Day 2
3:45 a.m.
Recka: Ang naaalala ko
Recka: Matutulog na sana ako nung time na 'yon tapos may narinig nalang ako na kaluskos sa labas ng kweba.
Recka: Kaya tinignan ko kung ano yun.
Recka: Tapos nagulat nalang ako kasi may nakita akong tao.
Recka: Then, akala ko isa siya sa mga survivors pero nung nilapitan ko
Recka: 'Di ko na ma-identify kung tao nga talaga ba siya or what. Tapos bigla niya na lang akong hinabol, kaya tumakbo ako.
Recka: Natakot talaga ako nung mga oras na 'yon. Pero natatandaan ko pa rin ang hitsura niya.
Recka: He looked like some kind of mutant. Kasi may katawan siya na katulad ng tao. Kaya nga akala ko nung una na isa siya sa mga survivors eh.
Recka: Pero hindi pala. Kasi yung ulo niya ay parang ulo ng alien. May 4 siya na mata. Tapos iba yung shape ng mukha niya. Meron din siyang parang mga peklat sa buong mukha niya.
Recka: I know it's impossible pero totoo talaga ang sinasabi ko.
Recka: Tapos yung bunganga niya naman, punong puno ng kulay pula. I think its blood.
Recka: Kasi may hawak hawak siya na kamay tapos may tumutulo doon na parang blood. I'm sure of it.
Rade: ...
Recka: Wait. You don't belive me. Do you?
Rade: Alam mo...
Rade: Mahirap naman kasing paniwalaan yung kinuwento mo
Rade: There's no such thing as that
Rade: Siguro maniniwala pa ako kung sinabi mong nakakita ka ng isang panda
Rade: Pero mutant?
Rade: Oh come on. Siguro nga talaga prank lang ang lahat ng 'to.
Recka: No!
Recka: Hindi ito prank! Please believe me. I really need your help. Totoo lahat ng sinasabi ko!
Rade: Just stop okay?
Rade: Now. Sabihin mo sakin kung saan mo talaga nakuha ang phone na ginagamit mo? Ninakaw mo yan 'no? Nasaan si Recka?!
Recka: Rade! I already told you! Nagcrash nga yung plane na sinasakyan namin! At napulot ko lang 'tong phone! Ba't ba ayaw mong maniwala?
Rade: Fine.
Rade: Kung ayaw mo talagang sabihin kung nasan siya. Then I'll find her myself.
Recka: No Rade! Please help me! Ikaw lang ang nag-iisa sa contact ng phone na 'to! Hindi ko rin matawagan ang relatives ko. Kaya ikaw nalang ang nag-iisang pag-asa ko.
4:40 a.m.
Recka: 60% nalang ang battery ng phone ni Recka. Pagnalow battery ito. Wala ng makakahanap pa sakin
5:51 a.m.
Recka: Rade.
Recka: Please magreply ka naman oh.
Recka: Parang awa mo na