Hindi ko parin alam kung paano ko haharapin bukas si zack, pag nakasalubong ko sya sa campus... este pag nagkita pala kami sa library
Bahala na nga si batman, mag sosorry nalang ako or sana dedmahin nalang nya iyong mga narinig nya over the phone... sana
Maaga akong gumising para pumasok, Mag start na pala ngayon ang student council campaign, tiyak na maraming gagawin ang boung klase namin, paniguradong mag papatulong din si aika sa mga gawain nya.. member kasi sya ng student council namin, while ako naman plain scholar lang (Academics)
Hindi ako mahilig sumali sa mga organization, iniisip ko kasi dagdag gawain lang yun, saka mahina loob ko sa mga public speaking/team building at pakikisalamuha sa ibang estudyante.. sobrang mahiyain kasi ako
Naglalakad na ako sa hallway, Kanya kanyang kampanya ang mga kandidato ng student council, may kanya kanyang organisasyon din na nagre-recruit ng mga kapwa estudyante, inignora ko nalang ang mga yun, wala naman kasi akong balak na sumali sa kahit anong organisasyon.. tinignan ko ulit ang paligid, hindi ko makita si aika sobrang magulo ngayon ang campus..
Nagpasya akong pumunta nalang sa library, tiyak doon lang ang tahimik na lugar
Papunta na ako ng library ng may babaeng nag abot sakin ng flyers sabay sabi ng
Hello po,
Please vote us this coming election...
Thank you
Ngumiti lang ako sa kanya..
itatapon ko na sana ang flyers ng makita ko sa pinakataas ang pangalan ni zack
Zack Sanchez for President
naka highlight at bold ang pangalan nya, nagulat ako... running for president of student council pala sya,, wala naman siyang nabanggit sa akin
Pumunta ako ng bulletin board para kumpirmahin kung tatakbo nga sya
naka paskil doon lahat ng mga pangalan ng mga opisyal na kandidato para sa susunod na student council
3 ang kandidato ng student council president
nakalagay doon ang pangalan ni zack, totoo ngang tatakbo sya, bigla akong nabahala
Oo matalino si zack, pero tulad ko rin sya, mahiyain at wala kahit isang organisasyong sinalihan simula pa ng mga nagdaang taon,, at ang mga kalaban nya ay kilala sa campus, magaling din sa academics at presidente ng maraming organisasyon, siguradong madaming estudyante ang nakakakilala sa kanila, kaya kahit konting push lang ng pangangampanya tiyak mananalo sila...
Nababahala ako, anong laban ni zack sa kanila
Mananalo kaya sya?
Ayokong ma frustrate siya pag natalo sya,
achiever si zack academically at alam ko ang taas ng expectation sa kanya..
Pero ano nga ba ang magagawa ko para sa kanya?
napabuntong hininga na lang ako, ano bang pinag aalala ko? ano bang mga iniisip ko?
Hindi naman niya ako jowa....
Ipinasok ko nalang sa bag ang flyers
nagtungo na ako sa library, nakita ko si zack seryoso ang kanyang itsura, hindi tulad ng dati na palaging matamis na ngiti ang bumubungad sakin
Hello, nakangiting bati ko sa kanya
hindi sya sumagot, tinignan ko syang mabuti
tulala si zack, hinila ko ang upuan sa harap nya dahilan para bumalik sya sa wisyo
Hi hanah! bati nya sakin
sorry hindi kita agad napansin
Ok lang, sagot ko sa kanya
Namagitan sa amin ang mahabang katahimikan
ng hindi ko na matiis, tinanong ko sya bigla
Sumali ka pala sa student council?
Napatingin sya sakin at tumango lang,
may bahid ng lungkot at pag aalala sa kanyang mukha
Tinanong ko sya ulit, habang seryosong nakatitig sa kanyang mga mata, gusto kong maging totoo sya sa isasagot nya, at kung hindi man atleast mababasa ko ang emosyon ng mga mata nya, gusto ko lang malaman ang makapagpapasaya talaga sa kanya
Hindi ako sanay na makita syang tulala o nababahala, nasasaktan ako pag nakikita kong malungkot sya
Gusto mo ba talagang manalo? tanong ko sa kanya
Ngumiti sya sakin na may kislap sa mga mata
Oo naman, syempre!!
