@International_Pen
CHAPTER 502
((( Jude POV's )))
Pinabibilib ako ni Jeff. Nilalabanan niya ang mga aksidente na malinaw kagagawan ko nga. Hahaha. Ibang klase talaga.
Pero ngayon sa nalaman ko wala siyang kawala. masisira ng tuluyan ang kompanya niya dahil sa kapatid ni Missamy na nakaratay nga ang katawan sa ibang bansa na inililihim sa lahat. Ewan lang kung alam nga ba ito ni Missamy.
Well done Jeff, this is a checkmate round.
Dinalaw ko nga ang kapatid ni Missamy. Napa-access ako dahil nadadala naman ang lahat sa pera, o kung hindi sa pananakot.
Nalaman ko din na alam na nga ni Missamy ang tungkol dito.
Pina-imbestigahan ko ang nangyari at sa siniswerte ka nga naman makakakuha ka ng patunay na ikakagalit ni Missamy kay Jeff. Ito ang bagay na di sinasabi ni Jeff kay Missamy. Sige, pagtakpan mo pa ang baba emo Jeff. Mahal mo si Missamy. I know. But you don't deserve her. I will win Missamy over you.