@International_Pen
@International_Pen ((( JAY ))) Nasa loob ako ng opisina, at naiwan kami, habang yung dalawa kailangan talaga munang mag-usap. Halatang masaya ang Elder at si kapatid ni Master Jeff. May naamoy ako sa kanila. May nalalaman ba sila? At bakit ganito nga sila kasaya? Nang tumunog ang phone ni Master Jeff, at ang lumabas sa screen nito ang mukha ni Miss Ivy. Titignan sana ni Master Shin, ng ako na itong kumuha at sinagot ko sa labas na kunyari phone ko nga. Shit. Mabubuko sila ng dahil kay Ivy. "Jeff? Ano to…""Madam Ivy, wala dito si Master Jeff." Na siyang ikinasagot ko. "Asaan siya?." "Right now Madam Ivy, nasa kalagitnaan nap ag-uusap kasama ang Elder." Sinabi ko na para maintindihan niya na di kailangan muna na atupagin siya ni Master Jeff, at namalayan ko na nga lang ibinaba niya ang phone.