Sapat na ang mga narinig ko, alam ko na ang dapat kong gawin, hindi ko inaasahan na magiging honest ang sagot nya, ibig sabihin komportable sya sakin na pwede syang magpakatotoo sa sarili nya
Ngumiti ako sa kanya,, Sabay tawa
Hahahaha, Mananalo ka nyan, promise
Tiwala lang :)
Talaga ba? Sana nga..
Salamat nga pala Hanah, gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi mo
Your welcome.. nakangiting sagot ko, sabay tayo sa upuan, nagpaalam nadin ako
Nga pala may gagawin pa ako, kita nalang ulit tayo bukas, nagmamadali na akong lumabas ng library
Bumalik ulit ako sa bulletin board para tignan ang deadline ng campaign, 3 days pa simula ngayon..
pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko lahat para manalo sya, wala akong inaksayang oras , pagkatapos na pagkatapos ng klase ko, pumunta agad ako sa computer shop para magpa xerox..
pina xerox ko ang flyers na binigay sakin kanina
Bukas na bukas, aagahan kong pumunta ng school para mangampanya, alam kong wala akong karapatan para gawin to, hindi man nya ako jowa pero gusto ko syang tulungan manalo
hinanda ko nadin ang aking sarili sa pambubully ng mga kaklase ko, ini-expect ko na talaga iyon
lalo na ikakampanya ko din sa kanila na iboto nila si zack ..
Maaga akong nagtungo sa school, wala pa sa library si zack, at sana hindi nya malaman ang gagawin ko, nahihiya ako, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag pag tinanong nya kung bakit ko ginagawa to
Hindi talaga ako friendly at maboka, kaya naman ng tumayo ako sa hallway at mag abot ng flyers, bakas sa mukha ng ibang estudyante ang pagtataka...
Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa, inapproach ko sila ng mahinahon, para makumbinsing iboto si zack
Medyo madali ito kesa inaasahan ko, for zack's sake, gagawin ko lahat..tinext ko ang tatlong nanliligaw sakin sa ibang department... sikat din sila sa campus, kaya kung magpapatulong akong ikampanya si zack, tiyak na makakuha sya ng malaking porsyento ng boto
May mga naging friend din ako sa ibang year, lahat ng koneksyon ko, ginamit ko na... kinampanya ko nadin sya sa mga kaklase ko, walang humpay na pambubully ang inabot ko,,
Ayiieeeeeee..si Hanah ... may jowa na sya, ayieee ang sweet.. sigawan nila... sobrang effort ah
iyong iba naman ang sinasabi, hoy feeling jowa ka, nagpapagod ka lang dyan
kampanya dito, kampanya doon... last day na kasi ng kampanya.. kailangan all out na ang effort ko
Hindi ko na inalintana ang sariling hiya at kung makita man ako ni zack, I'm doing this for his sake, i know kailangan nya ng tulong at kahit magalit sya sakin, ok lang... basta't alam ko ito ang makapag papasaya sa kanya
Sobrang pagod akong umuwi, bukas na ang eleksyon, andami kong natanggap na message mula sa kanya...
Simpleng menshe lang ang nireply ko...
Hello din
See you tommorow, Good night
All is well ^_^
alam kong nag alala sya sa eleksyon.. gusto kong sabihin sa kanya na mananalo sya at 100% sure ako dun , pero ayokong malaman nya na ikinampanya ko sya ..
Kinabukasan, tingnan ko ang bulletin board
Result of Election
President : Zack Sanchez majority vote
Sobrang saya ko na parang ako ang nanalo, tinext ko lahat ng tumulong sakin sa campaign at nagpasalamat...
Tinext ko din si zack para batiin..