ng kanta. "Sungit mo.." mahinang bulong ko at inirapan niya ako.

"Dami pang sinasabi.." inirapan niya pa ako bago muling mag strum sa gitara.

'Tsk! Tsk! Tsk! Pasalamat ka ungas nandito ka sa teritoryo mo kundi durog yang yagbols mo!'

Me:

They say it's a river, that circles the earth

A beam of light shining to the edge of the universe

It conquers all, it changes everything.

Hmmm. Bakit ba parang ambilis kong humugot ng emosiyon sa mga kanta ngayon. Dala ba 'to ng pagiging heartbroken ko this past few months? May advantage din naman pala ang past experience ko kasi lahat ng kantang naririnig at kinakanta ko nakaka relate ako.

They say it's a blessing, they say it's a gift

They say it's a miracle

And I believe that it is

It conquers all, but it's a mystery

Love breaks your heart

Love takes no less than everything

Love makes it hard

And it fades away so easily.

'Ay trulalu neng yang LOVE na yan WARNEEENNG na sakin yan!'

Kenneth:

In this world we've created

In this place that we live

In the blink of an eye the darkness slips in

Love lights the world

Unites the lovers for eternity..

Literal akong napanganga habang kumakanta siya. May hagod yung boses niya para kang nagpapak ng Vicks Vapor Rub sa ginhawang dala nito sa tenga.

'KINGENANG MGA TO ANG GU-GWAPO ANG HUHUSAY PANG UMAWIT!'

'Ano bang ginawang kabayanihan ng mga 'to nung past life nila at buhos buhos naman ata ang biyaya nila ngayong present life nila!'

Kitang kita ko ang pagkamangha at paghanga ni Andi. Napanganga rin siya eh. Yung tipong kaya niyang isubo ng buo yung gitara na hawak ni Kenneth.

'Love breaks the chains

Love aches for everyone of us

Love takes the tears and the pain, and it turns it in--

To the beauty that remains..'

'Ang sakit beshie!'

Grabe ang boses ni Kenneth nakakapanlabot ng tuhod. Hindi man kasing husay ng kay Wesley in technical way pero yung emosiyon ng kanta kuhang kuha niya. May kakaibang hagod talaga 'e, yung tipong may malalim na pinanghuhugutan kagaya ko kanina.

'Sa bagay ikaw ba naman sampalin ng hard ex mo tapos buhusan pa ng tubig sa harap ng lahat madla sinong hindi mapapakanta ng ganito kaganda? Tss!'

Hindi ko mapigilan ang sarili kong titigan siya habang kumakanta. Nakakadala kasi yung kakaibang lungkot ng boses at yung pagkurap ng mahahabang pilik mata niya. Parang unti unti akong hinihila papalapit sa kanya. Gusto ko siyang hawakan sa mukha. Gusto kong malaman kung gaano kalambot at kainit ang pisngi niya. Nakaka engganyo kasing tingnan ang bawat shift ng facial expressions niya.

Yung pagkibot ng labi niya.

Yung lungkot ng mata niya.

Yung pagka raspy or husky ng boses niya.

Ito ata ang unang beses na matitigan ko siya ng malapitan ng hindi ako nakaramdam ng pagkailang. Kenneth is very intimidating. Yung tipong mahihiya kang i-approach siya dahil pakiramdam mo ang taas taas niya. Yung feeling na na meet mo yung pinaka iidolo mong artista tapos sobrang na starstruck ka at hiyang hiya kang kausapin o lapitan siya. Ganern!

He always look serious lalo't palaging magkadikit ang mayka-kapalang kilay niya. Gwapo pero may attitude ang aura, mukhang mananapak kapag nahuli niyang nakatingin ka. Yun ang first impression ko sa kanya. Hindi na yun nabago mula ng makilala ko siya. Well, first impression lasts masisisi niya ba ako?

But on a lighter side.. Kenneth is very attractive. He's face looks innocent and fresh. He looks like a baby na pinilit na mag matured o mag teenager. He's tall with a slender body. He's bashful smile is very charming. Siya lang yung nakita kong ngumiti ng sarkastiko na ang cute cute at sexy ng dating. His annoying dark brown eyes that always rolled upward everytime we stared to each other.

Me:

Look at this place

It was paradise, but now it's dying

I'll brave the love..

Kenneth:

I'll take, my chances that it's not too late...

