Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

"The Words Left Unspoken"

Heart_Lover
--
chs / week
--
NOT RATINGS
36.1k
Views
Synopsis
Isa karin ba sa pinaasa at umasa? Pwes para sayo ang Poetry na ito.
VIEW MORE

Chapter 1 - Umaasa

Ilan na nga bang babaeng umasa?

Umasa sa walang kwentang pagmamahalan kung ang katapusan ay iiwan kang luhaan at nasasaktan.

Mahal ka ba talaga niya?

O pinaasa kalang niya at ipinag-yabang sa iba na para bang bagong laruan na kapag nasira ay makabibili din ng iba.

At ikaw naman tong si tanga umasa sa pinagsasabi niyang "Mahal kita" at "Ipaglalaban kita".

Akala ko lang pala lahat ng sinasabi niya.

Lahat yon ako'y umasa na mababalik ang araw na sinabi mong "mahal kita" Pero ang lahat ng iyon ay alaala nalang nating dalawa.

Alaala na gusto kong balikan pero kahit kailan man ay hindi ko na mababalik pa, Sa bawat salita mo ay Umaasa ako na para talaga tayo sa isa't isa at wala ng makakahadlang pa.

Gusto ko man isabay ka sa lahat ng bagay ay hindi ko na magagawa dahil ako'y umasa lamang at ang masaklap pa ay meron kanang iba.

Gusto kong umasa na balang araw ay babalik ka at sabihing "mahal pa din kita" at "patawad kung nasaktan kita" pero ang lahat ng aking pangarap ay hanggang umasa nalang talaga.