Nanginginig man ang tuhod ay sinikap kong makahakbang mula sa pagkakalugmok sa kama. Napangiwi ako nang makaramdam ng sakit sa bandang hita. At napanganga nang makita ang pagdaloy ng pulang likido sa aking hita.
"Go back to your bed." isang boses ang biglaang sumulpot kasabay ng pagbagsak ng pintuan.
Natumba ako sa gulat lalo na nang makita kung sino ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Wala siyang suot pangtaas at tanging jogging pants lang na itim ang suot pang-baba Ang seryoso niyang tingin ang pumukol sa 'kin.
"Ervien.." 'di makapaniwalang napanganga ako.
Si Ervien na isang tahimik na varsity sa college building. Isang lalakeng laman ng usapan ng mga kababaihan. Pa 'no ba naman kasing hindi?
Isa itong full Italian guy na misteryoso ang pagkatao. Bali-balita sa highschool building na pinag-aaralan ko ang tungkol sa kanya. Maliban sa gwapo ito at pantasya ng mga kababaihan sa building namin.
Matalino rin daw. Lahat na yata ng positive comments ay narinig ko na sa kanya. Iilang beses ko lang siyang nakita sa campus dahil magkatabi ang college building at ang highschool.
Pero isang bagay ang hindi nila nalaman tungkol kay Ervien Zoes Harvoc..
Isang bagay na ako lang ang nakakaalam.
"Let's eat." anito sa malamig na boses.
Doon ko lang napansin ang bitbit niyang tray ng pagkain. Swabe ang mga galaw nito maging ang paglapag nito sa naturang tray ay tila effortless.
Tila wala itong ginawang kawalanghiyaan sa 'kin. Gusto ko umiyak sa inis, gusto ko siyang sigawan pero hindi ko kaya. Lalo pa at natatakot na ako sa kanya ngayon.
"Ikaw ba?" nanginginig na sabi ko.
Napatigil siya sa ginagawa at nanatiling nakayuko. Nagdidilim ang aura niya at tila ano mang oras ay sasakmalin niya ako.
Hindi siya sumagot at nakayuko pa rin. Silent means yes, di ba? So, ibig sabihin siya nga! Siya nga talaga ang may gawa sa 'kin nito.
"Bakit?" tumulo ang luha ko.
"Shut up and go back to your bed." maawtoridad ang boses niya.
Umiling ako. Ayoko! Uuwi ako! Tatakas ako!
Nanginginig man ang tuhod ay hinigpitan ko ang kapit sa kumot at akmang hahakbang. Ngunit nahuli niya ang pulsohan ko at napangiwi ako sa sakit.
Doon ko nalamang marami pala akong pasa doon. Mga marka ng kamay na tila mahigpit na hinawakan at pinanggigilan.
Sinalubong ko rin agad ang madilim niyang mga mata na nakatitig sa 'kin ngayon.
"Please uuwi na ako.. Parang awa mo na." ani ko at nanatiling tumutulo ang luha.
Ngunit nanatiling malamig ang aura niya. Ni hindi bumakas ang kunsensya doon.
"Don't made me repeat it, so go back to your bed, Saonna."
Napanganga ako sa gulat. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Imposibleng malaman niya ang pangalan ko gayong hindi niya naman ako napapansin.
At isa pa..
Isa lang ako mahirap na student assistant sa school. Nagtatarbaho sa gabi at nagtatarbaho sa school sa umaga para makapag-aral.
Kung tutuosin mababa pa ako sa pinaka-mababa. Pero paano niya nalaman ng pangalan ko?
Napaigik ako nang itulak niya ako pabalik sa kama. At nagulat ako nang may kunin siyang posas sa side table at ikinabit sa isang kamay ko at sa grills ng head board ng kama.
"Bakit mo 'to ginagawa? Anong kasalanan ko sa 'yo?" nanghihina na tumingin ako sa kanya.
Wala akong naalalang may ginawan ako ng masama sa school. Ang totoo nga niyan ay wala akong nilalabanan kahit pa inaalipusta na nila ako.
Hindi ako lumalaban dahil ang iniisip ko ay ang pag-aaral ko. Tinitiis ko ang lahat kahit pa napakababa ng turing nila sa 'kin. Ayokong magka-aberya ang buhay ko. Gusto ko lang naman ng tahimik na pamumuhay.
Pero ano itong ginagawa niya sa 'kin? Pa'no niya nagawang pakialaman ang pagkababae ko? Hindi porque may itsura siya at kaya niyang lokohin ang mga kababaihan sa school ay gano'n din ang gagawin niya sa 'kin.
Bakit? Gano'n ba ang tingin niya sa 'kin?
"Ano bang nagawa ko sa 'yo? Bakit mo ginawa sa 'kin 'to?"
Ilang minuto siyang hindi umimik at tanging mga paghinga lang ang naririnig ko.
"You made me want you, iyan ang kasalanan mo." malamig niyang sabi.
Tulalang napatitig ako sa walang emosyon niyang mga mata.
"You don't know what I feel when i'm seeing you talking to others. At wala akong magawa habang nakatayo sa malayo at tinitingnan ka. You don't know how I wanted to punch their nose everytime I catch their glimpse on you.."
At mas lalo pang nagdilim ang anyo niya. Para siyang prinsepe ng kadiliman na handang pumatay ng kahit na sinong makita niya.
"I'm selfish, Saonna. I don't share what's mine." at tinitigan niya ako sa mata.
"Ang akin ay akin lang, and now that you're here.. Don't expect me to show you the things outside this mansion.. you'll remain inside this room.. you'll remain only for my eyes."
Napaawang ang labi ko sa mga sinabi niya. At sinulyapan niya ang dugo sa hita ko sa kobre ng kama. Umangat ang sulok ng labi niya na nagbabadya ng multo ng nakakatakot na ngisi.
"And I marked you already."
***
D.O.