@International_Pen((( MISSAMY ))) Dahil sa tension na nangyari sa pagitan ni Jean at Jeff… heto kami pinalabas ng dis-oras ng Elder. Maghugas dili daw yung dalawa. Di sana ako kasama, kaya lang hinila na ako patayo ulit ni Jeff… bakit ako isasama niya di naman ako belong. Tsk.Ang mag-asawa nga naman laging magkasama. Magkatuwang sa hirap man o ginhawa.Andito kami sa napakagandang hardin. Naexcite ako sa ganda at iniwan ko si Jeff, para lang kumuha ng mga picture ng bulaklak. Bahala siya magpakamatay. Suicide ka na Jeff, nang makuha koo na ang tumatakinting na Ten Million Pesos. Ayieee.. Gusto ko yan. Magaganda na nga ang bulaklak… mababango pa. Selfie mode. Laki ng mukha ko. Napalingon ako kung asaan si Jeff, ayun ang layo ng iniisip, kailangan ata gisingin sa totoong mundo. "Jeff my labs!" tawag ko sa kanya… Opss. Mali na naman. " I mean binagsakan ng Mundo!" Yeah… Missamy Charm… galing mo talaga mag generate ng pangalan. Bagay na bagay sa kanya. At lumingon din.