Bakit ngayon ko lang napansing ang cute niya pala? Oo gwapo si Wesley as in... pero ibang kaso ang charm ni Kenneth. May ex factor siya na tinatawag. Yung tipong kahit wala siyang gawin ang lakas lakas ng dating niya. No wonder lalong napupunit ang mga bibig at hiwa ng mga mahaharot na babae sa Carlisle dahil sa pagiging hottie and sexy ng dating niya. Ang sarap niyang panuorin at hindi mo siya pagsasawaan.

'Lord bakit kayo ganyan. Kung gagawa kayo ng tao yung sapat lang po sana, huwag naman pong ganito maraming mapapaiyak 'to e.'

Lucky & Kenneth:

Oh oh oh

Love brakes the chain

Love aches for everyone of us

Love takes the tears and the pain, and turns it in

To the beauty that remains..

At natapos din namin yung kanta at pumalakpak ng pumalakpak sina Wesley at Andi.

"Wait sagutin ko lang yung tumatawag sa phone ko." biglang napatayo si Wesley habang dinudukot ang phone sa bulsa.

"Sabay ako Wesley magsi-CR lang ako. Excuse me guys and gays!" Saka nagmamadaling sumunod kay Wesley.

Isang matinding katahimikan ang namagitan sa amin ni Kenneth. Inabala ko ang sarili ko sa mga papel sa kamay ko.

'Juice ko, bakit ba hindi nila ako isinama?'

Napatikhim ako habang kunwaring nagbabasa. Maygad ayokong mapanisan ng laway kailangan kong ibuka ang bibig ko kahit papaano.

"So, nagustuhan mo ba yung nakita mo kanina?"

'Nakita saan?'

Pakiramdam ko may nagcrack sa leeg ko ng mag angat ako ng tingin sa kanya.

"A-Alin? Anong nakita ko?" painosenteng tanong ko kahit kinakabahan.

'ENGOT! nahuli niya kayang nakatitig ako sa kanya kanina?'

"Kung makatitig ka kasi sa akin kanina parang gusto mo na akong i-uuwe 'e." Natatawang sagot niya. Suddenly parang gusto kong sumisid sa pool, idikit yung papel sa pinaka ilalim at dun ako kumanta.

"Tss.. Guni guni mo lang yun." Kalamdong sagot ko pero nilamon ako ng kaba. Kinangena di ako sanay ng ganito!

"Ahh kaya pala napapangiti kapa habang titig na titig ka kanina." Tatango tangong tugon niya habang nilalaro ng isang daliri ang sarili niyang baba.

'Wow ahh nagwapuhan lang ako humangin na?'

"Bakit ng mahuli kitang tinitigan ako kanina sa loob kinuwestiyon ba kita?" pilit kong kinakalma ang sistema ko. Ayokong makahalata siyang naiilang ako sa paraan ng pagtitig niya ngayon.

'Adik 'to siya nga kanina kung maka titig sa akin sa sala wagas.'

"Tinitigan ba kita?" hiyang hiya ang anghel sa kainosentehan niya.

"Oo mga twenty minutes ata?" bahagyang napatingala at nagkunwari pa akong nag isip.

"At paano mo naman nasabi 'e hindi ka naman nakaharap sa akin?" sabay pag angat ng gilid ng mapulang labi niya.

"Wala nararamdaman ko lang.." sabay kindat at pinandilatan niya ako ng mata.

"Asa ka naman Gonzaga!" singhal niya.

"Tss! Kundi pa kita nahuli hindi ka pa mag iiwas ng tingin."

"Baliw.. maalala ko lang yung kanta favorite kasi yun ng mommy ko." At nag iwas ng tingin. Ewan ko kung nagpapalusot lang siya pero may bahid ng lungkot ang boses niya.

"Nabigyan ko ba ng hustisya yung kanta?" Birong tanong ko at saka siya nag angat ng tingin.

"Pag sinabi ko bang Oo, aaminin mong tinititigan mo ko kanina?" Nanghahamong sagot niya.

"Oo at Hindi lang ang sagot Kenneth. Mahina ka pala sa Math eh." At bigla siyang natawa sa biro ko.

"Nauna akong magtanong sayo." nirolyo niya yung dalawang bond paper at ipinanduro sa akin.

"Sagutin mo muna ako!" hirit ko baka sakaling makalusot.

"Manligaw ka muna..." Ganting biro niya at pinandilatan ko siya. Hindi ko inaasahan ang isasagot niya at para akong tangang napatitig sa kanya. Ano daw yun ulet? Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon sa harap niya. Pero sa reaction niya at sa malakas niyang tawa malamang kahiya hiya.

