Chereads / Naive love / Chapter 2 - Chapter 2 Boring na pagkatao

Chapter 2 - Chapter 2 Boring na pagkatao

Sa wakas !!! patapos na ang second sem, Bakasyon na naman at sobrang excited na ako... Food trip, magbabasa ng mga manga/manonood ng anime... Finally... paalam na stress

Ako nga pala si Hanah Izumi... half filipino, half japanese.. laking probinsya, naghiwalay ang parents ko noong 3 yrs old palang ako at kinalaunan namatay si mama

Tita ko na ang nagpalaki at nag alaga sakin simula ng namatay si mama

18 yrs old na ako ngayon, 3rd year college,

working student

Mahiyain, introvert, weird, tahimik mapag isa at manang.. ganyan ako ilarawan ng mga kaklase ko...

Hindi kasi ako fashionista unlike ng mga ka edad ko ..ang manang ko kasi magdamit, palaging naka back pack at nakatali ang buhok, mahilig din ako magsout ng mga elepanteng kupas na pantalon, at polo shirt, sobrang simple ng itsura ko, physically naman maputi, matangkad, payat, tsinita..

at sa attitude, hindi naman talaga ako ganun ka tahimik, mas gusto ko lang talaga mapag isa... lalo na at puro complain lang naman tungkol sa personality ko ang mga naririnig ko sa kanila..

love life status:

sa sobrang boring ng pagkatao ko, no wonder nbsb ako, never padin akong nakipag date, takot ako sa mga lalaki, actually i don't believe in love ewan ko ba, siguro dahil broken family kami,

based from experience nadin siguro, best example na ang parents ko.. kaya wala akong tiwala sa love na yan, para sakin hindi sya nag eexist, hindi padin naman ako naiinlove at wala din akong interest sa love kaya prinomise ko sa sarili ko na never akong mag boboyfriend or maiinlove..

Chase dreams not guys, yan ang goal at motto ko

Hanggang sa mag krus ulit ang landas namin ni Mr.laging nagmamadali