Sinabuyan ko siya ng tubig galing sa pool habang tumatawa siya. Peste, ano bang nangyayari sakin nakita ko lang siyang tumawa ngayon natutu-laley na naman ako bigla. Naninibago lang siguro ako dahil sanay akong nagsusungit siya at salubong parate ang kilay.

*TUGDUG*

'NO WAY!'

*TUGDUG*

'JUICE COLORED!!!!!'

*TUGDUG*

"Oo nakatitig ka na naman." Panunukso niya at biglang uminit ang pisngi ko sa hiya.

"Mukha ka kasing tanga!" masungit na sagot ko at ipinaghampas ko sa kanya ang nakarolyong papel.

"Oo na Oo na nabigyan mo ng hustisya. Masaya ka na?" Natatawang sabi niya pa habang nakaharang ang dalawang braso sa mukha niya.

"Anong problema nito, kinakabahan ako sa ipinapakita niya. Grrr!'

"Anong OO NA, OO NA!? Kayo tumae lang ako nagligawan na kayo!" Biglang sulpot ni Andi sa dilim. Natahimik kami ni Kenneth. "Oh natulala na kayo? Sabi ko natae lang ako nanahimik na kayo bigla?!"

'Kingenang 'to ang tibay inulet pa.'

"Katakawan mo Andres, nakakahiya ka dito ka pa nagkalat sa Loyola Grand Villas!" sumbat ko sa kanya.

"Eh san mo gusto sa highway mamaya pag uwe naten?" At biglang tumawa si Kenneth sa sagutan namin ni Andi. "Ewan ko ba wala nga ako halos nakaen pero nagloko pa ang tiyanena ko!" sabat pasalampak na umupo sa pool side. Wala daw 'e halos maubos niya nga yung dalang meryenda ni Manang Loida kanina sa sala.

"Ases ases! Sa laki niyang kaha mo malamang kumota na para sa limang taon ang pozo negro ng mga Ongpauco!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ni Kenneth habang nakahawak sa tiyan.

'Tsk! Magpinsan nga kayo ni Ongapauco!'

"Huwag ka masiyadong tumawa mauutot ka sige ka." Seryosong sabi ko. Biglang siyang tumigil sa pagtawa at nginusuan ako pero maluha luha na ang mga mata niya.

"PRRRRRRUUUUUUUUUTTTTT!!"

Nagkatinginan kami ni Kenneth bago kami napatingala. Ano yun kulog o kidlat?. Senyales na hindi kami ang pinanggalingan ng tunog. Maya maya namaho ang hangin. Nakakalasong hangin na posibling ikapahamak ng lahat ng may buhay sa paligid. Nang magtama ang mata namin sabay kaming umiling sa isa't isa.

Paglingon namin kay Andi nakatakip ang dalawang palad nito sa bibig at bigla siyang tumayo at tumakbo papasok ng malaking bahay ng mga Ongpauco ng sapo sapo ang matabang puwet niya.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sabay at malakas na sigaw namin ni Kenneth sa isat isa. Nagka untugan pa kami ng ulo kakamadali naming tumayo dahil sa napakabaho at nakakalasong amoy na iniwan ni Andi. Magkahawak kamay kaming tumakbo papalayo ng pool area. Nagkanda ubo at nagduduwal kami pareho sa sinumpang utot ni Andi habang nagpagulong gulong kami sa damuhan. Taena! Nanaisin ko pang lumanghap ng usok ng sasakyan sa Edsa!

Tamang tama naman ang pagdating Wesley at nagulat siya ng makitang wala kami sa pool area.

"Bro! Huwag diyan! Huwag diyan!" malakas na sigaw ni Kenneth at kumukumpas pa ang kamay sa ere na huwag lumapit dun at kunot noong tumuloy parin si Wesley.

Paglapit niya sa pool area. Napatakip siya ng dalawang palad sa ilong. Ilang ulet na naduwal bago tumakbo papalayo hanggang nasuka sa gilid ng halamanan nila.

'Tae ka Andres isa kang ALAMAT!'

To be continued..

To watch the video please click the link below.

Song Title: Whenever You Call by Brian McKnight and Regine Velasquez

(Wesley and Lucky)

https://youtu.be/Vw_Xcl8DxKM

Love Is by Brian McKnight and Regine Velasquez

https://youtu.be/n8hxvQRB9R0